Share

KABANATA 5

"BAKIT naman siya uminom nang sobra-sobra? May problema pa naman siya sa tiyan niya nakaraang dalawang araw, medyo mas maayos na ngayon." nagtatakang tanong ni Athena.

"Uh... alam mo kasi pag sobrang masaya siya umiinom talaga iyan ng marami, huwag kang mag-alala sa susunod pagsasabihan namin." Casual na sagot ni Sandro para maiwasan niyang sabihin ang totoong dahilan.

Tapos nakita ni Sandro ang kunot na noo ni Athena at seryoso itong nakatingin sa kay Mikael habang inaayos nito ang suit na halos nagusot na at pinapatayo kaya agad naman na lumapit si Sandro para tulungan si Athena na akayin si Mikael.

"Athena , nagmamaneho ka naman siguro ano, kasi hindi ako pwedeng maghatid sa inyo ngayon at ito ang susi ng kotse ni Mikael." sabi ni Sandro sabay bigay ng susi ng sasakyan ni Mikael sa kay Athena.

"Oo marunong ako, isa pa sumakay ako ng taxi papunta dito kaya, ako na ang magmamaneho pauwi huwag kang mag-alala."

"Mabuti naman kung ganun, okay, sige tulungan na kitang isakay siya sa sasakyan niya."

"Salamat."

Mabuti na lang at tumulong si Sandro dahil sa laking tao ni Mikael ay mahihirapan si Athena sa kanya papunta sa sasakyan nito. Nagtulungan ang dalawa sa pag akay kay Mikael pahiga sa likod ng kotse, pagkatapos ay agad na sumakay si Athena sa kotse sa harapan at umupo sa upuan ng drayber.

"Athena, sigurado ka na kaya mo?" nag-aalala na tanong ni Sandro, " Baka Gusto mo akong tumawag ng drayber na magmamaneho sa inyo?"

Biglang nag-alala si Sandro dahil baka di kaya ni Athena na imaneho ang sasakyan ni Mikael dahil malaki ito.

"Okay lang, magmamaneho ako nang mabagal." nakangiting tugon ni Athena dito.

"O-okay,sige, ingat kayo sa daan, paalam." pagpapaalam ni Sandro.

"O siya salamat at, aalis na ako." Habang nagsasalita siya, ay pinaandar na niya ang makina at unti-unting nagmaneho paalis sa lugar. 

Maingat na nagmaneho si Athena, masusing tumitingin ito sa harap at gilid ng daan, mabagal lang ang takbo niya, at dahil dito ay di maiwasang businahan siya ng nakasunod na mga kotse sa likod niya.

At dahil sa sunod-sunod na busina ay siya ring nagising ng kaunti si Mikael. Napadilat siya ng mata at nakita niya ang sariling nakahiga sa likod ng sarili niyang kotse. Napatingin siya sa driver seat at ng makita niya ang likod ng drayber ay agad niyang nakilala ito. 

Napangiti siya at nakapante knowing who’s the driver kaya bumalim siya sa pagpikit ng mata habang inaalala ang rason kung bakit siya nagpakalasing.

'Ngayong gabi, bigla akong tinawagan ni Trisha, sinabi niyang babalik na siya ng PIlipinas at hinihiling sa akin na susunduin ko siya ng airport, pero tumanggi ako.' nasa isip ni Mikael.

"Mikael, pauwi na ako bukas ng Pilipinas, pwede mo ba akong sunduin bukas sa airport?" sabi nito sa kanya sa kabilang linya.

"Pasensya na, pero malabong mangyari iyon, isa pa ay kasal na ako." diretsong sagot naman ni Mikael sa kay Trisha. Pagkatapos sabihin iyon, agad niyang ibinaba ang telepono.

Nang dahil sa tawag ni Trisha ay kinuha ni Mikael ang singsing mula sa isang drawer na nasa opisina nito ngunit ibinalik niya rin ito ulit. Hindi niya inaasahan ang tawag ni Trisha at dahil dun ay naiirita siya at nagalit, kaya tinawagan niya sina Sandro, Bryan at Damien na magkita sila at uminom sa bar ni Damien.

3 years na ang nakalipas at naalala niya kung paano siya iniwan ni Trisha at pinili nito ang pangarap nito na maging isang sikat na model sa Paris. Sa kabila ng kanyang pakiusap ay hindi siya pinagbigyan ni Trisha kaya naisip niyang kahit kailan ay hindi siya naging priority ng babae. 

Nasaktan soiya masayod at nasaktan rin ang ego niya infact para sa kanya Trisha is everything. He can give up everything if Trisha will ask. Ganun niya kamahal si Trisha but despite of his great love ay nagawa pa ring iwan siya nito.

Bumalik lang sa kasalukuyan ang pag-iisip  ni Mikael ng marinig niya ang boses ng kanyang asawa… si Athena.

"Hmm, gising ka na ba? Mikael? " 

Tanong ni Athena pero nanaitiling nakatikom ang bibig ni Mkael. Hindi siya nagsalita o sumagot man lamang pero nag umpisa siyang magmulat ng mga mata para bumangon. 

Pagkamulat niya ng mga mata ay agad na bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Athena na nakatingin sa kanya. 

Agad namang napaatras at napaiwas ng tingin si Athena habang nakayukong sa mukha ni Mikael ng makita niyang nagmulat ito ng mga mata.

Bumangon si Mikael at agad naman siyang inalalayan ni Athena habang bumababa siya sa ng kotse. Nakaakbay siya sa maliit na balikat ng asawa habang sabay silang pumasok sa loob ng kanilang bahay at ng makapasok ay dumiretso sila sa sala doon ay naupo si Mikael at sa kasamaang palad ay na out balance si MIkael at sabay silang natuba at bumagsak sa sofa.

Bumagsak na nakahiga si Mikael sa sofa samantalang si Athena naman ay bumagsak sa matitipunong dibdib ni Mikael. 

Nang marealize naman ni Athena ang position nilang dalawa ay agad sana itong tatayo pero bigla naman siyang niyakap ni Mikael ng mahigpit dahilan na hindi na siya makagalaw sa ibabaw nito at tanging tibok ng puso ni Mikael ang kanyang naririnig.

Tapos katahimikan ng ilang minuto pero di rin nagtagal dahil binasag iyon ni Athena.

"Ma-Mabuti naman at gising ka na," nakangiting sabi ni Athena. Naghihintay siya na sumagot ito pero wala, tahimik lang ito.

“Alam mo maganadang uminom ka ng tsaa at humigop ng mainit na sabaw para mainitan iyan ang tiyan mo, kaya kailangan mo na akong bitawan at ako’y pupunta sa kusi–”

“Dito ka lang muna… “ sabi ni Mikael ng putulin niya ang pagsasalita ni Athena.

Dahil sa ginawa ni Mikael ay nagkaroon ng dejavu na feeling si Athena, halos ganitong-ganito rin nagsimula ang kung ano ang meron sila ngayon ni Mikael. 

Napagakat na lang ng labi si Athena bago sumagot, “ Umm, si-sige…”

….

Lumipas pa ang ilang minuto at hindi naman nagsasalita si Mikael, si Athena naman ay namumula na sa position nila, kahit na totoong magkatabi silang natutulog at may nangyayari sa kanila pero iba pa rin ang sitwasyon nila sa ngayon at ang ganitong mga pagkakataon ay minsan lang mangyari.

Ang makiusap sa kanya si Mikael na huwag niya itong iwan ay napakalaking bagay na para kay Athena. Kinikilig siya at masarap sa pakiramdam.

Napansin naman ni Mikael ay panay buntonghininga ni Athena habang nasa ibabaw niya ito. Naisip niya tukoy na baka hindi ito komportable sa position nila pero ang selfish niya ngayong gabi dahil gusto niya ang feeling na yakap-yakap at nakakulong si Athena sa mga bisig niya. 

Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya pero nagkakaroon siya ng peace of mind pagkayakap niya ang asawa at para mawala ang ilang ng asawa niya sa kanya ay nagsimula itong magtanong.

"May sasabihin ka pa ba sa akin?" out of the blue na naitanong ni Mikael

Nagulat naman si Athena sa naging tanong ni Mikael sa kanya. Hindi niya inaasahan iyon. Kaya napa overthink siya bigla kasi kung tutuusin ay totoong may sasabihin siya kay Mikael pero iyon nga natatakot siya sa magigingr eaksyon nito.

“Athena?” si Mikael ulit.

"Uh, ka-kasi nagpunta ako kanina kina lolo at sinabi niya na huwag kang masyadong magtrabaho at baka bakante ka para sa hapunan sana bukas."

"Okay, sige, pupunta tayo bukas kina Lolo."

 "Umm, O-okay."

Para namang nakahinga ng maluwag si Athena kahit na ang bilis ng tibok ng puso nito sa kaba. Iniisip niya may tatlong buwan na lamang siyang natitira at matatapos na ang contract nila ni Mikael.

‘Ano ang gagawin mo ngayon Athena?’ tanong ni Athena sa sarili niya…habang unti-unti na rin siyang dinadalaw ng kanyang antok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status