“LIV. . .?”
Tuluyan na siyang nawalan ng malay. Hindi na niya alam ang sumunod pang mga pangyayari. Namalayan na lamang niyang nasa loob na siya ng ospital pagmulat niya ng kanyang mga mata.
Nasa tabi niya si Nanay Becca, hawak ang isang kamay niya, bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala, “Diyos ko, mahabagin, akala ko kung napano ka na. . .kausap lang ng doctor si Gabriel. . .”
Ilang sandali pa ay nanduon na si Gabriel kasama ang doctor, “Congratulations po Misis, you are three weeks pregnant,” anang magandang doktora sa kanya.
Masayang-masaya si Gabriel. Hindi naman niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. H
“TAPATIN mo nga ako Gabriel, hindi ba sumagi kahit minsan lang sa isip mo na alukin si Olivia ng kasal?” Saglit na natigilan si Gabriel dahil hindi niya alam kung papaano sasagutin ang tanong na iyon ni Nanay Becca. Ang totoo ay ilang beses nang sumagi sa isipan niya na alukin ito ng kasal ngunit kasabay niyon ay ang lahat ng mga pag-aalinlangan at mga bagay na dapat niyang isaalang-alang kagaya ng kanyang pamilya. Ngayon pa lang ay natitiyak na niyang kahit anong gawin niya ay hindi ito matatanggap ng parents niya. Hindi niya gustong bigyan ang mga ito ng sama ng loob lalo pa at alam niya health condition ng kanyang ama. Dapat rin niyang isaalang-alang ang posisyon niya nga
“HANGGANG ngayon ba galit ka pa rin sakin?” Naglalambing na tanong ni Gabriel, hinalikan siya nito sa nuo, “I love you at kahit na kailan hindi ako gagawa ng isang bagay na ikasisira ng pagsasama natin. Trust me.” Tiningnan niya ito ng mata sa mata. Gusto niyang maramdaman nito kung ano ba talaga ang nilalaman ng kanyang puso, “Trust you? Pero ako ba, pinagtiwalaan mo?” “Olivia. . .” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Tuluyan na niyang inilabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya, “Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa tuwing inaakusahan mo ko ng kung anu-ano sa tuwing may nakikita kang mali sakin? Hanggang ngayon hindi ako makawala sa nakaraan ko dahil paulit-ul
“TITO, I need your help.” “About what?” “Gabriel's live-in partner is expecting their second child.” Balita niya sa matanda. “What? This is not good, Arlyn. Kailangang may gawin ka!” Anang Tito Jaypee niya na mas oa pa sa kanya ang naging reaction sa ibinalita niya. “That’s why I called you, Tito. I need your help. Sa palagay mo, may pag-asa pang maagaw ko si Gabriel sa babaeng iyon? What if pati simpatiya nina Tito Arnel makuha na ng babaeng iyon? Syempre this time hundred percent sure na sina Tito Arnel na anak nga ni Gabriel ang ipinagbubuntis ng babaeng iyon dahil nagsasama na sila, di ba?”&n
“BAKIT, ano raw nangyari kay Samantha?” “Nagtangka raw magpakamatay, fifty-fifty ngayon. . .nasa emergency room na,” sabi ni Gabriel na humahangos palabas. “Mag-iingat ka sa pagmamaneho,” iyon lang ang tanging nasabi niya kay Gabriel habang nakatingin dito. Naiwan siyang nakaupo sa tabing kama. Hindi sila okay ni Samantha ngunit hangad niya ang kabutihan at kaligayahan para dito. Pinuntahan niya si Stacey sa kuwarto nito at sinilip. Mahimbing na ang tulog nito katabi ng Yaya Dina nito. Naisipan niyang tawagan si Tonet para ito naman ang kumustahin. Nagulat siya nang si Anika ang sumagot.&nb
“HINDI ko na kaya, bilisan nyo. Tumawag na kayo ng taxi, sobrang sakit na ng tiyan ko,” humihiyaw sa sakit na sabi niya, “Dina, nakausap mo na ba si Gabriel? Sabihin mo dadalhin nyo na ko sa ospital. . .” “Ma’am, hindi po sumasagot sa tawag si sir. . .” “Tumawag ka sa ibaba, sabihin mo ikuha ako ng taxi, bilisan mo. . .hindi ko na kaya. Sobrang sakit na kamo ng tiyan ko. Paki-abot ng cellphone ko para matawagan ko si Nanay Becca,” aniyang kahit namimilipit sa sakit ay hindi pa rin nakakalimutan ang magbabantay kay Stacey. Mas panatag ang loob niya kung alam niyang kay Nanay Becca maiiwan ang anak. “Opo. . .”TARANTANG napasugod sa ospital sina Tonet at Anika habang si
NANGANGATAL ang buong katawan ni Donya Amanda nang tawagan siya ng pulis at ibalita ang nangyari kay Gabtiel. Iyak siya ng iyak habang pinagmamasdan ang anak sa loob ng ICU. Parang gusto niyang sisihin ang sarili. Marahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito maaksidente kaya hindi niya ipinaalam kahit na kanino ang tungkol sa pagkausap niya kay Olivia. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama kay Gabriel. Nagbayad siya ng malaking halaga sa mga ito pati na rin sa media na nakasaksi sa pangyayari para itago ang identity ni Gabriel at huwag nang ilathala ang naganap na aksidente. Ayaw niyang makaapekto ang kondisyon ni Gabriel sa pamamalakad nito sa kanilang mga negosyo.“DADALHIN natin si Ga
“NAKAUSAP ni Anika iyong Mama ni Gabriel. Bukas na raw ang flight ni Gabriel papuntang Amerika k-kasama ni Arlyn. . .” Parang matutumba si Olivia sa sinabing iyon ni Nanay Becca. Mga ilang segundo rin bago nagregister sa kanya ang sinabing iyon ng matanda. Pero parang hindi kayang tanggapin ng utak niya. Baka binibiro lang siya ng mga ito. Baka gusto lang siyang surpresahin. Baka magpo-propose sa kanya si Gabriel pero gusto muna siyang paiyakin? Imposibleng magawa ito sa kanya ni Gabriel. Hindi siya sasaktan ng ganito ni Gabriel. “Totoo ba yan?” Umiiyak na tanong niya, “Baka pinaprank nyo lang ako?”&nb
KANINA pa tinatawagan ni Olivia si Javier para kompirmahin dito ang pagpapakasal ni Gabriel ngunit ayaw nitong sagutin ang mga tawag niya. Ang sama-sama ng loob niya. Umiiyak na napaupo siya sa kama saka nilingon ang natutulog na si Stacey. Simula nang umalis sila sa condominium na tinutuluyan nila ni Gabriel ay nabago na ang lahat. Wala siyang binitbit na kahit na ano. Maski ang fifty thousand na inialok sa kanya ng ina ni Gabriel ay hindi niya tinanggap. Bubuhayin niya si Stacey na hindi umaasa kahit na kanino. Hindi niya alam kung paano pero nakaya nga niya nuon, bakit hindi niya iyon kakayanin ngayon? Nagtangis ang kanyang mga bagang. Hindi niya akalaing magagawa ito sa kanya ni Gabriel.&