DUMIRETSO ang Grab car na sinasakyan ni Athena sa hospital kung saan siya nagpa check up noong una about sa kanyang pagbubuntis. Bago siya bumaba ay sinabihan niya pa ang driver na hintayin siya sa parking lot dahil hindi naman siya magtatagal sa loob ng hospital, nagsabi rin siya na dadagdagan niya ang ibabayad nito dito dahil sa extra service nitong ginawa para sa kanya at masaya namang sumang ayon ang driver. Pagkababa ni Athena ay dire-diretso siya sa loob ng hospital patungo sa floor kung saan kung saan naroroon ang clinic ng doctor. Sumakay siya sa elevator at pumasok, agad naman niyang pinindot ang 3rd floor. Habang nasa loob ay nag check siya ng phone niya nagbabakasakaling nag reply sa kanya si Mikael. Excited siyang dinukot ang cellphone niya sa kanyang bag at ng e-open ito ay di naiwasang bumagsak ang kanyang balikat ng makita na walang reply sa mensahe niya kaninang umaga. Napakagat na lamang siya ng labi at napahugot ng malalim na buntong hininga as a sign of dismay
THE rest of the examination went well at sobrang nagagalak si Athena na maayos at healthy ang mga sanggol sa kanyang sinapupunan. Kung may shocking man ay ang malaman niyang hindi lang iisa kung hindi ay dalawang sanggol ang kanyang pinagbubuntis. Kaya pala na parang biglang lumaki ang puson niya kaso hindi lang halata dahil mahilig siya sa maluluwag na blouse na hindi hapit sa kanyang katawan. Pagkatapos ng mga niresita ng doctor sa kanya at ni schedule for the next check up ay agad naman siyang nagpaalam dito. Nang tuluyan n g makalabas si Athena sa hospital ay agad niya namang nakita ang grab car na kanyang inoccupy na naka park na sa harap mismo ng entrance ng hospital upang hintayin siya. Nag send kasi siya ng text kanina pagkalabas pa lang ng clinic na pababa na siya at lalabas na. Agad naman siyang pumasok sa likod nito at tuluyan ng nagpahatid sa bahay nila ni Mikael. Hindi rin nagtagal ng matapos ibaba ng driver at pinasok ang mga gamit niya sa loob ng bahay ay agad niya
LUMIPAS ang mga oras at di namalayan ni Athena na halos natapos niya lahat gawain, nakapagluto at nakakain na rin siya and after that uminon ng vitamins niya. May gatas rin na niresita sa kanya pero naisip niya na inumin ito bago matulog pero maglilinos muna siya ng katawan dahil sa amoy pawis at puno na rin siya ng alikabok. Pumanhik siya sa taas, pumasok sa kwarto at itinabi na lang muna ang maleta niya sa loob ng walk in closet, naisip niya na bukas niya na lamang aayusin ang mga gamit niya dahil sa nakaramdam na siya ng pagkapagod. Ayaw niya rin na ma stress ang mga anak niya sa kanyang sinapupunan at mapagod ang mga ito ng tuluyan. Nasabi rin kasi ng OB niya na kung ano ang kanyang nararamdaman ay nararamdaman rin ito ng mga bata sa kanyang tiyan. Mabilis siyang naligo at naglinis ng katawan. Nagpatuyo ng buhok gamit ang blower at agad nagbihin ng pampatulog after nitong maghubad ng bathrobe. Nang okay na at tuyo na ang kanyang buhok ay bumaba sandali si Athena upang magtimpla
HINDI na namalayan ni Athena na nakatulog na pala siya habang umiiyak sa sobrang sakit na nararamdaman. Ni hindi niya nga maalala paano siya nakapunta sa kanyang kama basta ang alam niya ay hindi niya mapigilan umiyak ng umiyak, kahit anong pigil niya sa kanyang sarili, walang humpay ang mga luha niyang panay ang agos sa kanyang pisngi. Iniisip niya tuloy na sobrang mugto at namumula ang kanyang mga mata dahil sa iyak. Pero wala siyang magawa. At wala siyang pwedeng sisihin kung hindi ay sarili niya rin. Napahilot siya sa kanyang sentido habang panay niyang pinipilit ang kanyang mga matang magmulat ng malaki. Nararamdaman niya pa rin kasi ang bigat ng mga talukap nito.Napatingin rin siya sa table kung saan niya pinatong ang kanyang timplang gatas. Ni hindi niya na nga ito nainom kaya sayang at itatapon niya na lang mamaya. Pero bago pa naman tuluyang nakabangon si Athena ay halos tumalon siya sa gulat ng may nagsalita. ”Good morning, at mabuti gising ka na, finally.” Nang marinig
PAGKATAPOS sabihin iyon ni Mikael ay irritable niyang niluwagan ang kanyang neck tie at nag unbotton ng botunes ng kanyang polo. Samantalang si Athena na man ay napahigpit ang kapit sa gilid ng kanyang blouse at pinipilit na maging kampante na parang normal pa rin. Panay ang mahihina niyang buntong hininga at kagat ng labi para lamang huwag mag breakdown ulit gaya ng nangyari kagabi. “Hmmm, o-okay…” mahinang tugon niya. Napansin naman ni Mikael ang namumugtong mga mata nito, actually kanina niya pa iyon napansin ng magising si Athena ng nag-uusap sila sa taas. Gusto niya sana magtanong pero naisip niya na umiyak na naman siguro ito dahil sa mga drama series na pinapanood nito sa tv. Kaya di na lang siya tuluyang nagtanong. Medyo naiinis lang siya dahil bakit ganun ka emotional si Athena sa panonood ng isang drama series ayan tuloy namamaga ang mga mata nitong nagising. Si Athena naman ay pinipilit ang sarili na kumalma. Hindi pupwedeng makita ni Mikael na apektado siya. Ngunit hin
SA kabila ng nararamdaman ay pinilit niya parin ang sariling sumagot ng hindi nababasag ang boses at normal lang. “No-No, I-I don’t need a house and a apartment, pwede akong umuwi sa probinsya dahil may bahay naman ang lolo ko doon na ibinilin sa akin. Isa pa hindi ko rin kailangan ng ganyang kalaking pera, pero since wala akong trabaho sa ngayon at ang naipon ko ay halos nagastos ko sa aking lolo noong nabubuhay pa siya ay pwede mo akog pahiramin kahit 100, 000 pesos lang ay okay na ako, tapos pag nakaipon na ako babayarin ko rin ito.” “Okay sige, since ayaw mo ng bahay we can convert this house as good as cash, isa pa whether you just want to borrow it or not, it was stated to the first contract na sa iyo ang bahay na ito at kasalukuyang nakapangalan ito sa iyo kaya pwede mong kunin.”Habang nagsasalita si Mikael ay sobra na ring naninikip ang dibdib ni Athena. Halos di na siya makahinga ng maayos. Gusto niya na talagang matapos ang pag-uusap nila kaya di na siya kumontra pa.“Nai
PAGKABABA ng cellphone ni Athena ay agad siyang tumayo at nagpahid ng luha. Dali-dali siyang pumanhik sa taas para e impake ang lahat ng gamit niya. Mabuti na lang nga dahil di naman ganun kadami ang kanyang mga gamit at halos lahat ng meron siya sa kwarto na iyon ay bigay ni Mikael at wala naman siyang planong dalhin ang mga iyon. Sa isip ni Athena ay kung ano ang dinala niya ng tumira sumama siya at nagpakasal kay Mikael ay siya ring dadalhin niya sa pag-alis. Nang matapos siya sa pag impake ay nilagay niya ang kanyang maleta sa tabi ng maleta na hindi pa niya naaayos kahapon. ‘Mabuti na lang at di ko naillaabas ang mga gamit ko dito kahapon mas napadali ang ang aking pag-aayos.’ nasabi niya sa kanyang sarili. Nang okay na ang lahat sa kwarto nila ay agad siyang bumaba sa kusina upang dalhin ang mga pasalubong na dala niya para sa Lolo Don at Lola Carmelita niya gayon din sa mga magulang ni Mikael. Agad siyang lumabas ng bahay at nag pa book na siya kaagad ng grab car para mabil
HINDI magkamaliw ang iyak ni Athena habang papalayo ang grab car na sinasakyan niya pabalik ng bahay na tinutuluyan nila ni Mikael. Masakit man ang naging desisyon niya pero wala siyang choice. Ayaw niya namang ipagpilitan ang kanyang sarili sa isang taong kahit kailan ay hindi naman siya itinuring na asawa, isang taong napilitan lang na pakasalan siya at hindi niya naman iyon masisisi. Kung meron man pwedeng sisihin sa sakit na kanyang nararamdaman sa ngayon ay hindi si Mikael, kung hindi ay ang kanyang sarili. Athena cover her face with her palms at tuluyan ng napahaguhol hanggang sa makarating siya sa bahay nila ni Mikael. Agad siyang pumasok at pumanhik sa taas upang ilabas lahat ng hinanakit na kanyang nararamdaman.Naisip niya na mas mabuti na rin ang nangyari at least matutuldukan na ang kanyang paghihirap at umaasang mamahalin rin siya ni Mikael gaya ng nararamdaman niya para dito.After a week ay kinontak ng abogado ni Mikael si Athena tungkol sa annulment at kahit na ini ex