Ang kulit! Ano bang gusto ng lalaking ito? Ipagsigawan niya sa buong mundo kung gaano niya ito kamahal? Ano bang akala nito habang ibinibigay niya ang kanyang buong sarili dito? Na ginagawa lang niya iyon dahil mahilig siya sa sex? Dahil naliligayahan ang katawang lupa niya? For God’s sake!
Hindi siya kagaya ng ibang babaeng naikama nito!
Hanggang ngayon ba naman ay ganuon pa rin kababa ang pagtingin nito sa kanya?
Gusto na niyang maluha ngunit sinikap niyang huwag nitong makita ang kanyang kahinaan. Huminga siya ng malalim upang duon humugot ng lakas, muli siyang bumaling paharap dito, “Ikaw ba, minahal mo ba kong talaga kahit konting-konti lang?” Matiim niyang tanong dito.
&nbs
“IHAHATID na kita,” may authority ang tinig na sabi ni Gabriel nang nasa airport na sila ng Maynila galing Boracay. Hindi niya alam kung pati ang eroplanong sasakyan niya ay tiniyak ni Pamela na siya ring sasakyan ni Gabriel pabalik ng Maynila. Malamang. . . Kaninang on board sila ay bigla na lamang itong tumabi sa kanya sa upuan kahit na hindi naman talaga ito nakapwesto duon. Pero ni hindi naman sila nag-usap kaya natulog na lamang siya sa eroplano. Bagama’t sarap na sarap siya sa napakabangong amoy nito. Tuksong-tukso na nga siyang sumandal sa balikat nito kaso’y business class naman sila kaya napaka-obvious namang gusto lang niyang maka-tsansing kapag sumandal pa siya dito. “Pano si Anika?” &ldqu
NAGKATINGINAN SINA Tonet at Nanay Becca nang makitang kasama niya si Gabriel. Makahulugan ang tinging ipinukol ng mga ito sa kanya na waring sinasabing: Nagkabalikan na ba kayo? Paki explain nga para hindi kami nagugulat ng ganito? Pinandilatan lang niya ng mga mata ang mga ito. “Eh. . .mabuti naman naligaw ka. . .dito,” bati ni Nanay Becca kay Gabriel, hindi niya alam kung genuine ba ang mga ngiti nito o napipilitan lang, “Pasensya na medyo makalat ang bahay, alam mo namang ang daming mga bubuwit dito.” “Bubuwit?” Kunot nuong tanong ni Gabriel. “Eh bubuwit ang tawag ni nanay sa mga anak ko,” paliwanag ni Tonet, “Kumain na b
HINDI makapaniwala si Gabriel nang lumabas ang DNA result ni Stacey. Ngayon niya nakumpirma na siya nga ang ama ng bata. Masaya siyang malaman na anak niya ang bata pero nagagalit rin siya dahil matagal ring panahon itong ipinagkait sa kanya ni Olivia. Bakit kailangan nitong itago sa kanya ang katotohanan? Bakit kailangan nitong lumayo? Kahit balak sana niyang mag-golf kasama ng mga investors ng linggong iyon ay nag-cancel siya para puntahan si Olivia. Anu-ano pa ba ang mga itinatago nito sa kanya? Halos paliparin niya ang kanyang sasakyan makarating lang sa tinutuluyan nito. Nagkagulatan sila ni Javier nang magpakita sa bahay nina Olivia. Nagtatanong ang kanyang
“KAHIT KAILAN naman sarili mo lang ang iniisip mo,” yamot na sagot ni Gabriel kay Olivia.Bakit sa halip na humingi ito ng sorry sa kanya sa ginawang pagkakait sa karapatan niya sa kanyang anak, ito pa ang matapang magalit sa kanya ng ganito?Na para bang kasalanan niya kung bakit sila nagkahiwalay nuon?Siya ba ang basta na lang umalis ng walang paalam?Siya ba ang lumayo?Hindi naman siya ang nang-iwan pero bakit parang siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay?“Pero kung inaakala mong basta mo na lang maiaalis ang karapatan kong maging ama sa bata, dyan ka nagkakamali, gagawin ko ang lahat para makuha ko saiyo ang bata!” banta niya dito at handa niyang gawin talaga iyon kung kinakailangan. Hindi niya hahayaang lumaki ang anak niya sa ganitong environment.&
“P-PWEDE bang bigyan mo pa ako ng at least two weeks para naman makapag-adjust saiyo si Stacey?” Pakiusap ni Olivia kay Gabriel nang tawagan siya nito kinabukasan. Nasa trabaho siya at kasalukuyang lunch break ng tumawag ito. “Susunduin kita mamaya dyan sa trabaho mo, ako na ang maghahatid saiyo pauwi,” iyon lang ang narinig niyang sagot nito pagkatapos ay tinapos na nito ang pakikipag-usap sa kanya. Daig pa nito ang nakikipag-usap sa isang bata kung ituring siya. Ni hindi man lamang hinintay kung payag ba siyang pasundo dito. Naiinis siya talaga sap ag-uugaling iyon ng lalaki. Ginagawa talaga siya nitong sunod-sunuran palibhasa ay alam na alam nito ang mga kahinaan niya. “So, nagpang-abot pala ang magkapatid sa bahay nyo,&
“STACEY, anak. . .” Hindi alam ni Olivia kung paano sisimulan ang pagpapakilala niya sa anak kay Gabriel, “Anak, siya ang Daddy Gabriel mo. Nagmeet na kayo nung isang araw di ba?” Tumango ang bata. Nagulat siya nang basta na lamang ito kumandong sa hita ni Gabriel. Hindi ito ganuon sa ibang bago lamang nitong kakilala. Maski kay Javier, mga ilang oras muna bago ito naging paloob dito ngunit kay Gabriel ay wala itong pangingilag. Iba nga siguro ang lukso ng dugo. “Anak, may pasalubong saiyo si Daddy,” sabi ni Gabriel, iniabot dito ang shopping bag ng mga pinamiling laruan. Naexcite si Stacey, bumaba ito sa ama at patalon talon na itinaktak ang lamang ng shopping bag. Ang lakas ng tili nito ng makita ang baby aliv
NAKAHILATA sa salas si Javier, lasing na lasing nang datnan ni Gabriel. Napabuntong hinga siya ng malalim saka mabilis na itong tinalikuran. Pagod na siyang pagsabihan pa ito at pangaralan ng paulit-ulit. Panahon na para sarili nama niya ang asikasuhin niya. Malaki na si Javier para isipin at alalahanin pa niya. “Kuya, ano bang meron ka na wala ako? Anong lamang mo sakin, bakit ikaw ang pinili ni Olivia?” dinig niyang tanong nito. Huminto siya sa paglalakad at nakinig sa sasabihin nito. “Ako etong mahal na mahal siya, handa ko syang ipaglaban kahit na kanino. Hindi kagaya mo na takot panindigan yung nararamdaman mo sa kanya and yet, bakit ikaw. . .ha Kuya, bakit
PAGLABAS ng kuwarto ni Javier ay inabutan niya ang Kuya Gabriel niya na nag-aalmusal. Humila siya ng bangko at sumabay na dito pagkain. “Okay ka na ba? Uminom ka ng orange juice para mawala ang hang-over mo,” kaswal na sabi sa kanya ng kuya niya. Tumango siya. Kung tutuusin ay wala namang kasalanan sa kanya ang Kuya Gabriel niya dahil nagmamahal lang din naman itong tulad niya. Alam niya, hindi man ito umamin, mahal nito si Olivia. Kilala niya ang kapatid niya, hindi ito mag-aaksaya ng panahon sa isang babae kung hindi naman ito mahalaga para dito. It’s just that magkaiba sila ng pagpapakita kung paano ang magmahal. Hindi naman kasi ganuon ka-expressive ang kuya niya unlike
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila