So this is where he keeps his lady? Sabi ni Elise sa sarili nang ibaba siya ng kanyang driver sa isang first class high rise condominium sa Makati. Pumasok siya sa loob ng lobby, tiyak na mahigpit ang security sa loob niyon kaya hindi niya alam kung anong drama ang kailangan niyang gawin para makapunta siya sa unit nina Gabriel.
For sure, pagsusupladuhan lamang siya nito. Hindi rin naman niya sigurado kung eentertain siya ng Olivia na iyon kapag ito ang hinanap niya.
“Elise?” anang isang boses sa tabi niya. Ang gulat niya nang paglingon niya ay makita si Don Miguel, isa sa mga kaibigan at kasosyo sa negosyo ng father niya.
“Tito Miguel,” hindi makapaniwalang sabi niya. Biglang nagningning ang kanyang mga mata nang
NAKANGISI si Elise nang huminto sa tapat niya ang kanyang sasakyan. Kumaway pa siya kay Don Miguel bago tuluyang sumakay sa kotse, “Nice talking to you Tito Miguel. Wag kayong mag-alala. Your secret is very safe with me,” pagbibigay assurance niya dito bago isara ang pinto ng kotse. Tawa siya ng tawa nang tumatakbo na ang sasakyan. Ginalingan talaga niya ang acting niya at mukhang napaniwala naman niya ang matanda na talagang desperado siyang mabalik sa kanya si Gabriel. And that she was pregnant three years ago pero napilitan siyang ipa-abort iyon sa Amerika dahil ayaw siyang panagutan ni Gabriel. Well, totoo namang nagpaabort siya sa Amerika three years ago. Iyon nga lang, hindi si Gabriel ang tatay ng batang dinala niya. Kailangan niyang
“ANO BA IYONG NAPAKAHALAGA mong sasabihin at tinawagan mo ko ng dis oras ng gabi?” Tanong ni Elise nang puntahan niya si Samantha sa Manila Peninsula. Ayaw na ayaw niyang naiistorbo kapag nagpapahinga na siya and yet makulit si Samantha kaya napilitan siyang makipagkita dito, “Just make sure hindi ako nagsasayang ng oras dito,” me pagkasupladitang sabi niya saka naupo sa tapat nito. Ngumiti si Samantha, iniabot ang isang brown envelop sa kanya. Kunot-nuo niyang kinuha ang laman ng brown envelop. Mga larawang kuha ni Don Miguel kasama ng isang magandang babae. “Three years ago pa ang mga pictures na yan. Nakuha ko sa private investigator na kakilala ko na nagkataong inarkila nuon ni Gabriel para magmatyag sa mga kilos
INILIHIM na muna ni Olivia kay Gabriel ang tungkol sa paghahanap niya sa kanyang ama. Ayaw na niyang dagdagan pa ang isipin nito since abala ito sa pagpapahanap sa kanyang ina at step-father. Nangangatal ang kanyang mga kamay habang gumagawa ng email para kay Anthony Reid. Natatakot siyang baka hindi naman siya nito i-aknowledge bilang anak. What if nakalimutan na siya nito? Pero gusto talaga niya itong makita. Marami siyang gustong itanong dito. Isa pa, gusto na niyang mabigyan ng closure ang lahat ng kanyang nakaraan para tuluyan nang maghilom lahat-lahat ng sugat na nasa dibdib niya. Gusto na niyang mawala ang lahat ng galit at kinikimkim niyang sama ng loob. 
“NAKIKIPAG-UGNAYAN ka pa pala sa matandang iyon nang hindi ko alam?” Nasa elevator sila paakyat ng kanilang unit nang sitahin siya ni Gabriel. Ramdam niya ang galit sa tono ng pananalita nito. “Bigla na lang niya akong hinanap sa lobby kanina,” kaswal na sagot niya. Wala siyang ginagawang masama kaya hindi siya dapat na ma-guilty. And yet bakit parang guilty siya kung pagsalitaan ni Gabriel? “Really?” Tila nagdududang tanong nito sa kanya. “Pinagbibintangan mo ba ako?” sita niya sa kanya. Wala siyang ginagawang masama. Malinis ang konsensya niya. Deserve niyang respetuhin at pagtiwalaan ni Gabriel. Pero bakit ganito na lang kung itrato siya nito? 
GINISING si Olivia ng maiinit na dampi ng mga labi ni Gabriel mula sa kanyang likuran habang ang kamay nito ay gumagapang sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Tiningnan niya ang oras sa nakapatong na alarm clock sa side table. Ala una na ng madaling araw. Inis pa rin siya dito pero bakit ba hindi niya mapahindian ang mga halik ng lalaking ito? Hinagod nito ang buhok niya habang ang mga labi nito ay nilalaro ang tenga niya. Ramdam niya ang gumagapang na kuryente sa kanyang katawan dulot ng ginagawang iyon ni Gabriel. Maya-maya ay niyapos siya nito at pilit na pinaharap. Napakurap-kurap siya habang pinagmamasdan ni Gabriel ang maganda niyang mukha. Hinagilap ni
BINUKSAN ni Olivia ang closet niya na puno ng mga pinamiling damit ni Gabriel para sa kanya. Black dress na hanggang tuhod ang pinili niya. Ipinusod niya ang kanyang buhok, nagpahid ng manipis na make-up saka isinuot ang regaling hikaw sa kanya ni Gabriel. “Naku ma’am, mukha kayong artista. Para kayong pinaghalong Liza Soberano at Kristine Hermosa. Swerte naman ni Sir sa inyo,” kinikilig na sabi ni Yaya Dina nang lumabas siya ng kuwarto. “Thank you,” nangingiting sabi niya, “Ikaw na munang bahala kay Stacey ha?” “Yes ma’am. Ako ng bahala sa bata, basta mag-enjoy lang kayo dun,” masayang sabi nito sa kanya. Ngu
NASA kalagitnaan sila ng pagtatalik ni Gabriel nang tumunog ang cellphone niya. Una ay hindi niya ito pinapansin ngunit waring walang balak huminto ang pag-ring nito hangga’t hindi niya iyon sinasagot. “I’m sorry, baka emergency,” sabi niya kay Gabriel saka kinuha ang cellphone na nasa tagiliran lamang naman ng mesa katabi ng kama nila. Napa-ikot ang mga mata niya nang makitang si Tone tang tumatawag sa kanya, “Nangungulit ka, may. . .” “Olivia, si Anika. . .” Napatingin siya kay Gabriel na obvious na nabitin sa ginagawa nila, “Bakit, anong nangyari kay Anika?” Nangunot ang nuo ni Gabriel.&
“DON MIGUEL, maari po ba tayong mag-usap?” Pakiusap ni Olivia sa matanda nang makasabay niya ito pababa sa elevator, bumaling siya kay Yaya Dina, “Yaya, dun nyo na muna ako hintayin sa lobby, sandal lang kami. . .” “Opo ma’am.” Anang dalaga. Mailap ang mga mata ni Don Miguel, halatang napipilitan lang na pagbigyan siya. Alam niya, hindi nito kagustuhan ang pagpapadala ng mga chcolates at bulaklak sa kanya. Gusto niyang matiyak kung ano talaga ang motibo nito. Sa isang coffee shop sa tapat ng condominium sila nag-usap. “Hindi ko alam ang motibo ninyo, pero kilala ko kayo, Don Miguel. Alam kong hindi ninyo intension ang gumawa ng