KAHIT masakit sa kalooban ay naisipan ni Marco na lapitan si Athena para bigyan ito ng comfort. Pero bago niya iyon ginawa ay dumistansya muna siya kay Athena para sa isang tawag na kanyang gagawin. Siniguro niya na hindi siya maririnig ni Athena at hindi siya nito maramdaman na nandun lamang siya sa likod nito sa di kalayuan. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya at gumawa ng tawag sa taong pinagkakatiwalaan niya. “Gaya ng pinag usapan natin kanina, walang magbabago sa desisyon ko sa ngayon, gusto ko siyang pahirapan kaya pagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo.” Pagkatapos sabihin ni Marco iyon ay agad niyang tinapos ang tawag at binaba ang cellphone niya at binalik ito sa bulsa niya. Hindi nawawala ang mga mata niya sa kay Athena. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy s apaglalakad para lapitan ito. Nagulat naman si Athena ng makita niya ang isang panyong inilahad sa harapan niya habang nagappahid ng luha at sabay singhot. Napatingala siya sa taong nag offer ng panyo
AGAD umalis sina Athena at Marco ng matapos silang kumain sa batchoyan ni Aling Nadia. Dumaan rin sila sa palengke upang mamili ng lulutuin ni Athena sa hapunan nila. Nakasunod lang si Marco sa likod ni Athena habang namimili ng gulay na pangsahog niya sa sinigang na lulutuin niya ngayong gabi. Si Marco ay may hawak na mga plastic bag sa magkabilang kamay niya.“Okay na ba lahat ng ito Marco?” tanong naman ni Athena dito. “Oo naman okay na ito, dami na nga eh!” “Talaga lang ha, sigurado ka?” Tumango ng ulo si Marco at sabay na itinaas ang dalawang kamay niyang may hawak ng mga supot ng gulay at karne na pinamili nila ni Athena. “Kunti lang ba ito sa tingin mo? Huh?” Napangisi na lang si Athena sa tanong ni Marco ng makita niyang marami na ang napamili nila. “Oo nga ano, marami na nga kaya halika ka na at umuwi na tayo, “ nakatawang tugon ni Athena at lumapit rin sa Marco para kunin ang ibang supot, “akin na ang iba at ako na ang magdadala.”Pero si Marco iniwas niya ang mga kam
NANG makauwi na sina Marco at Athena ay agad namang nagluto si Athena ng sinigang na baboy habang nagsasaing si Marco. Si Aling Belen naman ay gusto sanang tumulong pero sinabihan siya ng dalawa na umupo na lamang at maghintay. Walang nagawa ang matanda kaya bumalik na lang siya sa sala habang nanonood ng TV. Hindi rin naman nagtagal ay natapos na magluto si Athena at luto na rin ang kanin na sinaing ni Marco at agad naman nitong tinawag ang Mama Belen niya upang kumain na. Sakto namang tapos ng ihanda ni Athena ang mesa at naihain na ang ulam at kanin na kakainin nila para sa hapunan. Habang kumakain ay nagkwe-kwento si Athena si Mama Belen ng mga alaala niya noong maliit pa sina Marco at Athena. “Ang bilis talaga ng panahon ano?” simula nito, “noon ang liliit niyo pa pero ngayon ang lalaki na, at itong si Marco ay mas mataas pa sa akin.” “Syempre naman po Ma!” nakangiting tugon naman ni Marco. “Hmmm, tagal mo ngang mo di umuwi dito akala ko kinalumutan mo na rin ako.” napaismid
NAG EXTEND ng pananatili si Athena sa bayan nila at sa ikatlong araw ay doon siya nakatanggap ng reply mula sa kanyang text na galing kay MIkael noong nakaraang dalawang araw. Akala niya nga ay hindi na talaga ito sasagot sa kanyang text dahil at hindi niya maiwasang madismaya pero pinipilit niya paring maniwala sa bagay na baka busy lang talaga si Mikael at ayaw muna magpa distorbo. After all, ang importante sa ay nag reply ito kahit na inabot pa ng tatlong araw. Mikael’s text: Everything’s okay and under control. I’ll be home tomorrow. Thank you for asking. Agad namang tumipa ng mabilis si Athena para mag reply.Athena’s text: Okay sige. Huwag mo rin kalimutang kumain sa oras at matulog ng maaga. Mag-ingat ka sa pag-uwi.Pagkatapos ng reply text ni Athena ay agad niyang itinabi ang cellphone at di na rin ng bother to wait Mikael’s reply. What is importante to her ay nang mabasa niya ang text, ay di niya mapigilan ang pag ngiti the whole time. At dahil sa text ni Mikael ay agad n
DUMIRETSO ang Grab car na sinasakyan ni Athena sa hospital kung saan siya nagpa check up noong una about sa kanyang pagbubuntis. Bago siya bumaba ay sinabihan niya pa ang driver na hintayin siya sa parking lot dahil hindi naman siya magtatagal sa loob ng hospital, nagsabi rin siya na dadagdagan niya ang ibabayad nito dito dahil sa extra service nitong ginawa para sa kanya at masaya namang sumang ayon ang driver. Pagkababa ni Athena ay dire-diretso siya sa loob ng hospital patungo sa floor kung saan kung saan naroroon ang clinic ng doctor. Sumakay siya sa elevator at pumasok, agad naman niyang pinindot ang 3rd floor. Habang nasa loob ay nag check siya ng phone niya nagbabakasakaling nag reply sa kanya si Mikael. Excited siyang dinukot ang cellphone niya sa kanyang bag at ng e-open ito ay di naiwasang bumagsak ang kanyang balikat ng makita na walang reply sa mensahe niya kaninang umaga. Napakagat na lamang siya ng labi at napahugot ng malalim na buntong hininga as a sign of dismay
THE rest of the examination went well at sobrang nagagalak si Athena na maayos at healthy ang mga sanggol sa kanyang sinapupunan. Kung may shocking man ay ang malaman niyang hindi lang iisa kung hindi ay dalawang sanggol ang kanyang pinagbubuntis. Kaya pala na parang biglang lumaki ang puson niya kaso hindi lang halata dahil mahilig siya sa maluluwag na blouse na hindi hapit sa kanyang katawan. Pagkatapos ng mga niresita ng doctor sa kanya at ni schedule for the next check up ay agad naman siyang nagpaalam dito. Nang tuluyan n g makalabas si Athena sa hospital ay agad niya namang nakita ang grab car na kanyang inoccupy na naka park na sa harap mismo ng entrance ng hospital upang hintayin siya. Nag send kasi siya ng text kanina pagkalabas pa lang ng clinic na pababa na siya at lalabas na. Agad naman siyang pumasok sa likod nito at tuluyan ng nagpahatid sa bahay nila ni Mikael. Hindi rin nagtagal ng matapos ibaba ng driver at pinasok ang mga gamit niya sa loob ng bahay ay agad niya
LUMIPAS ang mga oras at di namalayan ni Athena na halos natapos niya lahat gawain, nakapagluto at nakakain na rin siya and after that uminon ng vitamins niya. May gatas rin na niresita sa kanya pero naisip niya na inumin ito bago matulog pero maglilinos muna siya ng katawan dahil sa amoy pawis at puno na rin siya ng alikabok. Pumanhik siya sa taas, pumasok sa kwarto at itinabi na lang muna ang maleta niya sa loob ng walk in closet, naisip niya na bukas niya na lamang aayusin ang mga gamit niya dahil sa nakaramdam na siya ng pagkapagod. Ayaw niya rin na ma stress ang mga anak niya sa kanyang sinapupunan at mapagod ang mga ito ng tuluyan. Nasabi rin kasi ng OB niya na kung ano ang kanyang nararamdaman ay nararamdaman rin ito ng mga bata sa kanyang tiyan. Mabilis siyang naligo at naglinis ng katawan. Nagpatuyo ng buhok gamit ang blower at agad nagbihin ng pampatulog after nitong maghubad ng bathrobe. Nang okay na at tuyo na ang kanyang buhok ay bumaba sandali si Athena upang magtimpla
HINDI na namalayan ni Athena na nakatulog na pala siya habang umiiyak sa sobrang sakit na nararamdaman. Ni hindi niya nga maalala paano siya nakapunta sa kanyang kama basta ang alam niya ay hindi niya mapigilan umiyak ng umiyak, kahit anong pigil niya sa kanyang sarili, walang humpay ang mga luha niyang panay ang agos sa kanyang pisngi. Iniisip niya tuloy na sobrang mugto at namumula ang kanyang mga mata dahil sa iyak. Pero wala siyang magawa. At wala siyang pwedeng sisihin kung hindi ay sarili niya rin. Napahilot siya sa kanyang sentido habang panay niyang pinipilit ang kanyang mga matang magmulat ng malaki. Nararamdaman niya pa rin kasi ang bigat ng mga talukap nito.Napatingin rin siya sa table kung saan niya pinatong ang kanyang timplang gatas. Ni hindi niya na nga ito nainom kaya sayang at itatapon niya na lang mamaya. Pero bago pa naman tuluyang nakabangon si Athena ay halos tumalon siya sa gulat ng may nagsalita. ”Good morning, at mabuti gising ka na, finally.” Nang marinig