Ginising si Olivia ng tawag ng kanyang Nanay Becca sa telepono, “’Nak, andito ako kina Tonet. Puntahan mo kami dito, ‘tong kapatid mo, gusto na raw mamatay.”
“Ho? Bakit po, ‘nong nangyari?”
“Tangnang Roco, ayun me iba na raw dyowa, kasamahan din sa barko!” nangangatal ang boses na kwento nito sa kanya, “Kuu, ‘wag magpapakita sakin ang lalaking yun at puputulan ko ng ari ang gagong ‘yon!”
“Papunta na po ako dyan,” aniya. Hindi na siya naligo. Nagpalit lang s’ya ng t-shirts at shorts saka lumarga na. Kilala niya si Tonet kapag may problema, kung anu-anong kalokohan ang naiisip.
Nag-iinuman ang
Tahimik na kumakain ng lunch sa school canteen si Olivia nang mamataan niya si Anthony na papalapit sa kanya. Mabilis siyang umiwas ng tingin dito, binuklat ang dalang libro at nagkunwang busy sa pagbabasa pero mukhang di naman nito nagets ang ibig niyang ipahiwatig. Naupo ito sa tapat niya, abot tenga ang pagkakangiti. “Parang gusto ko nang mapikon sa ginagawa mo ah,” very friendly ang tonong sabi nito sa kanya, “Obvious namang iniiwasan mo lang akong kausapin. Tingnan mo yang book na hawak mo, baligtad oh!” Pinamulahan siya ng pisngi. Ang lakas ng tawa nito, natawa na rin tuloy siya. “I’m sorry.”&nbs
“How’s Sam and the baby?” nag-aalalang tanong niya. Kaninang tawagan siya ng Aunty Mila niya para ipaalam na nasa ospital ngayon si Samantha dahil nahulog ito sa hagdan ay halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan. Si Samantha ang pinakamalapit niyang pinsan dahil halos sabay silang lumaki. Parang kapatid na rin ang turing niya rito. Umiiyak na yumakap sa kanya ang matandang tiyahin. Hindi magawang magsalita. Iyak lang ng iyak. “Aunty. . .” Maya-maya ay nakita niya si Edward na humahangos papalapit sa kanila. “What happened?” Galit na hinarap ito ng ka
MAAGA pa lang ay nakaabang na sa gate ng eskwelahang pinapasukan ni Olivia si Javier. Sinadya niyang hindi pumasok para lang makasigurong makikita niya si Olivia. Hindi niya ipinaalam kay Anthony ang tungkol dito. Ewan ba niya pero pagdating kay Olivia ay nakahanda siyang gawin ang lahat, kahit pa magbabad siya maghapon dito. Maya-maya ay natigilan siya nang matanawan ang isang pamilyar na babae, bumaba ng sasakyan. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya nang matiyak na si Olivia iyon. Lalapitan na sana niya ito ngunit natigilan siya nang makita ang lalaking kasama nito. And hell, kitang-kita niya nang halikan ni Olivia sa labi ang lalaki na pamilyar na pamilyar sa kanya. Gulong-gulo ang utak niya. Kailan pa naging girlfriend ni Kuya Gab si Olivia?&
NAGULAT SI GABRIEL nang sugurin siya ni Javier sa opisina at bigla na lamang suntukin. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito habang nakakuyom ang mga palad. Nuon lamang niya nakitang nagalit ng ganun ang kapatid. “Javier. . .”Kung hindi lamang niya ito kapatid ay baka gumanti rin siya ng suntok dito. Naguguluhang tiningnan niya ito. “How could you? You betrayed me. . .” nangingilid ang luhang sabi nito, “Alam mo naman kung gaano ko kagusto si Olivia, di ba? Pero bakit sya pa? bakit sya pa Kuya?” Natigilan siya. Paano nitong nalaman ang tungkol sa kanila ni Olivia? “Javier, let me explain. . .”&nb
“KUNG MAY NATITIRA ka pang kahihiyan kahit na kaunti lang, layuan mo na ang pamilya namin. Layuan mo na si Gabriel. . .” No. Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Gabriel. . .pero wala siyang lakas ng loob na isatinig ang laman ng kanyang dibdib. Sa halip ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Iniisip pa lamang niyang magkakahiwalay sila ni Gabriel ay parang sasabog na ang dibdib niya. And yet, habang iniisip niya ang sinasabi ni Samantha ay parang isa iyong masakit na katotohanan na gumuguhit sa bawat himaymay ng kanyang katawan. “Actually, hindi naman seryoso si Gabriel saiyo. Hindi mo ba naisip na sinong lalaki ang magseseryoso sa isang prostitute na kagaya mo?”&
“Pwede bang dalhin mo ‘ko dun sa Tagaytay, dun sa retaurant na pinagdalhan mo sakin nuon pero di ko man lang natikman iyong food kasi nga nakita natin dun iyong kaibigan ko?” Malambing na tanong ni Olivia kay Gabriel habang nakaharap siya dito, nakahiga sa dibdib nito, “Please?” Hinagod nito ang buhok niya. “Gusto ko lang matikman iyong food na in-order natin. S-saka iyon sana iyong first date natin kaso napurnada naman,” aniyang bahagyang napasimangot nang maalala ang naunsyami nilang date. Gusto niyang bago man lang sila tuluyang magkahiwalay ni Gabriel ay makapag-date man lamang sila. God, iniisip pa lamang niyang maghihiwalay sila ay nagsisi
“Finish your food first okay?” mariing sabi ni Olivia kay Stacey, ang kanyang dalawang taong gulang na anak. Humaba ang nguso ng bata saka muling itunuloy ang pagkain ng chicken. Nasa loob sila ng isang sikat na fastfood restaurant, katatapos lang nilang magsimba kasama si Nanay Becca at Tonet. “Sorry sweety, mamaya na lang tayo magplay after mong kumain ha, baka kasi mapagalitan tayo ng mommy mo eh,” ani Tonet dito. “It’s okay Tita Tonet,” naka-smile nang sabi ni Stacey. “Naku, ang bait talaga ng apo ko, manang-mana sakin,” si Nanay Becca. “Mana sakin ‘yan ‘nay!” nakangising sabi ni Tonet.
KASAMA ni Gabriel si Janice para sa business meeting and yet wala sa pinag-uusapan nila ang utak niya. Gusto niyang mainis sa sarili. Bakit ba hanggang ngayon ay ganito pa rin ang epekto sa kanya ng babaeng iyon? Damn. Ilang beses na niyang pinagalitan ang sarili niya. Ilang beses na niyang sinubukang kalimutan ang babaeng iyon ngunit hindi niya magawa. At hanggang ngayon, ganito pa rin ang epekto nito sa kanya. Nayayamot na siya sa kanyang sarili. Bakit ba hindi ito mabura sa utak niya? For God’s sake, may pamilya na ito. Dapat mag-move on na rin siya kagaya nito! Napatiim bagang siya nang maalalang muli ang ginawa nito sa kanya. Kung saan-saang lupalop niya ito hinanap. Umarkila pa siya ng private