Share

KABANATA 6

MAAGANG nagising si Athena at hindi na niya namalayan kagabi na nakatulog rin pala siya. Naginsing siya sa kwarto ni Mikael kung saan palagi naman silang magkatabing natutulog. Agad na bumangon at bumaba upang magluto ng almusal, nag-aalala kasi siya na baka may hindi komportableng hangover si Mikael, kaya nagluto ito ng lugaw upang maging okay ang tiyan nito.

Nakasuot si Mikael ng puting tshirt at casual pants lang. Nakasimangot na naman ito, habang bumababa sa hagdanan patungo sa kanilang dining area.

" Mabuti at gising ka na,haika ka at kumain na tayo ng agahan." paanyaya ni Athena rito.

Aware si Athena na medyo galit si Mikael nang bumangon, wala ito sa mood at nasanay na rin siya na laging seryoso ang  mukha nito kapag siya ay bumabangon tuwing umaga,na nakakunot ang noo. Nakita niyang umupo ito at humigop ng lugaw, hindi ito nagsalita, at umupo na rin si Athena sa tapat nito at kumain ng agahan.

Ang lugaw na niluto ni Athena ay napakalambot at makapal, at naramdaman ni Mikael na mas naging kumportable ang kanyang pakiramdam pagkatapos humigop ng isang bowl, at naalala niyang marami siyang nainom kagabi, at dahil dun ay nagising siyang masama ang simura. Mabuti na lang at pinaghanda siya ni Athena ng lugaw para mainitan ang kanyang tiyan at naging okay ang kanyang pakiramdam..

Bigla namang tumunog ang notif na may nag text sa cellphone ni Mikael.

Trisha's text:

"Mikael, hindi ako naniniwala na kasal ka, sinasadya mong magalit sa akin, kahit anong sabihin mo ay maghihintay pa rin ako sa iyo sa airport. "

Tumingin si Mikael dito, tapos inilagay ang telepono sa tabi, at hindi pinansin. Kanina ay nakita niya na message request sa messenger niya si Trisha,  ngunit hindi niya tinanggap. Hindi niya inaasahan na magpapadala ng text message ito.

Pagkatapos nitong pumunta sa ibang bansa tatlong taon na ang nakalipas, binura na ni Mikael ang lahat ng impormasyon ng pakikipag-ugnayan niya sa kay Trisha para mabilis siyang maka move on at magising sa katotohanan na mas priority ni Trisha ang pangarap nito kaysa sa kanya.

 Isa pang text message ang natanggap niya.

Trisha's text:

"Mikael, wala akong ibang magagawa noon, pero kahit na kailanman ay hindi kita nakalimutan kaya nga ako bumalik."

Hindi pa rin pinapansin ni Mikael at sumunod ang isa pang text galing kay Trisha.

Trisha's text:

"Maghihintay ako sa iyo sa airport, kung hindi ka darating, hindi rin ako aalis."

Hawak na ni Mikael ang kanyang cellphone at dahil sa mga mensahe na natanggap ay mas lalo pa itong nagalit at uminit ang ulo.

Tumikhim ito bago nagsalita.

 "Uhm, hindi muna ako makakapunta  sa bahay ng lolo para sa hapunan mamaya, marahil ay pumunta nalang tayo sa ibang araw, wag kang mag-alala dahil tatawagan ko si lolo upang ipaliwanag na may gagawin ako ngayon, at lalabas ako."

Sabi ni Mikael kay Athena.

"O-Okay, unahin mo muna iyang gagawin mo, maiintindihan naman iyon ni Lolo." tugon ni Athena sa malambing nitong tono. 

Tumingin si Mikael sa kanyang asawa, na kasal na sa loob ng halos 3 taon, naglaho na ang kanyang kabataan sa nakalipas na dalawang taon, at hindi na siya ang batang babae na bagong dating mula sa probinsiya  at mukhang malnourished.

Hindi maitatanggi na si Athena ay isang mabuting asawa, naghahanda ng kanyang pagkain halos araw-araw, hindi rin ito nangingialam sa kanya, laging tahimik, para bang hindi siya kailanman nagalit, at palagi itong masaya pag kasama ang kanyang pamilya.

Kung tutuusin ay wala siyang nakikitang mali dito. Athena could be a perfect wife para sa kanya. 

At higit sa lahat ang pakiramdam ni Mikael sa tuwing inaangkin niya ito ay walang kahalintulad. Ang bawat dampi ng mga kamay niya at paghawak nito sa katawan ng asawa ay parang droga na nakaka addict, hindi niya maitatanggi na baliw na baliw siya at hindi mapigilan ang sarili sa tuwing inaangkin niya ito sa kama.

He is aware that he can’t get enough with his wife.

Ngunit hindi niya alam kung anong uri ng damdamin ang meron siya para kay Athena, marahil ay sanay na siya dito, at sanay na siyang mayroong ganitong tao na naghihintay sa kanya sa tuwing umuuwi siya.

Si Trisha naman ay ang kanyang unang pag-ibig, sila ay nagkasama sa kolehiyo, pareho silang sikat at kilala sa kani-kanilang departamento.

Hindi karaniwan na malapit si Mikael sa mga babae, bagaman maraming tao ang nagpapadala ng mga kung ano-ano sa kanya ara lang mapansin niya at upang aminin ang kanilang damdamin para sa kanya, ngunit hindi niya ito pinapansin. Hindi sa wala siyang gana pero alam niya sa sarili niya na hindi niya priority ang babae.

At ang isa sa kanila ay si Trisha Buenavista, siya ang unang naghabol kay Mikael, at ang pangungulit nito ay sa wakas ang nagpabagsak sa pader na pinalibot ni Mikael sa kanyang sarili.

Pagkatapos nun ay palagi ng magkasama ang dalawa, at nagkaroon sila ng magandang relasyon, bagaman si Mikael ay karaniwang napaka malamig, hindi mahilig magsalita o ngumiti, ngunit palaging isinasama  siya ni Trisha sa kung anong gimik o lakad nito para naman ma expose siya sa mga tao pero si Mikael ay palaging tahimik at nakikinig lamang.

Naging mabuti ang takbo ng kanilang relasyon hanggang sa nagplano si Mikael na magpakasal pagkatapos ng graduation nila ni Trisha. Nagtipon pa siya ng ilang estudyante at kaibigan upang maghanda ng isang malaking sorpresa para sana sa kanyang wedding proposal sa kay Trisha ngunit hindi ito dumating.

Nakatanggap na lang si Mikael ng isang mainit na mensahe:

'Mikael, patawad, nagkaroon ako ng pagkakataon na pumunta sa Paris, France upang mag-aral, bukas na rin ang flight ko, ayoko pang magtapos at pumasok sa isang kasal, gusto kong tuparin ang aking mga pangarap, maghintay ka sa akin sa loob ng tatlong taon,babalikan kita.'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status