“ANO BA IYONG NAPAKAHALAGA mong sasabihin at tinawagan mo ko ng dis oras ng gabi?” Tanong ni Elise nang puntahan niya si Samantha sa Manila Peninsula. Ayaw na ayaw niyang naiistorbo kapag nagpapahinga na siya and yet makulit si Samantha kaya napilitan siyang makipagkita dito, “Just make sure hindi ako nagsasayang ng oras dito,” me pagkasupladitang sabi niya saka naupo sa tapat nito.
Ngumiti si Samantha, iniabot ang isang brown envelop sa kanya.
Kunot-nuo niyang kinuha ang laman ng brown envelop. Mga larawang kuha ni Don Miguel kasama ng isang magandang babae.
“Three years ago pa ang mga pictures na yan. Nakuha ko sa private investigator na kakilala ko na nagkataong inarkila nuon ni Gabriel para magmatyag sa mga kilos
INILIHIM na muna ni Olivia kay Gabriel ang tungkol sa paghahanap niya sa kanyang ama. Ayaw na niyang dagdagan pa ang isipin nito since abala ito sa pagpapahanap sa kanyang ina at step-father. Nangangatal ang kanyang mga kamay habang gumagawa ng email para kay Anthony Reid. Natatakot siyang baka hindi naman siya nito i-aknowledge bilang anak. What if nakalimutan na siya nito? Pero gusto talaga niya itong makita. Marami siyang gustong itanong dito. Isa pa, gusto na niyang mabigyan ng closure ang lahat ng kanyang nakaraan para tuluyan nang maghilom lahat-lahat ng sugat na nasa dibdib niya. Gusto na niyang mawala ang lahat ng galit at kinikimkim niyang sama ng loob. 
“NAKIKIPAG-UGNAYAN ka pa pala sa matandang iyon nang hindi ko alam?” Nasa elevator sila paakyat ng kanilang unit nang sitahin siya ni Gabriel. Ramdam niya ang galit sa tono ng pananalita nito. “Bigla na lang niya akong hinanap sa lobby kanina,” kaswal na sagot niya. Wala siyang ginagawang masama kaya hindi siya dapat na ma-guilty. And yet bakit parang guilty siya kung pagsalitaan ni Gabriel? “Really?” Tila nagdududang tanong nito sa kanya. “Pinagbibintangan mo ba ako?” sita niya sa kanya. Wala siyang ginagawang masama. Malinis ang konsensya niya. Deserve niyang respetuhin at pagtiwalaan ni Gabriel. Pero bakit ganito na lang kung itrato siya nito? 
GINISING si Olivia ng maiinit na dampi ng mga labi ni Gabriel mula sa kanyang likuran habang ang kamay nito ay gumagapang sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Tiningnan niya ang oras sa nakapatong na alarm clock sa side table. Ala una na ng madaling araw. Inis pa rin siya dito pero bakit ba hindi niya mapahindian ang mga halik ng lalaking ito? Hinagod nito ang buhok niya habang ang mga labi nito ay nilalaro ang tenga niya. Ramdam niya ang gumagapang na kuryente sa kanyang katawan dulot ng ginagawang iyon ni Gabriel. Maya-maya ay niyapos siya nito at pilit na pinaharap. Napakurap-kurap siya habang pinagmamasdan ni Gabriel ang maganda niyang mukha. Hinagilap ni
BINUKSAN ni Olivia ang closet niya na puno ng mga pinamiling damit ni Gabriel para sa kanya. Black dress na hanggang tuhod ang pinili niya. Ipinusod niya ang kanyang buhok, nagpahid ng manipis na make-up saka isinuot ang regaling hikaw sa kanya ni Gabriel. “Naku ma’am, mukha kayong artista. Para kayong pinaghalong Liza Soberano at Kristine Hermosa. Swerte naman ni Sir sa inyo,” kinikilig na sabi ni Yaya Dina nang lumabas siya ng kuwarto. “Thank you,” nangingiting sabi niya, “Ikaw na munang bahala kay Stacey ha?” “Yes ma’am. Ako ng bahala sa bata, basta mag-enjoy lang kayo dun,” masayang sabi nito sa kanya. Ngu
NASA kalagitnaan sila ng pagtatalik ni Gabriel nang tumunog ang cellphone niya. Una ay hindi niya ito pinapansin ngunit waring walang balak huminto ang pag-ring nito hangga’t hindi niya iyon sinasagot. “I’m sorry, baka emergency,” sabi niya kay Gabriel saka kinuha ang cellphone na nasa tagiliran lamang naman ng mesa katabi ng kama nila. Napa-ikot ang mga mata niya nang makitang si Tone tang tumatawag sa kanya, “Nangungulit ka, may. . .” “Olivia, si Anika. . .” Napatingin siya kay Gabriel na obvious na nabitin sa ginagawa nila, “Bakit, anong nangyari kay Anika?” Nangunot ang nuo ni Gabriel.&
“DON MIGUEL, maari po ba tayong mag-usap?” Pakiusap ni Olivia sa matanda nang makasabay niya ito pababa sa elevator, bumaling siya kay Yaya Dina, “Yaya, dun nyo na muna ako hintayin sa lobby, sandal lang kami. . .” “Opo ma’am.” Anang dalaga. Mailap ang mga mata ni Don Miguel, halatang napipilitan lang na pagbigyan siya. Alam niya, hindi nito kagustuhan ang pagpapadala ng mga chcolates at bulaklak sa kanya. Gusto niyang matiyak kung ano talaga ang motibo nito. Sa isang coffee shop sa tapat ng condominium sila nag-usap. “Hindi ko alam ang motibo ninyo, pero kilala ko kayo, Don Miguel. Alam kong hindi ninyo intension ang gumawa ng
HINDI PA rin nagkikibuan sina Olivia at Gabriel hanggang kinabukasan. Kung ayaw nitong maniwala sa kanya, bahala ito. Basta ang alam niya ay wala siyang ginagawang masama. Pero hindi rin naman niya masisisi si Gabriel kung magalit ng ganun sa kanya, muntik nang mapahamak si Stacey. Natural lang naman na mag-alala ito ng husto pero para sisihin siya nito sa pangyayari, parang sobra naman na yata iyon. But then, nagi-guilty rin siya. Parang gusto na nga niyang maniwala na siya ang me kasalanan sa pagkaka-aksidente ng anak niya. Hindi rin naman niya mapapatawad ang kanyang sarili kung may masamang nangyari dito
ANG gulat ni Olivia nang bigla na lamang siyang niyakap nang mahigpit ni Gabriel pagkarating na pagkarating nito sa bahay. Kaninang umaga lang ay hindi siya nito pinapansin, bakit mukhang nagbago ang ihip ng hangin? “I’m sorry,” halos paanas na sabi nito sa kanya. “Sorry for what?” Nagtatakang tanong niya rito ngunit sa halip na sagutin ay kinabig lamang siya ni Gabriel at siniil ng halik sa mga labi. Ramdam niya ang nag-iinit nitong katawan habang punong-puno ng pag-aalab na ninamnam nito ang sarap ng kanyang mga labi. Ang mga kamay nito ay malikot na nagpapalipat-lipat sa kanyang likuran habang mas lalong humihigpit sa pagkakayakap sa kanya habang i
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila