HINDI umuwi si Mikael ng gabing iyon, samantalang si Athena ay patuloy na naghihintay, hindi siya makatulog. Nag-aalala siya para dito ngunit wala naman siyang magawa kundi ang tumunganga at maghintay nga.
Napa buntong hininga siya ng malalim.
May suspetsa si Athena na may nangyayaring hindi niya alam at ayaw sabihin sa kanya ni Mikael dahil sa napansin niya ito na labis na nagmamadaling lumabas ng bahay kaninang umaga, na para bang nag-aalala na may mangyayari kaya dahil dun ay bigla niyang naisipang tawagan ito pero hindi ito sumasagot sa tawag niya, kaya naisipan niyang tawagan ang assistant ni Mikael.
"Hello po, Assistant Cruz, kasama mo ba si Mikael? "
"Hello din po Mrs.Ruiz, uhmm, si Mr. Ruiz ay hindi ko po kasama ngayon, at hindi naman siya nag-arrange ng overtime ngayon, may problema po ba?"
"Ahh ganun ba, sige o-okay, walang problema, salamat, paalam."
"Walang anuman po ma'am, paalam."
Matapos ibaba ang telepono, ay bigla namang naging hindi komportable sa tiyan ang nadama ni Athena, kaya agad siyang uminom ng isang basong tubig sa kusina.
Hindi siya mapakali buong gabi at nakaupo lang siya sa sala na naghihintay sa pag-uwi ni Mikael.
Kinabukasan ay nagising siya ng napakaaga, at hindi pa rin bumabalik si Mikael. Pero kahit ganun pa man ay iniisip niyang baka anong oras ngayong umaga ay dumating kaya pinilit niya ang katawan na bumangon upang magluto ng almusal.
Nang matapos siyang magluto ay dumiretso siya sa living room area ng bahay nila. Binuksan niya rin ang TV, upang manood ng palabas at aliwin na rin ang sarili habang naghihintay sa pag-uwi ni Mikael. Nang biglang nag news flash.
Sabi ng reporter:
"Ang kilalang sikat na model na si Trisha Buenavista ay bumalik na sa bansa, at ang presidente ng SR Group ay namataang sinundo sa airport ang sikat na modelo, at dahil dito may suspetsa ang marami na baka nagkabalikan na ang dalawa......"
HIndi na masayadong narinig ni Athena ang iba pang detalyi na sinasabi ng repoter. Para siyang nabingi sa mga nakita at narinig. Hindi niya na rin namalayan na ang kutsara sa kamay niya ay bumagsak sa mesa ng marinig ang balita.
'Ganoon pala...'
'Siya pala iyon, si Trisha Buenavista ang tanging nasa puso ni Mikael Angelo Ruiz...'
Parang sumikoip bigla ang kanyang dibdib.
'Kaya pala na biglaan itong umalis kahapon at hindi pumunta sa bahay ng kanyang lolo para sa hapunan, at ni hindi bumalik ng buong gabi, iyon pala upang sunduin lamang siya, sigurado baka sila ay magkasama rin kagabi.'
…
PILIT na iwinaksi ni Athena ang pag-iisip tungkol sa narinig at napanood sa TV, agad niyang kinain ang lugaw sa bowl, ng matapos ay inilagay ito sa kusina, hindi niya ito hinugasan, at bumalik sa living room, umupo ito sa sofa na para bang may malalim na iniisip.
'Waring oras na upang umalis.' nasa isip niya at inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang tiyan.
"Baby, maaaring malapit na tayong iwanan ni Daddy, pasensiya na at hindi kayang sabihin ni Mommy kay Daddy ang tungkol sa iyo, pero sinisiguro ko, mahal ka ng lubos ni Mommy, at pupunan ko ang kakulangan ng Daddy mo."
Si Athena ay hindi kumain ng anumang pagkain sa buong araw, naghihintay siya sa pagbabalik ni Mikael, ito ang unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay naghihintay at umaasa siyang umuwi si Mikael, ngunit natatakot rin siya na baka ang unang gagawin nito sa pag uwi ng bahay nila ay ang pakikipaghiwalay sa kanya.
Nag-aalala siya kung sila ba ng Trisha Buenavista ay nagkabalikan nga ba?
Pumunta si Mikael sa airport upang sunduin ito, at possible na magkasama ang dalawa.
…..
Kinalaunan ay bumalik si Mikael sa bahay nila ni Athena na gabi na, bumulaga sa kanya ang napaka tahimik na bahay. Walang Athena na palaging sumasalubong sa kanya sa pintuan upang batiin siya tulad ng dati, at ni hindi ito nag handa ng hapunan sa hapagkainan tulad ng ginagawa nito palagi.
Bigla namang nakaramdam ng kaunting pagkabahala sa biglang katahimikan si Mikael.
Iniisip niya na lang na baka si Athena ay nasa itaas kaya agad siyang tumuloy papunta na sana siya sa hagdanan, ngunit nang siya'y paakyat na ng unang baitang ng hagdan, ay may napansin siya na may nakahiga sa sofa ng mapalingon siya sa may living room area,kaya agad itong lumapit dito at doon niya nakitang natutulog si Athena.
Narinig naman ni Athena ang boses ni Mikael, kaya’y unti-unti itong nagising, at tumingin sa taas upang makita si Miakel na nakatayo sa gilid ng sofa. Matapos ang isang sandali, siya ay bumangon at umupo ng tuwid.
Hindi niya alam kung gaano katagal na ito dumating at nakatayo sa tabi ng sofa.
'Bakit ka bumalik?' Tanong ni Athena sa kay Mikael.
Iniisip niya kasi na hindi na ito babalik ngayong gabi, matapos ang lahat, at dahil sa kalat na rin ang balita tungkol dito at sa Trisha Buenavista na iyon.
"Saan naman ako pupunta kung hindi ako babalik?!" sabi ni Mikael na may maitim na mukha. Halatang lubos siyang hindi masaya sa kanyang narinig mula sa kay Athena.
Agad namang naramdaman ni Athena ang seryosong pananalita ni Mikael at halatang hindi ito masaya sa kanyang tanong.
"Hindi... umm ang ibig kong sabihin ay akala ko may iba ka pang gagawin kaya hindi ko inaasahan na makakauwi ka ngayong gabi, pasensya ka na." Bumaba ang ulo ni Athena.
Nagkaroon ng konting katahimikan sa pagitan nila.
'Pumunta ka sa airport para makita ang first love mo, at sabi ng balita na muling baka nagkabalikan na kayong dalawa na posibleng nagkabalikan kayo kaya ka hindi umuwi kagabi.'
Ito dapat ang gusto niyang sabihin pero hindi siya nagkalakas-loob na sabihin ng direkta ang bagay na nasa isip niya.
At dahil sa mahabang katahimikan ay binasag ri ni Athena ito. Para kasi siyang sinasakal sa sobrang katahimikam
"Ku-Kumain ka na ba?" biglang tanong naman ni Athena para lang mabasag ang katahimikan sa pagitan nila ni Mikael. "Nakatulog ako ng hindi sinasadya at nakalimutan ko magluto para sa hapunan."
Naalala ni Athena na medyo masama ang pakiramdam niya kanina. Nakatulog siya at nakalimutan niyang magluto.
"Hindi pa ako kumakain." matipid na sagot ni Mikael. Tumungo ito sa dining table nila at umupo.
Tiningnan siya ni Athena na halatang nakasimangot pa rin ang pagmumukha nito na, parang isang bata, kaya minsan ay hindi maintindihan ni Athena kung bakit bigla-bigla na lang itong nagagalit o di kaya bigla na lang nag ta-tantrums.
"Magluluto ako ng pansit, okay lang ba iyon sa iyo?" tanong ni Athena kay Mikael.
"Okay." tanging sagot ni Mikael.
Napailing na lang ng ulo si Athena at napangiti sa reaksyon ng mukha ni Mikael at sa matipid na sagot nito.
NAGSIMULA nang lutuin ni Athena ang pansit guisado para sa kanilang hapunan ni Mikael. Isa pa mabilis lang naman itong lutuin at mabuti na lang ay may kompleto siyang mga sahog sa loob ng fridge. Panay rin ang pagnanakaw niya ng sulyap sa kay Mikael at tingin sa mukha nito na kanina pa nakasimangot at nakakunot ang noo. Nakaupo lang ito sa isa sa mga dining chair sa kanilang dining room. Nakapikit ang mga mata. “Hmm, okay lang ba talaga siya?” naitanong ni Athena sa sarili habang nag mi-mixed na ng pancit at mga sahog nito. Mabilis lang naluto at ng patayin na ni Athena ang apoy ay napangiti kahit papaano.‘Mukhang masarap.’ Iyan naman ang nasaisip ni Mikael ng makita ang ilapag ni Athena ang niluto nitong pansit sa lamesa. Nanunuot ang magandang amoy nito sa kanyang ilong at takam na takam na siyang kumain dahil sa gutom na gutom na rin siya. Nang magsimula ng silang kumain ay wala sa kanila ang nagsalita. Sa isip ni Athena ay marahil sobrang gutom talaga si Mikael dahil ang bi
PAGKATAPOS umalis ni Trisha ay umupo si Athena sa sofa at tiningnan ang relo na nakalatag sa center table. Totoong kay Mikael ito, isinuot niya ito halos araw-araw dahil ibinigay ito sa kanya ng kanyang ama noong siya ay nagtapos ng kolehiyo, minsan niya itong nakita na nilagay niya sa tabi ng kama at kinuha naman ito ni Athena upang tingnan, at may tatlong titik na ‘MAR’ na inukit sa likod nito. Kaya nakumpirma niyang kay Mikael ang relos at hindi nagsisinungaling si Trisha. Dahil dito ay kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ni Athena. Naputol lang ang pag-iisip niya niya ng malalim ng biglang mag ring ang kanyang cellphone.Nang tingnan niya ito ay nakita niyang si Mikael ang tumatawag kaya agad nya naman itong sinagot, “In 10 mins ay makakarating na ako sa bahay, maghanda ka na para lumabas.”“O-Okay.” sagot ni Athena at agad niyang inayos ang kanyang sarili at nagsimulang magligpit ng mabilisan sa kusina. Pilit niyang kinakalma ang kanyang emosyon. Nang matapos sa mga liligpitin
MAINGAT si Athena na naglagay ng band aid sa noo Mikael , pero hindi niya maiwasang isipin kung ano kaya ang tumatakbi sa isip nito ngayon. “Ayan okay na,” sabi ni Athena at saka niligpit ang mga firstaid kit. “Halika ka na at bumababa na tayo, huwag nating pahintayin nang matagal si Lolo.”“Hmm…” tanging sagot ni Mikael.Agad naman silang lumabas sa study room at bumaba patungo sa dining area. Nadatnan nila si Lolo Don na nasa mesa na, agad naman silang nakita ni Lolo Don na magkasabay na lumalakad patungo sa hapagkainan. Ngumiti si Lolo Simplicio ng sobrang lapad at inanyayahan si Athena para kumain.“Apo, halika ka at dito ka maupo, magmadali ka at lumapit ka na dito para kumain!” masiglang paanyaya ni Lolo Simplicio kay Athena.“Opo Lolo.” masiglang sagot naman ni Athena at masunurin itongumupo sa tabi ng kanyang lolo kasama si Mikael.Tunay na gusto at mahal na mahal ni Lolo Simplicio si Athena, hindi lamang dahil sa ipinagkatiwala ito ng kanyang matalik na kaibigan kundi dahil
MEDYO nataranta si Athena dahil sa tanong ni Mikael kaya agad siyang gumawa ng alibi while hoping na sana makalusot.“Ah, e wala ang ibig kong sabihin unbelievable talaga ang pangyayari sa teleseryeng pinapannod ko, iyon ang ibig kong sabihin.”Tumango lang ng ulo si Mikael kaya nakahinga ng maluwag si Athena. At dahil sa wala namang balak na umalis ni Mikael ay nag focus na lang si Athena sa kanilang pinapanood na palabas. Si Mikael naman ay umuupo nang nakataas ang binti sa sofa na may unan sa likod. Kumportable itong nakatingin sa kanyang cellphone samantalang si Athena naman ay nakapokus ang atensyon sa TV. Timing naman na ang teleseryeng inaabangan niya ang palabas. Palagi niya itong inaabanagn gabi-gabi bago siya matulog. Isang drama na may temang pang-aabuso, hindi perpekto ang huling kabanata, ang mga pangunahing karakter na lalaki at babae ay pinaghiwalay ng langit at lupa, si Athena ay sobrang na touch sa teleseryeng napapanood kaya hindi nito maiwasan na maiyak. Nakaupo
NANG makita ni Mikael na tuluyan ng pumasok sa banyo si Athena ay lumakad ito patungo sa balkonahe upang sagutin ang kanina pang caller niya na walang humpay sa pagtawag.“Mikael, sa wakas ay simnagot mo rin sa tawag ko. Ayoko nang mag-stay sa hotel, natatakot ako sa gabi, pwede mo ba akong samahan?”Napa hugot ng malalim na buntong hininga si Mikael.“Nasa bahay ako ngayon ni Lolo at impossible ang hinihingi mo.” malamig na tugon nito, “huwag kang mag-alala dahil bukas na bukas ay uutusan ko si Sandro na hanapan ka ng apartment sa lalong madaling panahon para makalipat ka na rin kaagad.”Hindi niya alam kung may nararamdaman pa ba talaga siya para kay Trisha, dahil sa hindi niya talaga ito magawang balewalain. Pero naisip niya rin na habang kasal sila ni Athena, hindi siya gagawa ng anumang bagay na ikakasama ng loob nito. “Hmmm, okay, at pasensiya ka na, alam kong kasal ka na, at hindi kita dapat abalahin, ngunit hindi ko talaga kayang kontrolin ang aking puso, at miss na kita ng
PAGLABAS ni Mikael mula sa shower, ay napatingin siya sa kay Athena na nakahiga sa kama, tahimik na humihinga, at ang mga mata'y tahimik na nakapikit. Agad naman siyang tumungo nang dahan-dahan sa kabilang gilid ng kama at unti-unting humiga.Naramdaman ni Athena na ang taong nasa likod niya ay humihiga na rin, at ang pag-ihap ay nagsimula nang maging pantay, dahan-dahang binuksan ni Athena ang kanyang mga mata, oo, siya ay nagpapanggap lang na natutulog, isa sa mga dahilan ay dahil buntis siya, natatakot siya na isipin ni Mikael ang bagay na gusto niya munang iwasan sa ngayon. Napikit ulit siya ng mga mata at mahinang huminga ng malalim habang naalala ang mga titig sa kanya ni Mikael kanina, hindi niya tuloy maiwsang kabahan pero at the same time ma excite sa kung ano ang gusto nitong gawin sa kanya ngayong gabi. Sa halos tatlong taon nilang magkasama ay alam na alam niya rin ang mga tingin ni Mikael na may halong pagnanasa sa kanya. Isa pa naalala niya ang sinabi ng doktor na mas
TUMINGIN si Sandro sa table ni Mikael. Kasalukuyan silang nasa loob ng opisina ni Mikael. Busy si Bryan sa mga papeles na kakailanganin niya sa pagpunta sa Europa samantalang si Sandro naman ay nababagot na sa kanyang nilalaro kaya agad niyang naisipang tabihan si Bryan at binulungan ito sa itinawag ni Mikael sa kanya kagabi.“Alam mo bang inuutusan ako niyan ni Mikael na hanapan ng matutuluyan si Trisha, kagabi?.” “As I expected.”sabi ni Bryan habang patuloy na nag-aayos ng mga papeles. “Pero di ko maintindihan bakit pa niya binibigyan ng pansin iyang si Trisha pagkatapos ng ginawa sa kanya.” napahawak si Sandro sa kanyang baba habang nag-iisip ng malalim, “Ibig sabihin ba nito dahil sa first love ni Mikael si Trisha ay tuluyan na niyang iiwan si Athena?.” “I don’t think so.” sagot ni Bryan ng diretso, napatingin si Sandro na nagtaas ng kilay.“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong nito. Patuloy lang si Bryan sa ginagawa habang sinasagot ang tanong ni Sandro, “As you can see 3 years
“ATHENA, hello pa-pasensiya ka na di ako nakasagot agad si Mikael kasi inaagaw iyong cellphone ko.”“Hmmm, okay…”“Anyway iyon nga napatawag ako kasi magpapaalam sana kami ni Bryan na sasama kami sa kanya pauwi diyan sa bahay niyo at kung pupwede sana dyan kami maghahapunan.” Pagkarinig ni Athena sa mga sinabi ni Sandro ay kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Akala niya kung ano na. "Pagpasensiyahan mo na iyang si Sandro, Athena binibiro ka lang niyan!"Sambit naman ni Mikael sa background. “Naku okay lang naman isa pa nakapagsimula na akong magluto, dadagdagan ko na lang para sa ting lahat, ilan ba kayo?"Kami lang ni Bryan.” nakangising tugon ni Sandro.“Okay sige, mag-ingat kayo sa pagpunta rito at papapatuloy ko lang ang pagluluto para matapos na rin kaagad at makakain kayo sa pagdating niyo.”Pagkatapos ay ibinaba na ni Sandro ang cellphone niya ng eh end call ni Athena ito.Napatingin siya kay Mikael na kulang nalang sakalin siya nito literal dahil sa inis sa ginawa n