PAGKALABAS ni Mikael ng bar ay nagmamadali siya na makapasok kaagad sa sasakyan niya. Naghihintay na rin ang kanyang driver na agad siyang pinagbuksan ng pintuan. Ayaw niya pa sanang umalis pero nabahala naman siya sa iyak ni Trisha sa kabilang linya. It’s been a while since naaksidente si Trisha habang rumarampa sa isang fashion show kung saan ay isa siya sa mga pangunahing modelo ng sikat na brand na iyon. Habang nasa gitna ito ng pag iisanyo ay natapilok ito at ayon sa doctor ay kailangan ipahinga nito ang kanyang paa. Nang mangyari ang aksidente na iyon ay nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ni Athena at dahil sa emergency na iyon ay dali-dali siyang umalis upang mapuntahan si Trisha sa hospital after that di na siya nakauwi sa bahay nila ni Athena dahil siya mismo ang umaasikaso kay Trisha dahil bugnutin ito sa mga kasambahay niya. For Mikael knowing Trisha ay talagang apektado talaga ito sa nangyari sa kanya since it’s a big event that she will missed dahil sa aksidente. Saman
PAGKATAPOS tapusin ni Mikael ang tawag ay agad siyang napasandal ng likod niya sa kanyang upuan sa likod ng sasakyan. Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagbigay ng instructions sa kanyang driver na ihatid siya sa bahay nila ni Athena. Agad namang pinaandar ng driver nito ang sasakyan at tuloy-tuloy na ang direksyon patungo sa bahay nila ni Athena. Nang huminto na ang sasakyan ay agad namang ininform ng driver si Mikael na dumating na sila sa tapat ng bahay nila ng asawa nito. Agad namang nagmulat ng mga mata si Mikael at hindi na hinintay pa ang driver niya na pagbuksan siya ng pintuan, bumaba at lumabas na ito kaagad ng sasakyan. Pero gayun pa man ay bumaba pa rin ang driver gaya ng nakagawian nito. Pagkababa naman ni Mikael ay nagbigay kaagad ito ng habilin sa driver niya. “ Bumalik ka na kina Lolo at hindi mo na rin kailangan pang bumalik dito upang sunduin ako.” Seryoso ito at agad namang napayuko ang driver at sumagot, “ masusunod po, sir.” Pagkapasok ni Mikael sa bahay ni
NARINIG pa ni Mikael ang paghikab ni Athena sa kabilang linya bago siya sinagot nito. “Sinabi ko naman sa iyo na hindi ko iyan kailangan at nag withdraw lang ako ng 100k pesos pero hiram ito at ibabalik ko rin pag naging stable na rin ang aking sitwasyon.”“Hindi mo naman kailangan bayaran iyan, isa pa pera mo ang nasa loob ng account na ito, “ sagot naman ni Mikael sabay hilot ng batok nito, “you know what just send me your bank account number and I will transfer you the money from this card.” Nakaramdam ng guilt si Mikael sa kanyang systema. Naisip niya na mas mabuting kunin ni Athena ang pera na napagkasunduan nila sa kontrata at baka sakaling maibsan o mabawasan ang guilt na kanyang nararamdaman sa ngayon. “No. Hindi ko kailangan ang ganyang kalaking pera at sinabi ko na rin iyan sa iyo ng paulit-ulit. Maraming salamat na lang sa magandang pakikitungo mo sa akin sa loob ng halos tatlong taon at halos nakalimutan kong sabihin sa iyo ng huli tayong nagkita, na pakisabi kay Lolo
Five Years Later…MASAYANG naglalakad ang mag-iina habang papunta ng departure area ng airport sa NAIA. Matagal na panahon rin bago nakabalik si Athena sa bansang kung saan siya lumaki, nagkamulat, naging masaya at nasaktan pero sa kabila ng lahat ay masaya siya sa mga naging desisyon niya. Limang taon rin ang kanyang ginugol upang makapag pundar ng sariling negosyo at maging prominente sa buhay. Hindi naging madali pero salamat sa kanyang determinasyon at sa dalawang anghel na kasa-kasama niya ngayong lumalabas sa arrival area ng airport. Dala-dala niya ang kanyang channel sling bag habang sa magkabilang kamay niya ay ang kanyang mga anak na sina Lily at Luca na magkaparehong 5 years old na. Alam niyang buntis siya ng kambal pero di niya inaasahan na fraternal twins ang dalawa kaya mas lalong nagalak si Athena ng makita niya ang mga anak niya noong bagong silang ang mga ito. Naka jeans at white v-neck t shirt lang si Athena. Sa loob ng limang taon ay mas lalong gumanda ang hubog n
NAGULAT si Athena sa ginawa ni Marco. Bigla na lamang siya nitong hinila sa braso at niyakap ng mahigpit. Hindi niya iyon inaasahan but eventually she feels warm and love sa ginawa nito. Ever since naman kasi ay ganito na si Marco sa kanya. Sweet, malambing at maalaaga pero higit sa lahat ay mapagmahal. Kahit siya naman ay mahal niya si Marco pero bilang isang kapatid o pinsan lang. Kahit na aware siya na noon pa man ay may espesyal na pagtingin sa kanya si Marco dahil sa nagtapat ito sa kanya ay hindi naman siya nailang o nagbago sa pakikitungo niya dito. In fact malaki ang naging parti ni Marco sa kung ano siya ngayon. Naalala niya pa ang araw na tinawagan niya si Marco at humingi ng tulong. Nag-usap sila sa mga bagay na plano niyang gawin kaya habang hinihintay ang annulment papers nila ni Mikael ay si Marco ang siyang umasikaso ng mga dokumento na kanyang kakailanganin upang makaalis ng bansa. Wala siyang planong bumalik sa bayan nila since ayaw niyang malaman ni Mikael ang kan
“LILY HUWAG KA MUNANG LUMABAS HA, MAG C-CR DIN AKO.” sabi ni Bebang sa kanyang alaga. Nang makita niyang tumango ng ulo ang alaga niya ay agad siyang pumasok sa isa sa mga cubicle ng CR. Habang nasa loob ay hindi napigilan ni Lily ang sariling lumabas ng CR. Nasa pintuan siya ng CR at hindi naman siya kaagad napansin ng dalawang tauhan ni Marco na nakatayo sa magkabilang side ng pintuan dahil sa may pumasok rin na iilang tao sa loob ng Rest room na tinatayuan nila. Dahil sa nakikita ni Lily ang mga taong naglalakad sa loob ng airport ay agad niyang napansin ang isang pamilyar na mukha. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya iyon kaya napakuha siya ng kanyang wallet sa kanyang cute ng sling bag at binuksan ito. Doon ay may tinago siyang litrato ng isang lalaki. Nang makumpirma niya na ang taong nasa litrato na nasa kanyang wallet ay ang taong nakita niyang dumaan sa harapan niya ay parang may sariling isip ang kanyang mga paa na sumunod dito. Dire-diretso lang si Lily sa pagla
NAKANGITING umuupo si Lily sa likod na upuan ng taxi na kanyang sinasakyan. Tapos napapa ‘wow’ pa siya sa tuwing dumudungaw siya sa bintana upang makita ang malalaking gusali sa kabila’t kanan ng kalsada na kanilang dinaraanan. At dahil sa bibo na persdonality ni Lily ay nakumbinse ang driver sa ideya na naiwan nga siya ng limousine na kanilang sinusundan. Natuwa ang driver sa kay Lily dahil di bakas ang takot sa mukha nito. Kaya na curious ang driver sa kung ilang taon ito dahil para itong matanda kung mag-isip at magsalita. “Hija…” tawag pansin ng driver sa kanya. “Hmmm, po?” sagot naman ni Lily at tumingin sa driver. “Ilang taon ka?” “Uhmm, ano po 5 years old po!” bibong sagot nito sa driver. Halos muntik ng matapakan ng diriver ang preno ng marinig ang sagot ni Lily. Nagulat siya at di makapaniwala na sa murang edad na 5 years old ay napaka bibo ng batang kayang sakay. Nakakapagtataka pero nakakamangha rin. “Ang bata mo pa pala Hija…”Medyo confused si Lily sa sinabi ng
TATAWAGIN pa sana ng receptionist ang isa sa mga bodyguard ni Mikael ng maalala niya nagbilin ang kanyang manager na isabi dito kung meron mang problema o issue tungkol sa kay Mikael dahil sa isa ito sa pinakamahalaga nilang panauhin at hindi pwedeng magkaproblema ang kanilang serbisyo. “Dito ka na muna Hija, umupo ka dito sa tabi ko.” sabi ng receptionist sa kay Lily at pinapasok nito sa reception area nila at pinaupo sa stool habang inalalayan. “Salamat po!” masiglang sabi ni Lily. Ngumiti naman ang receptionist sa kanya at napa smile dahil aliw na aliw siya kay Lily dahil sa ganda at cuteness nito. “Ang cute mo talaga!” gigil nito. Humagikhik lang si Lily at pagkatapos ang receptionist naman ay agad na nag dial ng numero ng kanilang manager. “Hello Ma’am may kaunting problema po.” pagkasabi nito ng receptionist ay agad naman ng hysterical ang manager sa kabilang linya at medyo napalakas ang boses. “Anong problema!?” sagot ng manager sa kabilang linya ng marealized niyang med