KASAMA ni Gabriel si Janice para sa business meeting and yet wala sa pinag-uusapan nila ang utak niya. Gusto niyang mainis sa sarili. Bakit ba hanggang ngayon ay ganito pa rin ang epekto sa kanya ng babaeng iyon?
Damn. Ilang beses na niyang pinagalitan ang sarili niya. Ilang beses na niyang sinubukang kalimutan ang babaeng iyon ngunit hindi niya magawa. At hanggang ngayon, ganito pa rin ang epekto nito sa kanya. Nayayamot na siya sa kanyang sarili. Bakit ba hindi ito mabura sa utak niya?
For God’s sake, may pamilya na ito. Dapat mag-move on na rin siya kagaya nito!
Napatiim bagang siya nang maalalang muli ang ginawa nito sa kanya. Kung saan-saang lupalop niya ito hinanap. Umarkila pa siya ng private
“AKALA KO ba mag-jojogging tayo?” Takang tanong ni Tonet nang pumara si Olivia ng taxi.“Oo nga. . .” aniyang hinila si Tonet papasok sa loob ng taxi na pinara niya, “Duon tayo magjo-jogging sa loob ng subdivision ng k-kaibigan ko para mas safe. Mahirap kasi dyan sa daan, maraming namamasadang tricycle, baka maaksidente pa tayo. Manong dun po tayo sa Wackwack ha. . .” aniya habang sinisipat muli ang mukha sa rear view mirror.“Bakit ba pakiramdam ko may kakatagpuin ka?” puna ni Tonet, “Kanina ka pa conscious na conscious sa muka mo eh. . .”“Nanalamin lang, me kakatagpuin na kagad? Di ba pwedeng gusto ko lang maging presentable?” irap niya dito.Nagkibit balikat si Tonet.Ang totoo, ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nagbabakasali lang naman siyang magkikita silang muli ni Gabriel. Kung hindi kasi siya nagkakamali, sa Wackwack subdivision ito nakatira.&n
“KAMUKHANG kamukha mo pala ang pamangkin ko. Siguradong marami rin itong paluluhaing lalaki paglaki,” nakatawang sabi ni Javier habang tinataguya si Stacey. Nagulat siyang kaagad sumama dito ang anak niya samantalang umiiyak ito kapag unang kita pa lang nito sa tao. Siguro’y iba talaga ang lukso ng dugo. “Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi mong ‘yan.” Nakangusong sabi niya sa binate, huminga siya ng malalim, “Sana napatawad mo na ko sa lahat ng pagsusuplada ko saiyo nuong araw. Siguro ngayon naiintindihan mo na kung bakit ako naging ganun saiyo.” Napapahiyang sabi niya rito. “Kalimutan na natin yun.” “Kumusta ka na nga pala? I mean, may girlfriend ka na?”
NATAHIMIK si Pamela. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa ang muling pagbabalik ni Olivia sa buhay ni Javier. Matagal na siyang may lihim na pagtingin kay Javier. Simula nang mawala si Olivia ay nagkaroon siya ng chance na mabalik ang dating pagtingin sa kanya ni Javier kagaya ‘nung mga bata pa sila. Ang tagal rin niyang hinintay ang pagkakataon na mapansin siya ng kanyang kababata. Unti-unti na siyang nagkakaroon ng chance pero ngayong nandito na muli si Olivia, alam niyang mawawala na muli ang tsansang iyon. “P-Paano kayong nagkita,” pilit niyang pinasigla ang tono ng pananalita, “K-kumusta na siya? N-Namiss ko rin talaga ang babaeng yan, p-pakausap nga sa kanya,” aniyang gumagaralgal na ang tono ng pananali
NAPAPANAGINIPAN na naman ni Olivia si Gabriel. Walang sawa raw na pinagsasaluhan nila ang magdamag. Umaabot raw hanggang sa mga kapitbahay ang halinghing niya habang ninanamnam ang kaluwalhatiang idinudulot ng kanilang pagniniig. Nag-iinit ang buong katawan niya nang magising sa kalahatian ng gabi. Nagtungo siya sa banyo at nag-shower upang pawiin ang nararamdaman. Shit. Hindi na niya kailanman makalimutan ang mainit na mga halik na iyon ni Gabriel. Nasasabik na siyang muling maramdaman iyon. Napaiyak na naman siya. Miss na miss na talaga niya ito. Wala yatang araw na nawaglit ito sa i
“HINDI ko pa napag-iisipan ang tungkol dyan ‘nay. Ayoko ng muling guluhin pa ang buhay nya. M-mukha namang masaya na sya ngayon. . .gaya nga ng sabi mo, sa estadong yun ni Gabriel, matagal na yung nakamove on. Tapos, guguluhin ko na naman ang buhay nya? Baka magwala na yun sa galit. S-saka di ko rin naman alam kung matutuwa syang malaman na may anak kami eh.” Matamlay na sabi niya sa ina, “Besides, maliban kay Javier, buong pamilya nya galit sa akin. I don’t think ikakatuwa ng parents ni Gab na malamang may apo sila sakin.” “Kaya magpapakamartir ka na lang, ganun ba? Papalakahin mong mag-isa si Stacey? Hindi mo ibibigay sa kanya ang karapatang makilala ang tatay nya? Hindi ba nagiging unfair ka dun sa mag-ama?” Tiningnan niya ang ina-inahan, “Ano
SAGLIT na nataranta si Gabriel, mabilis niyang inalis ang mga kamay ni Anika na nakapulupot sa kanyang braso. Wala naman silang ginagawang masama pero bakit feeling niya ay nahuli siya sa akto ni Olivia? Shit. Ano bang pakialam niya kung anuman ang isipin sa kanya ni Olivia? Three years. Three years itong naglahong parang isang bula kaya huwag itong mag-e-expect na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para rito. Hindi siya santo. Matagal na siyang nakapag-move on. Matagal na niya itong nakalimutan. 
ANG GULAT ni Olivia nang umagang-umaga ay nandoon si Javier para sunduin siya at ihatid sa pinapasukan niya. “Javier, you don’t have to do this.” “It’s okay. Gusto ko lang namang ibigay ‘to sa pamangkin ko,” sabi nitong iniabot ang mga damit na pinamili sa Rustan’s. “Naku ang dami naman nito. Thank you,” aniyang tiningnan ito ng matiim, “Pero hindi mo na yan dapat ginagawa, Javier.” “Gusto ko. At masaya ako sa ginagawa ko,” saad nito sa kanya, “Saka hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito eh, iyong pamangkin ko.” &l
DAMN. Hindi magawang mag-concentrate ni Gabriel sa trabaho. Ewan kung bakit hindi niya magawang burahin sa isipan niya si Olivia. Kagabi ay napanaginipan pa niya ito habang magkasiping at masaya nilang pinagsasaluhan ang magdamag. Isinuklay niya ang mga daliri sa kanyang buhok. Tinawagan niya si Anika. “Let’s go somewehere else, sa labas ng Maynila. I need some fresh air.” Aniya dito habang nilalaro-laro ang hawak na technical pen. Natawa si Anika, “Ikaw, gusto ng fresh air? Kelan pa?” “I