“HINDI ko pa napag-iisipan ang tungkol dyan ‘nay. Ayoko ng muling guluhin pa ang buhay nya. M-mukha namang masaya na sya ngayon. . .gaya nga ng sabi mo, sa estadong yun ni Gabriel, matagal na yung nakamove on. Tapos, guguluhin ko na naman ang buhay nya? Baka magwala na yun sa galit. S-saka di ko rin naman alam kung matutuwa syang malaman na may anak kami eh.” Matamlay na sabi niya sa ina, “Besides, maliban kay Javier, buong pamilya nya galit sa akin. I don’t think ikakatuwa ng parents ni Gab na malamang may apo sila sakin.”
“Kaya magpapakamartir ka na lang, ganun ba? Papalakahin mong mag-isa si Stacey? Hindi mo ibibigay sa kanya ang karapatang makilala ang tatay nya? Hindi ba nagiging unfair ka dun sa mag-ama?”
Tiningnan niya ang ina-inahan, “Ano
SAGLIT na nataranta si Gabriel, mabilis niyang inalis ang mga kamay ni Anika na nakapulupot sa kanyang braso. Wala naman silang ginagawang masama pero bakit feeling niya ay nahuli siya sa akto ni Olivia? Shit. Ano bang pakialam niya kung anuman ang isipin sa kanya ni Olivia? Three years. Three years itong naglahong parang isang bula kaya huwag itong mag-e-expect na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para rito. Hindi siya santo. Matagal na siyang nakapag-move on. Matagal na niya itong nakalimutan. 
ANG GULAT ni Olivia nang umagang-umaga ay nandoon si Javier para sunduin siya at ihatid sa pinapasukan niya. “Javier, you don’t have to do this.” “It’s okay. Gusto ko lang namang ibigay ‘to sa pamangkin ko,” sabi nitong iniabot ang mga damit na pinamili sa Rustan’s. “Naku ang dami naman nito. Thank you,” aniyang tiningnan ito ng matiim, “Pero hindi mo na yan dapat ginagawa, Javier.” “Gusto ko. At masaya ako sa ginagawa ko,” saad nito sa kanya, “Saka hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito eh, iyong pamangkin ko.” &l
DAMN. Hindi magawang mag-concentrate ni Gabriel sa trabaho. Ewan kung bakit hindi niya magawang burahin sa isipan niya si Olivia. Kagabi ay napanaginipan pa niya ito habang magkasiping at masaya nilang pinagsasaluhan ang magdamag. Isinuklay niya ang mga daliri sa kanyang buhok. Tinawagan niya si Anika. “Let’s go somewehere else, sa labas ng Maynila. I need some fresh air.” Aniya dito habang nilalaro-laro ang hawak na technical pen. Natawa si Anika, “Ikaw, gusto ng fresh air? Kelan pa?” “I
PAPUNTA pa lang siya sa kuwarto ni Gabriel ay panay na ang kabog ng dibdib niya. Nasa kalagitnaan na siya ng pasilyo nang pumihit siya pabalik sa kanyang kuwarto. Anong kalokohan itong ginagawa niya? Pihadong pinagtritripan lang siya ni Pamela. . . “Olivia?” Pag-angat niya ng mukha, muntik na siyang himatayin, nasa harapan niya si Gabriel, nakaswimming trunks at namamasa pa ang katawan. God, namimiss ko na ang matipuno nitong dibdib. Ewan ba niya kung bakit napatingin rin siya sa nakaumbok nitong harapan. Shit. Pulang-pula ang mukha niya nang marealize na na
DAMN. Bumangon si Gabriel at hinanap ang kinaroroonan ni Olivia. Dis oras na ng gabi and yet hindi siya patulugin ng lahat ng mga masasayang alalaala nila ng babae. Ayaw man niyang aminin ay talagang hinahanap hanap niya ang maiinit nitong mga halik. Parang hindi na niya kayang paglabanan ang init na nararamdaman. Napalunok pa siya at makailang beses na nag-iisip kung kakatok ba siya o hindi nang saktong nasa tapat na siya ng kuwartong inuukupahan nito. Sakto namang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nito. Bahagya siyang napaatras. Nakasuot lang ng manipis na pantulog si Olivia, wala itong suot na bra kaya’t namamakat ang mga nipples nito. Napalunok siya sa kung anu-anong
Hanggang makarating sa kanyang kuwarto ay parang tulala pa rin si Gabriel. Ngunit may hatid na kilig siyang nararamdaman nang bumalik na siya sa kama. Hindi pa rin nagbabago ang epekto ni Olivia sa kanya. Damn. Muling nabuhay ang kanyang pagkalalaki nang maalala ang naganap sa kanila kani-kanina lang. Bakit ba hindi niya ito magawang pagsawaan? Kahit paulit-ulit yata niya itong angkinin ay hindi siya magsasawa. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Hanggang sa makatulog ay ang nangyari pa rin kanina ang nasa isip niya. Ngunit maya-maya lamang ay muli siyang nagising. Shit, this is not good. Bumangon siya at lumabas ng silid.HINDI NA magawang makatulog pa ni Olivia. Kahit anong pilit ang gawin niya ay hindi
Ang kulit! Ano bang gusto ng lalaking ito? Ipagsigawan niya sa buong mundo kung gaano niya ito kamahal? Ano bang akala nito habang ibinibigay niya ang kanyang buong sarili dito? Na ginagawa lang niya iyon dahil mahilig siya sa sex? Dahil naliligayahan ang katawang lupa niya? For God’s sake! Hindi siya kagaya ng ibang babaeng naikama nito! Hanggang ngayon ba naman ay ganuon pa rin kababa ang pagtingin nito sa kanya? Gusto na niyang maluha ngunit sinikap niyang huwag nitong makita ang kanyang kahinaan. Huminga siya ng malalim upang duon humugot ng lakas, muli siyang bumaling paharap dito, “Ikaw ba, minahal mo ba kong talaga kahit konting-konti lang?” Matiim niyang tanong dito.&nbs
“IHAHATID na kita,” may authority ang tinig na sabi ni Gabriel nang nasa airport na sila ng Maynila galing Boracay. Hindi niya alam kung pati ang eroplanong sasakyan niya ay tiniyak ni Pamela na siya ring sasakyan ni Gabriel pabalik ng Maynila. Malamang. . . Kaninang on board sila ay bigla na lamang itong tumabi sa kanya sa upuan kahit na hindi naman talaga ito nakapwesto duon. Pero ni hindi naman sila nag-usap kaya natulog na lamang siya sa eroplano. Bagama’t sarap na sarap siya sa napakabangong amoy nito. Tuksong-tukso na nga siyang sumandal sa balikat nito kaso’y business class naman sila kaya napaka-obvious namang gusto lang niyang maka-tsansing kapag sumandal pa siya dito. “Pano si Anika?” &ldqu