DO ALL YOU DO para mapaibig mo si Gabriel, iha,” mariing sabi ng Tito Jaypee niya kay Arlyn nang sila na lamang dalawa ng matanda, “I really like him. Mula pa pagkabata ay kilala ko na sya. Sa kanya lang mapapanatag ang kalooban ko.”
“Tito, ayoko namang gustuhin lang ako ng isang tao dahil napilitan lang sya sakin. Pagkakaalam ko, may babae. . .”
“Si Olivia Reid?”
Kunot-nuong napatingin siya sa kanyang tiyuhin, “Don’t tell me pinaimbestigahan mo kung sino ang girlfriend ni Gabriel?”
“Sa palagay mo irereto ko saiyo si Gabriel kung hindi ko kilala ang kasulok-sulukan sa pagkatao nya? May laban ka sa babaeng iyon, iha.
“OH, GABRIEL, long time no see,” nakangiting bati ni Anika sa lalaki nang lapitan ito. Huling-huli niya ang pagpapanic sa mukha ni Gabriel nang makita siyang kasama ni Anika. Iyong mukha ng isang guilty na hindi pa man niya tinatanong ay todo deny na kaagad. Mas lalo lang siyang nasaktan sa reaction nitong iyon. Hindi ito makakaramdam ng guilt kung wala ito talagang ginagawang masama. Nagpipigil lang siya pero gusto nang sumabog ng dibdib niya sa sobrang sama ng loob na nararamdaman mas lalo na nang matitigan nang malapitan ang babaeng kasama nito. Mas maganda pala si Arlyn sa personal. Ang liit ng mukha, ang ganda ng biloy sa magkabilang pisngi. Damn, kahit naman sinong lalaki ay maakit talaga dito. Huling-huli niya
“HEY. . .” “Ayun, naghiwalay kaming masamang-masama pa rin ang loob nya saiyo. Halos hindi nga nagalaw iyong in-order kong lunch. Kasalanan mo. . .” “Niks. . .” “Yan ang problema saiyo Gab. Hanggang ngayon palagi kang fifty/fifty. Di ba dapat it’s all or nothing?” Napipikon na si Gabriel dahil parang ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ni Anika na magpaliwanag, “Hindi mo ba man lang ako pagsasalitain?” “Kay Olivia ka magpaliwanag. Dahil kung ako ang tatanungin mo, ginawa ko na iyong best ko para magmukha kang okay sa paningin niya.&n
“LIV. . .?” Tuluyan na siyang nawalan ng malay. Hindi na niya alam ang sumunod pang mga pangyayari. Namalayan na lamang niyang nasa loob na siya ng ospital pagmulat niya ng kanyang mga mata. Nasa tabi niya si Nanay Becca, hawak ang isang kamay niya, bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala, “Diyos ko, mahabagin, akala ko kung napano ka na. . .kausap lang ng doctor si Gabriel. . .” Ilang sandali pa ay nanduon na si Gabriel kasama ang doctor, “Congratulations po Misis, you are three weeks pregnant,” anang magandang doktora sa kanya. Masayang-masaya si Gabriel. Hindi naman niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. H
“TAPATIN mo nga ako Gabriel, hindi ba sumagi kahit minsan lang sa isip mo na alukin si Olivia ng kasal?” Saglit na natigilan si Gabriel dahil hindi niya alam kung papaano sasagutin ang tanong na iyon ni Nanay Becca. Ang totoo ay ilang beses nang sumagi sa isipan niya na alukin ito ng kasal ngunit kasabay niyon ay ang lahat ng mga pag-aalinlangan at mga bagay na dapat niyang isaalang-alang kagaya ng kanyang pamilya. Ngayon pa lang ay natitiyak na niyang kahit anong gawin niya ay hindi ito matatanggap ng parents niya. Hindi niya gustong bigyan ang mga ito ng sama ng loob lalo pa at alam niya health condition ng kanyang ama. Dapat rin niyang isaalang-alang ang posisyon niya nga
“HANGGANG ngayon ba galit ka pa rin sakin?” Naglalambing na tanong ni Gabriel, hinalikan siya nito sa nuo, “I love you at kahit na kailan hindi ako gagawa ng isang bagay na ikasisira ng pagsasama natin. Trust me.” Tiningnan niya ito ng mata sa mata. Gusto niyang maramdaman nito kung ano ba talaga ang nilalaman ng kanyang puso, “Trust you? Pero ako ba, pinagtiwalaan mo?” “Olivia. . .” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Tuluyan na niyang inilabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya, “Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa tuwing inaakusahan mo ko ng kung anu-ano sa tuwing may nakikita kang mali sakin? Hanggang ngayon hindi ako makawala sa nakaraan ko dahil paulit-ul
“TITO, I need your help.” “About what?” “Gabriel's live-in partner is expecting their second child.” Balita niya sa matanda. “What? This is not good, Arlyn. Kailangang may gawin ka!” Anang Tito Jaypee niya na mas oa pa sa kanya ang naging reaction sa ibinalita niya. “That’s why I called you, Tito. I need your help. Sa palagay mo, may pag-asa pang maagaw ko si Gabriel sa babaeng iyon? What if pati simpatiya nina Tito Arnel makuha na ng babaeng iyon? Syempre this time hundred percent sure na sina Tito Arnel na anak nga ni Gabriel ang ipinagbubuntis ng babaeng iyon dahil nagsasama na sila, di ba?”&n
“BAKIT, ano raw nangyari kay Samantha?” “Nagtangka raw magpakamatay, fifty-fifty ngayon. . .nasa emergency room na,” sabi ni Gabriel na humahangos palabas. “Mag-iingat ka sa pagmamaneho,” iyon lang ang tanging nasabi niya kay Gabriel habang nakatingin dito. Naiwan siyang nakaupo sa tabing kama. Hindi sila okay ni Samantha ngunit hangad niya ang kabutihan at kaligayahan para dito. Pinuntahan niya si Stacey sa kuwarto nito at sinilip. Mahimbing na ang tulog nito katabi ng Yaya Dina nito. Naisipan niyang tawagan si Tonet para ito naman ang kumustahin. Nagulat siya nang si Anika ang sumagot.&nb
“HINDI ko na kaya, bilisan nyo. Tumawag na kayo ng taxi, sobrang sakit na ng tiyan ko,” humihiyaw sa sakit na sabi niya, “Dina, nakausap mo na ba si Gabriel? Sabihin mo dadalhin nyo na ko sa ospital. . .” “Ma’am, hindi po sumasagot sa tawag si sir. . .” “Tumawag ka sa ibaba, sabihin mo ikuha ako ng taxi, bilisan mo. . .hindi ko na kaya. Sobrang sakit na kamo ng tiyan ko. Paki-abot ng cellphone ko para matawagan ko si Nanay Becca,” aniyang kahit namimilipit sa sakit ay hindi pa rin nakakalimutan ang magbabantay kay Stacey. Mas panatag ang loob niya kung alam niyang kay Nanay Becca maiiwan ang anak. “Opo. . .”TARANTANG napasugod sa ospital sina Tonet at Anika habang si