NAPAPANAGINIPAN na naman ni Olivia si Gabriel. Walang sawa raw na pinagsasaluhan nila ang magdamag. Umaabot raw hanggang sa mga kapitbahay ang halinghing niya habang ninanamnam ang kaluwalhatiang idinudulot ng kanilang pagniniig.
Nag-iinit ang buong katawan niya nang magising sa kalahatian ng gabi.
Nagtungo siya sa banyo at nag-shower upang pawiin ang nararamdaman. Shit. Hindi na niya kailanman makalimutan ang mainit na mga halik na iyon ni Gabriel. Nasasabik na siyang muling maramdaman iyon.
Napaiyak na naman siya.
Miss na miss na talaga niya ito.
Wala yatang araw na nawaglit ito sa i
“HINDI ko pa napag-iisipan ang tungkol dyan ‘nay. Ayoko ng muling guluhin pa ang buhay nya. M-mukha namang masaya na sya ngayon. . .gaya nga ng sabi mo, sa estadong yun ni Gabriel, matagal na yung nakamove on. Tapos, guguluhin ko na naman ang buhay nya? Baka magwala na yun sa galit. S-saka di ko rin naman alam kung matutuwa syang malaman na may anak kami eh.” Matamlay na sabi niya sa ina, “Besides, maliban kay Javier, buong pamilya nya galit sa akin. I don’t think ikakatuwa ng parents ni Gab na malamang may apo sila sakin.” “Kaya magpapakamartir ka na lang, ganun ba? Papalakahin mong mag-isa si Stacey? Hindi mo ibibigay sa kanya ang karapatang makilala ang tatay nya? Hindi ba nagiging unfair ka dun sa mag-ama?” Tiningnan niya ang ina-inahan, “Ano
SAGLIT na nataranta si Gabriel, mabilis niyang inalis ang mga kamay ni Anika na nakapulupot sa kanyang braso. Wala naman silang ginagawang masama pero bakit feeling niya ay nahuli siya sa akto ni Olivia? Shit. Ano bang pakialam niya kung anuman ang isipin sa kanya ni Olivia? Three years. Three years itong naglahong parang isang bula kaya huwag itong mag-e-expect na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para rito. Hindi siya santo. Matagal na siyang nakapag-move on. Matagal na niya itong nakalimutan. 
ANG GULAT ni Olivia nang umagang-umaga ay nandoon si Javier para sunduin siya at ihatid sa pinapasukan niya. “Javier, you don’t have to do this.” “It’s okay. Gusto ko lang namang ibigay ‘to sa pamangkin ko,” sabi nitong iniabot ang mga damit na pinamili sa Rustan’s. “Naku ang dami naman nito. Thank you,” aniyang tiningnan ito ng matiim, “Pero hindi mo na yan dapat ginagawa, Javier.” “Gusto ko. At masaya ako sa ginagawa ko,” saad nito sa kanya, “Saka hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito eh, iyong pamangkin ko.” &l
DAMN. Hindi magawang mag-concentrate ni Gabriel sa trabaho. Ewan kung bakit hindi niya magawang burahin sa isipan niya si Olivia. Kagabi ay napanaginipan pa niya ito habang magkasiping at masaya nilang pinagsasaluhan ang magdamag. Isinuklay niya ang mga daliri sa kanyang buhok. Tinawagan niya si Anika. “Let’s go somewehere else, sa labas ng Maynila. I need some fresh air.” Aniya dito habang nilalaro-laro ang hawak na technical pen. Natawa si Anika, “Ikaw, gusto ng fresh air? Kelan pa?” “I
PAPUNTA pa lang siya sa kuwarto ni Gabriel ay panay na ang kabog ng dibdib niya. Nasa kalagitnaan na siya ng pasilyo nang pumihit siya pabalik sa kanyang kuwarto. Anong kalokohan itong ginagawa niya? Pihadong pinagtritripan lang siya ni Pamela. . . “Olivia?” Pag-angat niya ng mukha, muntik na siyang himatayin, nasa harapan niya si Gabriel, nakaswimming trunks at namamasa pa ang katawan. God, namimiss ko na ang matipuno nitong dibdib. Ewan ba niya kung bakit napatingin rin siya sa nakaumbok nitong harapan. Shit. Pulang-pula ang mukha niya nang marealize na na
DAMN. Bumangon si Gabriel at hinanap ang kinaroroonan ni Olivia. Dis oras na ng gabi and yet hindi siya patulugin ng lahat ng mga masasayang alalaala nila ng babae. Ayaw man niyang aminin ay talagang hinahanap hanap niya ang maiinit nitong mga halik. Parang hindi na niya kayang paglabanan ang init na nararamdaman. Napalunok pa siya at makailang beses na nag-iisip kung kakatok ba siya o hindi nang saktong nasa tapat na siya ng kuwartong inuukupahan nito. Sakto namang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nito. Bahagya siyang napaatras. Nakasuot lang ng manipis na pantulog si Olivia, wala itong suot na bra kaya’t namamakat ang mga nipples nito. Napalunok siya sa kung anu-anong
Hanggang makarating sa kanyang kuwarto ay parang tulala pa rin si Gabriel. Ngunit may hatid na kilig siyang nararamdaman nang bumalik na siya sa kama. Hindi pa rin nagbabago ang epekto ni Olivia sa kanya. Damn. Muling nabuhay ang kanyang pagkalalaki nang maalala ang naganap sa kanila kani-kanina lang. Bakit ba hindi niya ito magawang pagsawaan? Kahit paulit-ulit yata niya itong angkinin ay hindi siya magsasawa. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Hanggang sa makatulog ay ang nangyari pa rin kanina ang nasa isip niya. Ngunit maya-maya lamang ay muli siyang nagising. Shit, this is not good. Bumangon siya at lumabas ng silid.HINDI NA magawang makatulog pa ni Olivia. Kahit anong pilit ang gawin niya ay hindi
Ang kulit! Ano bang gusto ng lalaking ito? Ipagsigawan niya sa buong mundo kung gaano niya ito kamahal? Ano bang akala nito habang ibinibigay niya ang kanyang buong sarili dito? Na ginagawa lang niya iyon dahil mahilig siya sa sex? Dahil naliligayahan ang katawang lupa niya? For God’s sake! Hindi siya kagaya ng ibang babaeng naikama nito! Hanggang ngayon ba naman ay ganuon pa rin kababa ang pagtingin nito sa kanya? Gusto na niyang maluha ngunit sinikap niyang huwag nitong makita ang kanyang kahinaan. Huminga siya ng malalim upang duon humugot ng lakas, muli siyang bumaling paharap dito, “Ikaw ba, minahal mo ba kong talaga kahit konting-konti lang?” Matiim niyang tanong dito.&nbs
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila