UMIIYAK si Tonet habang pinagmamasdan si Anika habang natutulog. Katatapos lang nitong sumailalim sa chemotheraphy. Kanina ay sumuka ito ng sumuka kaya naman tarantang-taranta siya. Kung pwede nga lamang akuin ang sakit na nararamdaman nito, ginawa na niya.
God, hindi ko kayang mawala siya sa kin, please naman. Ngayon lang ulit ako hihiling saiyo, sana naman, pagbigyan mo naman ako oh.
Hinagod niya ang buhok nito saka hinalikan ito sa nuo saka nahiga sa tabi nito. Ayaw niyang ipikit ang kanyang mga mata. Natatakot siyang baka pagmulat niyang muli, wala na ito sa tabi niya kagaya ng panaginip niya nuon.
Kinagat niya ang ibabang labi upang huwag nitong marinig ang pag-iyak niya.
&nbs
“ANAK NG TETENG naman. Bakit ka naman nagpapakalasing ng ganyan?” Tiningnan lang ni Randell ang baklang kaibigan saka muling tumungga ng whisky. Hindi niya alam kung lasing na talaga siya dahil parang lahat ng lalaki ay mukha ni Jestoni ang nakikita niya. Naiinis na siya sa sarili niya dahil kahit anong gawin niya ay di naman niya ito makuhang kalimutan. Alam niyang napaka-stupid niya dahil sa kabila ng ginawa nito, di niya ito magawang burahin sa puso at isipan niya. Tumunog ang kanyang cellphone. Nagmamadali niya itong kinuha sa kanyang bulsa sa pag-aakalang si Jestoni ang tumawag sa kanya. Pero si Danny pala iyon. “Danny?”
“SO, ANO, TAYO NA ULIT?” Tanong ni Jestoni kay Randell nang matapos silang magtalik. Wala siyang sagot na narinig mula dito. Nagkibit balikat siya. Hindi niya ito pipilitin kung hanggang ngayon ay pinagdududahan pa rin nito ang intension niya para dito. Ngunit umaasa siyang hindi magtatagal at mararamdaman rin nito na sincere ang kanyang intension. Hindi pa niya tiyak kung mahal na niya ito, ang tanging malinaw lang sa kanya ngayon ay gusto niya ito. Namimiss niya ito at hinahanap-hanap niya ito. “Okay, tawagan mo na lang ako kapag gusto mo ng,” isang pilyong ngisi ang sumilay sa mga labi niya, “Alam mo na.” “Okay. Tatawa
“SHIT!!!” Galit na sinipa ng pulis ang pintuan na walang tao, “Natakasan tayo!” disappointed na sabi nito sa kausap sa radio. “Magaling talaga ang babaeng iyon. Naisahan na naman tayo,” napapailing na sabi ng kasamahan nitong pulis. “Hindi bale, alam na ng mga taga-rito ang tungkol kay Arlyn. Pasasaan ba at mahuhuli rin natin ang babaeng iyon!” “Duon tayo,” bulong ni Almudznie kay Arlyn, pasimple silang naglakad palayo habang sinesenyasan nito ang isang kapitbahay para tulungan silang makadaan sa likod ng bahay nito. From there ay may sasakyan na nag-aabang sa kanila. Mabilis siya nitong senenyasan na sumakay. Pinaharurot na ng lalaking nasa driver’s seat ang sasakyan na
WALANG KIBO SI JAYPEE habang ipinapasok siya sa loob ng selda. Baka nga mas matatahimik siya dito sa loob. Napapagod na siya. Bahala na. Tatanggapin ko na lang kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin dito. Pagod na pagod na akong magtago. Umiiyak na sumiksik siya sa isang sulok, ni ayaw niyang magtama ang paningin niya sa mga naroroon. Natatakot siyang baka kapag nagkamali ay mabugbog siya ng mga kasamahan niya sa selda. Ipinkit niya ang kanyang mga mata. Unti-unti ay nanumbalik ang lahat sa kanya. Kung paano siyang nagsumikap para marating ang tagumpay. Ngunit nasaan siya ngayon?&n
NANG matiyak na nakalayo na ang dalawang lalaki ay nagmamadaling lumabas sa bintana sa likod ng bahay na pinag-iwanan sa kanya nina Almudznie. Kailangang makalayo siya sa mga ito sa lalong madaling panahon. Pasimple siyang naglakad nang makalabas na. Pigil ang kanyang hininga habang tinatahak ang eskinita. Nang may makitang pedicab ay nagmamadali siyang sumakay duon. “Kuya, babayaran ko kayo ng one thousand, pwede po bang ihatid nyo ako dun sa may pinakamalapit na bus station,” aniya sa matandang pedicab driver. Hindi siya pamilyar sa lugar ngunit tanda niya ay may nadaanan silang terminal ng bus twenty minutes simula sa bahay na pinagdalhan sa kanya nina Almudznie. “One thousand? Wow, ang galante mo naman, Miss,” tuwang-tuwang sabi nito sa kanya.
HINDI KINIKIBO ni Olivia si Gabriel. Naiinis siya dahil kahit na anong pakiusap niya ay nagdesisyon pa rin itong bumalik sa Pilipinas. Ni hindi man lamang nito pinagbigyan ang paglalambing niya. Nakakapagod rin pala ang ganito. Sila na nga ang ginawan ng masama, sila pa itong parang takot na takot sa mga taong gumawa ng masama sa kanila. Kailan ba magkakaron ng katahimikan ang pagsasama nila ni Gabriel? Minsan tuloy ay napapaisip na siya kung worth pa bang ipaglaban ang pag-iibigan nila? Nangako siya sa sariling hinding-hindi siya bibitaw kahit na anong mangyari, pero tao rin lang siya at may mga gabing parang gusto na talaga niyang sukuan ang relasyon nila. Baka mas makakab
“AKALA KO BA okay na tayo? Akala ko napatawad mo na ko?” Tanong ni Jestoni nang tawagan niya si Randell sa telepono. “Randell, ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ko? Sabi ko naman sa inyo, willing akong makipag-cooperate. . .” “Salamat sa mga informations na binigay mo Jestoni. Pero kung inaakala mong ganun mo lang ako kadaling mapaniwala, I’m sorry. Iyong nangyari sa atin nung isang gabi, siguro libog lang iyon, pero walang ibig sabihin iyon.” “Lintek naman, Randell! Mahalaga ka sakin. Sana naman pagbigyan mo ko. Bigyan mo ulit ako ng chance na patunayan saiyo na nagsisisi na ko,” nakikiusap na sabi niya rito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.&n
HINDI ALAM ni Samantha kung ano ang isasagot. Nabigla siya sa tanong na iyon ni Edward. Halos isumpa na nila ang isa’t-isa sa tindi ng kanilang naging away kaya hindi niya inaasahang nanaisin pa nitong makipagbalikan sa kanya. Hindi siya handa. And yet aminado naman siya na sa kabila ng matinding galit niya rito ay naroroon pa rin naman ang pagmamahal niya para ditto. “I must admit, nagalit ako ng sobra nang malaman kong h-hindi naman pala sakin ang baby na dinadala mo. I-iyon rin siguro ang dahilan kung bakit nabaling sa iba ang pagtingin ko para saiyo. Escaping mechanism ko lang siguro na ma-obsesses ako kay Olivia pero ang totoo, hindi ko lang matanggap iyong ginawa mo. Si Olivia ang ginawa kong kasangkapan paramakaganti