NIKKI’S POV
I sat on my chair as I listened to the presenters for today’s meeting. Nasa conference ako kasama ang CEO at ang miyembro ng Board at kasalukuyan kaming nagpupulong tungkol sa monthly monitoring ng kompanya. Kasalukuyang nag-didiscuss ang Finance Department tungkol sa Sales at Trend ng kompanya sa nagdaang buwan, ngunit wala roon ang aking atensyon. Pilit ko man na kalimutan ang mga nangyari nitong nakaraan, ngunit parang bangungot ito nagsusumiksik sa kaibutoran ng aking isipan.
Napatingin ako kay Dazzle na siyang nagsasalita sa harapan, pero pakiramdam ko ay hindi ko siya naririnig. Para bang nakatingin lang ako sa kanila, ngunit hindi ko sila nakikita. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip at hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod na magsasalita.
“Dominique? Hey, Dominique!” napapitlag ako nang marinig ko ang sigaw ni Dad.
Noon ko lang napagtanto na nasa akin na pala ang atensyon ng lahat. Napapahiyang nagyuko ako ng paningin, hindi ko kayang salubungin ang tingin ni Dad. I disappointed him, alam ko namang hindi niya iyon sasabihin, but I still feel bad.
“Okay, everyone, the meeting’s adjourned for now. Let’s just resume the discussion in a week,” anunsyo ni Dad.
Nagbulungan ang mga tao habang papalabas ng conference room, pakiramdam ko tuloy ay lalo akong napahiya. Naiwan si Dad, kasama si Camille ng Marketing Department na siyang kaibigan ko. I could see the worried look on their faces. Alam ko, hindi ko man sabihin pero nahihinuha na nilang may pinagdaraanan ako. Napailing na lang si Dad bago tumayo at lumabas na rin sa conference room.
“What was that, Nikki? You’ve been spacing out lately, is something bothering you? If you have personal problems, don’t let it affect your work,” litanya nito sa akin.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. To be honest, hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang bigat ng dibdib ko at pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit. Mahirap man na aminin, pero hindi lang puso ko ang sinaktan ni Vonn, kundi pati na rin ang pride ko.
Gusto kong magmura para lang mailabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit ilang beses kong isipin, hindi ko pa rin maintindihan kung paano nila nagawang saktan ako, gayong lahat ng pinakita ko sa kanila ay kabutihan at pagmamahal.
“Nikki? Are you even listening?” naiinis na tanong ni Camille sa akin.
“What did you say? I’m sorry, I’m quite out of focus lately,” I said sincerely.
“You know what, why don’t we go out for a while? Let’s grab some coffee to freshen up ourselves. You’ve been working really hard, you deserve a little rest,” aya niya sa akin at sabay kaming lumabas ng conference room.
It’s almost three o’clock in the afternoon. We were supposed to get back to work, but instead, we found ourselves walking towards Heaven’s Corner, a coffee and pastry shop that’s located a few blocks away from our office.
Camille went for a cappuccino while I ordered caramel macchiato. Umupo kami sa isang pandalawang mesa habang hinihintay ang aming order.
“Spill the tea,” kapagkuwan ay saad nito, huminga muna ako nang malalim bago ako magsalita.
“There’s no wedding to happen between Vonn and I,” panimula ko.
“What? Why?” tumaas ang boses nito dahilan para mapalingon ang ilang customers sa amin. Agad ko siyang pinandilatan ng mga mata pero ang bruha, nag-peace sign lang.
“I caught him cheating. Mille, they cheated behind my back. Gusto ko silang saktan at murahin pero anong sense kung gagawin ko ‘yon? Lalo ko lang patutunayan sa kanila na talunan ako. Sobrang sakit, Mille,” nagsimula akong humikbi dahil naalala ko na naman ang ginawa nila sa akin.
Hinawakan ni Camille ang kamay ko at hinaplos ito para sabihing nandiyan lang siya para sa akin.
“Of all the people, why does it have to be Krisna? Being cheated hurts like fucking hell, but to be betrayed by the person you trusted the most, it’s like killing me slowly with torture,” mangiyak-ngiyak kong kwento.
Napakasama ko ba kung hihilingin ko na sana ay hindi ko na lang sila nakilala? Na sana ay hindi na lang sila naging parte ng buhay ko? Na sana ay hindi ko na lang sila minahal?
“Cheer up, Nik. Mabuti nga at habang maaga pa ay nakita mo na agad ang tunay na kulay ni Vonn. That’s what we call ‘redirection’. God saved you from being married to an asshole,” komento nito.
Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. Maybe she’s right, God has redirected me. I’m just glad I discovered it sooner, but still, it didn’t lessen the pain I felt.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang order namin. Nagpatuloy lang kami ni Camille sa pagkukwentuhan habang umiinom mg kape. Napalingon ako nang bumukas ang pintuan ng coffee shop at tumama ang aking paningin sa lalaking kakapasok lang. Nagulat ako at sandaling napatulala sa kanya, hindi ko inaasahan na pagkatapos ng ilang araw ay muli ko siyang makikita.
Siya ang lalaking tumulong sa akin sa bar!
Hindi ko namalayan na napatagal pala ang tingin ko sa kanya, nagulat na lang ako nang tapikin ako ni Camille.
“Girl, okay ka lang? Kilala mo ba ‘yong hottie na ‘yon?” sunud-sunod nitong tanong.
Umiling ako bilang sagot, pero bigla namang napalingon si Gale sa akin at ngumisi. Naglakad siya papunta sa pwesto namin ng kaibigan ko at bigla niya akong kinausap.
“You’re here, Milady. I didn’t expect to see you here. Bakit hindi mo naman sinabi na dadalawin mo pala ako rito?” isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa labi niya nang tanungin niya ako.
Awtomatikong napataas ang kilay ko sa tinuran niya. At kailan pa kami naging close para kausapin niya ako ng ganito? As far as I can remember, we’re not even friends.
“What the hell are you talking about? Bakit naman kita dadalawin, mamamatay ka na ba?” mataray kong tugon sa kanya.
Sasagot pa sana ito kung hindi lang namin narinig ang mahinang pagtikhim ng kaibigan ko. Sa hindi malamang kadahilanan, biglang nag-init ang pisngi ko. Pakiramdam ko kasi ay nahuli niya akong nakikipaglandian kahit na hindi naman. I barely even know this guy, kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya.
“Hi, I’m Camille, Dominique’s friend. You are?” tanong niya kay Gale habang direktang nakatingin sa kulay-asul nitong mga mata. Habang nakatingin si Camille sa mga mata ni Gale ay biglang sumibol ang kaunting inis sa puso ko. Iniwas ko ang paningin ko sa kanilang dalawa.
“My name’s Gale Andrew, mademoiselle, at your service. I am the owner of this cafe,” pagpapakilala nito.
Napalingon ako sa kanya at muling napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Siya ang may-ari nito, bakit ngayon lang namin siya nakita rito?
“No one’s asking,” walang interes na sabat ko.
“Yes, no one’s asking. I just want to make an impression to you, Milady,” paliwanag niya.
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pag-inom ng aking kape. Kahit na siya pa ang magmay-ari ng buong mundo, wala pa rin akong pakialam.
“I’m still not interested,” nakataas ang kilay kong sagot.
“Oh, is that so? Then, I’ll find a way to make you interested in me, Milady.” He leaned in closer to me and whispered those words, making my breathing hitch. Just what the hell happened?
“O, my God! Hello? Seriously, ano ako rito display? Kung magharotan kayo parang walang tao sa harap niyo, a. Respeto naman sa mga katulad kong NBSB!” exaggerated na saad ni Camille at sabay kaming napabaling ni Gale sa kanya.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata at sinamaan ng tingin. Harutan ba ang tawag doon? Tangina!
“I’m sorry, mademoiselle. Automatic talaga akong nagiging maharot kapag nakikita ko ang magandang mukha nitong kaibigan mo. ‘Di ba, Milady?” nang-aasar nitong tanong sabay baling muli ng kanyang paningin sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin pero imbes na matakot ay lalo lang siyang ngumisi ng nakakaloko. This guy, bakit sobra naman yata ang kakulitan ng lalaking ito? Simula ng nakilala ko siya, wala na siyang ibang ginawa kundi ang kulitin ako na akala mo’y close kaming dalawa!
“Hoy! Tumigil ka na Gale ha, hindi tayo close!” asar kong sagot at napairap ako sa kanya.
“Ay? Hindi pa pala tayo close sa lagay na ito? Magkatabi na nga tayong natulog no’ng saturday, e,” namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
Tumayo ako at pinaghahampas ko siya pero mabilis niya akong iniwasan. Natatawa niyang sinalag ang mga atake ko. Hinuli niya ang mga kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit. And just like that, bumilis ang tibok ng puso ko! What the hell?
“OMG, tama na please! Pinapakilig niyo ako ng husto!” tili ni Camille habang ngumingiti-ngiti sa aming dalawa.
Mabilis kong binawi ang kamay ko dahil bigla akong tinamaan ng hiya. Lintek na lalaki talaga ‘to, parang gusto ko na lang tuloy maglaho sa kahihiyan. Parang biglang nawalan ang katarayan sa sistema ko.
“Tse! Naku, Camille, ‘wag kang maniniwala sa ugok at feeling close na iyan,” inis kong saad para matabunan ang matinding hiya na nararamdaman ko ngayon.
“Ouch! Milady, nakakasakit ka na ah. Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin no’ng gabing ‘yon? After hitting me, now, you’re denying me?” nakalabi nitong saad at muntik pa akong mapamura nang napagtanto ko kung gaano ka gwapo ang mukha niya.
Namula ang mukha ko sa sinabi niya at kahit na alam kong walang katotohanan iyon ay hindi ko naiwasang mahiya lalo kay Camille. Jeez! Ito na yata ang sign na hindi na ako iinom sa bar ng mag-isa, kahit broken-hearted pa ako.
“Huwag ka ngang magdrama d’yan, hindi bagay sa’yo,” mahina kong saad.
“Ayaw ko! Sabihin mo muna na tabi tayong natulog no’ng saturday,” parang batang nagmaktol ito sa harap ko.
Napairap ako sa hangin at hindi nagsalita. Wala akong maapuhap na salita para patigilin siya dahil pakiramdam ko ay lalo ko lang pinapahiya ang sarili ko sa bawat salitang binibitawan ko.
“Tumahimik ka na!” napipikon na sigaw ko. Halos umakyat na ang lahat ng dugo sa mukha ko at pakiramdam ko, isang salita niya pa ay masasapok ko na siya.
“Milady naman, e. Pinapahiya mo ‘ko sa friend mo. I’m telling the truth, I even have her number. See?” tanong nito kay Camille sabay pakita rito ng number ko.
Natutop ni Camille ang kanyang bibig nang makita na number ko nga ang naka-register doon sa contacts niya. Hinablot ko ang cellphone niya pero mabilis niya itong inilayo sa akin.
“Shit! So what? Number lang naman iyan, it’s not like we’re exchanging calls and texts!” nababanas na wika ko.
“Omg, you gave your number to him? Why?” curious na tanong ni Camille, na para bang hindi niya narinig ang sinabi ko.
Napailing na lang ako. This is pointless and ridiculous!
“Let’s go, Camille! Imbes na ma-relax ako, lalo lang yata akong na-stress ngayon,” wika ko sabay hatak sa kanya patayo.
Nagpupuyos ang kalooban ko habang hila-hila ko si Camille. Hindi ako makapaniwala na muling nag-krus ang landas naming ng lalaking ito. Bakit sa dinami-rami ng lugar na pwede kaming magkita, bakit dito pa? Is it coincidence?
Bago pa man kami tuluyang makalabas ay naagaw an gaming atensyon ng malakas na sigaw ni Gale.
“Wait!”
Napalingon kami ni Camille sa kanya habang tinatakbo niya ang direksyon namin. Huminto siya sa harap namin at hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon. Gulat akong napalingon sa kanya at napa-awang ang aking labi dahil doon.
“I’ll call you one of these days, Milady. Wait for my call, okay?”
NIKKI’S POV“Shit! Ang haba naman ng buhok mo, Girl! Imagine, kaka-break mo lang sa ex mo na cheater, aba, may replacement na agad,” kinikilig na saad ni Camille habang naglalakad kami pabalik sa office.Hindi pa rin ako nakahuma sa nangyari. Matapos iyong sabihin ni Gale ay mabilis akong tumalikod at naglakad palabas ng cafe. Gulat at hindi ako makapaniwala. Bakit? Bakit siya tatawag sa akin? Sa anong dahilan?“What? What replacement are you talking about, Camille? Anong akala mo kay Vonn, spare parts ng sasakyan, o unit ng cellphone na madali lang palitan?” nakataas ang kilay kong tanong.“Alam mo, don’t waste your time crying over him. He’s not worth it,” saad nito at tinitigan ako.Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Of course, I’ll be a hypocrite if I’ll say that I’ve already moved on. Ilang
NIKKI’S POV“N-napatawag ka?” napamura ako sa isipan ko nang marinig ko ang nauutal at gulat kong boses.Seriously, kailan pa ako na-intimidate sa taong kausap ko lang naman sa telepono?Narinig ko ang mahinang tawa ni Gale sa kabilang linya na lalong nagpa-init sa mukha ko. I shouldn’t be acting this way, Jeez!“Stop laughing, will you?” inis kong bulyaw sa kanya, pero sa halip na tumahimik ay lalo lang siyang natawa sa akin.“Titigil ka sa kakatawa o ibababa ko na itong tawag mo?” pananakot ko sa kanya na mukhang umobra naman dahil bigla siyang natahimik at napatikhim.“You’re really scary, milady. Kahit hindi kita kaharap ngayon, you still have the same effect on me,” kapagkuwan ay saad nito.Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng pu
NIKKI’S POV The cozy ambiance of the restaurant made me feel at ease. We are currently in Bellevue Restaurant, a fine dining restaurant that specializes in French cuisine, owned by Gale, himself. It was an old, but well-preserved restaurant that has been built many years ago. “Tell me, how many businesses do you have?” I curiously asked. He doesn’t look like the kind of businessman who’s intimidating. I guess it has something to do with his aura. He rarely scoffs, and most of the time he’s just smiling. His smile seems contagious as I noticed that everyone who looks at him also smiles. He’s also good looking and he has that undeniable sense of humor. “Interesado ka na ba sa ‘kin? Just enough to provide for you and our future grandchildren, Milady,” nakangisi niyang sagot sa tanong ko.
NIKKI'S POV Nakaupo ako ngayon sa harap ng vanity mirror sa loob ng kwarto ko habang pinapatuyo ko ang aking buhok. Kakatapos ko lang maligo at gawin ang skin care routine ko tuwing gabi. Napahawak ako sa noo ko kasabay nang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Biglang nag-init ang aking mukha at bumalik sa akin ang pakiramdam nang lumapat ang labi ni Gale sa noo ko. Oh, Jeez! Nababaliw na yata ako! Kaisa mag-isip pa ng kung ano-ano ay pinili ko na lang na matulog. Mahirap na at baka lutang na naman ako sa trabaho kinabukasan, ayaw ko naman no'n. MINASAHE ko ang sentido ko nang makaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Kakatapos lang ng board meeting namin at sabog na sabog na ako sa rami ng mga napag-usapan, kabilang na roon ang tungkol sa bidding para mag-supply ng inumin sa isang malaking kompanya. Malawak ang sakop ng
NIKKI’S POV Habang nakahiga ako sa aking kama ay naroon pa rin ang kaba sa aking dibdib. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa sinabi ni Vonn at hindi iyon matanggal-tanggal sa isipan ko. Sa wari ko’y tila isang pahiwatig iyon na may hindi magandang pangyayari na naghihintay para sa akin. Ayaw ko man na isipin pero para itong sirang plaka na paulit-ulit sa isipan ko. Lumabas ako sa kwarto ko at maingat na naglakad papunta sa kusina bitbit ang cellphone ko na ginamit kong flashlight. Kumuha ako ng malamig na tubig mula sa fridge at agad na nagsalin sa isang baso. Mabilis ko itong ininom para kalmahin ang puso ko. Huminga ako ng malalim at muling naglakad pabalik sa kwarto ko para matulog. That night before going to sleep, I prayed because I was really tr
NIKKI'S POV"Babe! Are you okay? Nasaktan ka ba? May ginawa ba si Krisna sa'yo?" mabilis kong binaling ang paningin ko kay Vonn na ngayon ay nakahawak na sa braso ko.Agad kong hinila ang aking mga kamay, ayaw kong magdaiti ang mga balat namin dahil para akong dinedemonyo. Ang kapal naman talaga ng mukha niya para tawagin akong babe sa harapan pa mismo ng babaeng binuntis niya!Binitawan niya ang kamay ko at nagmamadaling pumunta kay Krisna. Hindi pa man ako nakakabawi ay muli akong nabigla nang marahas niyang itayo si Krisna at hawakan ng mariin sa braso. Kita ko sa kanyang mukha na nasasaktan siya, pero hindi man lang siya nagsalita. Patuloy lang siya na umiiyak at hinayaan niya lang si Vonn na saktan siya."Bakit ka nandito? Nag-usap na tayo, hindi ba? Sususportahan ko naman ang bata per
NIKKI'S POVI smiled while humming to the tune of Frank Sinatra's 'Fly Me To The Moon' which was playing at the background. It was an old, but feel good song that always made me feel light and happy. The car window was open and I could feel the brush of the morning air, making my skin ripple. Alas, what a good way to start my day!"You look happy," Gale uttered. He glanced at me shortly before focusing his eyes on the road again."Mas magaan pala talaga sa pakiramdam kapag nailabas mo ang mga bagay na gumugulo at nagpapabigat sa dibdib mo," sagot ko. Napatingin akong muli sa labas ng sasakyan at sumalubong sa akin ang luntiang tanawin."I'm glad you came with me, Milady," I heard him say. I could feel his wide grin even if I wasn't looking at him."As if I have a choice, Gale. I owe you a date, remember?" nakataas ang kilay kong tanong at lalo siyang napangisi.
NIKKI'S POVNanatili akong nakapikit kahit noong maghiwalay na ang mga labi namin ni Gale. Nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi na nakadampi sa labi ko. Pakiramdam ko ay parang nakalutang pa rin ako sa ulap. Hindi ito ang unang halik ko, pero kakaiba ang pakiramdam. Ibang klase ng sarap ang pinalasap ng halik ni Gale sa akin. Napamulat ako nang marinig ko ang mahinang pagtikhim ni Gale."I'm sorry..."Agad na nangilid ang luha sa aking mga mata nang marinig ko ang sinabi niya. Nag-sosorry ba siya dahil ayaw niya akong halikan? Hindi niya ba nagustuhan, o ako lang talaga ang nag-enjoy sa halik na iyon? Hindi ko maintindihan, pero parang hiniwa ang puso ko nang marinig ko ang salitang sorry galing sa kanya.Natatarantang lumapit siya sa akin at pinun