Share

CHAPTER THREE

Duncan:

"Don't make him stressed, yun ang mas makakabuting gamot sa Papa mo iho... Dahil ang sakit sa puso bigla bigla yang umaatake... Let him stay here for how many days or maybe a week para lalo siyang gumaling. As of now he is unconcious. Kapag nag kamalay na siya i will check up on him again kung may naging epekto ang heart attack sa kanya.. Mabuti na lang at mild heart attack lang kung hindi baka hindi na niya kayanin sa susunod.."

Hindi maalis alis sa isipan ni Duncan ang huling sinabi ng doctor sa kanya. Don't make him stressed.... 

Nakaupo siya sa tabi ng kama ng VIP unit nang kanyang ama. Malayo ang kanyang iniisip...Iniisip niya ang kondisyon nito ngayon. For almost one week na pag-iistay nito sa hospital ay isang beses palang nagkamalay ito. Saglitan lang at nakatulog ulit. Agad naman na nacheck-up ito noong magkamalay at nagising..

Chineck ang vitals at health nito. Ok na ito..ngunit nagpapahinga pa ito at hindi pa masyadong nakakarecover.

Hirap itong magsalita pero marahan nang naiilibot ang mga mata nito na tila may hinahanap. S

si Marion.. alam niyang kahit hindi magsalita ang kanyang ama ay hinahanap nio ang dalaga.

Nang lumayas si Marion ay may isang linggo na rin ang nakakaraan... Dahil nga pinalayas niya hind ba? 

Hindi na niya ito naabutan sa bahay ng makauwi niya galing sa hospital.

Tinotoo nga nito ang banta. na magpapakalayo na.

Shit!..... He cussed himself!...How can he be  stupid para gawin iyon sa dalaga..

Nang sampalin siya nito ay natauhan na lang siya na mali ang lahat ng lumabas sa kanyang bibig! Maling mali siya sa ginawa sa dalaga.

For how many years na pagtrato niyang parang isang basahan si marion....

Ngayon niya lang napagtanto na gago talaga siya. He didn't mean anything to hurt her feelings pero kusa na lang lumabas ang mga iyon sa mga bibig niya.

Maybe he was blaming her..

For what HE really did.

Siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit inatake ang ama niya pero hindi niya maamin sa sarili niya na siya ang dahilan.

Pinagpipilitan lang ng utak niya na si Marion ang lahat ng may dahilan nito..

Pinagbintangan niya pa ito na may balak na masama sa kanilang ama! GAGO TALAGA SIYA!

Hindi niya masisisi sa sarili niya dahil na rin sa laki ng epekto ng nakaraan sa kanya.

Before they were living as a happy family.. With a dad and a mom..

He thought they could stay like that forever..pero hindi pala... Iniwan sila ng kanyang ina, ang sabi ay pinalayas daw ito ng kanyang ama. Akala niya noon ay isang malaking pagaaway lang yun ng mga magulang niya, Pinilit niyang pakiusapan ang  kanyang ama na ibalik sa bahay ang kanyang ina pero hindi ito nakinig at pinagbalewala ang lahat...

Nagalit siya dahil sa tigas ng ulo ng  ama. Kahit hindi niya alam noon ang nangyari. Mas lalo lang siyang nagrebelde dahil akala niya ay ang ama niya mismo ang nagpalayas sa kanya. 

Lumayo ang kanyang loob .sa ama.at ipinangako niya sa sarili na kapag siya ay lumaki na ay hahanapin niya ang kanyang ina.

Nagawa naman niya yun pero napagtanto niya ang totoong nangyari. Lumayas ang ina niya dahil sumama ito sa ibang lalaki at tinangay ang malaking pera nila ng kanyang papa. 

Walang puso na ina! Kaya eto ang epekto sa kanya ngayon. Ang wag magtitiwala sa kahit na kanino at sa kahit na kakilala.

Pero sa tuwing nakikita niya si Marion. Lagi niyang naiisip na isa ito sa hindi gagawa ng mabuti sa kanila, balang araw ay aalis din ito at pababayaan sila.

Natrauma? siguro nga..

Pinilit naman niyang wag isipin na magiging ganoon dins i Marion pero mahirap, mahirap talagang magtiwala. Upang hindi lumaki ang gulo sa pagitan nilang dalawa ng ama ay pinili na lang niyang lumayo at mamuhay mag isa sa Manila.upang maiwasan na rin ang araw araw ng pagaalala niya na maulit pa ang lahat ng mga nangyari sa kanilang pamilya. 

Ayaw niyang maging malapit kay marion or ituring man lang itong kapatid dahil sa takot na kapag napalagayan na niya ng loob eh masasaktan siyang muli katulad ng ginawa ng kanyang sariling ina.

Pero alam niya hindi yun excuse para pakitaan ng masama at magaspang ng ugali ang dalaga..

GAGO PA RIN SIYA! At naging judgemental.. 

Gusto niyang itama ang lahat ng pagkakamali niya simula sa araw na iyon. Pero paano? Saan siya maguumpisa? ...

Kailangan niyang hanapin si Marion!..

Ibabalik niya ito sa bahay..

Bago pa man magkamalay ng maayos ang ama niya.

Pero saan siya magsisimula..

Walang gusto magsalita kahit ang katulong nila na si selmaa ay ayaw sabihin kung saan pwedeng pumunta si Marion. Wala daw itong alam at tila lagi pang takot sa kanya ang katulong.

Napapabayaan na niya ang naiwang negosyo sa manila pero ok lang iyon dahil mas importante sa kanya ngayong ang maayos niya ang sinimulang niyang gulo.

"Hmmmm~~" 

Napalingon siya sa matandang nagising at marahang lumapit agad dito.

"Papa?" Hinawakan niya ito sa kamay ngunit tila hirap parin itong magsalita.." Selma can you call the doctor please. " utos niya sa batang katulong na nagbabalat sana ng mansanas.

"M-Ma" mahinang sambit nito na hindi niya gaanong martinig ang binibigkas. 

"Pa. It's me Duncan, can you hear me?" tanong niya sa ama. 

Marahang dumilat ito at dahan dahang tumango at ngumiti. Lalo nang nadurog ang kanyang puso ng makitang nahihirapang ang ama.

"Pa i am sorry..., i know it's my fault. I promise you i will make things right from now on..." paghingi niya ng tawad sa ama.

Marahan itong ngumiti at inilagay ang isang kamay sa kanyang kamay. 

"S-si Marion?" tanong pa nito. 

" Pa, i  think you should rest first.. Bawal kapa na magsalita ng magsalita" tugon na lang niya. Hindi niya alam kung anong sasabhin. Hindi niya masabing pinalayas niya si Marion at baka lalo langitong atakihin sa puso. 

"Iho,  I am fine...  Nasaan ang kapatid mo? .... Hindi ko siya nakiki-t-taa," inaantok na sabi nito.

"She will come. Don't worry" He just smiled and his dad smiled back, yun lang at muli itong nakatulog.

"I promise i will bring her back.." he assured that. Hahanapin niya si marion at ibabalik niya ito.....

Ringggg! Ringggg!

Dinukot niya sa bulsa ang telepono..

Tumatawag ang investigator na hinire niya upang hanapin si marion. Agad siyang lumabas ng kwarto para sagutin iyom. He was hoping na nakita na nito si marion...

" Hello? Did you find her?...WHAT?! Until now wala parin kayong lead kung saan siya nagpunta? " Uminit ang ulo niya, " Malaki ang binabayad ko sa inyo para lang mahanap niyo siya! Isang linggo na pero kahit isang impormasyon wala kayong masabi sakin?! You better do your job well Mr. Alvarez. Nauubusan na ako ng pasensya!!," yun lang ang binaba na niya ang phone.

"DAMN IT!!," napasa siya sa isang mga nakalinyang upuan sa labas.. Bakit ba ayaw magpakita ni Marion!! 

"Sir?" 

Napalingon siya sa nagsalita. Si selma nandun lang ito sa isang sulok at tila natakot sa kanya..

"M-may alam po akong posibleng puntahan ni Ms. Marion..." -selma

"Where?" Tila naexcite siya at nilapitan ang dalaga. "Please tell me. I promise that i will bring her back " 

"Sa sa boracay po sir..."

"Sa boracay??" Napakunot noo siya bakit dun?? .....

"Opo sir kase naalala ko pag nagkukwento siya tungkol sa Boracay eh. Gustong gusto daw niyang pumunta dun pero sabi niya pupunta lang daw siya dun kapag kayong tatlo ni Sir Demetrio ang magkakasama. Pangarap niya po kasing magkaayos ayos kayo"- selma.

"Okay okay sa boracay,, i'll find her there. Sa boracay....  Wait, I'll pack my things first, pupuntahan ko siya dun. Alam mo ba saang exact resort siya nandoon?" Di siya mapakali kung anong unang gagawin at iisipin.

Umiling ang katulong " Hindi niya po ako kinokontak sir. Nagbabakasakali lang ako na baka dun siya pumunta"

napagtango tango na lang siya sa kawalan. 

Shit! Maraming lugar sa boracay paano niya maghahagilap sa isang taong nawawala?...

it was not an ideal plan na kapag naglayas ay sa boracay ang takbo ng isang tao.

Kung kinakailangan niyang magcheck-in sa lahat ng resort at hotels dun ay gagawin niya mahanap lang ang dalaga

"Ok. I'll go ahead. Ikaw na muna ang bahala dito. Let me know from time to time kung nagising ang papa " yun lang at mabilis siyang umalis ng hospital.

Bahala na! siguro naman sa isang araw lang makikita niya si Marion kung nandoon nga ito....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status