NIKKI’S POV
Nakabibingi na musika at makapal na usok ng sigarilyo ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa bar. Under different circumstances, I would never find myself standing here, but today was an exception.
Naglakad ako papunta sa bar counter habang manghang nakamasid sa mga tao na narito. Some women were dancing obliviously while men took advantage of their drunkenness. Napaismid ako habang pinapanood ang mga taong naghahalikan at halos magtalik na sa dance floor, mga walang delikadesa!
Napahinto ako sa harap ng bar counter at wala sa sarili umupo sa isang high stool.
“Bigyan mo ‘ko ng pinakamatapang niyong alak!” Utos ko sa bartender.
Agad itong tumalima at binigyan ako ng isang bote ng Spirytus Vodka at isang shot glass. Nang matanggal ko ang takip nito ay agad kong nalanghap ang matapang nitong amoy. Parang bumaliktad agad ang sikmura ko at sa isang banda ay naisipan kong huwag ng ituloy ang paglalasing. But then, there’s no turning back, kapag hindi ko ito ginawa ay uuwi lang ako na luhaan at patuloy na nasasaktan.
I just want to numb myself, kahit ngayong araw lang. I want to forget the pain and the betrayal they caused me. I want to feel numb! But my mind’s a traitor because the moment I closed my eyes, the image of two naked people curling up against each other came vivid in my mind.
“Fuck you, Vonn!” I cursed as I took a shot.
Gumuhit ang init sa lalamunan ko papunta sa aking dibdib at nangilid ang luha ko sa pangit ng lasa ng alak na ito. Pakiramdam ko ay agad na umikot at nagdalawa ang paningin ko. Parang baha na biglang rumagasa sa isipan ko ang nangyari kanina, dahilan kung bakit ako napunta sa lugar na ito.
***FLASHBACK***
It was our third year anniversary today. Vonn, my boyfriend, had no idea I was going home because I wanted to surprise him. Ang alam niya ay nasa Singapore ako para sa isang business conference. Well, doon naman talaga ako nanggaling. Napa-aga lang ng dalawang araw ang flight ko dahil mabilis na natapos ang conference.
I wasted no time because I was so excited to see Vonn. We’ve been together for three years now and we already talked about settling down. I bought an expensive Rolex watch as a gift to him.
Habang nasa eroplano ay hindi ako mapakali, masyado yata akong excited na makita ang magiging reaction niya. I tried to sleep but my excitement made me feel jitters all the way home.
Upon arriving, I took a taxi to Vonn’s Condominium. Mabilis akong bumaba sa taxi at nagmamadaling umakyat sa floor ni Vonn sa kabila ng pagkahilo ko mula sa biyahe.
When I reached his floor, I stood in front of his door and took a deep breath. Kinuha ko ang spare key na ibinigay niya sa akin at dali-daling binuksan ang pinto.
Katahimikan ang sumalubong sa akin pagpasok ko. Nagtataka ako dahil sabado pa lang ngayon. And knowing Vonn, hindi ‘yon aalis ng bahay dahil rest day niya ang saturday. I tiptoed to his room, thinking that maybe he was asleep and the least I wanted to do was to disturb him. However, as I was walking upstairs, the scattered clothes immediately caught my attention.
Isang kulay pulang dress at isang laced panty ang nasa sahig at bahagyang nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto. Kinabahan agad ako sa nakita ko at hindi ko maiwasang mag-isip ng masama. Dahan-dahan akong naglakad at natutop ko ang bibig ko nang tumama ang mata ko sa siwang ng kanyang kwarto.
My heart started beating fast as the pain enveloped it. I cannot believe my eyes! There he was, my unfaithful boyfriend, grinding against another woman. He was pushing hard against her behind her back.
Before I could stop myself, I kicked the door and it flung open leaving the two of them stunned. Rage consumed me when I saw who the woman was; it was Krisna, my best friend.
Napalingon sila sa akin at rumehistro ang labis na pagkagulat sa kanilang mga mukha nang mapagsino nila ako. Parehas silang nataranta at tila hindi na malaman ang kanilang gagawin.
“What’s the fucking meaning of this?” I shouted.
“Babe, let me ex – ” before he could say a word, I cut him off.
“Kailan pa?” nanginginig kong tanong sa kanila.
Nang ibaling ko ang paningin ko kay Krisna ay tahimik lang siya na umiiyak sa isang sulok. Si Vonn naman ay nagbaba ng tingin, tila hindi alam kung ano ang sasabihin.
“Damn you! I’m asking you, kailan pa? Kailan niyo pa ako niloloko?” nanggagalaiti kong sigaw.
Bumuhos ang mga luhang pinipigilan ko habang nakatingin ako sa kanila. Lumapit ako kay Krisna at marahas ko siyang hinigit patayo at malakas na sinampal.
“Traydor ka! Ang sabi ko bantayan mo ang boyfriend ko, hindi landiin! I trusted you! I fucking trusted you two!” patuloy ako sa histerikal na pagsigaw.
Akmang susugurin ko ulit si Krisna nang harangin ako ni Vonn.
“Please don’t hurt her...” he pleaded.
Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwala sa narinig ko. Is he fucking choosing her over me?
“Do you love her?” nanghihina kong tanong.
“She’s pregnant,” sagot niya, at parang tumigil ang mundo ko dahil sa narinig ko.
Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. Akala ko ako ang may sorpresa, mas malaki pala ang pasabog ng hudas!
“She’s four months pregnant, babe. I’m sorry. Believe me, Babe! Hindi ko sinasadya, it was an accident. Babe, ikaw ang mahal ko. I want to take responsibility with the child but I’m not going to marry her,” nakikiusap ang tono ni Vonn.
Tumawa ako ng pagak, anong akala niya sa aming dalawa? Laruan na pwede siyang mamili kung sino ang lalaruin at itatapon niya?
“Do you hear yourself Vonn? I can’t believe you. Pagkatapos mong buntisin ang kaibigan ko, sasabihin mo sa aki na ako ang mahal mo? Sana naisip mo yan bago mo ipinasok ang sandata mo sa kweba ng malanding ‘yan!” asik ko.
“It was a mistake, babe. I promise, hindi ko sinasadya,” aniya at pinilit akong hawakan pero tinulak ko siya palayo.
“Vonn, if it was a mistake, dapat ay hindi na ito naulit. But no, you did it several times. It’s not a mistake, it’s called cheating. We’re done,” sagot ko at tumalikod ako.
The moment I turned my back, my tears flowed freely from my eyes. Nag-taxi ako pauwi sa apartment ko at iniwan ko roon ang mga gamit ko. Later on, nakita ko na lang ang sarili kong nagmamaneho patungo sa isang bar.
***END OF FLASHBACK***
Napabalik ako sa kasalukuyan at humigpit ang hawak ko sa shot glass habang inaalala ang nangyari kanina. Naramdaman ko ulit ang pag-iinit ng mga mata ko kaya naman tumayo ako at nagpasyang mag-restroom.
I walked with my eyes half-closed, in a zigzag manner. Naramdaman ko pang nabubunggo ako pero hindi ko na iyon pinansin.
I opened the restroom door and pushed myself inside but stopped immediately when I saw a man standing in front of me. That’s when I realized I entered the wrong restroom.
Dali-dali akong lumabas at pumasok sa kabilang pinto. When I was done, I washed my face and saw my swollen eyes. I walked back into the counter but I lost my way instead.
Nakahawak ako sa dingding nang bigla itong bumukas at sumubsob ako sa isang malapad at mabangong dibdib – wait, what?
Sumikdo ang kaba sa aking dibdib ng matitigan ko ang kanyang kulay asul na mga mata. Naghugis bilog ang bibig ko nang napagtanto ko na siya iyong lalaki sa restroom kanina.
He smirked when he saw my reaction.
“Stalking me, aren’t you, Miss Pretty?” even his baritone voice suits his appearance.
I opened my mouth to speak, but no voice came out. I looked at him sharply and tried to stand, but I failed.
Muli akong sumubsob sa kanyang dibdib at nanuot sa aking ilong ang kanyang pabango. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nalasing sa kanyang bango.
“Tss. Iinom-inom kasi, hindi naman pala kaya,” I heard him utter.
“P-pakialam mo ba?” mataray kong tanong sa kanya.
“Look, Miss, I don’t want to nurse a drunken lady. If you’re not feeling well, just go home,” anito na lalong nagpainit ng ulo ko.
Huh! The nerve of this guy! Who said I needed him to nurse me?
“You don’t get to tell me what to do! You, men, are all the same!” sigaw ko sa kanya at saka ako pagewang-gewang na naglakad palabas ng bar.
I was about to call a Taxi when a car stopped in front of me. Nagulat ako nang makilala ko ang driver ng kotse. It was none other than the arrogant guy from the bar!
“I’ll take you home, Miss. My conscience won’t let me sleep if I let you go home by yourself, baka kung ano pa ang mangyari sa ‘yo sa daan,” alok nito sa akin.
Inismiran ko siya at tinaasan ng kilay bago ako sumagot, “I can manage.”
Muli akong naglakad pero halos madapa ako sa sobrang kalasingan.
“Come on,” udyok pa nito.
“Kaya ko ang sarili ko,” matigas kong pagtanggi.
Napapalatak ito at umiling-iling bago bumulong, “Tsk, this woman is so stubborn.”
Nagulat na lang ako nang bigla niyang itigil ang kanyang sasakyan at binuksan ang passenger seat nito. Agad siyang bumaba at lumapit sa akin. Impit akong napasigaw nang bigla niya akong buhatin na para bang isang sakong bigas ako at ipinasok sa kotse.
“Whew! Sa liit mong ‘yan, hindi ko inakala na mabigat ka pala,” natatawa niyang komento.
Tiningnan ko siya ng masama at sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse ngunit nakasarado iyon.
“Stop it, you will only tire yourself. Just give me your address,” aniya at pinaandar ang sasakyan.
Hindi ako umiimik kahit noong nagsimula na siyang magmaneho. Nakatuliro lang ako habang nakatitig sa labas ng bintana.
Bakit ganito? Lasing na ako, pero bakit masakit pa rin?
Hinayaan ko ang luha ko na malayang kumawala sa mga mata ko. Hindi ko namalayan na napahikbi na pala ako ng malakas. Hindi ko rin napansin na nakatigil na pala ang sasakyan sa gilid ng daan.
“I fucking hate you, Vonn! You ruined my life! I will never forgive you! Never! Ano ba ang ginawa ko sa ‘yo? I gave you all my love, pero bakit nagawa mo pa rin akong lokohin?” sigaw ko at pinaghahampas ko ang lalaki sa harapan ko.
Sinuntok-suntok ko siya at tinampal ng malakas. Ibinuhos ko sa kanya ang lahat ng galit na nararamdaman ko hanggang sa naubos ang lakas ko. Napasandal ako sa upuan habang patuloy akong umiiyak.
“Okay ka na ba? I hope I made you feel better,” narinig ko pa ang mahina niyang bulong bago ako tuluyang nilamon ng dilim.
NIKKI’S POVThe bright morning light greeted me as soon as I opened my eyes. I stretched my arms a little and closed my eyes again while snuggling my pillow.Hmm, ang bango naman ng unan ko ngayon.I smiled as I inhaled the masculine smell of my pillow – napamulagat ako at napanganga ng imbes na unan ang hawak ko ay isang matipunong dibdib ang hinihimas ko. Inilibot ko ang paningin ko at doon ko napagtanto na hindi ito ang kwarto ko. Tiningnan ko ang sarili ko at agad akong napatili nang makitang wala akong saplot maliban sa mga undergarments ko.“Ahhhhhh! Anong ginawa mo sa ‘kin? Hayop ka! Hayop ka!” sigaw ko at sinakyan ko ang natutulog na lalaki at pinaghahampas.“Ouch! What the fuck!” ganting sigaw nito at biglang tumayo dahilan para mapaupo ako sa kama.Ngayon a
NIKKI’S POVI sat on my chair as I listened to the presenters for today’s meeting. Nasa conference ako kasama ang CEO at ang miyembro ng Board at kasalukuyan kaming nagpupulong tungkol sa monthly monitoring ng kompanya. Kasalukuyang nag-didiscuss ang Finance Department tungkol sa Sales at Trend ng kompanya sa nagdaang buwan, ngunit wala roon ang aking atensyon. Pilit ko man na kalimutan ang mga nangyari nitong nakaraan, ngunit parang bangungot ito nagsusumiksik sa kaibutoran ng aking isipan.Napatingin ako kay Dazzle na siyang nagsasalita sa harapan, pero pakiramdam ko ay hindi ko siya naririnig. Para bang nakatingin lang ako sa kanila, ngunit hindi ko sila nakikita. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip at hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod na magsasalita.“Dominique? Hey, Dominique!” napapitlag ako nang marinig ko ang sigaw ni Dad.Noon ko lang napagtanto na nasa akin na pala ang atensyon ng lahat. Napap
NIKKI’S POV“Shit! Ang haba naman ng buhok mo, Girl! Imagine, kaka-break mo lang sa ex mo na cheater, aba, may replacement na agad,” kinikilig na saad ni Camille habang naglalakad kami pabalik sa office.Hindi pa rin ako nakahuma sa nangyari. Matapos iyong sabihin ni Gale ay mabilis akong tumalikod at naglakad palabas ng cafe. Gulat at hindi ako makapaniwala. Bakit? Bakit siya tatawag sa akin? Sa anong dahilan?“What? What replacement are you talking about, Camille? Anong akala mo kay Vonn, spare parts ng sasakyan, o unit ng cellphone na madali lang palitan?” nakataas ang kilay kong tanong.“Alam mo, don’t waste your time crying over him. He’s not worth it,” saad nito at tinitigan ako.Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Of course, I’ll be a hypocrite if I’ll say that I’ve already moved on. Ilang
NIKKI’S POV“N-napatawag ka?” napamura ako sa isipan ko nang marinig ko ang nauutal at gulat kong boses.Seriously, kailan pa ako na-intimidate sa taong kausap ko lang naman sa telepono?Narinig ko ang mahinang tawa ni Gale sa kabilang linya na lalong nagpa-init sa mukha ko. I shouldn’t be acting this way, Jeez!“Stop laughing, will you?” inis kong bulyaw sa kanya, pero sa halip na tumahimik ay lalo lang siyang natawa sa akin.“Titigil ka sa kakatawa o ibababa ko na itong tawag mo?” pananakot ko sa kanya na mukhang umobra naman dahil bigla siyang natahimik at napatikhim.“You’re really scary, milady. Kahit hindi kita kaharap ngayon, you still have the same effect on me,” kapagkuwan ay saad nito.Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng pu
NIKKI’S POV The cozy ambiance of the restaurant made me feel at ease. We are currently in Bellevue Restaurant, a fine dining restaurant that specializes in French cuisine, owned by Gale, himself. It was an old, but well-preserved restaurant that has been built many years ago. “Tell me, how many businesses do you have?” I curiously asked. He doesn’t look like the kind of businessman who’s intimidating. I guess it has something to do with his aura. He rarely scoffs, and most of the time he’s just smiling. His smile seems contagious as I noticed that everyone who looks at him also smiles. He’s also good looking and he has that undeniable sense of humor. “Interesado ka na ba sa ‘kin? Just enough to provide for you and our future grandchildren, Milady,” nakangisi niyang sagot sa tanong ko.
NIKKI'S POV Nakaupo ako ngayon sa harap ng vanity mirror sa loob ng kwarto ko habang pinapatuyo ko ang aking buhok. Kakatapos ko lang maligo at gawin ang skin care routine ko tuwing gabi. Napahawak ako sa noo ko kasabay nang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Biglang nag-init ang aking mukha at bumalik sa akin ang pakiramdam nang lumapat ang labi ni Gale sa noo ko. Oh, Jeez! Nababaliw na yata ako! Kaisa mag-isip pa ng kung ano-ano ay pinili ko na lang na matulog. Mahirap na at baka lutang na naman ako sa trabaho kinabukasan, ayaw ko naman no'n. MINASAHE ko ang sentido ko nang makaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Kakatapos lang ng board meeting namin at sabog na sabog na ako sa rami ng mga napag-usapan, kabilang na roon ang tungkol sa bidding para mag-supply ng inumin sa isang malaking kompanya. Malawak ang sakop ng
NIKKI’S POV Habang nakahiga ako sa aking kama ay naroon pa rin ang kaba sa aking dibdib. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa sinabi ni Vonn at hindi iyon matanggal-tanggal sa isipan ko. Sa wari ko’y tila isang pahiwatig iyon na may hindi magandang pangyayari na naghihintay para sa akin. Ayaw ko man na isipin pero para itong sirang plaka na paulit-ulit sa isipan ko. Lumabas ako sa kwarto ko at maingat na naglakad papunta sa kusina bitbit ang cellphone ko na ginamit kong flashlight. Kumuha ako ng malamig na tubig mula sa fridge at agad na nagsalin sa isang baso. Mabilis ko itong ininom para kalmahin ang puso ko. Huminga ako ng malalim at muling naglakad pabalik sa kwarto ko para matulog. That night before going to sleep, I prayed because I was really tr
NIKKI'S POV"Babe! Are you okay? Nasaktan ka ba? May ginawa ba si Krisna sa'yo?" mabilis kong binaling ang paningin ko kay Vonn na ngayon ay nakahawak na sa braso ko.Agad kong hinila ang aking mga kamay, ayaw kong magdaiti ang mga balat namin dahil para akong dinedemonyo. Ang kapal naman talaga ng mukha niya para tawagin akong babe sa harapan pa mismo ng babaeng binuntis niya!Binitawan niya ang kamay ko at nagmamadaling pumunta kay Krisna. Hindi pa man ako nakakabawi ay muli akong nabigla nang marahas niyang itayo si Krisna at hawakan ng mariin sa braso. Kita ko sa kanyang mukha na nasasaktan siya, pero hindi man lang siya nagsalita. Patuloy lang siya na umiiyak at hinayaan niya lang si Vonn na saktan siya."Bakit ka nandito? Nag-usap na tayo, hindi ba? Sususportahan ko naman ang bata per
NIKKI'S POVThe bright rays of the morning sun touched our skin, making us feel a lot warmer today. I looked around, and took a deep breath, realizing how peaceful this place is.I stood in front of a grave. Nandito ako para magpaalam, at makipag-usap sa isang tao na matagal ng nawala sa mundong ito. This will be the last time, because after this, I will surely go somewhere far away."Are you sure about this?" Gale asked from behind me.Lumingon ako sa kanya at ngumiti. I've never been sure. Napagtanto ko na kapag hinayaan ko ang sarili ko na masaktan habang buhay, ako ang talo. Kasi ang taong nanakit sa akin ay matagal nang tahimik sa kabilang buhay, habang ako, nandito pa rin sa pahina kung saan puro sakit at pighati ang nararamdaman ko."Y-yes, I am." I cleared my throat. "This is the only way for me to move forward, Gale. I needed to let this one out. I need to let go of my pain, and my anger...""I know." He replied.Lumapit siya sa akin at marahan niyang hinaplos ang mukha ko, sa
GALE'S POV"Nooooo!"A loud scream left my lips as I saw Adhara's car crashing to a ten-wheeler truck. Bumigat ang dibdib ko, at parang hindi ako makahinga habang tinitingnan ang wasak na sasakyan. Kusang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.Mabilis kong itinigil ang sasakyan, hindi iniinda ang sakit na nanalaytay sa balikat ko. Bumaba ako at lumapit sa sasakyan. My heart was racing, fear consumed me.No! God, no! This isn't happening!Gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ito, pero ang eksenang tumambad sa akin ay patunay na totoo ang lahat ng ito.Wasak ang unahang bahagi ng sasakyan, at kita ko ang duguang katawan ni Adhara. Naipit ang dalawa niyang paa. Sa passenger side naman ay nandoon si Dominique. Wala siyang malay, at puno rin siya ng dugo. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang dugong umaagos sa kanyang binti.Fuck, no! Our child!Wala sa sarili kong kinatok ang bintana, pilit siyang ginigising ngunit nanatili siyang walang malay. Ayaw kong isipin na... Hind
GALE'S POV"No! Dominique!" sigaw ko habang dinidiinan ang paghawak sa balikat ko, kung saan tumama ang bala.Dali-dali akong tumayo sa tulong ng mga magulang ko at susuray-suray na tumakbo palabas ng bahay. Sinubukan kong habulin sina Adhara, ngunit hindi ko na sila naabutan pa."Gale, we need to take you to the hospital!" histerikal na sigaw ni Mommy."No, Mom! I won't go anywhere until I find Dominique and Adhara. Call the police!" I instructed.Mabilis kong tinungo ang sasakyan ko at nagmaneho palabas ng village. She wouldn't have gone that far yet.I hissed from the pain that filled my system. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagsigaw. Sandali akong tumigil sa tabi ng kalsada. I tore a part of my shirt and wrapped it around my shoulder. Napapikit ako at napamura sa sakit, pero hindi ko iyon ininda. I have to find Dominique. Kapag may nangyaring masama sa kanya at sa anak namin ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.I wasted no time. Muli kong pinatakbo ang sasakyan at mabil
NIKKI'S POVMy mouth parted and my heart started beating so loud, seeing the look on Adhara's face. She's standing on the doorway, her hands were inside the pocket of her black cloak. Hindi ko naintindihan ang kaba na biglang lumukob sa akin, hindi ko na siya makilala. She's far too different from the Adhara I knew a year ago.Siguro nga ay pagpapapanggap lang ang pinakita niya sa akin noon, pero gusto ko pa ring paniwalaan na may kabutihan pa rin sa puso niya. However, seeing her face right now, I could only think of the worse. Masama ang tingin niya sa aming lahat.I gulped when she started walking towards us. Instinctively, Gale pulled me to his side."What are you doing here, Adhara?" Gale's voice was stern, and serious."I came here to claim what's mine," she said.Napasinghap ako, lalo na nang makita ko ang kakaibang ngisi sa mukha niya. She looked like she lost her mind, and the way she laughed, I can't stop thinking that maybe she lost her sanity."Akin ka lang, Gale. You promi
NIKKI'S POV"I'm really sorry for everything..."Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Tita Graciella was sitting in front of me, asking for forgiveness. It was something I never expected. After all, hindi maganda ang naging huling pag-uusap namin.I cleared the lump in my throat, trying so hard to stop myself from tearing up. Something warm touched my heart, and I felt as if it was burning. I always imagined how it would feel to make amends with her. And now I knew, the word happiness will never fit the way I'm feeling right now."I know saying sorry isn't enough to compensate for all the damage and pain that I caused you, but please know that I am sincere. I'm really sorry for all the things I did," she said, her voice started to crack.Her tears spilled uncontrollably from her eyes. Something told me that she's not lying. Her eyes held truth, and genuine regret.Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na umiyak. Bumalik sa isipan ko ang lahat ng masasakit na salitang binitawan niya
LOUIE'S POVI glanced on my wristwatch, it's already a quarter past three which means she's already fifteen minutes late. I sighed, and told myself to wait for another fifteen minutes, and if she doesn't show herself yet, I will leave.The door suddenly opened, and I saw her walking inside with her eyes settling on me. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti ulit sa akin.Kumalabog ang dibdib ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. It's been years, but the regret I felt for not telling her the truth is still eating me."Gracie..." I whispered her name."Louie... It's been ages," came her reply.Binalot kami ng katahimikan. Nanatili lang ang mga mata ko sa kanya, pilit na inaalala ang dating Graciella na naging kaibigan ko. She's still beautiful and regal, the past years did a good job in maintaining her beauty.Habang nakatingin sa kanya ay napagtanto ko na iba na siya sa dating babae na minsan ay naging parte ng buhay ko. And along the memories of our friendship, the
GRACIELLA'S POV"Dominique is pregnant..."His words kept ringing inside my head. I couldn't take it! I wanted so bad to be mad at him, but when I looked at his eyes, I could see how happy he was. His eyes were filled with different emotions, and I knew it was all he ever wanted.Am I that heartless?Am I that selfish?Dominique stayed sitting on the couch, as Gale walked towards her, occupying the space beside her. He kissed her forehead, and it broke my heart. Gustong-gusto ko na hayaan sila, pero sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon, hindi ko maiwasan na magalit.I trusted her parents, but they broke my trust.Unable to take the sight in front of me, I slowly backed down and left their apartment. Parang nawalan na rin ako ng lakas na pilitin pa si Gale dahil alam ko na mali ako. Alam kong mali ako, pero hindi ko pa rin talaga matanggap na sa dinami-rami ng mga taong pwede niyang mahalin, ang anak pa talaga ni Diana.Dali-dali akong sumakay sa sasakyan ni Ara na naghihintay sa
GALE'S POV"Dominique is pregnant."My own voice resonating in my ears. Malakas na kumabog ang dibdib ko, lalo na nang makita kong nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Tito Louie. Alam ko, I haven't yet done much to prove myself worthy of Dominique, but this pregnancy was unexpected. Nevertheless, I don't regret having her pregnant. The only thing I felt upon knowing about it is pure happiness.Umigting ang panga ni Tito Louie, habang si Nicole at Camille naman ay parang na-estatwa at hindi agad nakapagsalita.Naramdaman ko ang init ng palad ni Dominique nang ipatong niya ang kanyang kamay sa kamay kong nanginginig."D-Dad..." bulong niya.Ramdam na ramdam ko ang kaba at takot niya. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pangamba."What's your plan now?" Tito Louie asked.His voice was strained, but he didn't sound angry. Napalingon ako sa kanya, ngunit wala pa ring nagbago sa ekspresyon ng mukha niya. Seryoso pa rin ito at hindi kakikitaan ng kahit anong emosyon.Napatingin ako kay Domi
NIKKI'S POVI paced back and forth inside our room. I was restless, and worried about my family's reaction to our news. Our pregnancy wasn't planned, but it was the best thing that happened to us. And I'm hoping that this baby may unite our family, and strengthen our ties."Relax, everything's going to be okay," Gale whispered, wrapping his hands around my waist and giving me a soft kiss on my shoulder blades.I instantly relaxed under his touch."How can I?" I whispered back."I'm here, hindi ko kayo pababayaan. I will fight the world for you, love," he assured me.I nodded my head, and turned to meet his eyes. I can see the sincerity and honesty brooding in his eyes. He gave me a small smile before lowering his lips to capture mine.A few minutes later, we were already inside the car, driving towards the restaurant where we had a dinner reservation. We decided to let my family know first. As much as I wanted to invite Gale's family, I know it would only be full of tension and awkward