NIKKI’S POV
“Shit! Ang haba naman ng buhok mo, Girl! Imagine, kaka-break mo lang sa ex mo na cheater, aba, may replacement na agad,” kinikilig na saad ni Camille habang naglalakad kami pabalik sa office.
Hindi pa rin ako nakahuma sa nangyari. Matapos iyong sabihin ni Gale ay mabilis akong tumalikod at naglakad palabas ng cafe. Gulat at hindi ako makapaniwala. Bakit? Bakit siya tatawag sa akin? Sa anong dahilan?
“What? What replacement are you talking about, Camille? Anong akala mo kay Vonn, spare parts ng sasakyan, o unit ng cellphone na madali lang palitan?” nakataas ang kilay kong tanong.
“Alam mo, don’t waste your time crying over him. He’s not worth it,” saad nito at tinitigan ako.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Of course, I’ll be a hypocrite if I’ll say that I’ve already moved on. Ilang araw pa lang simula nang mangyari iyon at narito pa rin sa puso ko ang sakit na iniwan ng kanyang pagloloko. I never thought he’d cheat on me.
Ilang araw na rin siyang nagpaparamdam at tumatawag sa cellphone ko pero hindi ko iyon pinapansin. Desidido na ako na kalimutan si Vonn dahil ayaw ko na makasira ng pamilya. Kahit naman masakit ang ginawa nila ni Krisna sa akin, hindi naman ako ganoon ka sama para idawit ang batang walang kamuwang-muwang sa problema namin.
“O, natahamik ka? Huwag mong sabihin sa akin na hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin sila?” seryoso niyang tanong sa akin.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako humarap sa kanya at nagsalita.
“Camille, hindi madaling kalimutan ang ginawa nila sa akin. Kahit sa pagpikit ko ay klaro ko pa na nakikita ang mga mukha nila habang ginagawa nila ang kababuyang iyon. Hindi ko kasi maiwasan na isipin kung saan ako nagkamali. Bakit nagawa nila akong lokohin?” naghihinanakit kong tanong.
“I understand you, Nik, but please don’t let whatever happened take a hold of you. Don’t close your heart to other people. Hindi naman lahat ng tao na makikilala mo ay katulad ni Vonn,” aniya habang pinipisil-pisil ang kamay ko binigyan niya ako ng isang encouraging na ngiti.
Sumagi sa isipan ko ang mukha ni Gale. Hindi ko alam kung anong parte ang lalaruin niya sa buhay ko, pero sigurado ako na magkikita pa kami ulit. Naalala ko ‘yong gabing nakita ko siya sa bar, naalala ko kung paano niya akong binuhat papasok sa kanyang sasakyan at kung paano ko siya sinaktan sa pag-aakalang siya si Vonn.
“Maybe you’re right, but I’m not yet ready. If it is God’s will, then it will be,” mahina kong sagot at nagpatuloy na sa paglalakad.
Mabilis ang aking mga hakbang kaya naman patakbong humabol si Camille sa akin at kinulit-kulit ako tungkol kay Gale pero nanatiling tikom ang bibig ko. I don’t want her to think anything about us dahil wala naman talagang namamagitan sa amin. We were just strangers who met on an unfortunate night.
Pagdating namin sa office ay malapit nang mag-uwian kaya naman ang ilang empleyado ay naghahanda na.
“Mille, mauna ka na, dadaanan ko muna si Dad sa office niya,” paalam ko sa kanya.
Huminto ako sa harap ng opisina ni Dad at huminga ng malalim. Iniisip kung paano ako hihingi ng tawad kanya. Kumatok ako ng mahina bago ko binuksan ang pinto sa kanyang opisina. I saw him sitting on his swivel chair, doing something on his computer. Hindi siya nag-angat ng tingin ngunit alam ko na naramdaman niya na ang presensya ko. Umupo ako sa harap ng kanyang mesa.
“What happened earlier, Dominique? Parang hindi ikaw ang Dominique na kilala ko. Nakatulala ka lang habang naghihintay kami ng sasabihin mo, may problema ba?” bagamat seryoso ay wala namang bakas ng galit ang tono ng boses ni Dad.
Napayuko ako at hindi nakapagsalita dahil sa bahagyang pagkapahiya. He always taught me not to bring my problems to work, that I should not mix my personal life with our business.
“I’m sorry about that, Dad. I was really out of focus these days,” I said without further elaborating.
“Was it because your imbecile boyfriend cheated on you?” Dad asked and turned his face on me.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I should have known, it won’t be long before the whole business world knows how my ex cheated on me. Kahit hindi sabihin ni Dad ay alam kong may mga bali-balitang nakakarating sa kanya. Lalo akong napayuko, pakiramdam ko ay para akong nahuli sa akto ng pagsisinungaling.
“H-how did you know, Dad?” I asked in surprise.
“Anak, I have eyes and I have ears. Noon pa man ay naririnig ko na ang tungkol diyan ngunit hindi ko ugali ang makialam. Nasa tamang mga edad na kayo at naniniwala ako na alam niyo na ang kaibahan ng tama sa mali. Pero hindi ibig sabihin noon na okay lang sa akin ang ginagawa niya. You’re my daughter and I will always protect you at all cost,” mahabang paliwanag ni Daddy.
Agad akong tumayo at lumapit sa kanya para yumakap. Parang may natanggal na mabigat sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Dad. Indeed, siya lang ang tanging lalaki na hindi ako sasaktan.
“I’m sorry, Dad, kung hindi ako nagsasabi sa inyo. Don’t worry about me, I can handle it. You raised a strong and independent woman, love can never be my downfall,” wika ko at pinangako ko rin sa sarili ko na hindi ko na ulit hahayaan na saktan ako ng isang lalaki.
“I know, anak. You are just like your mom, a fighter,” anito at malungkot na napangiti.
Mommy is still a sore topic for us. It’s been three years since we lost her to cancer, but the hole she left in our hearts is still there. No one could ever replace our Mom. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap kay Daddy dahil alam kong miss na miss niya na si Mommy.
“Thank you for understanding, Dad. I’m so lucky to have you,” maluha-luha ako at napasinghot pa ako bago muling nagsalit, “Kamusta na nga pala sina Ate, Dad? And the kids, how are they?” tanong ko na ang tinutukoy ay ang kambal kong pamangkin na anak ni Ate sa pagkadalaga.
“Oh, they’re fine and they really missed you,” sagot ni Dad.
“Na-miss ko na rin sila. I’ll come home tonight, Dad.” Nagpaalam ako kay Daddy at bumalik sa opisina ko na katabi lang din naman ng sa kanya.
Iniligpit ko ang mga gamit ko at mabilis na umalis pagpatak ng alas singko. I drove into my apartment and changed into casual clothes before heading to our mansion.
Upon arriving, I parked my car in the garage and made my way inside. Sinalubong ako nina Theo at Thea para bigyan ng isang mahigpit na yakap. Pinupog nila ng maliliit na halik ang mukha ko at natatawa ako dahil napupuno ng laway nila ang pisngi ko.
“Okay, enough na babies. Si Tita Mommy naman ang hahalik sa inyo,” saad ko sabay halik sa magkabila nilang pisngi bago kami lumakad papunta sa living room kung saan ay nakaupo si Ate.
“Hi, Ate Nicole, how are you?” tanong ko nang mapansin na tila wala siya sa kanyang sarili.
Tumingin siya sa akin at mabilis na tumayo. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang kay tagal namin na hindi nagkita kahit na halos tatlong linggo pa lang naman simula no’ng huli akong bumisita rito. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagyugyog ng mga balikat ni ate ang mahina niyang paghikbi. Hinaplos ko ang kanyang likod para aluin siya.
“Hey, it’s alright, Ate. I’m here, you can always tell me what’s bothering you,” I whispered to her as I continued to comfort her.
“I saw him again,” she whispered back, referring to the asshole that left her pregnant.
My sister is a medical student at nasa second year pa lang siya noon ng kursong medisina nang mabuntis siya ng kanyang ex-boyfriend na isa ring med student. Dahil kapwa sila nag-aaral pa ay pinayuhan ng lalaki si Ate na ipalaglag ang bata. Hindi pumayag si Ate sa suhestyon niya kaya nagkahiwalay sila. She was just twenty-three that time; she was very vulnerable especially that what happened to her created havoc in our lives. Ang pagdadalang-tao ni ate ay naging isang malaking eskandalo lalo pa at kilala ang pamilya namin.
Hindi ko namalayan na nakakuyom na pala ang mga palad ko. Limang taon na ang nakalipas mula noon pero ang sugat na iniwan ng lalaking iyon sa kapatid ko ay dumurugo pa rin hanggang ngayon.
“This will be the last time you’ll cry for that asshole, ate. He doesn’t deserve you and the kids,” madiin kong sabi.
Makalipas ang ilang sandali ay kumalma na rin si Ate at parehas kaming naupo sa couch habang nakaupo naman sa mga hita namin ang kambal. Tahimik lang kami ni Ate habang pinagmamasdan ang dalawang bata na siyang nagbalik ng kulay sa buhay namin. Sila ang pumalit sa puwang na iniwan ni Mommy noong nawala siya tatlong taon na ang nakararaan.
A few moments later, Dad arrived and greeted us. Dumulog kami sa hapag-kainan at nagsalo sa isang masayang hapunan. Bakas sa mukha ni Dad ang saya dahil kompleto kami ngayong gabi. Matapos naming maghapunan ay sinamahan ko si Ate na patulugin ang kambal sa kanilang silid.
Nang masiguradong tulog na sila ay dumiretso naman kami ni Ate sa front porch ng bahay at doon tumambay. Umihip ang malamig na hangin at tinangay niyon ang aking buhok. Nakaupo lang kami ni Ate sa couch na naroon habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Sabay pa kaming napatingala sa kalangitan at napabuntong-hininga.
“Lil sis, I’m sorry for what happened,” kapagkuwan ay wika ni Ate. Kahit hindi ako nakatingin ay ramdam kong nakatingin siya sa akin. Binaling ko sa kanya ang paningin ko at nginitian ko siya.
“It’s okay, Ate,” I smiled again but the tears slowly fell from my eyes. “I wished I never met them, ate. I swear, I won’t let anyone hurt me again,” umiiyak kong saad.
“It’s too early to say that, Lil sis,” aniya.
“Naniniwala ka pa rin ba sa pag-ibig, Ate?” manghang tanong ko. Sa kabila ba ng karanasan namin sa pag-ibig ay naniniwala pa rin siya sa mahika na dala nito?
“Habang patuloy kang nabubuhat ay patuloy ka ring iibig. Hindi lang naman nakakulong sa magkasintahan ang salitang pag-ibig. Love could be in any form. Just don’t close your door, someone you deserve might come knocking,” makahulugan niyang sagot.
Pagkatapos naming mag-usap at mag-share ng mga pasakit namin ay nagdesisyon na rin kami na pumasok sa bahay at matulog. Kumuha ako ng damit at nagpalit ng pantulog bago ako nahiga sa kama ko.
Habang nakahiga sa kama ay naalala ko ang mga pangyayari nitong nakaraan pati na rin ang aksidenteng pagkikita namin ni Gale. Napailing ako nang maalala ko kung gaano siya ka kulit. I’m a serious person, pero hindi ko maiwasang mapangiti ng palihim sa mga kalokohan niya. As if on cue, biglang tumunog ang cellphone ko at rumehistro ang isang unknown number na tumatawag. Napakunot ang aking noo, bagamat hindi naka-save ang kanyang numero ay alam kong kay Gale ito. Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib nang sagutin ko ang kanyang tawag at sumalubong sa akin ang kanyang baritonong boses.
“Hello, Milady, did I disturb you?”
NIKKI’S POV“N-napatawag ka?” napamura ako sa isipan ko nang marinig ko ang nauutal at gulat kong boses.Seriously, kailan pa ako na-intimidate sa taong kausap ko lang naman sa telepono?Narinig ko ang mahinang tawa ni Gale sa kabilang linya na lalong nagpa-init sa mukha ko. I shouldn’t be acting this way, Jeez!“Stop laughing, will you?” inis kong bulyaw sa kanya, pero sa halip na tumahimik ay lalo lang siyang natawa sa akin.“Titigil ka sa kakatawa o ibababa ko na itong tawag mo?” pananakot ko sa kanya na mukhang umobra naman dahil bigla siyang natahimik at napatikhim.“You’re really scary, milady. Kahit hindi kita kaharap ngayon, you still have the same effect on me,” kapagkuwan ay saad nito.Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng pu
NIKKI’S POV The cozy ambiance of the restaurant made me feel at ease. We are currently in Bellevue Restaurant, a fine dining restaurant that specializes in French cuisine, owned by Gale, himself. It was an old, but well-preserved restaurant that has been built many years ago. “Tell me, how many businesses do you have?” I curiously asked. He doesn’t look like the kind of businessman who’s intimidating. I guess it has something to do with his aura. He rarely scoffs, and most of the time he’s just smiling. His smile seems contagious as I noticed that everyone who looks at him also smiles. He’s also good looking and he has that undeniable sense of humor. “Interesado ka na ba sa ‘kin? Just enough to provide for you and our future grandchildren, Milady,” nakangisi niyang sagot sa tanong ko.
NIKKI'S POV Nakaupo ako ngayon sa harap ng vanity mirror sa loob ng kwarto ko habang pinapatuyo ko ang aking buhok. Kakatapos ko lang maligo at gawin ang skin care routine ko tuwing gabi. Napahawak ako sa noo ko kasabay nang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Biglang nag-init ang aking mukha at bumalik sa akin ang pakiramdam nang lumapat ang labi ni Gale sa noo ko. Oh, Jeez! Nababaliw na yata ako! Kaisa mag-isip pa ng kung ano-ano ay pinili ko na lang na matulog. Mahirap na at baka lutang na naman ako sa trabaho kinabukasan, ayaw ko naman no'n. MINASAHE ko ang sentido ko nang makaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Kakatapos lang ng board meeting namin at sabog na sabog na ako sa rami ng mga napag-usapan, kabilang na roon ang tungkol sa bidding para mag-supply ng inumin sa isang malaking kompanya. Malawak ang sakop ng
NIKKI’S POV Habang nakahiga ako sa aking kama ay naroon pa rin ang kaba sa aking dibdib. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa sinabi ni Vonn at hindi iyon matanggal-tanggal sa isipan ko. Sa wari ko’y tila isang pahiwatig iyon na may hindi magandang pangyayari na naghihintay para sa akin. Ayaw ko man na isipin pero para itong sirang plaka na paulit-ulit sa isipan ko. Lumabas ako sa kwarto ko at maingat na naglakad papunta sa kusina bitbit ang cellphone ko na ginamit kong flashlight. Kumuha ako ng malamig na tubig mula sa fridge at agad na nagsalin sa isang baso. Mabilis ko itong ininom para kalmahin ang puso ko. Huminga ako ng malalim at muling naglakad pabalik sa kwarto ko para matulog. That night before going to sleep, I prayed because I was really tr
NIKKI'S POV"Babe! Are you okay? Nasaktan ka ba? May ginawa ba si Krisna sa'yo?" mabilis kong binaling ang paningin ko kay Vonn na ngayon ay nakahawak na sa braso ko.Agad kong hinila ang aking mga kamay, ayaw kong magdaiti ang mga balat namin dahil para akong dinedemonyo. Ang kapal naman talaga ng mukha niya para tawagin akong babe sa harapan pa mismo ng babaeng binuntis niya!Binitawan niya ang kamay ko at nagmamadaling pumunta kay Krisna. Hindi pa man ako nakakabawi ay muli akong nabigla nang marahas niyang itayo si Krisna at hawakan ng mariin sa braso. Kita ko sa kanyang mukha na nasasaktan siya, pero hindi man lang siya nagsalita. Patuloy lang siya na umiiyak at hinayaan niya lang si Vonn na saktan siya."Bakit ka nandito? Nag-usap na tayo, hindi ba? Sususportahan ko naman ang bata per
NIKKI'S POVI smiled while humming to the tune of Frank Sinatra's 'Fly Me To The Moon' which was playing at the background. It was an old, but feel good song that always made me feel light and happy. The car window was open and I could feel the brush of the morning air, making my skin ripple. Alas, what a good way to start my day!"You look happy," Gale uttered. He glanced at me shortly before focusing his eyes on the road again."Mas magaan pala talaga sa pakiramdam kapag nailabas mo ang mga bagay na gumugulo at nagpapabigat sa dibdib mo," sagot ko. Napatingin akong muli sa labas ng sasakyan at sumalubong sa akin ang luntiang tanawin."I'm glad you came with me, Milady," I heard him say. I could feel his wide grin even if I wasn't looking at him."As if I have a choice, Gale. I owe you a date, remember?" nakataas ang kilay kong tanong at lalo siyang napangisi.
NIKKI'S POVNanatili akong nakapikit kahit noong maghiwalay na ang mga labi namin ni Gale. Nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi na nakadampi sa labi ko. Pakiramdam ko ay parang nakalutang pa rin ako sa ulap. Hindi ito ang unang halik ko, pero kakaiba ang pakiramdam. Ibang klase ng sarap ang pinalasap ng halik ni Gale sa akin. Napamulat ako nang marinig ko ang mahinang pagtikhim ni Gale."I'm sorry..."Agad na nangilid ang luha sa aking mga mata nang marinig ko ang sinabi niya. Nag-sosorry ba siya dahil ayaw niya akong halikan? Hindi niya ba nagustuhan, o ako lang talaga ang nag-enjoy sa halik na iyon? Hindi ko maintindihan, pero parang hiniwa ang puso ko nang marinig ko ang salitang sorry galing sa kanya.Natatarantang lumapit siya sa akin at pinun
NIKKI'S POV"Should I refer you to a psychiatrist now?"Napalingon ako kay Camille na hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa harap ng mesa ko. I couldn't stop smiling as I remembered our so-called weekend date. Akala ko noong una, hindi ako mag-eenjoy, turns out, I enjoyed every moment I spent with Gale. Every bit of that weekend was so memorable, that I cannot take it out of my mind."What are you talking about?" patay-malisyang tanong ko kay Camille."You're smiling like an idiot! Simula nang bumalik ka galing sa date niyo ni Gale, parang naging ibang Dominique ka na. Instead of frowning, I can now see you smiling to yourself," saad niya.Agad akong nag-iwas ng tingin. Siguro nga, iba talaga ang naging epekto ni Gale sa akin. Because of