Share

KABANATA 3

NAGSIMULA ang pagbabago isang taon matapos magpakasal ang dalawa, isang gabing, dumating si Mikael na sobrang lasing. Halatang naparami ang inom nito ng alak. Nagulat na lang si Athena ng makita niya ang sasakyan ni Mikael na huminto sa labas ng gate nila at nag doorbell ito. 

Nagkataon na nakadungaw si Athena sa may bintana dahil sa hinihintay niya ang pag uwi ni Mikael. Mabilis na lumapit si Athena upang pagbuksan ng pinto ang drayber na akay-akay ang lasing na si Mikael.

Agad naman niyang iginiya ang drayber patungo sa kwarto kung saan si Mikael natutulog habang alalay pa rin nito si Mikael. Nagbigay suporta rin si Athena sa pagpapahiga kay Mikael sa kama at ng matapos ay nagpasalamat si Athena sa drayber sa pagtulong nito at agad naman itong umalis.

Tumingin si Athena sa kay Mikael na nakahiga sa kama, hindi niya mapigilang di lumapit at pagmasdan ito at habang ginagawa niya iyon ay napansin niya na basa ito ng pawis kaya naisip niyang palitan ito ng damit. 

Una niya munang inalis ang mga sapatos nito at medyas at pagkatapos sinunod ang polo nito ngunit dahil sa aksyong ito, ay napatingin siya sa matipunong dibdib ni Mikael na unti-unting lumalabas habang isa-isa niyang binubuksan ang butones ng polo nito, at dahil dun ay hindi maiwasan ni Athena na maramdaman ang init sa kanyang mukha.

Bigla siyang tumayo upang umalis na lang sana. Ngunit unang hakbang palang upang umalis, nang tumayo siya ay napansin niyang hawak na ni Mikael ang kanyang kamay at bigla nalang siya nitong hinila at dahil sa nangyari ay na out balance siya, at bumagsak sa matipunong dibdib ni Mikael, agad naman siya nito niyakap nang mahigpit at sinabi, "Huwag mo akong iwan… dito ka lang please…" 

Nagulat siya sa narinig dahil hindi niya iyon inaasahan. Nakaramdam siya ng awa sa kay Mikael. Naisip niya tuloy basi sa boses nito ay parang may malaki itong problema. Pero sa kabilang banda ang katawan ni Athena ay nakaramdam ng tension at hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari dahil sa biglang pinaibabawan siya ni Miakel, nagbago ang posisyon nilang dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ni Athena ng magtama ang mga mata nila ni Mikael. Titig na titig si Mikael sa inosenteng mukha ng asawa niya habang siya ay namumula sa kalasingan.

Napakagat ng labi si Athena ng makita ang pagnanasa sa mga mata ni Mikael. Kahit lasing ito ay hindi maiitatanggi ang kagwapuhan na may angkin ito. Si Mikael naman ay unti-unting lumalapit ang mukha nito kay Athena at ng ma realized ni Athena ang gustong gawin ni Mikael ay bigla niya itong tinulak pero nabigo siya.

Bigla siyang h******n ng direkta ni Mikael, sa paglapat pa lang ng kanilang mga labi ay agad nawala sa tamang pag-iisip si Athena, hindi na siya nakapag isip ng mabuti at hinayaan niya si Mikael na gawin ang gusto nito sa kanya at si Athena naman ay buong pusong ibinigay ang lahat, walang pagdadalawang isip na isinuko sa kay Mikael ang kanyang sarili...

KInabukasan ay maagang bumangon si Athena sa takot at sa hiya na magising si Mikael at maabutan siya nitong nasa tabi, niya. Ngunit napainda siya sa sakit ng maglapat ang kanyang mga paa sa sahig pero binalewala niya at tiniis niya ang hindi kaaya-aya nararamdaman sa pagitan ng kanyang mga hita kasabay ng pagdampot niya ng mga damit niyang nagkalat sa sahig. 

Nang makapasok siya sa kanyang sariling silid ay agad siyang nag-shower, pagkatapos ay dali-dali siyang nagbihis at nagtuyo ng buhok at bumaba sa kusina upang makapagluto ng almusal.

Habang naghahanda siya ng almusal ay siya ring paglabas ni Mikael sa kwarto nito. Naramdaman niya ang paglapit ni Mikael sa hapagianan habang inaayos ang mga plato, kubyertos at baso sa dining table nila.

"Kagabi..." agad na bungad ni Mikael pero hindi na naipagpatuloy nito ang sasabihin dahil sa bigla nitong pintulol ni Athena.

"Mag-almusal na tayo!" 

Pinilit ni Athena na maging masigla ang tono ng boses niya upang ipakita kay Mikael na hindi big deal ang nangyari sa kanila kagabi. Isa pa, alam niya na ang nangyari kagabi ay isang aksidente lamang at kung maaari ayaw niyang marinig ang iba pang sasabihin ni Mikael dahil alam niya na masasaktan lamang siya.

Dahil sa ginawa ni Athena ay tinikom ni Mikael ang bibig niya at tahimik silang kumain ng almusal. Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay binasag rin ito ni Mikael.

"Bumili ka ng gamot." Muling nagsalita si Mikael.

Tumingin si Athena sa kanya… confused at nasasaktan pero hindi niya pinahalata.

"Hindi tayo puwedeng makabuo ng anak." malamig na turan nito.

Napainom si Athena ng baso ng tubig ng marinig ang sinabi ni Mikael, bago to sumagot. 

"A-Alam ko, huwag kang mag-alala bibili ako kaagad." 

Mayroong kirot sa puso ni Athena, pero sa kabila nito ay meron siyang kasiyahan na nadarama. 

Pero pagkatapos nng pangyayaring iyon, tila tuluyan na nagbago ang pag-uugali nila sa isa't isa, mula sa mga estranghero na namumuhay sa ilalim ng iisang bubong pagkatapos ng kasal hanggang sa mag-asawang hindi nagsasabing mahal nila ang isa't isa.

Nakita na lang ni Athena ang sarili na natutulog sa kwarto ni Mikael, sa iisang kama, hanggang sa naging normal na lang ang lahat sa kanilang dalawa. Namuhay silang normal na mag-asawa, bagaman tuwing umuuwi si Mikael nang napakalate, ay nararamdaman niyang palagi siya nitong hahalikan mula sa likod.

Minsan naman ay nag papadala ito ng mensahe sa text upang sabihin sa kanya kung uuwi ito para sa hapunan, madalas rin na nagpupunta sila sa ancestral house nang magkasama. 

Sa tuwing pumunta naman sila kina Lolo Don ay panay ang tanong sa kanilang dalawa kung kailan sila magkakaroon ng anak na kung saan nginingitian lang nilang dalawa ni Mikael. 

Alam niya na kahit may nangyayari sa kanila at naging normal na lang ito ay hindi nakakalimot si Mikael na palagi siyang eh remind na di siya dapat mabuntis kaya nga panay check nito kung nakainom na ba siya ng pills niya o hindi.

Nagbalik sa kasalukuyan si Athena ng marinig niya ang pag notify ng text ni Mikael.

"Hindi ako makakauwi mamayang gabi." Ito ang text ni Mikael sa kanya.

Agad naman siya nagtipa ng sagot, "Okay." 

Ibabalik na niya sana ang cellphone sa bag niya ng maisip na baka iinom na naman si Mikael kaya nagpadala si Athena ng isa pang mensahe.

"Wag masyadong uminom ng maraming alak." Pagka send ay hindi niya na hinihintay ang sagot ni Mikael.

Bigla naman napatingin si Athena sa kanyang tiyan ulit sabay himas nito. Napagtanto niya na hindi muna sabihin kay Mikael ang tungkol sa pagbubuntis niya. Ewan niya kung bakit pero halatang umaasa siya na balang araw baka maisipan ni Mikael na magkaanak silang dalawa.

Isa pa alam niyang alam niya kung ano lang siya kay Mikael. At dapat sana ay naiwasan niya pero heto siya ngayon… umaasa at ni hindi niya man lang ito maiwasan na maramdaman. 

Mahal niya si Mikael. At ang tanging hiling niya sa kay Mikael na sana kahit katiting man lang ay minahak rin siya nito kaso hindi iyon mangyayari, at malabo.

Pero siya ni hindi niya namamalayan na sa loob ng halos tatlong taon nilang pagsasama ay nahuhulog na pala ang loob niya dito. 

Ang saklap lang dahil mukhang siya lang naman ang nakakaramdam ng nararamdaman niya ngayon.

Masakit... pero wala siyang magagawa.

Hindi siya mahal nito. Kaya marami siyang kawalang-siguraduhan, ngunit sigurado siya na dapat niyang panatilihin ang sanggol na sa kanyang sinapupunan.

Hindi umuwi si Mikael ng gabi iyon gaya ng text nito sa kanya, at balak naman ni Athena na pumunta sa lumang mansiyon upang bisitahin ang kanyang lolo Don, hindi siya gaanong komportable noon, pero umalis pa rin siya. 

Bahala na...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status