Forgotten Scars of Love

Forgotten Scars of Love

last updateLast Updated : 2021-12-04
By:  Lunallilly  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
52Chapters
3.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

  Rui Laine Astudillo is an independent kind of woman. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang delivery woman sa isang maliit na pizza parlor at nagtatrabaho naman ng ilang part time jobs tuwing weekend. Doon umiikot ang buhay niya dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Ganunpaman ay masaya siya sa trabaho ngunit hindi ito tanggap ng kanyang magulang. Sa kalagitnaan ng pagmamakaawa ni Rui sa kanyang dating nobyo na balikan siya, kamalas-malasang ibang lalaki pala ang nasa kabilang linya ng telepono. It was Yohann Min, a half Korean businessman in Paris who flew back to the Philippines. Taliwas sa nauna niyang desisyong bumalik sa Paris ay nakapagdesisyon siyang manatili sa Pilipinas at magtrabaho sa Gre-May Pizza parlor kung saan nagtatrabaho din si Rui. He knows everything about Rui, yet he kept it to her. Who would have thought that this so-called wrong-number-guy was part of her long-forgotten past? The love that once lost will be regained, and the memories that have been forgotten will rise on its surface. Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 01

“Marky, please comeback to me. Promise, I’ll be good. I won’t demand anything from you. You can’t just decide to break up with me like this? Hindi ko alam kung anong nagawa ko o may ginawa ba akong mali para hiwalayan mo? Kung may mali man, aayusin ko hindi yung ganito. Please bawiin mong hindi mo na ‘ko mahal. Just give us another chance. We need to work this relationship” Walang preno ko itong sinabi sa kabilang linya ng telepono. Nabalitaan kong nagpalit siya ng sim card sa cellphone niya kaya sinubukan kong tawagan siya sa kanyang landline number para kausapin. Ganoon na nga siguro ako kadesperada sa kanya. “Babe, nandiyan ka pa ba?” mas diniin ko sa tenga ang telepono habang balisang pinaglalaruan ang wire nito. Hindi man lang siya nagsalita. “Please, talk to me?” “Ikaw ba yung magdedeliver ng pi

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Lunallilly
As long as may nagbabasa, ayos na'ko...
2022-03-06 12:18:51
1
user avatar
Lunallilly
Thank you for reading.
2021-11-13 16:42:53
0
user avatar
Kanarie
...️...️...️...️...️...️...️
2021-10-17 12:45:59
2
52 Chapters

Kabanata 01

“Marky, please comeback to me. Promise, I’ll be good. I won’t demand anything from you. You can’t just decide to break up with me like this? Hindi ko alam kung anong nagawa ko o may ginawa ba akong mali para hiwalayan mo? Kung may mali man, aayusin ko hindi yung ganito. Please bawiin mong hindi mo na ‘ko mahal. Just give us another chance. We need to work this relationship”  Walang preno ko itong sinabi sa kabilang linya ng telepono. Nabalitaan kong nagpalit siya ng sim card sa cellphone niya kaya sinubukan kong tawagan siya sa kanyang landline number para kausapin. Ganoon na nga siguro ako kadesperada sa kanya.  “Babe, nandiyan ka pa ba?” mas diniin ko sa tenga ang telepono habang balisang pinaglalaruan ang wire nito. Hindi man lang siya nagsalita. “Please, talk to me?” “Ikaw ba yung magdedeliver ng pi
Read more

Kabanata 02

Nanggagalaiti kong hinubad ang helmet at basta na lang itong ipinatong sa ibabaw ng motor, bago pumasok sa loob ng pizza parlor. Padabog akong naupo sa gilid. Minudmod ko ang mukha sa bilugang mesa, at doon paimpit na nagsisisigaw habang nagpapadyak sa matinding inis. “Ay hala! Anong nangyari bakla?” nasisiguro kong si boss Amay ito. “May jugjugan ba —”“Nakakainis siya! Nakakainis ‘yong lalaking ‘yon!” Tiningala ko siya. “Oh, natauhan ka na ba sa jowa mo—”“Yung nag-order ng pizza!” sigaw ko. Napahawak siya sa kanyang dibdib at maarte akong nilayuan. “Porke’t mayaman ang bastos!”“So may jugjugan nga—
Read more

Kabanata 03

“Nakalimutan mo yata ang sinabi ko” Inis kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking braso at nagmadaling lumabas. Nandidilim ang mga mata ko habang tinatanaw ang pagmamadali ng dalawang ahas sa malayo.  Kumuyumos ang mga kamay ko. Buong lakas akong sumigaw dahilan para kumaripas sila ng takbo. Hindi naman ako nagpahuli at hinabol sila. Naabutan ko sila kaya nahila ko ang  mahabang buhok ng kasama ni Marky.  “Rui!” awat ni Marky pero hindi ko siya pinakinggan at kinaladkad pa ang babae. Naririnig ko na rin ang pagsigaw ng mga kasamahan ko sa trabaho. Habol ko na ang hininga. Nakakarindi ang tili ng babaeng ito na pinipilit makawala sa kamay ko.  Napasigaw at halos maluha ako sa sobrang sakit nang mahila niya rin ang buhok ko. 
Read more

Kabanata 04

“Kuya, may gustong humingi ng pizza!” “Di ah!” sigaw ko sa bata. Nataranta ako bigla nang magsimulang humikbi ang bata hanggang sa ito ay tuluyang umiyak. Patakbo siyang lumapit kay Yohann Min at nagtago sa kanyang likuran napara bang nagsusumbong siya sa ama.  Ipinagkrus ko ang mga braso habang pinapanood siyang lumuhod sa lupa para patahanin ito. Sumama ang tingin sa akin ni Yohann Min dahilan para tumaas kaagad ang kanang kilay ko. “Hindi ko inaway ‘yan” “Pero sinigawan mo” “Malay ko bang sensitive ‘yan” “Bata ‘to” “Eh ano naman?” pagtataas ko ng noo. He stares me na para bang siya na ang pinakadakilang magtatanggol sa mga naaapi. Hindi ko naman talaga inaway ang bata eh, napataas lang talaga ang boses ko, tsk.  “Mag-sorry ka” “What?”  “Sa bata” “Eh hindi ko nga inaway ‘yan” inis ko. Napapikit ako. “Pasensya na, bata”
Read more

Kabanata 05

“Gwaenchana?”“Gwen...ano?” utal ko.Muntikan na akong matumba nang bitawan niya mula sa mahigpit na pagkakahawak ang mga balikat ko. Nandidiri ko namang pinunasan ang parteng nahawakan niya sa damit ko. “Before, wrong number and now wrong unit? tss” sabay iling pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin at pahagis na ibinigay sa kanya ang hawak kong paper bag. Iniharang niya bigla ang kanyang buong katawan sa pinto nang subukan kong lumabas. “Uwi na ako”“No”“Tumabi ka nga!”“No”“I said—“No”“Bakit ba?!”“You didn’t thank me yet” natigilan ako sa s
Read more

Kabanata 06

Bumaba ang seryoso niyang mga mata sa labi ko kaya napalunok ako. “You want me to kiss you?” usal niya bago muling naglakad nang nakapamulsa. Napakurap ako bago siya mabilis na sinundan. “K-Kanta lang ‘yon” utal ko. “Feeling mo naman” “Pa’no nga ulit ‘yon? Ah, forgetful Rui...”  Sumama ang mukha ko dahil sa sama rin ng boses niya. “Lucy ‘yon!” “Lushi?” “Anong lushi? Lucy!” “Lushi nga” “Lucy!” “Lushi nga sabi ko” aniya kaya napanganga ako. “You want me to spell it?” “’Wag na! Katungog pa rin ng shi ang letter C mo”  “El, yu, shi...” nilingon niya ako. “Way” “Oh ‘di ba? Kung makalait 
Read more

Kabanata 07

“Jalen?” hindi makapaniwalang usal ko. Lumawak ang kanyang ngiti. Halatang lasing na ang mga mata. Nagbaba ulit ako ng tingin sa mesa niya bago siya nagtatakang pinasadahan ng tingin. “Anong meron?” Nakanguso niyang hinawakan ang dibdib. “Brokenhearted ako” “Ikaw? Brokenhearted?” mabilis na nangunot ang noo ko. Pinagkrus ko ang mga braso nang hindi siya sumagot, panay nguso. “Bago ‘yan ah?” Ngayon lang ata siya nagkaganito dahil sa isang babae. “Eh ‘di sa wakas nakahanap ka na rin ng katapat mo?” “Rui naman”  Natatawang umiling ako. Kaya ba kinukulit niya ako kanina na samahan siya? Kasi heto brokenhearted kunu siya? “Uminom ka na lang diyan, balik na ‘ko dun” tatalikuran ko na sana siya nang tawagin niya ako. “Oh?” “So, waitress ka dito?” "O-Oh, ngayon lang” napapahiyang nakamot ko ang sentido. ”Wag mong sasabihin ‘to kay mama, ah?” “Tsk tsk okay. Kailan&nbs
Read more

Kabanata 08

YOHANN MIN's POV All seem blurry as I tried to open my eyes. I could hear unfamiliar voices na sigurado akong nasa malapit lang. Sinubukan kong gumalaw sa kinahihigaan para makita ang mga taong nandito pero kaagad din akong napaatras nang makitang halos lahat ng mga mata nila ay nakapako sa akin. Napaimpit ako sa sakit nang tumama ang ulo ko sa malamig na metal bar ng...kulungan? Naguguluhan akong napaharap ulit sa kanila nang biglang kumirot ang ulo ko. Sumakit bigla ang panga ko nang subukan ko namang magsalita. What happened? Mabilis akong napatayo at napahawak sa metal bar nang tawagin ng papalapit na pulis ang aking pangalan.  “Bakit ako nandito?” “May nag-report sa’yo kagabi”  “Who?” “Babae” Doon lang siya nag-angat ng tingin sa’kin nang mabuksan na niya ang pinto. Naguguluhan pa rin akong napatitig sa kanya at sa buong paligid. “May nakapagpiyansa sa iyo.” ngiwi niya. “Kapag mayayaman nga naman
Read more

Kabanata 09

Nilingon ko ang buong pamilya namin na ngayon ay may mga ngiti na sa labi. Magsasalita na sana ako nang tumayo si Jalen hawak pa rin ang kanang kamay ko. Aligaga akong tumayo at sumunod sa kanya sa labas matapos makapagpaalam ni Jalen sa lahat. Ramdam ko ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ko habang nagmamadali kaming lumabas. Habol naming pareho ang hininga nang tuluyan na kaming makalayo-layo sa bahay. Inis ko siyang pinanood habang siya ay nakatingala nang sumandal sa sementadong pader.  “Anong magpapakasal? Jalen, may alam ka ba sa plano nila?” “Kailangan kong sabihin ‘yon para tumigil na sila. I’m sorry” “Alam mo naman— “I know, Rui, I know. I don’t like the idea either, tsk. We’re getting married? Seriously?"  Naaasar ko siyang hinampas sa braso. “Pwede naman nating sabihin ‘yong totoo na malayo sa iniisip nila ang relasyon nat
Read more

Kabanata 10

YOHANN MIN's POV (September, 2009)   Nawala ako bigla sa tono matapos mapindot ang maling key ng piano dahil sa malakas na pagbagsak ng kung anumang bagay dito sa madilim na music room. Awtomatiko akong napatayo sa kinauupuan para hanapin ang may pakana ng ingay. Kinabahan ako nang maaninagan ang nakatayong tao sa pinakamadilim na parte ng kwarto.  “S-Sorry, natakot ba kita?”  Lumayo kaagad ako sa piano. Ensaktong binuksan niya ang ilaw at tumambad sa akin ang isang babae. Hawak ng kanang kamay niya ang tuhod habang nasa ulo naman ang kaliwang kamay. Bahagyang nakapikit ang kaliwa niyang mata habang nakatingin sa akin. Napansin ko ang pamumula ng kanyang tuhod at ang nagkalat na mga kagamitan sa mismong kinatatayuan niya. Hindi malabong natamaan siya dahil sa pagkakahulog ng mga ito.  Tinalikuran ko siya at tinakpan muli ng puting tela ang piano. Isinabit ko ang dalang bag sa balikat at lalabas n
Read more
DMCA.com Protection Status