Share

Kabanata 05

Author: Lunallilly
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Gwaenchana?”

“Gwen...ano?” utal ko.

Muntikan na akong matumba nang bitawan niya mula sa mahigpit na pagkakahawak ang mga balikat ko. Nandidiri ko namang pinunasan ang parteng nahawakan niya sa damit ko. 

“Before, wrong number and now wrong unit? tss” sabay iling pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin at pahagis na ibinigay sa kanya ang hawak kong paper bag. Iniharang niya bigla ang kanyang buong katawan sa pinto nang subukan kong lumabas. 

“Uwi na ako”

“No”

“Tumabi ka nga!”

“No”

“I said—

“No”

“Bakit ba?!”

“You didn’t thank me yet” natigilan ako sa sinabi niya. “You came here to say it. C’mon, say it”

“Thank you! Alis!” Hindi siya natinag nang subukan ko siyang itulak. Inilingan niya ako at sumandal sa pinto nang magkakrus ang mga braso. I can’t believe this man. Tumingala ako at malalim na humugot ng hininga. “Ano ba?”

Pinandilatan ako ng mata nang takpan ng kanyang malaking palad ang bibig ko.

“Shh, he’s coming” biglang hila niya sa akin. Sinubukan ko siyang sikuin pero mabilis siyang nakailag. Diniinan niya ang pagkakatakip sa bibig ko nang subukan kong sumigaw Nararamdaman ko ang mabigat niyang paghinga. “We’re doomed”

Kinabahan ako. “Kilala mo yun?” pahirapang usal ko. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay alisin niya na ang palad sa bibig ko. Hinarap ko siya kaagad. “Sino ba kasi yun?”

“Malay ko” idinikit niya ang kanang tenga sa pinto. Mukhang pinapakiramdaman niya ang tao sa labas. Pinigilan na naman niya ako sa balak kong paglabas. 

“Hindi naman ako takot dun eh”

“Halata nga sa reaksyon mo kanina” sarkastikong sagot niya. Naiinis akong napasandal na lamang sa pinto. Ginaya ko ang posisyon niya. Idinikit ko ang kaliwang tenga sa pinto at pinakinggan ang mga nangyayari sa labas. Nagkatinginan kaming dalawa kaya inismiran ko siya. 

Napaigtad ako sa lakas ng katok mula sa labas ng pinto. Paulit-ulit niyang ginawa iyon dahilan para maalarma na ako. Kung ako ay halos magpanic sa kung anong gagawin, tanging buntong-hininga lang ang nagawa ng lalaking kasama ko ngayon. 

Nagulat ako nang walang pasabing binuksan niya ang pinto.

“Yes?”  

“Anong yes?” pabulong na asik ko sa kanya. Sisilip na sana ako nang mabilis niya akong inilagay sa kanyang malapad na likuran. 

“I wanna talk to that girl, man”

“You can talk to me, man”

“Is she your girlfriend huh?”

“Yes”

Pinanlakihan ako ng mga mata. Inis ko siyang kinurot sa likod pero hindi man lang siya kumibo. Ni hindi man lang niya ako nilingon. Girlfriend? Tsk!

Magsasalita na sana ako nang lumabas siya at pagsarhan ako ng pinto. Sinubukan kong buksan pero mukhang hawak niya ang doorknob. Naririnig ko mula dito sa loob ang mahinang pag-uusap ng dalawa. 

“She’s drunk, I’m sorry” iyon lamang ang malinaw sa pandinig ko. Nasisiguro kong boses iyon ni Yohann Min. Aba’y loko din to ah.

Bago ko pa ipilit muli na buksan ang pinto ay bumukas na ito. Nasalubong ko kaagad ang walang emosyong mukha niya. Sumama ang mukha ko. “Ako lasing?” itinuro ko ang sarili, hindi makapaniwala sa naging rason niya. 

“You better careful next time” 

“Ang galing mo ring magrason no? Bakit mo sinabing lasing ako? Hindi ako lasing!” iritadong usal ko.

Napaigtad ako nang padabog niyang idinikit ang kanang kamay sa pinto habang ang isang kamay naman ay nasa kanyang bewang. "Don't you think that you should thank me instead?"

Mas lalo lang umakyat ang inis ko sa kanya. Dinampot ko sa sahig ang paper bag kanina para ihagis ito sa pagmumukha niya. Napasinghap ako nang hawakan niya ang isang braso ko bago ko pa magawa iyon. 

“Magpapasalamat na nga ‘di ba?” taas noo kong nilabanan ang naiirita na rin niyang mukha. Napangisi ako. “Naiinis ka na?”

Pantay ang mga kilay niya akong pinasadahan ng tingin sa mukha. Sinubukan kong magpumiglas sa pagkakahawak niya pero ‘di hamak na mas malakas siya. Naluluha na ako sa sobrang inis. Naiinis ako sa pagmumukha niya. 

“Alam mo ba kung bakit hiniwalayan ka? I think you should know...Miss”

Natigilan ako dahil sa out of the blue niyang tanong. Nag-iba kaagad ang aking paghinga. Dahan-dahan kong kiniyumos ang libreng kamay habang nandidilim ang mga matang nilabanan ang paninitig niya. Hinintay ko ang karugtong sa sinabi niya pero imbes na magsalita ay nag-iwas siya ng tingin bago niya ako nilagpasan. 

“You’re welcome”

Aligaga ko siyang sinundan ng tingin. Bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ay padabog kong hinampas ang kanang palad sa pinto ng kanyang kwarto, kagaya ng ginawa niya sa akin kanina. “Tell me” hinihingal na usal ko dahil sa mabilis na pagsunod sa kanya rito. Napapikit ako at inis ulit na hinampas ang pinto. “Kinakausap pa kita!”

“You can leave”

“Kapag sinabi mo na” seryoso ko ring tugon. “Total lalaki ka rin naman, sige sabihin mo na. Nahiya ka pa” naluluhang ngisi ko. Gusto ko ring malaman ang sagot doon. 

Muntikan na akong matumba dahil sa bigla niyang pagbubukas ng pinto. Pasigaw kong tinawag ang buo niyang pangalan nang pagsarhan niya ako. Ang pangalan niya na ata ang pinakapangit na pangalan sa mundo. “Yohann Min!”

Napaupo ako sa sahig sa sobrang inis. Mabilis rin akong napatayo nang ilang minuto ay lumabas siya na iba na ang suot. Napanganga ako. Nakasuot siya ng puting t-shirt na may nakasulat na letrang FG sa harapan, itim na jeans, at puting sneakers. Isinuot niya ang itim na sumbrero sa harapan ko. 

“Saan ka pupunta?”

“Tara”

Umawang ang labi ko. “Pinagtitripan mo ba ako?”

“Hindi. You want to stay here?” tanong niya. Umiling ako na may panghihinala pa rin sa kilos niya. “Hindi ka umalis. Ah, I see. You want to know the reason why he leaves you”

“Sabihin mo na” 

“Tara, sasabihin ko mamaya”

Naguguluhan ko siyang sinundan nang lagpasan niya ako. Nahuli ko siyang mangiti pero mabilis din niya iyong inalis sa labi. “Nage-enjoy ka sa pambibiwesit no?”

Isinabulsa niya ang dalawang mga kamay at nakangiti akong nilingon. Tuluyang umawang ang bibig ko. Aba’y nang-aasar nga talaga ang lalaking ito. 

“Ba’t ba parati kang galit?”

“Ask yourself!” naghuhuramintadong sagot ko.

Maski sarili ko ay hindi ko rin maintindihan kung bakit sinundan ko talaga ang lalaking ito. Ilang beses ko siyang sinumpa sa isip habang pareho kaming naglalakad ngayon sa tahimik na hallway. Kung hindi lang talaga masama ang magmura ay pinaulanan ko na siya rito. Mabilis siyang maglakad kaya madalas ay napag-iiwanan ako. Mula rito sa likod ay nakita ko kung gaano siya katangkad. Hindi siya maskulado pero hindi rin naman siya payat. Halos magkakulay na ng kanyang balat ang puting damit na suot. Ano kaya ang pinaglihi ng mama niya at ganito siya kaputi? Ipinaglihi ba siya sa harina? Great, sarap paikutin sa rolling pin. 

Huminto siya kaya huminto rin ako sa paglalakad. Nandito na kami sa labas ng condominium building. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Napanganga ako. “Mall? Anong gagawin mo sa Mall?”

“What do you think?” tanong niya. Mukha ba akong manghuhula. “What do you think the function of malls?”

“Ang hirap mo kausap. Sabihin mo na nga kasi para makaalis na ‘ko. Alam mo bang marami pa akong gagawin sa araw na’to?”

Pero imbes na magsalita, nagpaumuna siya sa paglalakad nang nakapamulsa.

Tumingala ako sa langit at mariing napapikit. Patakbo ko siyang sinundan sa loob ng mall. “Anong bibilhin mo sa mall?” tumabingi ako para makita ang pagmumukha niya. 

“Naayos mo na motor mo?”

Hindi ako sumagot. Sinundan ko siya sa loob ng car accessories store.

“Ano bang hinahanap mo?” nawawalan na talaga ako ng pasensya. Halos ikutin niya na kasi ang buong parte dito sa loob. Inaalok na nga siya ng tulong ng mga salesman dito pero ayaw naman niyang magsalita. Pakipot.

May kinuha siyang isang maliit na kahon sa ibabaw at tahimik na binasa ang nakalagay doon. Sinubukan kong makiusyoso pero mabilis niyang iniwas iyon sa akin. Napangiwi ako. “Para saan ba kasi ‘yan?”

“Akala ko alam mo?”

“Malay ko”

“Nagmomotor ka pero ‘di mo alam? Pathetic” ibinulong niya ang huling salita pero rinig na rinig ko iyon. Sumama ang mukha ko. Ensaktong nilingon niya ako. “What?”

“Sabihin mo na” seryosong utos ko pero sa halip na makinig ay tinalikuran niya ako at pumunta sa cashier. Napapadyak ako sa sahig sa sobrang inis bago sumunod sa kanya. Isang bagay lang ang binili niya, iyong hawak niya kanina. 

Basta na lang niyang inihagis iyon sa akin na mabilis ko namang nasalo. Inosente ko iyong binasa bago pahagis din na ibinalik sa kanya. “Ano akala mo sa akin, personal assistant mo?” protesta ko. “Ano ba!” napasigaw ako nang muntikang madulas sa kamay ko ang bagay na iyon dahil sa biglaan na naman niyang paghagis nito sa akin. “Sabi ko ngang ‘di mo ‘ko—

“Sa’yo ‘yan” 

“Ano?”

“Sa’yo ‘yan” ininguso niya ang hawak ko. Nagbaba ako ng tingin doon. Nasa malayo na siya nang mag-angat ako ng tingin kaya patakbo ko siyang hinabol. 

“Ano ba kasi ‘to?” pagtataka ko. 

“Open it” nagpatuloy siya sa paglalakad. 

Huminto ako para makita ang nasa loob ng paper bag. Iyong presyo kaagad ang nakita ko na pang isang buwan ko nang sweldo sa pizza parlor. Patakbo ko ulit siyang hinabol. 

“Anong gagawin ko rito sa starter motor?” tanong ko nang mapantayan ko na ang paglalakad niya. Kalmado niya akong nilingon habang ako ay hinihingal na sa paghahabol sa kanya. Nakakainis talagang maghabol!

“To start our relationship”

“Ano?” pasigaw na tanong ko. Tuloy, pinagtitinginan kami ng iilang mga tao. “Nang-aasar ka ba ha, mister?”

“Hmm, misis” 

Natigilan ako nang sadyain niyang ilapit ang mukha pagkasabi nun. Mabilis ko siyang naitulak palayo. Grabe, ang lakas talaga ng apog ng taong ito. 

“Hindi ako nakikipagbiruan dito, Yohann Min” 

“Ako rin” sagot niya at bumuntong hininga. “Para sa motor mo ‘yan. I think you have a problem with your starter kaya nangyari yun kagabi”  

“Eh ano naman sa’yo?”

“I don’t want it to happened again” sagot niya na kinatigilan ko. “I don’t want to waste my time and get rained again just to help you, young pathetic lady’

“Eh sino ba kasing nag-utos sa’yo na tulungan ako?”

“My conscience.”

“Tsk, ayoko nito ang mahal” abot ko sa paper bag pero mahina niyang itinulak ang kamay ko pabalik.

“I know”

“Yung totoo, may balak ka sa’kin no?”

“What?”

“Gusto mong mahulog ako sa’yo no?”

“You’re not my type, Miss” agarang sagot niya. “And you don’t like me either”

“Yun! Buti alam mo. Bakit nga kasi binilhan mo’ko ng ganito?”

“Para sa motor mo nga”

“Eh bakit nga?”

“You talk too much” supladong sagot niya. Napamaang ako. 

Umakyat kami sa second floor gamit ang escalator. Nakatingin pa rin ako sa box ng starter motor. Huminto ang mga paa niya sa labas ng jewelry shop. Nilingon ko siya nang iutos niyang huwag akong sumunod sa kanya sa loob. Mula dito sa labas, pinanood ko siyang hubarin ang kanyang suot na kwintas. Iniabot niya ito sa sales lady bago ako biglang nilingon. Mabilis kong itinuon sa ibang direksyon ang paningin. Nakuha kaagad ang atensyon ko sa book store na katabi lang ng jewelry shop. Doon ako pumasok.

Ang daming magagandang libro at CD’s!

Halos magkandaugaga ako sa pagpili ng libro. Ensakto namang nakita ko na ang hinahanap kong libro nang pumasok si Yohann Min dito sa loob. Sumandal siya sa isang book shelf, pinapanood ako. 

“Nabasa mo na ‘to?” angat ko ng libro sa ere pero umiling siya. “Eh ito?” sa pangalawang beses ay umiling na naman siya. Halatang hindi siya interesado. Ibinaba ko ang libro at magkakrus ang mga brasong tiningala siya. “So sasabihin mo na sa’kin ngayon?”

“Ang alin?”

“Kung bakit hiniwalayan ako?”

“Mamaya”

“Tsk, ba’t ba hindi ngayon?” pagtataas ko ng kilay. Imbes na magsalita ay itinuro niya ang mga libro na nasa likuran ko. “Wala kang taste sa libro” asik ko. 

Pinandilatan ako ng mata matapos mahagip ang librong nabasa ko noon. “Say What You Will by Cammie McGovern?” angat ko ng libro sa mukha niya. Kinuha niya ito at kunot-noong binasa. Tumikhim ako. “Malamang hindi mo pa ‘yan nababasa kasi puro playboy magazine ang binabasa mo” Pinamewangan ko siya matapos niya akong samaan ng mukha.

Taas noo akong nagpatuloy sa pagsasalita. “Si Amy at Matthew ang bida sa nobela. May obsessive compulsion disorder si Matthew habang si Amy naman ipinanganak na may cerebral palsy kaya hindi siya nakakalakad. Hindi siya nakakalakad ng walang walker. Nakakapagsalita lang din siya sa tulong ng voice box or typer” 

Itinuon niya ulit sa libro ang mga mata. 

“Pareho silang may kapansanan, magkaiba nga lang. Nag-hire ng mga student aid ang mama ni Amy at isa na ro’n si Matthew. Doon nagsimula ang pagkakaibigan nila hanggang sa nagkagusto sila sa isa’t-isa” kinikilig ako habang inaalala muli ang storya. Nainis ako nang wala man lang emosyon sa mukha niya. Hinablot ko sa kamay niya ang libro bago siya tinalikuran. 

Naglibot ako sa mga old CD’s. Mula sa gilid ng aking mata, alam kong sinusundan niya ako sa paglalakad. 

Nagliwanag ulit ang mukha ko matapos makita ang isang pelikulang napanood ko dati. Maingat ko iyong kinuha at nakangiting tinitigan. “5o First date, napanood mo ‘to?” Nilingon ko siya at nakitang nasa binabasa niyang libro ang atensyon niya. Iyon yung isa sa mga kopya ng librong hawak ko ngayon. Inosente niya akong nilingon kaya nagsalita ulit ako. “Si Henry at Lucy naman ang main characters sa movie na ‘to. Takot sa commitment si Henry pero marami siyang naging babae” ngiwi ko.

“Pumunta siya ng Hawaii at doon nakilala si Lucy. Nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig at inisip na baka si Lucy na ang babaeng hinahanap niya. Both of them enjoyed the company of each other the first time they met pero kinabukasan, nang magkita ulit sila, hindi na siya nakilala ni Lucy. As in hindi siya kilala dahil may short-term memory loss siya”

“May amnesia siya?’ tanong niya. Ngayon lang ata siya nagkainteresa sa mga pinagsasabi ko. 

Tumango ako. “Goldfish syndrome ang tawag sa sakit niya sa movie pero ang totoo, anterograde amnesia ang tawag doon. May depekto na ang isang parte sa utak niya kaya nakakalimutan niya lahat ng mga nangyari kinabukasan. Kada gising niya kinabukasan, wala na siyang maalala sa mga nangyari kahapon” napailing ako matapos maalala kung gaano kasakit ang katotohanang iyon para sa dalawang bida. Basta na lamang niya akong tinalikuran at lumabas. “Bastos”  

Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad kahit ilang beses ko na siyang tinawag. Lumihis ako ng ibang direksyon para umalis na pero napahinto rin kaagad ako at inis siyang hinanap. Hindi pa niya sinasabi sa akin ang tungkol doon. 

“The Hukilau was the place!”

Humagalpak ako ng tawa nang mapagtagumpayan ko siyang gulatin. I gritted my teeth nang magpatuloy lang siya sa paglalakad nang hindi kumikibo. Sinundan ko siya. Kung naiinis siya sa ganito eh di mas maayos nang makaganti ako. 

“We liked each other right away. But you didn’t remember me the very next day”

“Aish"

“Forgetful Lucy, has got a nice caboose-ie...”

Tinakpan niya kanyang dalawang tenga. Nakangisi akong nagpatuloy. Ganyan nga Yohann Min. Mainis ka lang.

“Ang pangit ng boses mo—

“Then we drove up to see Dr. Keets, and find out why Doug always has to change his sheets. Forgetful Lucy, cracked her head like Gary Busey”

“Isa—

“But I still love her so, and I’ll never let her go. Even if while I’m singing this song, she’s wishing I had Jocko the Walrus’ shlong” inilagay ko sa bandang puso ang kanang palad at madramang kinanta iyon. Nagbabanta na ang boses niya. Alam kong dahil iyon sa boses ko. Pati pamilya ko nga pinagbabawalan akong kumanta.

Nagpatuloy ako na may ngiti sa labi. “Forgetful Lucy, her lips are so damn juicy. How about another first kiss?” 

Nilingon ko siya sa panghuling linya pero mukhang pagsisisihan ko yata iyon dahil sa seryosong paninitig niya. 

Related chapters

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 06

    Bumaba ang seryoso niyang mga mata sa labi ko kaya napalunok ako. “You want me to kiss you?” usal niya bago muling naglakad nang nakapamulsa. Napakurap ako bago siya mabilis na sinundan. “K-Kantalang‘yon”utalko.“Feelingmonaman” “Pa’nongaulit‘yon?Ah,forgetfulRui...” Sumamaangmukhakodahilsasamarinngbosesniya.“Lucy‘yon!” “Lushi?” “Anonglushi?Lucy!” “Lushinga” “Lucy!” “Lushingasabiko”aniyakayanapangangaako.“Youwantmetospellit?” “’Wagna!KatungogparinngshiangletterCmo” “El,yu,shi...”nilingonniyaako.“Way” “Oh‘diba?Kungmakalait

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 07

    “Jalen?” hindi makapaniwalang usal ko. Lumawak ang kanyang ngiti. Halatang lasing na ang mga mata. Nagbaba ulit ako ng tingin sa mesa niya bago siya nagtatakang pinasadahan ng tingin. “Anong meron?” Nakangusoniyanghinawakanangdibdib.“Brokenheartedako” “Ikaw? Brokenhearted?” mabilis na nangunot ang noo ko. Pinagkrus ko ang mga braso nang hindi siya sumagot, panay nguso. “Bago ‘yan ah?” Ngayon lang ata siya nagkaganito dahil sa isang babae. “Eh ‘di sa wakas nakahanap ka na rin ng katapat mo?” “Ruinaman” Natatawang umiling ako. Kaya ba kinukulit niya ako kanina na samahan siya? Kasi heto brokenhearted kunu siya? “Uminom ka na lang diyan, balik na ‘ko dun” tatalikuran ko na sana siya nang tawagin niya ako. “Oh?” “So,waitresskadito?” "O-Oh, ngayon lang” napapahiyang nakamot ko ang sentido. ”Wag mong sasabihin ‘to kay mama, ah?” “Tsktskokay.Kailan&nbs

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 08

    YOHANN MIN's POV All seem blurry as I tried to open my eyes. I could hear unfamiliar voices na sigurado akong nasa malapit lang. Sinubukan kong gumalaw sa kinahihigaan para makita ang mga taong nandito pero kaagad din akong napaatras nang makitang halos lahat ng mga mata nila ay nakapako sa akin. Napaimpit ako sa sakit nang tumama ang ulo ko sa malamig na metal bar ng...kulungan? Naguguluhan akong napaharap ulit sa kanila nang biglang kumirot ang ulo ko. Sumakit bigla ang panga ko nang subukan ko namang magsalita. What happened? Mabilis akong napatayo at napahawak sa metal bar nang tawagin ng papalapit na pulis ang aking pangalan. “Bakitakonandito?” “Maynag-reportsa’yokagabi” “Who?” “Babae” Doon lang siya nag-angat ng tingin sa’kin nang mabuksan na niya ang pinto. Naguguluhan pa rin akong napatitig sa kanya at sa buong paligid. “May nakapagpiyansa sa iyo.” ngiwi niya. “Kapag mayayaman nga naman

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 09

    Nilingon ko ang buong pamilya namin na ngayon ay may mga ngiti na sa labi. Magsasalita na sana ako nang tumayo si Jalen hawak pa rin ang kanang kamay ko. Aligaga akong tumayo at sumunod sa kanya sa labas matapos makapagpaalam ni Jalen sa lahat. Ramdam ko ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ko habang nagmamadali kaming lumabas. Habol naming pareho ang hininga nang tuluyan na kaming makalayo-layo sa bahay. Inis ko siyang pinanood habang siya ay nakatingala nang sumandal sa sementadong pader. “Anongmagpapakasal?Jalen,mayalamkabasaplanonila?” “Kailangankongsabihin‘yonparatumigilnasila.I’msorry” “Alammonaman— “I know, Rui, I know. I don’t like the idea either, tsk. We’re getting married? Seriously?" Naaasar ko siyang hinampas sa braso. “Pwede naman nating sabihin ‘yong totoo na malayo sa iniisip nila ang relasyon nat

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 10

    YOHANN MIN's POV (September,2009) Nawala ako bigla sa tono matapos mapindot ang maling key ng piano dahil sa malakas na pagbagsak ng kung anumang bagay dito sa madilim na music room. Awtomatiko akong napatayo sa kinauupuan para hanapin ang may pakana ng ingay. Kinabahan ako nang maaninagan ang nakatayong tao sa pinakamadilim na parte ng kwarto. “S-Sorry,natakotbakita?” Lumayo kaagad ako sa piano. Ensaktong binuksan niya ang ilaw at tumambad sa akin ang isang babae. Hawak ng kanang kamay niya ang tuhod habang nasa ulo naman ang kaliwang kamay. Bahagyang nakapikit ang kaliwa niyang mata habang nakatingin sa akin. Napansin ko ang pamumula ng kanyang tuhod at ang nagkalat na mga kagamitan sa mismong kinatatayuan niya. Hindi malabong natamaan siya dahil sa pagkakahulog ng mga ito. Tinalikuran ko siya at tinakpan muli ng puting tela ang piano. Isinabit ko ang dalang bag sa balikat at lalabas n

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 11

    Nakangiti akong pinagbuksan ng guard at tinulungan sa dalawang maletang dala. Puno ng paghanga kong pinalibutan ng tingin ang bawat parteng madapuan ng aking mga mata. Iginiya kaagad nila ako sa 6th floor papunta sa condo unit na aking titirhan. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanilang lahat pagkatapos. Sa huli ay naiwan akong mag-isang nakatayo dito sa malaking sala. “Home sweet home, Rui” nakangiting usal ko habang pinapasadahan ng tingin ang lugar. Tatlong kulay ang meron; puti, kulay-abo, at kulay kahoy. Lamang ang kulay puti sa dingding, kulay-abo naman ang mga couch at ilang kagamitan, at kulay kahoy ang sahig. May mga minimalist painting namang nakadikit sa iilang dingding. Hawak ang dalawang maleta sa magkabilang kamay, dumiretso ako sa kwarto. Hindi ko na naman mapigilang mapanganga at humanga. Mas maganda at malaki ito kumpara sa dati kong kwarto. Malinis at wala masyadong dekorasyon. Kulay puti ang buong bedsheet at mga unan. May maliit namang

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 12

    Hinila ko siya palabas para makausap siya ng maayos. Nakakunot ang noo habang magkasiklop ang dalawang braso ko siyang tinitigan ng masama. Ayokong pati rito sa trabaho ay makikita ko ang pagmumukha niya. Wala man lang akong mabasang emosyon sa kanyang mukha. Nakatingin lang siya ng diretso sa akin na para bang sinasaulo niya pati ang kulubot ko sa mukha. “Sayamanmong‘yan,magtatrabahokasaganitongpizzaparlor?” “Magkapitbahay na tayo, bakit nandito ka pa rin?” I paused. Ilang segundo bago ko nakuha ang pinupunto niya. “Tsk, syempre nagtatrabaho ako para mabayaran ko ‘yong condo” “Exactly” “Anongexactlly?” “I’mworkingforthatsamereason” Napamaang ako. Sa yaman niya, magtiyatiyaga pa talaga siya sa ganitong klaseng trabaho? Kung wala na siyang pera eh ‘di sana ibenta na lang niya itong kotse niya. “Tsk, hindi ako naniniwala sa rason

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 13

    YOHANN MIN's POV I can’t help myself but to stare the dazzling moon above us. Bigla akong may naalala. It happened around October, year 2009. “Themoonisbeautifulisn’tit?” Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses at nagulat nang makitang nakatayo si Laine sa gilid ko. I didn’t see her dahil na rin sa dilim sa parteng ito ng school building. Nag-angat ulit ako sa buwan na kanina ko pa pinapanood. Parang nagbago ito sa paningin ko dahil sa sinabi niya. I sighed matapos mapansin ang paninitig niya sa akin. “Bakitkanandito?” “Pinapapunta na kasi lahat ng students sa gym” napapahiyang sagot niya. “Sira kasi ang mic sa sound booth, baka hindi mo narinig ang announcement” “Maunakana” “S-Sabaynatayo?” “Asanangmgakaibiganmo?” “Nasagymnasilanglahat” “Where’sHosiah

Latest chapter

  • Forgotten Scars of Love   Epilogue

    Lumuhod ako sa harapan ng kanyang puntod para itabi ang purong kulay puting mga rosas. Nagsindi ako ng kandila at mataimtim na nagdasal sa isip. Hinayaan ko ang sariling lamunin ng katahimikan habang tinititigan ang pagsayaw ng apoy dahil sa hangin. Paalis na ako ng sementeryo kung saan nakalibing si Jarenice nang matanaw ko sa malayo ang isang pamilyar na lalaki. Nakatayo siya sa harapan ng isang puntod. Awtomatiko akong napahinto sa gulat. Si Trystan. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Naramdaman niya agad ang presensya ko nang maglakad ako palapit sa kanya. Ngumiti kami sa isa’t-isa bago namin sabay na hinarap ang puntod ni Jin. Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng lungkot. Dito na ako galing kanina. “How are you doing lately, Rui?” Nilingon ko siya. “Maayos naman. Kumusta ka?” “Hmm. I’m doing well. Kakauwi ko lang galing Australia.” Nasa kay Jin siya nakatingin. Bagamat nakangiti ay kakikitaan ito ng lungkot. “I’m curious what he’s reaction back then. Akala ko bibisi

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 51

    a/n: Ito na po ang panghuling kabanata ng FSOL. Epilogue na ang kasunod. Maraming salamat at umabot ka dito^^ RUI's POV Nag-uunahan sa pagkalabog ang puso ko habang tinatahak namin ang daan papasok sa korte. Napapapikit ako sa mga flash ng camera. Panay ang sunod nila sa amin hanggang sa pigilan sila ng mga pulis. Bumaba ang tingin ko sa sahig dahil sa matinding kahihiyan. Nasa tabi ko si Trystan na siyang naging abogado ko magmula nang mamatay si Jin. Kahit anong pampalubag-loob ang sabihin nila, pakiramdam ko kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit namatay siya. May iilang pulis na nakabuntot sa amin. Isa na doon si Jalen na bigo ang mga matang nakamasid. May mga pulis din sa bawat sulok. Ganitong-ganito ang mga eksena katulad sa mga pelikula. Kaya lang, sa pagkakataong ito hindi ako ang bida. “RUI,ANAK!” Hinanap ko agad sa dagat ng tao ang boses na iyon at tumig

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 50

    TRYSTAN's POV “BeforeJindied,heaskedmetogiveyouthis.” Hindi ako makapaniwalang iyon na ang naabutan ko sa hospital. Halos lagutan na ako ng hininga makatakbo lang papunta dito. Nanginginig kong kinuha ang briefcase na palaging ginagamit ni Jin sa trabaho bago nalilitong tinitigan ang lalaking kaharap ko ngayon. Kasi baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig? Jin died? No. No. “I’m his brother. Younger. He...He wants you to handle his last case. You’re the Delatejera, am I right? I...I called you using my brother’s phone. Gusto ka niyang hintayin b-but...s-shit! This is so wrong. This is so fvcking wrong.” nasapo niya ang noo at umikot bago pantay ang kilay na tinuro ang hawak ko. “It’s odd to say this pero I think may koneksyon ang kasong iyan sa pagkamatay niya.” “Patay. Na. Si Jin?” umawang ang bibig ko. Napaatras ako at umiling. Magkasama pa kami kahapon. Kausap ko pa siya k

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 49

    Warning: Contains sensual scenes some readers will find disturbing. Mula sa marahan at mababaw na ha-lik ay lumalim ito. Nangatog ang aking mga paa at napakapit sa kanyang braso. Napadaing ako nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat at ipinatong sa kanyang kandungan. Ipinulupot ko ang aking dalawang braso sa kanyang leeg at naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga kamay sa aking bewang. Mariin kong ipinikit ang mga mata dahil sa kiliti at kakaibang sensasyon. Nakakabingi ang kalabog ng puso ko. Kinikilabutan ako at nalalasing lalo pa nang magsimulang mas lumalim at naging mapusok ang kanyang mga ha-lik. Wala sa sarili kong nasambunutan ang kanyang buhok nang bumaba ang kanyang ha-lik sa aking leeg. Napatingala ako at naghabol ng hininga. Nakagat ko ang labi para pigilan ang pagda-ing. May sariling mundo ang labi at mga kamay niya. Nang malapit na akong bumigay ay huminto siya. Gulat at nanghihina

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 48

    Nakokonsensyaako...Isinandal ko ang likod sa upuan at pumikit. Ngayon ko lang tuluyang naramdaman ang pagod. Pero kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito siya. Dahil nakikita ko siya.NaramdamankoangpaghawakniYohannsakamayko.Nilingonkoagadsiya.“We’rehere.”Nanlumo ako nang matanaw ang bahay naming may ilaw. Ibig-sabihin no’n gising sila. “Mapapagalitan ka.” Sigurado ako. Pero umiling siya at siya pa mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Nauna siyang lumabas at mabilis na umikot para pagbuksan ako. Nabulabog kami nang agresibong bumukas ang gate at sumugod si mama. Gusto kong salubungin ang galit niya pero inilagay agad ako ni Yohann sa kanyang likuran. Natakpan ko ang bibig sa malakas na sampal ni mama sa kanya.“Walangya ka talaga! Kikidnapin mo pa anak ko!” Halos magwala siya na hinawakan agad ni papa.&nbs

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 47

    Bigo akong bumalik sa loob ng hospital. Walang Yohann Min ang nagpakita. Wala siya. Sinubukan kong hagilapin hanggang sa hindi na makayanan ng paghinga ko. Sumisikip ito at natatakot akong baka magkatotoo nga ang sinabi ni Amay na ma-eextend ako rito.Kapagnakalabasakomag-uusaptayo,Yohann.Naiinisnaakoalammobaiyon?Tumingala ako at suminghap. Tuyo na rin ang mga luhang iniyak ko kanina. Para akong nakalutang sa ere habang naglalakad sa mahabang hallway hanggang sa matigilan dahil sa lalaking naka-wheelchair sa aking harapan.May suot siyang arm sling sa kaliwang braso. Nakabandage ang ulo at may mga pasa sa mukha. Seryoso ang paninitig niya sa akin kaya naningkit ang aking mata hanggang sa mapamilyaran ang mukha niya.Naghintay akong magsalita siya pero walang nangyari. Baka siguro nakaharang lang ako sa daraanan niya kaya siya tumigil at nagalit. Napalunok ako

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 46

    RUI's POV Ilaw... Sa una ay malabo pero nang subukan kong ikurap ang mga mata ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na ilaw mula sa kisame. Sinubukan kong gumalaw pero pakiramdam ko lahat ng parte ng aking katawan ay paralisa. Doon ko lang namalayang hindi ko kwarto ang lugar na ito. Isang matining na ingay ng makina ang sumasakop sa buong paligid. May parang pumapatak na tubig kung saan. Isang lugar lang ang naiisip ko. Hospital. “R-Rui...” Dahan-dahan kong itinagilid ang ulo kung saan ko narinig ang nauutal niyang boses. Kahit lumabo ulit ang paningin ko, kilala ko na agad. “Jalen.” namaos ang aking boses. Napatayo siya at parang nataranta. Lumuhod siya sa sahig at hinawakan ang isang kamay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang nakatusok sa kamay ko. Ilang beses ko siyang narinig na mahinang nagmura pero nandoon ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata habang tinititigan ako. “Shit. I didn’t see this coming.”

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 45

    YOHANN's POV ‘N-Natatakotakosa’yo...’ Mabilis kong pinatay ang shower at hinihingal na napatukod. Naikuyumos ko ang mga kamay at napasuntok sa malamig na semento. If only I could, Rui. If only I could tell you everything, the details—everything! Pero, ayokong malaman mo ang lahat. Ayokong masaktan ka. Ayokong...mawasak ka. Kahit ako na lang. Anong oras silang matatapos? 10pm na, ah. Nag-eenjoy ba siya? Dinner lang naman ‘di ba? Bakit natagalan? Damn, I sound so desperate. Nabuhayan ako ng loob at napaayos sa pagkakasandal sa pinto ng condo niya. Tumatawag si Rui. Tumatawag siya. “H-Hello?” “YohannMin?SiYohannMin‘to,tamaba?” Napasinghapakonghangin.BakitnasaTrystannaitoangcellphoneniya?“Bakit?” “SiTrystan‘to.” “I know. Bakit na sa’yo ang cellphone niya?” Kum

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 44

    RUI's POV “H-Hello?”namamaoskongsagot. “Rui, may sakit ka?” Bakas sa boses ni Amay ang pag-aalala. Umiling ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. “Ba’t ganyan boses mo?” Napalunok ako ng laway. Yakap ko pa rin ng mahigpit ang unan. Parang babagsak ang mata ko sa sobrang bigat. “Kakagising ko lang.” “Ay, sorry nagising kita. ‘Di mo kasi sinasagot kanina pa.” Humina ang boses niya at natahimik. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko pero ongoing pa rin iyong tawag. “H-Hello, Amay?” “Yung totoo, Rui. Anong problema?” Ipinikit ko ang mata. “Nag-away ba kayo ni Yohann? Tinatawagan ko, ‘di na rin sumasagot. Ang sabi niya pupuntahan ka raw niya diyan. ‘Di ba kayo nagkita? O nandiyan siya?” “Wala.” iyon lang ang nasabi ko sa maraming tanong niya. Tumahimik ulit ang kabila. Para bang tinitimbang niya ang naging sagot ko o saan sa mga tanong niya ang sinagot ko. Hanggang sa narin

DMCA.com Protection Status