Lagi siyang isinasama ni Kyle sa mga photo shoots at video shoot ng commercial para sa brandy ng The Finest Corporation. Masaya siya dahil masyado itong sweet sa kanya. Alam niyang marami ang nagtataka sa closeness nila ni Kyle pero walang isa man ang nagbibigay ng malisya. Walang sino naman kasi ang mag-iisip na may something sa kanila ni Kyle dahil ang layo nga naman ng agwat niya sa lalaki. Wala rin siya sa kalingkingan ng mga modelong nakapalibot sa lalaki.
Hindi na rin niya nakikitang nakikipagharutan ito sa kung sino-sino mula nang nagkakaigihan silang dalawa. Gusto niyang maniwala na nahuhulog na rin ang loob nito sa kanya. Ang hinihintay niya na lang talaga ay ang pagiging opisyal ng relasyon nila.
Nagtatawanan pa sila ni Kyle nang papasok ng bahay ng mga ito. Kagagaling lang nila sa isang pictorial para sa calendar ng brandy ng The Finest. Isa ito sa mga photographers ng photo shoot.
Pareho pa silang natigilan nang makitang naghihintay sa sala
Hiniram niya uli kay Venus ang gown na isinuot niya sa masquerade birthday party ni Mrs. del Espania. Ngayon kasi ang pictorial nila ni Kyle. Siya ang magiging laman ng special edition ng magazine sa susunod na buwan. Ipapakilala na siya nito bilang si Mysterious woman pero gaya ng sinabi dati nito ay itatago nila ang identity niya.Nasa loob siya ng studio at pinapunta ni Venus si Fenny doon para siyang mag-ayos uli sa kanya. Alas diyes ng umaga ang pictorial nila pero eight pa lang ay andu'n na sila ni Fenny. Sinabi niyang hindi pa rin ito allowed na sabihin na siya si Mysterious woman kahit na lalabas na siya sa magazine. Ibang dahilan ang ibinigay niya sa bakla nang magtanong ito kung bakit.Kalahating oras bago mag-alas diyes ay tapos na siyang ayusan ni Fenny. Hindi na nito hinintay si Kyle dahil may appointment din ito ng alas diyes. Babayaran na sana niya ito sa serbisyo pero sinabi nitong si Venus na raw ang bahala roon. Nagpasalamat siya bago ito umalis. Nagb
Nagpaalam siya kay Kyle na uuwi siya sa kanila. Gusto niya kasing andu'n siya sa birthday ng lola niya. Hindi pa siya nakakauwi kahit isang beses man lang mula nang magtrabaho siya sa Maynila. Inaprubahan nito ang tatlong araw na vacation leave na ni-request niya. Gusto niya sanang imbitahan ang lalaki para maipakilala niya na rin sa lola niya pero hindi pa siya handang sabihin dito na siya ang apo ng manghuhulang kinukunsulta ng lola nito. Saka na niya pwedeng ipakilala ang lalaki sa abwela niya kapag nasabi na niya ang totoo rito.Hinatid siya ng lalaki sa terminal Sabado ng umaga. Ipapahatid pa sana siya ni Kyle sa driver ng mga ito pero tumanggi na siya." Mami-miss kita," sabi nito sa kanya nang ihatid siya nito sa bus." Para namang ang tagal ko talagang mawala," natatawang sabi niya pero alam niya sa sarili na mami-miss din niya ito ng sobra.Walang kumikilos sa kanila na parang bang may hinihintay na kung ano." Ahm, alis na ako
Siya at si Shirley ang nag-asikaso ng lahat ng mga bisita ng lola niya. Laking pasasalamat niya talaga at andu'n ang kaibigan. Ayaw niya kasing mapagod ang lola sa espesyal na araw nito. Pumunta rin ang mga magulang ni Shirley sa kanila. Halos lahat yata ng nasa bayan ay present dahil nabalitaan ng mga itong umuwi siya. Sa liit ng lugar nila ay halos magkakilala lang ang lahat ng mga tao sa kanila.Kahit walang tigil siya sa pag-aasikaso ay hindi naman siya nakaramdam ng pagod lalo't nakikita niyang masayang-masaya ang lola niya. May mga pagkakataon lang na parang hinihingal ito kahit walang ginagawa. Nang tanungin niya ang anak ni Aling Meding kung bakit ganu'n ang lola niya ay sinabi lang nitong sinusumpong daw ito ng hika na siyang ipinagtataka niya dahil hindi naman hikain ang lola niya.Dahil umaga pa lang ay dumagsa na ang mga tao sa kanila, maaga ring nagsiuwian ang mga iyon. Konting bisita na lang ang naiwan nang mag-alas singko ng hapon. Nasa kusina siya nang
Naghilamos siya ng mukha saka napagpasyahang lumabas ng kwarto. Alam niyang magtataka ang lola niya kapag hindi na siya lumabas uli. Kinatok siya kanina ni Shirley at ipinasabi niyang ito na muna ang gumawa ng dahilan sa lola niya. Mabuti na lang at hindi na nangulit pa si Shirley at hinayaan na muna siya.Mga kalahating oras yata siyang nagkulong sa kwarto at walang ginawa kundi umiyak. Inayos niya ang salamin sa mata para mapagtakpan ang pamumugto ng mga mata. Paglabas niya ay ang mga magulang na lang ni Shirley at ilang kamag-anak nila ang naiwan." Bakit umalis agad ang boss mo?" Agad na tanong ng lola niya." B-babalik pa po kasi siya ng Maynila at gagabihin na siya masyado sa daan," iyon lang ang naisip niyang palusot at iniiwasang mapatingin sa mga mata ng matanda." Ganu'n ba?" Alam niyang hindi ito kumbinsido sa sagot niya pero hindi na rin nagtanong pa.Ibinuhos niya ang atensiyon sa pagliligpit nga mga kalat at paghuhugas ng mga pinggan.
Kanina pa niya hinihintay si Kyle. Hindi siya umuwi agad sa bahay ng mga ito bagkus ay ginugol niya ang oras sa mall. Alas sais na ng gabi nang maisipan niyang umuwi. Kapag gabi kasi ay hindi sila laging sabay mag-dinner sa bahay ng mga del Espania dahil lagi ay nauuna nang kumakain si Mrs del Espania para makapagpahinga nang maaga. Si Clyde naman ay laging may dinner meeting sa mga clients ng kumpanya. Si Kyle lang ang laging kasabay niyang kumakain ng dinner lalo't sila ang laging magkasama sa trabaho.Nakaidlip na siya't lahat pero wala pa rin si Kyle. Bumaba kasi siya nang magising ng mga alas-nuebe ng gabi pero ang sabi ng katulong na napagtanungan niya ay hindi pa dumating si Kyle.Nang tingnan niya ang oras uli ay malapit nang mag-alas onse. Lumabas siya ng kwarto. Sakto namang nakasalubong niya si Clyde na mukhang kakauwi lang at papunta na sana ng kwarto nito." Ang sabi ng katulong ay hindi ka pa raw kumakain?" Iyon agad ang salubong na tanong ni
Maaga pa rin siyang nagising kinabukasan kahit parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Determinado kasi siyang ayusin ang sa kanila ni Kyle. Gusto niyang mapansin siya ng lalaki kaya't imbes na magsuot ng mga normal niyang isinusuot ay namili siya ng damit na hindi aabot hanggang tuhod ang haba. May nakita naman siya sa cabinet niya. Isa iyon sa pinamili ni Kyle para sa kanya na itinabi niya dahil akala niya ay hindi niya talaga kayang isuot iyon. Kulay itim ang damit na hapit sa katawan niya. Pinaresan niya iyon ng sapatos na pula na may heels. Iniulgay niya ang buhok saka nagsuot ng hikaw. Papatungan niya sana iyon ng blazer pero tinanggal din. Kung gusto niya talagang maging kasing-sexy ng Brianna na iyon, dapat ay magpakita siya ng balat. Sleeveless ang damit at maikli pero hindi naman siya mukhang babaeng nagbebenta ng aliw sa gabi. Maganda pala ang legs ko, oh! Napatitig pa siya sa legs niyang naka-expose dahil hindi niya sinuo
Alam niyang nagmumukha siyang katawa-tawa dahil nakapostura pa siya with high-heeled shoes para lang mamulot uli ng mga nagkalat na mga gamit at damit ng mga modelo. Pinagtitinginan pa siya ng ibang modelo habang wala sa sariling pinupulot ang mga kalat ng mga ito. Hindi niya alintana ang mga makahulugang tingin or kung ano mang pinagsasabi ng iba. Mas nakapokus ang isip at nararamdaman niya kay Kyle at sa sakit na nararamdaman ng puso.Kanina pa rin sumasakit ang mga paa niya dahil sa haba ng takong ng sapatos na suot. Kung andu'n lang siguro si Venus ay dinamayan na rin siya nito pero laging may out of town pictorials ang babae. Nanghihinang napaupo siya sa isang kahon sa tabi habang hinuhubad ang sapatos.Gusto niya sanang tawagan ang lola niya pero hindi niya muna gagawin iyon dahil baka may masabi siyang hindi dapat dahil sa estado ng nararamdaman niya ngayon.Give up na ba, Tasyang?Umiling-iling siya habang nasa mukha ang dalawang kamay
Dumiretso siya ng uwi sa bahay ng mga del Espania. Kinandado muna niya ang puso para huwag munang makaramdam nang kung ano habang sinusulat ang resignation letter niya. Nag-impake na rin siya ng gamit para umuwi na sa kanila nang araw ding iyon. Alam niyang magugulat ang lola niya kapag nakitang bitbit na niya ang lahat ng mga gamit.Natigilan siya nang makita ang panggayuma na libro ng lola niya habang inaayos ang mga gamit. Biglang parang piniga uli ng malalaking mga kamay ang puso niya. Maya-maya ay nawala uli ang ekspresyon sa mukha niya at basta na lang itinapon sa basurahan ang libro na iyon. Itinapon niya pati na ang pink rubbber shoes at masquerade mask na isinuot niya sa party. Iniwan niya sa cabinet ang lahat ng mga damit na binili ni Klyde para sa kanya. Mabuti na lang at nasa studio pa rin ang gown na gawa ni Venus. Sasabihan niya na lang ang model na kaibigan tungkol doon.Nagpatawag siya ng taxi. Gusto niya sanang magpaalam nang personal kay Mrs. del Espa