PAGKATAPOS sabihin iyon ni Mikael ay irritable niyang niluwagan ang kanyang neck tie at nag unbotton ng botunes ng kanyang polo. Samantalang si Athena na man ay napahigpit ang kapit sa gilid ng kanyang blouse at pinipilit na maging kampante na parang normal pa rin. Panay ang mahihina niyang buntong hininga at kagat ng labi para lamang huwag mag breakdown ulit gaya ng nangyari kagabi. “Hmmm, o-okay…” mahinang tugon niya. Napansin naman ni Mikael ang namumugtong mga mata nito, actually kanina niya pa iyon napansin ng magising si Athena ng nag-uusap sila sa taas. Gusto niya sana magtanong pero naisip niya na umiyak na naman siguro ito dahil sa mga drama series na pinapanood nito sa tv. Kaya di na lang siya tuluyang nagtanong. Medyo naiinis lang siya dahil bakit ganun ka emotional si Athena sa panonood ng isang drama series ayan tuloy namamaga ang mga mata nitong nagising. Si Athena naman ay pinipilit ang sarili na kumalma. Hindi pupwedeng makita ni Mikael na apektado siya. Ngunit hin
SA kabila ng nararamdaman ay pinilit niya parin ang sariling sumagot ng hindi nababasag ang boses at normal lang. “No-No, I-I don’t need a house and a apartment, pwede akong umuwi sa probinsya dahil may bahay naman ang lolo ko doon na ibinilin sa akin. Isa pa hindi ko rin kailangan ng ganyang kalaking pera, pero since wala akong trabaho sa ngayon at ang naipon ko ay halos nagastos ko sa aking lolo noong nabubuhay pa siya ay pwede mo akog pahiramin kahit 100, 000 pesos lang ay okay na ako, tapos pag nakaipon na ako babayarin ko rin ito.” “Okay sige, since ayaw mo ng bahay we can convert this house as good as cash, isa pa whether you just want to borrow it or not, it was stated to the first contract na sa iyo ang bahay na ito at kasalukuyang nakapangalan ito sa iyo kaya pwede mong kunin.”Habang nagsasalita si Mikael ay sobra na ring naninikip ang dibdib ni Athena. Halos di na siya makahinga ng maayos. Gusto niya na talagang matapos ang pag-uusap nila kaya di na siya kumontra pa.“Nai
PAGKABABA ng cellphone ni Athena ay agad siyang tumayo at nagpahid ng luha. Dali-dali siyang pumanhik sa taas para e impake ang lahat ng gamit niya. Mabuti na lang nga dahil di naman ganun kadami ang kanyang mga gamit at halos lahat ng meron siya sa kwarto na iyon ay bigay ni Mikael at wala naman siyang planong dalhin ang mga iyon. Sa isip ni Athena ay kung ano ang dinala niya ng tumira sumama siya at nagpakasal kay Mikael ay siya ring dadalhin niya sa pag-alis. Nang matapos siya sa pag impake ay nilagay niya ang kanyang maleta sa tabi ng maleta na hindi pa niya naaayos kahapon. ‘Mabuti na lang at di ko naillaabas ang mga gamit ko dito kahapon mas napadali ang ang aking pag-aayos.’ nasabi niya sa kanyang sarili. Nang okay na ang lahat sa kwarto nila ay agad siyang bumaba sa kusina upang dalhin ang mga pasalubong na dala niya para sa Lolo Don at Lola Carmelita niya gayon din sa mga magulang ni Mikael. Agad siyang lumabas ng bahay at nag pa book na siya kaagad ng grab car para mabil
HINDI magkamaliw ang iyak ni Athena habang papalayo ang grab car na sinasakyan niya pabalik ng bahay na tinutuluyan nila ni Mikael. Masakit man ang naging desisyon niya pero wala siyang choice. Ayaw niya namang ipagpilitan ang kanyang sarili sa isang taong kahit kailan ay hindi naman siya itinuring na asawa, isang taong napilitan lang na pakasalan siya at hindi niya naman iyon masisisi. Kung meron man pwedeng sisihin sa sakit na kanyang nararamdaman sa ngayon ay hindi si Mikael, kung hindi ay ang kanyang sarili. Athena cover her face with her palms at tuluyan ng napahaguhol hanggang sa makarating siya sa bahay nila ni Mikael. Agad siyang pumasok at pumanhik sa taas upang ilabas lahat ng hinanakit na kanyang nararamdaman.Naisip niya na mas mabuti na rin ang nangyari at least matutuldukan na ang kanyang paghihirap at umaasang mamahalin rin siya ni Mikael gaya ng nararamdaman niya para dito.After a week ay kinontak ng abogado ni Mikael si Athena tungkol sa annulment at kahit na ini ex
MAAGA ng isang oras si Athena na dumating sa Regional trial court. Nakaupo lamang siya sa isa sa mga upuan na nandun sa loob habang naghihintay sa pagdating ni Mikael. Nakaupo siya sa labas kaya agad niyang nakita ang pagdating ni Mikael. Nang makita niya itong lumabas ng kotse ay agad namang tumayo si Athena upang salubungin ito. Samantalang si Mikael naman aya bago pa siya makalabas ng sasakyan ay nakita na niya kaagad si Athena na nakaupo sa isa sa mga upuan sa labas. Nang lapitan ni Mikael si Athena ay agad na napansin ni Athena ang puyat sa mga mata nito. Nakaramdam siya ng concern dito at gusto niya sanang magtanong kung okay lang ba ito o hindi pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Instead ay ngumiti siya at bumati sa kay Mikael. Binati rin naman siya ni Mikael at sabay silang pumasok sa loob kasama ni Atty. Salvacion. Dahil na rin sa lakas ng impluwensya at bilang isang pinakamayaman at makapangyarihang tao sa syudad nila ay mabilis na proseso ang annulment. Tuluyan na n
NANG gabing iyon ay nagyaya si Mikael sa kina Sandro, Damien, at Bryan na magkita sila sa bar kung saan palagi silang tumatambay. Nauna na si Mikael doon kaya ng dumating ang tatlo na magkakasunod ay halos lasing na ng nadatnan nila ito. “Mga kapatid mabuti naman at dumating na kayo! Ito uminom kayo ako ang bahala!” sabi nito habang tinataas pa ang baso nitong may laman na whiskey. Ilang bottle na rin ng whiskey ang naubis ni Mikael na nasa table nito ang halos ubos na kaya di na rin sila nagtataka kung bakit lasing na ito kaagad. “Ano ba ang problema nito?” tanong ni Sandro habang kamot ang ulo nito. “Ano pa ba sa tingin mo?” nonchalant na sagot ni Damien at umupo ito sa tapat nang mahabang sofa na kasalukuyang inuupuan ni Mikael. Si Bryan naman at si Sandro ay pinagitnaan si Mikael at inakbayan pa ito ni Sandro at tinanong. “Bro, may problema ba?” Irritable namang kinuha ni Mikael ang kamay ni Sandron nakaakbay sa kanya, “ Tsss, ano ba!” sabi nito at napatingin sa kay Sandro t
PAGKALABAS ni Mikael ng bar ay nagmamadali siya na makapasok kaagad sa sasakyan niya. Naghihintay na rin ang kanyang driver na agad siyang pinagbuksan ng pintuan. Ayaw niya pa sanang umalis pero nabahala naman siya sa iyak ni Trisha sa kabilang linya. It’s been a while since naaksidente si Trisha habang rumarampa sa isang fashion show kung saan ay isa siya sa mga pangunahing modelo ng sikat na brand na iyon. Habang nasa gitna ito ng pag iisanyo ay natapilok ito at ayon sa doctor ay kailangan ipahinga nito ang kanyang paa. Nang mangyari ang aksidente na iyon ay nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ni Athena at dahil sa emergency na iyon ay dali-dali siyang umalis upang mapuntahan si Trisha sa hospital after that di na siya nakauwi sa bahay nila ni Athena dahil siya mismo ang umaasikaso kay Trisha dahil bugnutin ito sa mga kasambahay niya. For Mikael knowing Trisha ay talagang apektado talaga ito sa nangyari sa kanya since it’s a big event that she will missed dahil sa aksidente. Saman
PAGKATAPOS tapusin ni Mikael ang tawag ay agad siyang napasandal ng likod niya sa kanyang upuan sa likod ng sasakyan. Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagbigay ng instructions sa kanyang driver na ihatid siya sa bahay nila ni Athena. Agad namang pinaandar ng driver nito ang sasakyan at tuloy-tuloy na ang direksyon patungo sa bahay nila ni Athena. Nang huminto na ang sasakyan ay agad namang ininform ng driver si Mikael na dumating na sila sa tapat ng bahay nila ng asawa nito. Agad namang nagmulat ng mga mata si Mikael at hindi na hinintay pa ang driver niya na pagbuksan siya ng pintuan, bumaba at lumabas na ito kaagad ng sasakyan. Pero gayun pa man ay bumaba pa rin ang driver gaya ng nakagawian nito. Pagkababa naman ni Mikael ay nagbigay kaagad ito ng habilin sa driver niya. “ Bumalik ka na kina Lolo at hindi mo na rin kailangan pang bumalik dito upang sunduin ako.” Seryoso ito at agad namang napayuko ang driver at sumagot, “ masusunod po, sir.” Pagkapasok ni Mikael sa bahay ni