Share

TWO

NIKKI’S POV

The bright morning light greeted me as soon as I opened my eyes. I stretched my arms a little and closed my eyes again while snuggling my pillow.

Hmm, ang bango naman ng unan ko ngayon.

I smiled as I inhaled the masculine smell of my pillow – napamulagat ako at napanganga ng imbes na unan ang hawak ko ay isang matipunong dibdib ang hinihimas ko. Inilibot ko ang paningin ko at doon ko napagtanto na hindi ito ang kwarto ko. Tiningnan ko ang sarili ko at agad akong napatili nang makitang wala akong saplot maliban sa mga undergarments ko.

“Ahhhhhh! Anong ginawa mo sa ‘kin? Hayop ka! Hayop ka!” sigaw ko at sinakyan ko ang natutulog na lalaki at pinaghahampas.

“Ouch! What the fuck!” ganting sigaw nito at biglang tumayo dahilan para mapaupo ako sa kama.

Ngayon ay magkaharap na kami at nakatitig sa mata ng isa’t isa. Napalunok siya nang bumaba sa dibdib ko ang kanyang paningin. Napasigaw akong muli nang makita ko ang namumuong bukol sa kanyang boxer shorts.

“Manyakis ka! Bakit lumalaki iyan?” sigaw ko habang tinuturo ang parteng iyon sa gitna ng kanyang mga hita.

Sa halip na sagutin ako ay lumapit siya sa akin habang nakangisi. Parang biglang nablangko ang utak ko at kinabahan ako. Ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa’t-isa at hindi ako halos makagalaw dahil isang maling galaw ko lang ay tiyak na maglalapat ang mga labi namin. I gasped when he ran his nose tip on my neck before he stopped and whispered in my ear.

“That’s what you call ‘morning erection’, Lady,” his warm breath fanned on my exposed skin, making me feel goosebumps.

“Yawa ka! Bastos!” I shouted and attacked him but he was quick to dodge my attacks.

Natatawa siyang bumangon at dumiretso sa isang pinto na sa hula ko ay banyo. Nahihiyang tumayo ako para hanapin ang mga damit ko pero hindi ko iyon makita. Sinipat ko ang bedsheet, ngunit wala naman iyong mantsa. Pinakiramdaman ko rin ang ibabang parte ng katawan ko at wala naman akong naramdaman na kakaiba.

Napahinga ako nang maluwag at para akong nabunutan ng tinik, nang napagtanto kong intact pa rin ang pagkababae ko. Akala ko ay tuluyan nang nawala ang pinaka-iingatan kong puri.

Kinuha ko ang kumot at ibinalot sa katawan ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaki. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at tiningnan ng masama.

“Where are my clothes?” I asked with eyebrows raised.

“I washed it. Dito ka lang, kukunin ko ang mga damit mo,” anito at lumabas sa kwarto.

While he was outside, I scanned his room. It was actually huge and very manly. The walls were painted in a dark blue accent and the curtains were sky blue. May isang maliit na bedside table sa tabi ng kanyang kama kung saan nakapatong ang lampshade at isang picture frame. Kinuha ko iyon at tiningnan ng mabuti. He was smiling widely at the picture, showing his pearly white teeth. He had that bad boy look, and an ear piercing but it didn’t make him look less gorgeous.

Ipinilig ko ang ulo ko at agad na binalik ang picture frame sa lamesa. For Pete’s sake, ni hindi ko nga siya kilala, e. He’s nothing but a random stranger I came across with. I need to get out of here.

Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok siya dala ang mga damit ko na ngayon ay tuyo na.

Walang-salita na kinuha ko sa kanya ang mga damit ko.

“If you want to wash, the bathroom is there,” aniya sabay turo sa pintong pinasukan niya kanina. “I’ll just go downstairs and cook for us,” saad pa nito bago muling tumalikod at lumabas.

“Don’t bother, I won’t be staying. I need to go home,” malamig na wika ko.

“Oh Come on, I helped you last night, didn’t I?” he said, trying to trick me.

“In that case, then thank you. But I still need to go home,” saad ko at saka ako tumalikod para magbihis sa loob ng banyo.

Naka-isang hakbang pa lang ako nang hawakan niya ang kamay ko at pigilan ako. Marahas kong binawi ang kamay ko at napalingon sa kanya, handa na siyang bulyawan ngunit inunahan niya ako.

“I insist. This is how you’ll repay me for ruining my night,” sagot nito at tumalikod, palabas ng pintuan.

I rolled my eyes on him. The nerve of this guy! Hindi ko naman hiningi ang tulong niya para isumbat niya iyon sa akin ngayon. Ang kapal!

“First of all, I already said thank you. And secondly, I didn’t ask for your help, you should have left me there,” iritado kong sagot.

“Tsk, tsk. That’s so kind of you,” he sarcastically remarked before saying “Is this what I get for helping you last night? I’m just trying to be a good Samaritan, milady. Kakain lang tayo ng breakfast, and after that, you can go home.”

Sandali akong napaisip kung ano ang dapat gawin. I don’t think it would hurt to share a breakfast with this stranger. After all, he helped me. And besides, it’s not like we’re going to see each other again, aren’t we?

“Fine,” napipilitan kong pagsang-ayon.

“Good. Now, go and get dressed, milady. By the way, I’m Gale Andrew,” aniya at yumukod bago inabot ang kamay ko para halikan ang likod nito.

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa amin nang lumapat ang labi niya sa likod ng kamay ko. Mabilis ko iyong binawi dahil hindi pamilyar sa akin ang naging reaksyon ng katawan ko. Agad naman siyang tumalikod at tuluyan ng lumabas habang ako naman ay nagbihis sa loob ng banyo.

I can’t wait to go home and sulk, parang no’ng isang araw lang ay tuwang-tuwa pa ako na makakauwi ako agad. If I only knew what’s waiting for me at home, hindi na sana ako nagmadali. Agad kong pinahid ang butil ng luha na kumawala sa mga mata ko. Damn, kailan ba matatanggal ang sakit sa puso ko?

Naghilamos ako ng mukha at inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas sa banyo. Pagbaba ko ay hindi ko na nakita pa ang lalaki kaya nagpasya akong dumiretso na sa labas, ngunit isang pares ng kamay ang pumigil sa akin.

“And where do you think you’re going? The dining is right this way, milady,” aniya sabay turo sa munting pasilyo na papunta sa dining room.

Inikot ko ang mga mata ko at marahas na binawi ang kamay ko. This is ridiculous! Akala ko ay makakalabas na ako sa bahay na ito ng matiwasay. Habang naglalakad papunta sa dining room ay hindi ko maiwasang mamangha sa kanyang bahay, ngunit pinigilan ko ang sarili kong magsalita. I don’t want him to thank that I’m interested in him, because I’m surely not.

We settled ourselves at the dining table. Kumuha ako ng kaunting pagkain, para hindi naman masayang ang pinaghirapan niya. We started eating in silence, and it felt really awkward to eat with a stranger kaya naman binilisan ko ang pagkain para maka-alis na ako rito.

“You haven’t told me your name,” kapagkuwan ay komento niya.

“I don’t think you need to know. For sure, hindi na rin naman tayo magkikita pagkatapos nito,” seryosong sagot ko.

I know and I’ll make sure our paths never crossed again. He’s the kind of guy who wears the warning danger zone. And the last thing I need right now is another headache. I’m still trying to heal from the pain Vonn has inflicted in my heart. Bigla na namang bumara ang lalamunan ko nang maalala ko ang kanilang panloloko. I guess it will take time before I totally forget about it.

“Hey, are you okay?” mahinang tanong nito na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Napailing ako, ni hindi ko man lang namalayan na nag-space out pala ako sa harap niya.

“Yes, I am. Can I go home now?” iritado kong tanong.

Liar! Ana’ng isip ko. Sino nga ba ang niloloko ko? I am not okay, and will not be okay for long. Mabilis akong tumayo at dire-diretsong naglakad palabas sa kanyang bahay. I stopped when I realized I don’t really know where I am. And to make it worse, I don’t have my car with me. Can this day get any worse?

Gale stood behind me, a teasing smile appeared on his lips and I almost went to strangle him. I just glared at him and gave him a “what are you looking at?” look. I heard his amused chuckles, as he motioned for me to follow him to the garage.

“I’ll take you home, milady,” aniya.

Binuksan niya ang passenger seat ng kanyang kulay itim na Mercedes-Benz at agad akong pumasok doon ng walang imik. Umikot siya at pumasok sa Driver’s seat. He started the engine and slowly drove out of the subdivision. I gave him my address and stayed quiet during the whole ride. The silence was deafening and awkward, but I intend to keep it that way.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng apartment ko ay dali-dali akong lumabas sa kanyang sasakyan.

“Thank you again, for last night. And I’m so sorry for the trouble I caused you,” seryoso kong saad.

Hindi siya nagsalita, sa halip ay isang nakakalokong ngiti lang ang isinagot niya sa akin. I turned my back and started walking into my apartment when I suddenly remembered my something. Isinuksok ko ang kamay ko sa magkabila kong bulsa upang hanapin ang cellphone ko, ngunit hindi ko ito mahanap.

“Looking for this?” Napalingon ako sa tanong niya.

He was holding my phone and he raised it in the air. There was a smirk on his face like he’s telling me that he’s up to something.

Mabilis akong lumapit sa kanya at inagaw ang cellphone ko. Inis akong tumalikod at muling naglakad pero nakakai-sang hakbang pa lang ako ng malakas na tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Muli akong napalingon sa kanya at nakita ko na hawak niya ang cellphone niya at nakatapat ito sa kanyang tainga.

“I got your number, Dominique.”

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Melanie Morante
nice story
goodnovel comment avatar
mr_suave
nice chapter. ...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status