Share

CHAPTER TWO

MARION:

" Papa! Papa demi! ...." Hindi niya alam kung ilang beses na niyang tinatawag ang pangalan nito ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay mahihimatay na siya sa sobrang kaba.

Naabutan niya itong nakahandusay sa loob ng library office. Mukhang inatake na sa puso ang papa niya. Siguro dahil na din sa sama ng loob at pagaaway ng mag-ama.

Mabilis naman na dumating si Duncan upang tulungan siyang itakbo sa hospital ang ama.

"Ssshhh... Tama na Ms. Marion wag ka ng umiyak. Gagawin ng mga doctor ang makakaya nila maligtas lang si Don Demetrio, " yakap-yakap siya ni Selma, ang kaedad na katulong nila. Eto lang ang nagpapagaan ng loob niya sa araw na 'to.

"Natatakot ako... Ayoko mawala si Papa..." hagulgul niya habang nasa labas sila ng OR. At naghihintay sa operasyon nito.

Ayaw niyang isisi sa sarili kung bakit inatake ang ama niya dahil wala siyang ginawang kasalanan! pero kung iisipin ay dahil sa kanya kung bakit nagtatalo ang dalawa.

Pinapaalis siya ni Duncan at ayaw naman ng ama nila, hindi man diretso ay dahil sa kanya yon!

Napatingin na lang siya sa binata na nasa may pintuan ng ER. Mukhang tuliro rin ito at di makausap. Batid niya na may pagaalala pa rin ito sa ama. Lalo tuloy siyang naiyak. Ano ba ang gagawin nilang dalawa?

Kung tutuusin kay Duncan dapat lahat isisi ang ang mga nangyare dahil masama ang ugali nito pero sa kabilang banda ay hindi niya to masisi dahil naiintindihan niya naman ang nararamdaman nito.

Para sa binata ay isa siyang malaking bakod na ayaw ma-giba sa sarili nitong pamamahay. Feeling nito ay inagaw niya ang lahat ng para sa dito.

Alam niya ang pakiramdam na iyon dahil kahit siya ay naagawan na noon.

Nakita niyang tumingin ang binata sa kanya ng mahuli siya nitong nakatingin. Hindi naman niya maiwas ang tingin dahil nakikita niya sa mga mata nito ang pagsisisi sa mga nangyari. Matamlay na matamlay iyon. Malungkot at galit galit ba sa kanya o sa sarili?

Lalo na lang niyang isiniksik ang mukha sa nakayakap na si selma. Ayaw niyang malaman ang sagot. Natatakot siya na siya ang sisihin ni Duncan.

Pareho silang napatinging tatlo sa lumabas na doktor sa loob OR. Napatayo sila ni selma upang malaman kung anong sasabihin ng doktor pero maagap na nakalapit si duncan.

" How's my father doc?.." worried na worried ang tono ni duncan.

" Mr. Sylvano, your father is safe now..." Sabi ng family doctor ng mga Sylvano ng kumapit pa sa balikat ng binata. Lahat naman sila ay nabunutan ng tinik. Lalo na si Duncan..

" Ahh... thanks God...." Narinig niya pang sabi nito.

" Mabuti na lang at agad na nadala sa ER si Demetrio kaya naagapan natin ang pagoopera. May bumara sa veins na dumadaloy sa kanyang puso kaya nagsikip ang dibdib niya. Iwasan niyo sanang pasamain ang loob niya dahil makakasama iyon sa kanya, "

"Thank you doc.." Pagpapasalamat ng binata.

"Okay then let's settle this in my office. I'll give you some informations about your father's condition.." Tila hinanap pa siya ng doctor. Mas kilala siya nito dahil siya lagi ang kasa-kasama ng papa demi nila kapag ng papacheck up.

" Marion can you come with us? Mas mabuti pang alam mo din ang sasabihin ko.."

Akma siyang lalapit ng hawakan siya ni Duncan nia kinagulat niya.

May galit sa mata nito.

"Doc, i'll follow you later, we just need to talk..." sabi ni Duncan sa doctor. Tumango naman ito at iniwan na silang dalawa.

Nagtataka siya kung bakit biglang tumingin si Duncan sa kanya at humarap.

"From now on Marion, ayokong makikita ka na lumalapit sa papa ko. Inatake siya sa puso ng dahil sayo. I dont want you coming near him again you understand? Hindi na ako papayag! Tapos na ang pagiging anak-anakan mo sa kanya. " mariing bulong ni Duncan yun na parang sa kanya lang talaga gustong iparinig ang sinasabi!

ANO BANG GINAWA KONG MASAMA??.... Pero di niya maisantinig yun dahil sa nakaktakot ng pagtitig sa kanya ni duncan

"H-hindi ko ginusto na ang nangyare duncan!-"-naluluhang sabi ni Marion

"Hindi ko alam ang ginawa mo kaya ka nasa library ng maabutan ko siyang naaksidente. Malay ko kung anong sinabi mo kaya siya inatake! Kaya wag na wag kang lalapit sa papa ko" -Duncan

"Ikaw ang may kasalanan hindi ako--- "

"Lagi kaming nagaaway pero ngayon lang nangyare to! Ang sabhin mo? You planned everything kaya tayo nandito ngayon!--"

PAK!!!!!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Duncan na ikinagulat ni Selma na nasa di kalayuan..

Nanginginig na naikinuyom niya ang mga palad sa tindi ng galit sa lalaki. Sobra naaa! Sobra na too!

Sinampal niya ito ng matauhan.

Kahit nangingilid na ang luha niya ay hinde ito bumagsak sa mga pisngi niya. Manhid na manhid na rin yata ang pakiramdam niya kapag nakarinig ng pang bibintang sa binata.

"Sobra ka na Duncan! WALA AKONG BINABALAK NG MASAMA SA PAPA MO! WAG MO IPAULIT ULIT SA AKIN YAN! PUNONG PUNO NA AKO SA LAHAT NG UMAAPI SA AKIN SIMULA PAGKABATA KO!" Sigaw niya sa mahabang hallway ng hospital. Habang ang binata ay hinimas himas ang pisnging sinampal niya.

Natauhan na ba to? wala na siyang pakialam!.

" KUNG NAGAGALIT KA SA AKIN DAHIL AKALA MO INAGAW KO ANG PAPA MO! Isip bata ka! Di ko ginustong mamatayan ng magulang at maging kapatid ang isang katulad mo! Kung dahil lang sa akin kaya ka nagkakaganyan. Sige ibibigay ko ang gusto mo! Hindi na ako lalapit kay Papa! Hinding hindi mo na ako makikita! MASAYA KA NA? I finally decided to leave you hell alone! YOU AND YOUR BULLSHIT REASONS!" Sigaw niya dito.

Tinalikuran niya na Ito at walang lingong humakbang palayo. Saka tuluyang bumagsak ang mga luha niya..

"Marionnn..." Narinig niyang tinanong siya ni Selma pero hindi na niya iyon pinansin.. That's it!

She will leave! Iiwan na niya ang mga ito. Kung dahil sa kanya ay nagkanda leche-leche ang buhay ng mag-ama.

Sige papayag na siyang umalis sa poder ng mga ito...

Para sa ikakatahimik na ang lahat.

(I'm sorry Papa.... Get well soon.. I love you.....) Napahugulgol siya ng pigil na pigil nang maisip niyang iiwan niya ang Ama-amahan niya. Ang ama na nagbigay ng panibagong buhay sa kanya. Ang amang minahal siya na parang isang anak.....

Hindi niya gustong mapanganib ulit ang buhay nito nang dahil lang sa kanya. Kaya lalayo na lang siya. Balang araw ay makakatanaw siya ng utang na loob..

She was weak..

She wasn't that strong to fight for her rights, but she had a big heart for everyone. A heart that can surrender in any fights just to protect her loved ones.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ssam_grl
paid chapters po sila, you can top up para po mabasa ninyo. thanks
goodnovel comment avatar
Letlet Micalso
maganda sana, kaya lang dinko mabasa ang next chapter.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status