YOHANN MIN's POV
(September, 2009)
Nawala ako bigla sa tono matapos mapindot ang maling key ng piano dahil sa malakas na pagbagsak ng kung anumang bagay dito sa madilim na music room. Awtomatiko akong napatayo sa kinauupuan para hanapin ang may pakana ng ingay. Kinabahan ako nang maaninagan ang nakatayong tao sa pinakamadilim na parte ng kwarto.
“S-Sorry, natakot ba kita?”
Lumayo kaagad ako sa piano. Ensaktong binuksan niya ang ilaw at tumambad sa akin ang isang babae. Hawak ng kanang kamay niya ang tuhod habang nasa ulo naman ang kaliwang kamay. Bahagyang nakapikit ang kaliwa niyang mata habang nakatingin sa akin. Napansin ko ang pamumula ng kanyang tuhod at ang nagkalat na mga kagamitan sa mismong kinatatayuan niya. Hindi malabong natamaan siya dahil sa pagkakahulog ng mga ito.
Tinalikuran ko siya at tinakpan muli ng puting tela ang piano. Isinabit ko ang dalang bag sa balikat at lalabas na sana nang tawagin niya ako. Inosente ko siyang nilingon. Hindi katulad kanina ay kakikitaan na ito ng inis sa mukha habang paimpit na iniinda ang sakit sa tuhod.
“S-Seryoso, hindi mo talaga ako tutulungan?” aniya matapos ko siyang talikuran muli. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago ulit siya hinarap. Itinuro ko sa kanya ang monoblock chair sa tabi bago ako lumuhod sa sahig para damputin ang mga nahulog niya kanina. Naramdaman ko ang paninitig niya kaya mas binilisan ko pa ang ginagawa.
“So, member ka na pala ng choir, Yohann?” Napahinto ako dahil sa tanong niya at sa pagbanggit niya sa pangalan ko. “Bakit mag-isa ka lang nag-eensayo? Hindi rin kita nakikita sa mga culminating activities.”
“Hindi ako kasali sa choir” pag-amin ko. Kinuha ko ang panghuling libro sa sahig at maingat na ibinalik sa lalagyan.
“Ha? Ba’t ka...I mean, anong club ang sinalihan mo?”
“Wala akong club” nag-iwas ako ng tingin. Isinabit ko muli sa balikat ang bag at tinalikuran siya.
“Sumali ka sa choir. Ang galing mo kaya kanina”
Napahinto ako sa paglalakad. Seryoso ko siyang nilingon. “Pinapanood mo ‘ko kanina pa?” tanong ko.
Nawala kaagad ang kanyang ngiti at napalitan ng kaba. Ramdam ko ang pangangapa niya ng salita. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. Ngayong may nakakaalam na sa ginagawa ko rito tuwing hapon, imposible nang makapasok pa ulit dito.
“Don’t worry! H-Hindi naman kita isusumbong sa choir head, eh”
Naningkit ang mga mata ko. “Kailan pa?”
“H-Ha?”
“Kailan mo pa nalaman ang ginagawa ko?”
“Tuwing hapon napapansin kitang pumupunta ng patago rito. Akala ko no’ng una wala lang pero nang marinig kitang tumugtog ng piano noong isang linggo ano...p-promise! h-hindi talaga kita isusumbong” sabay angat niya ng kanang palad sa ere. Ipinangkamot niya sa ulo ang kanang kamay nang hindi ako magsalita. “Sorry, natakot kita kanina”
Bumuntong-hininga ako at tuluyan siyang tinalikuran. Naririnig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan. Maging dito sa labas ay sinusundan pa rin niya ako.
“Galit ka ba? Galit ka ba, Yohann Min?”
“Umuwi ka na” tipid na sagot ko at mas binilisan pa ang paglalakad. Napapikit ako nang tawagin na naman niya ang pangalan ko.
“Ang galing mo mag-piano, Yohann Min!” sigaw niya. Ensaktong may tumawag sa kanyang babae nang subukan ko siyang lingunin. Ilang segundo kaming nagkatinginan bago ako patakbong umalis.
Kinabukasan, isang maliit na papel ang nakadikit sa ibabaw ng aking mesa dito sa loob ng classroom. Bagay na ngayon lang nangyari. Palihim kong sinulyapan ang mga kaklase bago mabilis na kinuha at binasa ang nakasulat sa kulay dilaw na papel. Isang salita lang ang nakasulat doon.
SORRY.
Isinabulsa ko kaagad iyon bago pa may makakita. Ipinatong ko sa mesa ang bag at naupo. Nilingon ko ang bintana sa aking gilid bago inilabas sa bag ang may kakapalang libro. Iginugol ko sa pagbabasa ang natitirang bakanteng oras.
Walang nakalagay na pangalan pero mukhang kilala ko na kung kanino galing ang papel na iyon. Kinuha ko sa bulsa ang papel at pinakatitigan ang sulat kamay niya. Napabuntong-hininga na lang ako.
“Laine!”
Napalingon ako sa bukana ng pinto nang marinig ang pagtawag ng mga kaibigan sa kanya. Nagbaba ulit ako sa binabasang libro bago pa niya ako makita. Masyadong maingay ang mga kaklase naming nakapaligid sa kanya.
“Uy, anong nangyari diyan sa tuhod mo, Laine?”
“Nadapa ako kahapon”
“Hala”
“Galos lang naman” pekeng tawa niya. Ibinaba ko kaagad sa libro ang paningin nang mahuli niya akong nakatingin sa gawi nila.
“May chika ako! Naalala mo ba iyong varsity player na nagbigay sa iyo ng bulaklak sa gynamsium last week, Laine? May—
“Sandali lang ha”
“O-Oh, sige”
Hindi ko maintindihan kung bakit napapalunok ako ngayong papalapit siya sa pwesto ko. Nakahinga ako ng maluwag nang lagpasan niya ako.
“May ensayo kami ngayon sa dance troupe. Sa library ka ulit?” nilapitan ako ni Hosiah pagkatapos ng panghuling subject namin ngayong hapon. Nasa labas na kami ng classroom. Tumango ako nang hindi siya nililingon. “Sige. Susunduin daw tayo ni dad” bulong niya. Nilingon ko siya. Magkaiba ang apiledo namin kaya walang may nakakaalam na sa iisang bahay kami nakatira. “Magkita tayo sa labas ng gate?”
“Hmm” tipid na sagot ko.
“Cool. See you later” tapik niya sa braso ko bago niya patakbong sinundan si Laine na kamiyembro niya sa pagsasayaw. Umakyat ako papuntang library na nasa 3rd floor. Wala masyadong tao sa loob.
“Kaparehong libro pa rin ba ang hihiramin mo, Yohann?” nakangiting tanong sa akin ng assistant librarian. Kilala na niya ako dahil sa madalas kong pagpunta. Tipid akong ngumiti at tumango. Nakangiti siyang tumayo para kunin ang librong mag-iisang linggo ko nang binabasa.
“Ba’t di mo na lang iuwi muna sa bahay ang libro? Isuli mo na lang after three days” sabay abot niya sa akin ng DSM-5. Umiling lang ako sa tanong niya at nagpasalamat. Naghanap ako ng pwesto sa pinakasulok ng library kung saan hindi kaagad ako nakikita.
Maingat kong binuksan ang makapal na libro para hanapin ang pahina kung saan ako tumigil kahapon.
“Schizophrenia?”
Naisarado ko bigla ang librong binabasa at napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Naramdaman ko ang panlalaki ng aking mga mata dulot ng kaba.
“Sorry! Nagulat ba ulit kita?”
Inis akong napapikit bago siya tiningala. “Ba’t ka nandito?”
“Ah, ha? Ano...may ano, may hihiramin akong libro”
“Nandun ‘yong librarian” inis kong tinuro ito. Napansin ko siyang matigilan.
“Galit ka pa rin ba?”
Huminga ako ng malalim at tumayo. Isinarado ko ang libro nang magbaba siya ng tingin doon.
“Sorry, hindi ko sinasadyang makaa—
Isinabit ko sa balikat ang itim na bag at pataob na binitbit sa isang kamay ang libro. Seryoso ko siyang hinarap. Ilang segundong nagpirme ang paningin ko sa kanya. “Excuse me” usal ko bago siya nilagpasan.
RUI's POV
(Present, 2021)
“Pinayagan ka naman ba?”
Napahinto ako sa pagpupunas ng salamin dito sa labas ng pizza parlor at nilingon si Amay na Nakatayo sa gilid ko. Sinadya kong pigilan ang ngiti dahil sa nag-aalala niyang hitsura. Alam kong kagabi pa sila atat na atat na malaman ang naging resulta ng pag-uusap ko sa aking pamilya.
“Woy Rui?”
“Oh?”
“Anong nangyari? Kanina ka pa ‘di umiimik. Success ba ang pagmamakaawa mo?”
Huminga ako ng malalim bago ibinaba ang hawak na basahan at pang-ispray. Pinunasan ko ang basang kamay tsaka pa lang siya hinarap. “Hmm” tango ko. Napangiti ako nang makitang nakahinga siya ng maluwag.
“Susmaryosep, akala ko pa naman aabot sa digmaan ito!”
“Tss, kumusta na pala ang pamangkin mo?” pag-iiba ko ng usapan. Ayoko lang magtanong pa siya sa kabuuang nangyari kagabi. Aaminin kong hindi naging madali ang pagpupumilit ko kay mama. Sa kanila ni papa ay siya ang mahirap tinagin. Lahat ng gusto niya ay kailangang nasusunod.
“Idinala namin kagabi sa hospital. Nagdidileryo na eh” sagot niya. Naupo siya sa malaking bato “Syempre malaki ang gastos sa gamot pa lang, pero keri naman” Nakangusong nagpulot siya ng maliliit na bato at inihagis iyon sa harapan. Ensakto namang sumulpot si Greggy na aksidenteng natamaan.
“Ay jusmeyo! Papatayin mo ba ‘ko Emilio?!”
“Sa laki mong iyan ‘di ka mamamatay sa bato uy. Anong panlaban ng maliit na bato sa isang bulldozer, ha?”
“Gusto mong magpasagasa?!”
Nakamot ko ang sentido. “Tsk, awat na kayo, aga-aga”
“Ano na Rui Laine, pinayagan ka?” si Greggy naman ngayon ang nagtanong. Nakangiti akong tumango. “Finally, makakaexperience ka na rin ng independency! Emilio, iwagayway mo nga ang watawat”
“Shunga. Hindi Aguinaldo ang apilyedo ko” sagot ni Amay. Nagtawanan kami. Nakangiti naming nilingon si Cerra at Melodie na kararating lang.
“Anong meron, boss?” nakangiting nagpapalit-palit ng tingin sa amin si Melodie. Si Cerra naman na nasa tabi niya ay tahimik lang kaming pinapanood. Natural na sa kanya ang pagiging mahinhin at hindi palasalita.
“Nagkakatuwaan lang” si Greggy ang sumagot. “Proceed to work, slaves” palakpak niya nang nakataas ang noo. Nangingiting napailing na lang ako.
“Number seven? Kaninong order ‘tong cheese overload pizza?” pagsasalita ko sa maliit na mikropono. Ngayon lang ulit kami gumamit ng microphone dahil sa rami ng kumakain ngayon. Inulit ko ang sinabi nang walang sumagot.
Hinanap ko kaagad kung saang pwesto nanggagaling ang boses ng sumagot. Natigilan ako. Siya na naman?
Nakangiti na siya nang huminto sa aking harapan. Ipinatong niya ang hawak na priority number sa counter. Number seven.
“Napapadalas po sir, ah” pabirong sabi ko. Tipid lang siyang ngumiti bago inabot sa akin ang pambayad niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa panginginig ng aking nakalahad na palad.
Maingat kong inabot sa kanya ang isang box ng pizza. “Thank you sir”
“I’ll come again” ngiti niya. Natigilan ako. Kami dapat ang nagsasabi no’n. Sa huli, ginantihan ko na lang ang magandang ngiti niya at pinanood siyang lumabas.
Napagitla ako sa biglaang pagtunog ng bell at pagsasalita ni Greggy sa mikropono. Wala sa sarili kong nahawakan ang dibdib. Kinabahan ako dun ah.
Tatlong araw din ang ginugol ko bago tuluyang makapagdesisyon. Iyong suggestion nila Amay at Greggy na condominium unit ang huling napili ko. Siguro ay dala na rin ng unang impresyon ko sa lugar. Hindi mapagkakailang sosyal at mayayaman ang karamihan sa nakatira.
Dalawang malalaking maleta at isang malaking bag ang tumambad sa akin nang makauwi ako ng bahay kinagabihan pagkatapos ng trabaho. Nakahanda na ang mga iyon sa mismong bukana ng pintuan. Mag-isang nakatayo roon si papa.
Ngayong gabi ang lipat ko sa condo.
Pinilit kong mangiti nang mapansin ang nakaukit na lungkot sa kanyang mukha. Aaminin kong hindi ako sanay na makita siyang ganoon.
“Parating na si Jalen dito para ihatid ka sa bagong titirhan mo” pagsasalita ni papa bago pa ako makapagsalita. Natigilan ako. Ang alam ko ay may ka-date siya ngayong gabi.
“Si mama, pa?” nag-aalinlangang tanong ko. Malalim na buntong-hininga ang naisagot niya bago nilingon ang hagdan papunta sa kwarto niya. Tumango na lamang ako. Hanggang ngayon ay tutol pa rin ito sa desisyon ko.
“Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, Rui Laine? Ayokong pagsisihan mo ang mga naging desisyon mo sa buhay. Hindi na ito ang unang beses na sumuway ka sa gusto namin para sa’yo" ayun na ang nakasanayan kong tono ng kanyang pananalita.
“Buo na ang desisyon ko pa” nakayukong usal ko. Humugot siya ng malalim na hininga bago ito pinakawalan. Pinilit kong ngumiti matapos salubungin ang dismayado niyang hitsura. “Kakausapin ko lang si mama”
Ilang beses kong kinatok ang kwarto niya kung saan siya ngayon nagmumukmok. Napabuntong-hininga ako nang walang makuhang sagot sa kanya. Hanggang sa tawagin ako ni papa dahil sa pagdating na ni Jalen. Naging mabigat ang mga hakbang ko pababa ng hagdan.
“Good evening, Rui” wala sa ayos na ngiti ni Jalen. Halatang nagmamadali siya papunta rito.
“Ihahatid ka niya sa mismong unit mo, Rui Laine”
“Yes po, tito” sagot sa kanya ni Jalen. Tumango ako.
“Tawagan mo kami kapag nakarating ka na” utos ni papa. Tumango ulit ako. “Hindi porket pinayagan ka namin sa gusto mo ay maaari mo nang gawin ang lahat ng bagay na gusto mo, Rui. Ayaw naming magka-apo ng hindi pa kayo kasal, maliwanag ba?”
Nagugulat kaming napalingon ni Jalen sa isa’t-isa. Parehong pinanlakihan ng mata.
“Mapagkakatiwalaan ka ba namin, hijo?”
“Y-Yes po tito”
“Mabuti. Ikaw naman Rui Laine”
“Ha?"
“Wag na ‘wag ka nang makikipagbalikan pa sa Marcaleb na iyon” seryosong sabi ni papa. Natigilan ako. “Walang magandang naidulot ang lalaking iyon sa’yo.”
“I’ll make sure it’ll not happen, tito” naunahan na naman ako ni Jalen. Nagkalingunan kaming dalawa ni Jalen bago niya nakangiting kinuha ang pinakamalaking maleta sa sahig. “I’ll bring this sa loob ng compartment ng sasakyan. Excuse me po, tito”
“Ako nang bahala sa isa. Rui Laine ikaw na magdala ng bag” utos ni papa. Hindi kaagad ako nakaimik dahil sa sinabi niya tungkol kay Marky.
Halos buong biyahe akong nakatingin lang sa labas ng bintana. Tahimik lang ding nagmamaneho si Jalen. Mukhang pareho kaming malalim ang iniisip. Mariin kong pinikit ang mga mata. Siguro nga ay magandang balita sa kanila na wala na kaming dalawa ni Marky.
“Ayos ka lang, Rui?”
“Hindi” pag-amin ko. Nilingon ko siya. “Maypa-I’ll make sure it’ll not happen ka pang nalalaman ha”
“Ayokong gaguhin ka niya ulit. Matagal ka na niyang ginagago, Rui. Ikaw lang ‘tong bulag sa kanya”
“Nagsalita ang babaero” inis kong itinuon ulit sa labas ang atensyon. Narinig ko siyang mahinang natawa.
“I may be a womanizer. Yes. But it doesn’t mean I care less about you. You’re no different to mom. Both of you were special. We’ve been friends for years, Rui. Ayokong saktan ka lang ng lalaking kagaya ko”
“Ayaw mo akong naloloko pero ginagawa mo naman sa ibang babae, tsk tsk. You sounded like a complete asshole, Jalen”
“It’s like a habit, Rui. It’s hard to quit” Napailing na lamang ako sa sagot niya. “Woodlands Frontier ba ‘yong pangalan ng building?”
“Hmm. May date ka ngayong gabi ‘di ba? Pwede mo ‘kong ibaba na lang sa mismong entrance. Magpapatulong ako sa guard”
“Mapapagalitan ako ng papa mo kapag ginawa ko ‘yon”
“As if namang magsusumbong ako. Sige na. Baka inaantay ka na ng bagong biktima mo. Anong pangalan? Gusto kong balaan”
Natawa siya. “Eonjin. Eonjin Delatejera”
Napairap ako. “Binabalaan kita, Jalen. Malupit ang karma. Tigilan mo na ‘yang pangongolekta mo sa mga babae.”
“If this relationship worked, then I’ll quit” Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. "Yeah"
Umabot ng tatlumpung minuto ang biyahe. Pagkatapos maibaba lahat ng mga bagahe ko, pinaalis ko na si Jalen. Noong una ay nagdadalawang-isip pa siya dahil sa sitwasyon ko.
Nasa labas pa lang ako ng building ay napanganga na ako.
Nakangiti akong pinagbuksan ng guard at tinulungan sa dalawang maletang dala. Puno ng paghanga kong pinalibutan ng tingin ang bawat parteng madapuan ng aking mga mata. Iginiya kaagad nila ako sa 6th floor papunta sa condo unit na aking titirhan. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanilang lahat pagkatapos. Sa huli ay naiwan akong mag-isang nakatayo dito sa malaking sala. “Home sweet home, Rui” nakangiting usal ko habang pinapasadahan ng tingin ang lugar. Tatlong kulay ang meron; puti, kulay-abo, at kulay kahoy. Lamang ang kulay puti sa dingding, kulay-abo naman ang mga couch at ilang kagamitan, at kulay kahoy ang sahig. May mga minimalist painting namang nakadikit sa iilang dingding. Hawak ang dalawang maleta sa magkabilang kamay, dumiretso ako sa kwarto. Hindi ko na naman mapigilang mapanganga at humanga. Mas maganda at malaki ito kumpara sa dati kong kwarto. Malinis at wala masyadong dekorasyon. Kulay puti ang buong bedsheet at mga unan. May maliit namang
Hinila ko siya palabas para makausap siya ng maayos. Nakakunot ang noo habang magkasiklop ang dalawang braso ko siyang tinitigan ng masama. Ayokong pati rito sa trabaho ay makikita ko ang pagmumukha niya. Wala man lang akong mabasang emosyon sa kanyang mukha. Nakatingin lang siya ng diretso sa akin na para bang sinasaulo niya pati ang kulubot ko sa mukha. “Sayamanmong‘yan,magtatrabahokasaganitongpizzaparlor?” “Magkapitbahay na tayo, bakit nandito ka pa rin?” I paused. Ilang segundo bago ko nakuha ang pinupunto niya. “Tsk, syempre nagtatrabaho ako para mabayaran ko ‘yong condo” “Exactly” “Anongexactlly?” “I’mworkingforthatsamereason” Napamaang ako. Sa yaman niya, magtiyatiyaga pa talaga siya sa ganitong klaseng trabaho? Kung wala na siyang pera eh ‘di sana ibenta na lang niya itong kotse niya. “Tsk, hindi ako naniniwala sa rason
YOHANN MIN's POV I can’t help myself but to stare the dazzling moon above us. Bigla akong may naalala. It happened around October, year 2009. “Themoonisbeautifulisn’tit?” Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses at nagulat nang makitang nakatayo si Laine sa gilid ko. I didn’t see her dahil na rin sa dilim sa parteng ito ng school building. Nag-angat ulit ako sa buwan na kanina ko pa pinapanood. Parang nagbago ito sa paningin ko dahil sa sinabi niya. I sighed matapos mapansin ang paninitig niya sa akin. “Bakitkanandito?” “Pinapapunta na kasi lahat ng students sa gym” napapahiyang sagot niya. “Sira kasi ang mic sa sound booth, baka hindi mo narinig ang announcement” “Maunakana” “S-Sabaynatayo?” “Asanangmgakaibiganmo?” “Nasagymnasilanglahat” “Where’sHosiah
Agaran kong nailayo ang kamay sa kaliwang pisngi ni Yohann Min nang mapaaray siya sa ginawa kong paglinis sa sugat niya. Kumuha ulit ako ng panibagong bulak para linisin naman ang natuyong dugo sa gilid ng labi nito. Hindi ko na lang pinansin ang paninitig niya sa ginagawa ko. “Bakitmopakasiginawa‘yon?” “Angalin?” Sinalubong ko ang mga mata niya bago nagsalita. “Yung ginawa mo. You’re crossing the line, Yohann Min. Hindi mo naman kailangang gawin ‘yon” pagpapaintindi ko bago sinadyang idiin ang hawak na bulak sa gilid ng labi niya. Napaiwas siya dahil sa ginawa ko. “Tignan mo ‘tong nangyari ngayon sa mukha mo, tsk” “Hahayaanmolangnabastusinka?” “Hindi naman sa ganun” Nagbaba ako ng tingin sa first aid kit na hiniram ko rito sa opisina nila Amay at Greggy. “Hinayaan mo na lang sana. Wala naman akong pakialam sa sinasabi ng lalaking ‘yon” tawa ko. “You’re still
YOHANN MIN's POV“Bro,whereareyou?Iamwaitingforyouhereattheairport”“Idecidedtostayhere”“What?”“I’llstay”“Waitwaitwoo...w-what?Tamabanarinigko?”Ipinaradakosapinakagilidngkalsadaangsasakyan.“Dad needs you. Mas may tiwala pa nga ‘yon sa’yo kesa sa’kin. Why? What...What’s with that sudden change of mind, Yohann?”“I’mstayingformymom”“Isthatreallyyourreason?Orareyoutryingtoreachouttoheragain?”“Thisisnotabouther”mariinkongtugon.
Awtomatiko akong napaayos sa pagkakaupo nang tumikhim si Yohann Min. Umiling ako ng ilang beses para gisingin ang sarili bago inosenteng binabaan ng tingin ang puting bowl na inilapag niya sa aking harapan. “Ano‘to?” Itinukod niya ang dalawang siko at sa ganoong posisyon siya nagbaba rin ng tingin sa bowl. “Jook” Umawangangbibigko.“Nagbibirokaba?” “JookisaKoreantermforriceporridge”sabaybuntong-hininganiya. Naitikom ko ang bibig. Sinilip ko ulit ‘yong bowl at namangha sa kakaiba nitong hitsura. Malayo kasi ito sa nakasanayan kong lugaw. “Teka, ba’t may parang itim?” hinarap ko siya. Pinapanood lang niya ang bawat reaksyon ko sa luto niya. “Ba’t may itim nga?” “You should eat when it’s still warm” masungit na sabi niya. Hindi man lang sinagot ang tanong ko kung bakit may kung anong kulay itim sa lugaw na ito. “M
TRYSTAN GRAE's POV “Maybagyoba‘nak?” “Noidea”sagotkohabangngumunguya.“Where’sEonjinma?” “Kaninapaiyonsakwartoniya.Sabaykayongaalis?” “No choice” buntong-hininga ko. Malakas ang ulan sa labas kaya kailangan kong ihatid sa University niya. “Mayhearingkamamaya‘diba?” “Hmm” tumango ako. Ipinatong ko ang dalawang braso sa table at nakangusong sinusundan ng tingin si mama. Tumayo ako para palitan siya sa pagplantsa ng black suit ko. “Ako na ma” Nakangitiniyangtinapikangbalikatko.“Puntahankolangkapatidmosataas” “Yeah.Sabihinmopakibilisanah.Tss,angbagaltalagangkumilosngbabaengiyon” “Hayaanmona”nakan
Nagsipagpaalam na ang ilan sa mga natitira dito sa pizza parlor. Pagkatapos ng naging usapan naming tatlo kanina ay halatang balisa at wala sa sarili si Amay. Binilisan ko ang pagma-mop ng sahig habang tinutulungan naman ako ni Yohann Min sa pag-aayos ng mga upuan dito.“Unana’komgabakla!”Mabilis kong pinigilan ang paglabas ni Greggy sa pinto. Pinilit kong ngumiti matapos niya akong pagkunutan ng mukha.“Papunta ka kay Mother Lilie ‘di ba?” pabulong na tanong ko sa kanya. Tumango siya kaya nagsalita ulit ako. “S-Sama ako”“Sureka?”“Hmm” peke ulit akong ngumiti at tumango. Hinawakan ko ang isa niyang braso para hindi makawala at mas lumapit pa. Ayoko kasing may ibang makarinig sa sasabihin ko. “Kailangan kong makaipon ulit ng pera”“Hanggang gabi ako ro’n” aniya. Tumango-tango ako. Hindi ko pa rin binibit
Lumuhod ako sa harapan ng kanyang puntod para itabi ang purong kulay puting mga rosas. Nagsindi ako ng kandila at mataimtim na nagdasal sa isip. Hinayaan ko ang sariling lamunin ng katahimikan habang tinititigan ang pagsayaw ng apoy dahil sa hangin. Paalis na ako ng sementeryo kung saan nakalibing si Jarenice nang matanaw ko sa malayo ang isang pamilyar na lalaki. Nakatayo siya sa harapan ng isang puntod. Awtomatiko akong napahinto sa gulat. Si Trystan. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Naramdaman niya agad ang presensya ko nang maglakad ako palapit sa kanya. Ngumiti kami sa isa’t-isa bago namin sabay na hinarap ang puntod ni Jin. Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng lungkot. Dito na ako galing kanina. “How are you doing lately, Rui?” Nilingon ko siya. “Maayos naman. Kumusta ka?” “Hmm. I’m doing well. Kakauwi ko lang galing Australia.” Nasa kay Jin siya nakatingin. Bagamat nakangiti ay kakikitaan ito ng lungkot. “I’m curious what he’s reaction back then. Akala ko bibisi
a/n: Ito na po ang panghuling kabanata ng FSOL. Epilogue na ang kasunod. Maraming salamat at umabot ka dito^^ RUI's POV Nag-uunahan sa pagkalabog ang puso ko habang tinatahak namin ang daan papasok sa korte. Napapapikit ako sa mga flash ng camera. Panay ang sunod nila sa amin hanggang sa pigilan sila ng mga pulis. Bumaba ang tingin ko sa sahig dahil sa matinding kahihiyan. Nasa tabi ko si Trystan na siyang naging abogado ko magmula nang mamatay si Jin. Kahit anong pampalubag-loob ang sabihin nila, pakiramdam ko kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit namatay siya. May iilang pulis na nakabuntot sa amin. Isa na doon si Jalen na bigo ang mga matang nakamasid. May mga pulis din sa bawat sulok. Ganitong-ganito ang mga eksena katulad sa mga pelikula. Kaya lang, sa pagkakataong ito hindi ako ang bida. “RUI,ANAK!” Hinanap ko agad sa dagat ng tao ang boses na iyon at tumig
TRYSTAN's POV “BeforeJindied,heaskedmetogiveyouthis.” Hindi ako makapaniwalang iyon na ang naabutan ko sa hospital. Halos lagutan na ako ng hininga makatakbo lang papunta dito. Nanginginig kong kinuha ang briefcase na palaging ginagamit ni Jin sa trabaho bago nalilitong tinitigan ang lalaking kaharap ko ngayon. Kasi baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig? Jin died? No. No. “I’m his brother. Younger. He...He wants you to handle his last case. You’re the Delatejera, am I right? I...I called you using my brother’s phone. Gusto ka niyang hintayin b-but...s-shit! This is so wrong. This is so fvcking wrong.” nasapo niya ang noo at umikot bago pantay ang kilay na tinuro ang hawak ko. “It’s odd to say this pero I think may koneksyon ang kasong iyan sa pagkamatay niya.” “Patay. Na. Si Jin?” umawang ang bibig ko. Napaatras ako at umiling. Magkasama pa kami kahapon. Kausap ko pa siya k
Warning: Contains sensual scenes some readers will find disturbing. Mula sa marahan at mababaw na ha-lik ay lumalim ito. Nangatog ang aking mga paa at napakapit sa kanyang braso. Napadaing ako nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat at ipinatong sa kanyang kandungan. Ipinulupot ko ang aking dalawang braso sa kanyang leeg at naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga kamay sa aking bewang. Mariin kong ipinikit ang mga mata dahil sa kiliti at kakaibang sensasyon. Nakakabingi ang kalabog ng puso ko. Kinikilabutan ako at nalalasing lalo pa nang magsimulang mas lumalim at naging mapusok ang kanyang mga ha-lik. Wala sa sarili kong nasambunutan ang kanyang buhok nang bumaba ang kanyang ha-lik sa aking leeg. Napatingala ako at naghabol ng hininga. Nakagat ko ang labi para pigilan ang pagda-ing. May sariling mundo ang labi at mga kamay niya. Nang malapit na akong bumigay ay huminto siya. Gulat at nanghihina
Nakokonsensyaako...Isinandal ko ang likod sa upuan at pumikit. Ngayon ko lang tuluyang naramdaman ang pagod. Pero kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito siya. Dahil nakikita ko siya.NaramdamankoangpaghawakniYohannsakamayko.Nilingonkoagadsiya.“We’rehere.”Nanlumo ako nang matanaw ang bahay naming may ilaw. Ibig-sabihin no’n gising sila. “Mapapagalitan ka.” Sigurado ako. Pero umiling siya at siya pa mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Nauna siyang lumabas at mabilis na umikot para pagbuksan ako. Nabulabog kami nang agresibong bumukas ang gate at sumugod si mama. Gusto kong salubungin ang galit niya pero inilagay agad ako ni Yohann sa kanyang likuran. Natakpan ko ang bibig sa malakas na sampal ni mama sa kanya.“Walangya ka talaga! Kikidnapin mo pa anak ko!” Halos magwala siya na hinawakan agad ni papa.&nbs
Bigo akong bumalik sa loob ng hospital. Walang Yohann Min ang nagpakita. Wala siya. Sinubukan kong hagilapin hanggang sa hindi na makayanan ng paghinga ko. Sumisikip ito at natatakot akong baka magkatotoo nga ang sinabi ni Amay na ma-eextend ako rito.Kapagnakalabasakomag-uusaptayo,Yohann.Naiinisnaakoalammobaiyon?Tumingala ako at suminghap. Tuyo na rin ang mga luhang iniyak ko kanina. Para akong nakalutang sa ere habang naglalakad sa mahabang hallway hanggang sa matigilan dahil sa lalaking naka-wheelchair sa aking harapan.May suot siyang arm sling sa kaliwang braso. Nakabandage ang ulo at may mga pasa sa mukha. Seryoso ang paninitig niya sa akin kaya naningkit ang aking mata hanggang sa mapamilyaran ang mukha niya.Naghintay akong magsalita siya pero walang nangyari. Baka siguro nakaharang lang ako sa daraanan niya kaya siya tumigil at nagalit. Napalunok ako
RUI's POV Ilaw... Sa una ay malabo pero nang subukan kong ikurap ang mga mata ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na ilaw mula sa kisame. Sinubukan kong gumalaw pero pakiramdam ko lahat ng parte ng aking katawan ay paralisa. Doon ko lang namalayang hindi ko kwarto ang lugar na ito. Isang matining na ingay ng makina ang sumasakop sa buong paligid. May parang pumapatak na tubig kung saan. Isang lugar lang ang naiisip ko. Hospital. “R-Rui...” Dahan-dahan kong itinagilid ang ulo kung saan ko narinig ang nauutal niyang boses. Kahit lumabo ulit ang paningin ko, kilala ko na agad. “Jalen.” namaos ang aking boses. Napatayo siya at parang nataranta. Lumuhod siya sa sahig at hinawakan ang isang kamay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang nakatusok sa kamay ko. Ilang beses ko siyang narinig na mahinang nagmura pero nandoon ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata habang tinititigan ako. “Shit. I didn’t see this coming.”
YOHANN's POV ‘N-Natatakotakosa’yo...’ Mabilis kong pinatay ang shower at hinihingal na napatukod. Naikuyumos ko ang mga kamay at napasuntok sa malamig na semento. If only I could, Rui. If only I could tell you everything, the details—everything! Pero, ayokong malaman mo ang lahat. Ayokong masaktan ka. Ayokong...mawasak ka. Kahit ako na lang. Anong oras silang matatapos? 10pm na, ah. Nag-eenjoy ba siya? Dinner lang naman ‘di ba? Bakit natagalan? Damn, I sound so desperate. Nabuhayan ako ng loob at napaayos sa pagkakasandal sa pinto ng condo niya. Tumatawag si Rui. Tumatawag siya. “H-Hello?” “YohannMin?SiYohannMin‘to,tamaba?” Napasinghapakonghangin.BakitnasaTrystannaitoangcellphoneniya?“Bakit?” “SiTrystan‘to.” “I know. Bakit na sa’yo ang cellphone niya?” Kum
RUI's POV “H-Hello?”namamaoskongsagot. “Rui, may sakit ka?” Bakas sa boses ni Amay ang pag-aalala. Umiling ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. “Ba’t ganyan boses mo?” Napalunok ako ng laway. Yakap ko pa rin ng mahigpit ang unan. Parang babagsak ang mata ko sa sobrang bigat. “Kakagising ko lang.” “Ay, sorry nagising kita. ‘Di mo kasi sinasagot kanina pa.” Humina ang boses niya at natahimik. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko pero ongoing pa rin iyong tawag. “H-Hello, Amay?” “Yung totoo, Rui. Anong problema?” Ipinikit ko ang mata. “Nag-away ba kayo ni Yohann? Tinatawagan ko, ‘di na rin sumasagot. Ang sabi niya pupuntahan ka raw niya diyan. ‘Di ba kayo nagkita? O nandiyan siya?” “Wala.” iyon lang ang nasabi ko sa maraming tanong niya. Tumahimik ulit ang kabila. Para bang tinitimbang niya ang naging sagot ko o saan sa mga tanong niya ang sinagot ko. Hanggang sa narin