Share

Kabanata 07

Author: Lunallilly
last update Last Updated: 2021-09-01 22:40:47

“Jalen?” hindi makapaniwalang usal ko. Lumawak ang kanyang ngiti. Halatang lasing na ang mga mata. Nagbaba ulit ako ng tingin sa mesa niya bago siya nagtatakang pinasadahan ng tingin. “Anong meron?”

Nakanguso niyang hinawakan ang dibdib. “Brokenhearted ako”

“Ikaw? Brokenhearted?” mabilis na nangunot ang noo ko. Pinagkrus ko ang mga braso nang hindi siya sumagot, panay nguso. “Bago ‘yan ah?” Ngayon lang ata siya nagkaganito dahil sa isang babae. “Eh ‘di sa wakas nakahanap ka na rin ng katapat mo?”

“Rui naman” 

Natatawang umiling ako. Kaya ba kinukulit niya ako kanina na samahan siya? Kasi heto brokenhearted kunu siya? “Uminom ka na lang diyan, balik na ‘ko dun” tatalikuran ko na sana siya nang tawagin niya ako. “Oh?”

“So, waitress ka dito?”

"O-Oh, ngayon lang” napapahiyang nakamot ko ang sentido. ”Wag mong sasabihin ‘to kay mama, ah?”

“Tsk tsk okay. Kailan pa?”

“Ngayon nga lang” sagot ko. Napansin ko ang pagbaba niya ng tingin sa maiksi kong skirt at nang-aasar na ngumisi at sumipol. Hinampas ko sa balikat niya ang hawak na tray. Pinagtawanan ba naman ako. “Hindi tayo talo” naiinis na sabi ko kay Jalen bago nagmamadaling bumalik sa trabaho. 

Pero nanigas ang mga paa ko nang mapamilyaran ang isang lalaking nakaupo sa mahabang mesa. Mag-isa lang siyang nakaupo roon habang pinagsisilbihan ng bartender na si Jin. Huli na para umatras dahil nilingon niya ang gawi ko. Sabay kaming nagkagulatan bago ako nito pinasadahan ng tingin. Awtomatiko kong ipinangtakip ang tray sa binti nang bumaba ang paningin niya roon. Nagkasamaan kami ng tingin sa isa’t-isa. 

Aligaga ko siyang nilagpasan nang bigla nitong mahuli ang braso ko.

“Maniac mo talaga no?!”

"Ilan ba trabaho mo?”

“Ano bang pake mo?” mabilis kong inalis ang kamay niya. Napansin ko siyang matigilan. Base sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay alam kong hinuhusgahan niya na ako. Bahala siya sa kung anong masabi niya, total nagtatrabaho lang naman ako rito para kumita. 

Tinalikuran ko siya. 

Habol ko ang hininga nang malapitan si Greggy na may ginagawa. Mariin kong ipinikit ang mga mata sapo ang noo. Akala ko iyong Mall na ang huling pagkikita namin. Pati ba naman dito sumusulpot pa rin siya? 

“Napaaway ka ba, ha? Rui?” 

“Hindi”

“Oh, ba’t ganyan hitsura mo?”

“Wala”

“May nambastos ba sa’yo?”

Tiningala ko si Greggy. Pinigilan ko na lang ang sariling magsalita. “Wala”

“Oh heto bakla, pakibigay ng Nacho roon sa lalaking Koryano” 

“K-Kanino?”

“Iyong lalaking pinagsisilbihan ngayon ng gwapong bartender. Ayun” nguso niya. Sinundan ko iyon ng tingin at pinanlakihan ng mata. Si Yohann Min ang tinutukoy niya. Wala akong magawa kundi dalhin ang Nachos na ito roon.

“Order mo” naidabog ko ang plato sa kanyang harapan. 

Ibinaba niya ang hawak na shot glass tsaka niya ako tiningala. “Is this how you treat your customer?”

Sumama kaagad ang mukha ko kay Yohann Min. “Sa’yo lang” sinigurado kong siya lang ang makakarinig. Sabay kaming napalingon sa gilid dahil sa pag-upo ng isa pang customer doon. Nagulat ako nang makitang si Jalen iyon. 

“Rui!” kaway sa akin ni Jalen. Pinanlisikan ko siya ng mata at isinenyas na umuwi na dahil lasing na lasing na ito. Pero imbes na sundin ang pakiusap ko, nilingon niya si Yohann Min na nakatingin sa kanya. 

Dumapo naman ngayon sa akin ang seryosong mga mata ni Yohann Min. Ilang minuto pa ay nag-uusap na sila sa lingwaheng hindi ko na maintindihan. 

“Ggeutnatseo?”

“Nugu? Ah...” sinulyapan ako ni Jalen na pinagtaka ko. “Geunyeoneun nae chingu” sabay turo pa niya sa akin bago ang sarili niya.

“Chingu? Eotteoke?”

“Mwo?”

Sinadya kong idabog ang mga walang lamang bote sa harapan ng dalawa. Pakiramdam ko talaga kanina pa nila ako pinag-uusapan. Sabay nila akong nilingon.

“I have to go” aligagang tumayo si Jalen nang samaan ko na talaga ng tingin. “Bye, Rui!”

“Iyong usapan natin!” pahabol ko. 

“Yeah sure” kindat niya pa bago tinapik si Yohann Min na kanina pa ako tinititigan. 

“Uy ikaw, wala bang naghahanap sa’yo?” baling ko kay Yohann Min. 

“Wala” sabay inom na naman niya. 

“Hindi ka pa ba lasing niyan?”

Sinulyapan niya ako habang umiinom. Ibinaba niya ang baso bago niya ako tiningala. “Anong oras ka matatapos?”

“Ewan ko sa'yo” iniwan ko siya para salubungin si Amay na kakalabas lang ng VIP room. Halos umabot sa tenga ang ngiti nito. Mukhang alam ko na ang dahilan. Excited niyang ipinakita sa akin ang hawak niyang pera. Bago ko pa maagaw iyon ay mabilis na niya itong isinabulsa. 

“Kung ikaw ‘yon, ‘di sana may tip ka, Rui!”

“Pautang” lahad ko ng kamay. Ngumuso ako nang sundutin lang nito ang noo ko bago ako nilagpasan. “So, anong ginawa mo sa loob?”

“Kumanta lang ako, bakla. Ay nga pala, good decision Rui! Baka hindi nila makayanan ‘yang boses mo!” halakhak pa niya. Siya lang ang natuwa. “Bawi ka na lang next time ah?” pakendeng-kendeng ulit siyang naglakad.

Umiinom pa rin ang Yohann Min na iyon nang makabalik kaming dalawa ni Amay sa pwesto. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Amay. Isinenyas ko sa kanyang awatin na dahil ilang minuto na lang kasi ay magsasarado na ang bar na ito. 

“Di ba siya ‘yong...” duro niya kay Yohann Min. Tumango ako. “Oh my god. Wala siyang kasama?” 

Nagkibit-balikat lang ako. Nilapitan ni Amay si Yohann Min kaya dumiretso na ako sa personnel room para makapagpalit na ng damit. Tinanggal ko na sa pagkaka-bun ang hanggang balikat na buhok at inilugay ito. Nakahinga ako ng maluwag matapos mapalitan ng loose jacket na kulay maroon ang uniporme at maong pants naman ang masikip na skirt. 

Napanood ko sa malaking salamin ang pagpasok dito ni Amay. 

“Ayaw paawat bakla. Umiinom pa rin. Inaway mo ba ‘yon ha?”

“Hindi ah” tanggi ko habang sinusuklay ang buhok gamit ang daliri. “Hindi nga kami close”

“Panay nga banggit sa pangalan mo. Tinamaan ata sa’yo” tawa niya. Nangunot naman ang mukha ko sa harapan ng salamin. “Try mong awatin baka sa’yo lang makinig”

Lumabas ako ng personnel room at nilapitan siya na ngayo’y nakayuko na sa sariling braso. Huminga ako ng malalim bago siya maingat na niyugyog. “Hindi ka pa uuwi?” 

“Hmm”

“You can drive sa ganyang sitwasyon?”

“Hmm”

“Woi, Yohann Min”

“Hmm?”

Napairap ako sa panay ungol na sagot niya. “Ang sabi ko makakapag-drive ka pa ba niyan?”

Nasapo ko ang noo nang wala nang makuhang sagot. Nilingon ko si Jin na nagliligpit na ng mga baso sa tabi. Nagkatinginan kami kaya isinenyas ko sa kanya ang Yohann Min na ito.

“Uh Jin, may mga taxi namang nag-aabang sa labas ‘di ba?”

“Yup. Gusto mong tawagan ko para sa’yo?” gwapong ngiti niya. 

“May kotse ako” sa wakas nagsalita si Yohann Min. Umayos siya sa pagkakaupo para tignan ako bago nilingon si Jin na kausap ko kanina. Kukunin na naman sana niya ang shot glass nang mabilis ko iyong naagaw. “Uuwi ka na?”

“Umuwi ka na” seryosong utos ko.

“Hmm, hatid na kita pauwi” sa unang beses sa gabing ito, ngumiti si Yohann Min. Halatang lasing na.

“No” diin ko. “Kaya umuwi ka na” Napailing na lamang ako bago siya tuluyang iniwan. 

Humigpit ang hawak ko sa sling ng bag habang sinusundan na sa paglalakad sila Greggy at Amay na nakabihis na. Sabay nila akong nilingon. “Oh, umuwi na Rui?” tanong ni Amay. Umiling ako. “Ba’t iniwan mo?”

“Eh anong gagawin ko? Ayaw sumunod eh”

“Pilitin mo”

“Ayaw nga. Eh anong magagawa ko? At isa pa, bakit ko naman siya iintindihin?”

“Kawang-gawa! Santisima”

“Ikaw na lang kaya?”

“Awat na kayong dalawa. Pareho tayong pagod dito” pumagitna sa amin si Greggy. “Rui, kakausapin muna namin si Mother Lilie sa itaas. Dito ka muna ah?”

Sumandal ako sa sementadong pader bitbit ang kanilang iniwang bag. Sinundan ko sila ng tingin bago naglibot sa maingay na paligid. Halos karamihan sa mga tao ay nagsipag-uwian na. May mga iba namang nasa kanilang mesa pa at mag-isang umiinom. Bumuntong-hininga na lamang ako at pinagpahinga ang sarili sa gilid. Mula dito, napapanood ko si Yohann Min na nakayuko pa rin sa mesa. Wala atang balak na umuwi. Naalala ko ulit ang sinabi niya kanina. Ihahatid daw niya ako pauwi? 

“Sa estado niyang 'yan, baka sa ibang lugar pa niya ako madala, tss.”

Ilang saglit pa, may tumabi sa kanyang isang babaeng maganda ang hubog ng pangagatawan. Nakatalikod silang pareho sa gawi ko kaya hindi ko nakita ang pagmumukha ng babae. Kulay blonde ang mahaba at kulot nitong buhok na nakalugay sa kanyang likod. Nakaitim na spaghetti straps ito at nakamaong shorts naman sa pang-ibaba. Mahaba at maputi naman ang kanyang mga binti.

Napabuntong ako ng hininga. Mukhang mas matatagalan ang lalaking ito dito. Ikaw ba naman ang lapitan ng ganito kaseksing babae. 

“Arat na, Rui Laine Astudillo!” 

Awtomatiko kong hinanap ang mga kaibigan. Sinulyapan ko pa minsan si Yohann Min bago sumunod kina Greggy at Amay na naghihintay sa akin sa ‘di kalayuan. Nakabusangot kong binitbit ang mga bag ng dalawa habang sinusundan sila sa paglalakad. “Pinagmumukha niyo ‘kong alipin!” protesta ko. 

“Indahin mo ‘yan, Rui. Pagpalain ka ng Diyos mamaya” pagsasalita ni Amay habang nakatingin sila sa isa’t-isa at sabay ding natawa. Pumagitna ako at nanghihinalang nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa. 

“May hindi kayo sinasabi sa’kin no?”

“Meron nga” sagot ni Greggy. Natawa na naman ang dalawa kaya sumama na ang mukha ko. “Kung anu-anong nasa isip mo, Ruwelda!”

“Ano ba kasing tinatago niyo?”

“Iyong bayag namin!” sagot ni Amay at nagsipagtawanan sila. Hinampas ko siya sa braso. “Aray naman!”

Huminto ako sa paglalakad total nasa labas naman na kami. Hinarap ko silang dalawa sabay lahad sa kanang kamay ko. “Asan yung hati ko?”

Nagkatinginan ang dalawa na sabay ring nagkatanguan. Sabay din nila akong nilingon. “Napagdesisyon naming bakla na ibigay sa’yo ‘yong sahod namin dito”

Noong una ay ayaw kong maniwala dahil baka nagbibiro lang sila. Alam kasi nilang dalawa ang pinagdadaanan ko sa sarili kong pamilya, alam din nila kung para saan ang perang iniipon ko. Hindi agad ako umimik, inaantay ko iyong sisigaw sila pareho ng it’s a prank pero mukhang nagkamali ako. “S-Seryoso kayo?”

“Wala na kaming energy sa biruan bakla” ngumiwi si Amay. Hinawakan niya ang nakalahad kong kamay at doon ipinatong ang isang puting sobre. Nagugulat pa rin akong nagbaba ng tingin doon bago sila hinarap ulit. “Konswelo namin ni Greggy ‘yan sa’yo”

“Yep. Kung may nahanap ka nang magandang condominium unit, bilhin mo na bakla habang maaga pa”

Pinunasan ko ang pisngi at umiling. “Hindi ko matatanggap ‘to eh. Pinaghirapan natin ‘to pareho ngayong gabi”

“Jusmeyo, tanggapin mo na baka pagsisihan mo’t magbago pa isip ng mga bakla! Nariyan na rin ang pabunos sa’tin ni Mader Lilie!”

“Pero seryoso, ang laki kasi nito” sabay abot ko sa kanila pabalik pero itinago nila ang mga kamay sa kanilang likod. Lumaylay ang mga balikat ko at naluluhang ningitian sila. “Thank you ah. Sigurado kayo hindi to utang o ano?” pinagtawanan nila ako dahil sa tanong ko. “Yung totoo nga!”

“Sa’yo nga ‘yan! Bakla ka” hinila ako ni Amay at iniyakap. Naramdaman ko rin ang pagsali sa’min ni Greggy. 

“Babawi ako sa inyo promise”

“Tama na nga ang drama. Uwi na tayo. Umuwi ka na rin Rui, paniguradong hinahanap ka na sa inyo” pagsasalita ni Greggy. Nakangiti akong tumango. Pinanood ko silang sabay na umalis at pumasok sa sasakyan ni Amay. Iisang apartment lang kasi sila nakatira kahit pareho namang may kaya. Iisa lang ata ang bituka ng dalawang iyon. 

Kinawayan ko sila sa huling beses.

Dumiretso ako sa ilalim ng malaking puno kung saan ko ipinarada ang sariling motor. Isinuot ko na ang helmet at umangkas. Napapangiti pa rin talaga ako. Ang swerte ko lang sa kanilang dalawa. Kung hindi dahil sa kanila baka hanggang ngayon ay wala pa rin akong settled na trabaho at puro part-time lang. Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo kaya pahirapan akong nakakahanap ng trabaho. 

Ensaktong pagtingin ko sa side mirror ng motor ay nahagip ko si Yohann Min na nakayukong naglalakad kasama ang dalawang babae. Nakaakbay sa balikat ng dalawang ito ang magkabilang braso niya. Ang isa ay iyong babaeng nakita ko kanina batay sa suot nito ngayon at kulay ng buhok. Sa kanilang tatlo ay si Yohann Min lang ang mukhang may tama ng alak. Nakapikit na ang kanyang mga mata at mukhang wala na siyang alam sa mga nangyayari.

Umiling ako at hindi na lang sila pinansin. What do I expect? Bar ito.

Ramdam ko ang pagkakakunot ng aking noo sa tuwing mahahagip ko sila sa side mirror. May kung anong parte sa sarili kong masama na ang kutob. 

Sinadya kong paingayin ang motor habang nakatutok sa side mirror. Napansin ko kaagad ang pagmamadali sa kilos nila at ang pagiging balisa nung isa. Saan naman kaya nila dadalhin ang lalaking ito?

Ibinaba ko ang salamin sa suot na helmet bago mabilis na hinarangan ang kanilang daraanan. Awtomatiko silang nagsipagtakbuhan sa kabilang direksyon. Inis kong tinanggal ang helmet at pasigaw silang tinawag pero mas lalo lang silang kumaripas ng takbo. Nakahandusay naman ngayon sa lupa ang mukhang wala nang malay na si Yohann Min. 

Kinabahan na ako nang hindi siya magising kahit sa paulit-ulit na ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Kinapa ko ang mga bulsa niya pero kataka-takang wala man lang siyang wallet doon. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Kung gano’n, tama nga ang kutob ko na baka magnanakaw ang dalawang babaeng iyon.  

Halos magkandaugaga ako habang sinusubukan siyang patayuin. Mas lalo akong nahihirapan dahil sa pagkakaiba namin ng tangkad. Malamang, mas matangkad ang isang ito. 

“Can you please cooperate?” naiinis na ako. 

Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang nahulog na susi sa lupa galing sa suot niyang itim na jacket. Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag. Ngayon naman, kailangan kong hanapin ang sasakyan niya.

“Anong kulay ng kotse mo? Iyong itim pa rin ba?” tanong ko pero walang sumagot. Inakbay ko ulit sa aking balikat ang mabigat niyang braso nang dumulas na naman ito. Pinindot ko ang button ng susi habang naglalakad kami sa mga nakahilerang sasakyan. Nagliwanag ang mukha ko matapos umilaw ang kulay itim na kotse ilang hakbang sa kinatatayuan namin. 

“Wala ka bang pwede nating matawagan? Woi, Yohann Min!” 

Nabuhayan ako ng loob nang marinig siyang dumaing. “Nahanap ko na kotse mo, sino pwedeng magmaneho sa’yo pauwi? Wala ka bang kamag-anak dito?”

Lumaylay ang balikat ko nang wala na namang makuhang sagot.

Napatingala ako sa langit. Sumasakit na talaga ang balikat at leeg ko sa lalaking ito. “Kung bakit ka pa kasi nagpapakalasing kung hindi ka naman pala marunong umuwi!” Inis ko siyang kinaladkad hanggang sa makapasok na kami pareho sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi ako makapaniwalang nagpapakahirap ako ngayon rito kung pwede ko naman siyang balewalain kanina pa.

Hinihingal ko siyang nilingon. Mas lalo akong napipikon sa payapa niyang hitsura. 

“Next time, can you drink responsibly? Siguraduhin mong may maghahatid sa’yo pauwi kapag ganitong nagpa-passed out ka” Pinaningkitan ko siya ng mata. Paano niya nagagawang matulog sa ganitong sitwasyon? Tsk. “I’m going to drive you home. Saan ka ba nakatira, ha? Woi Mr. Yohann Min!”

“Hmm”

Sumama ang mukha ko dahil sa baho ng alcohol sa hininga niya. Napasigaw ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko sa aktong paglagay ko ng susi. Nanlalaki ang mga mata ko siyang nilingon. 

“You can’t drive, Rui” 

“Okay, so sino pwede nating tawagan?”

“No one”

“Ano?”

“Give me that” lahad niya sa kamay nang nakapikit. Umiling ako at tinapik ito. “Please...I won’t let that...happened...again” 

Ano bang pinagsasabi nito. “So sinong maghahatid sa’yo pauwi?”

“Just give me my car key”

“No” layo ko nun. “Seryoso ka ba? Ni hindi ka nga makalakad ng tama kanina—

“Just give me my fvcking car keys!” sigaw niya na kinagitla ko. 

Aba’y minura pa talaga ako.

“Oh ayan, Magpasagasa ka sa kalsada kung ‘yan ang gusto mo!” asik ko at mabilis na lumabas. Ganoon kabilis umakyat ang galit ko sa kanya. Hindi ko na siya nilingon pa at nagmamadali kong pinuntahan ang sariling motor. Bahala siya. Inis kong isinuot pabalik ang helmet at pinaandar na ang motor.

Muntikan pa kaming magkabanggaan nang basta na lang sumulpot ang sasakyan niya sa dinaraanan ko. Paulit-ulit kong binusina ang motor pero hindi pa rin niya inaalis ang sasakyan. Inis kong tinanggal ang helmet. Ako pa talaga ang balak niyang sagasaan. “Aalis ka sa daraanan ko o babanggain ko ‘yang kotse mo?!”

Pero sa halip na umalis ay lumabas siya sa kotse. Diretsong dumapo sa pwesto ko ang lasing niyang mga mata. 

Huminga ako ng malalim bago ulit nagsalita. “Umalis ka sabi eh! Bingi ka ba? Yohann Min ang sabi ko umalis ka, daraan ang motor ko”

Humigpit ang pagkakahawak ng dalawang kamay ko sa hawakan ng motor nang magtuloy-tuloy siya sa paglalakad palapit sa akin. Nakakatakot ang paraan niya ng paninitig. Mahirap basahin. 

Umalis ako sa pagkakaangkas at taas-noo siyang hinintay na makalapit. Nanatili akong nakatayo kahit pa huminto na nga siya sa mismong harapan ko. Naaamoy ko ang magkahalo niyang pabango sa itim na damit at alcohol sa bibig. Matapang kong nilabanan ang paninitig niya habang napapalunok. 

Nakahanda ang kamao ko sa kung anuman ang gagawin niya.

“A-Anong gagawin mo?” naikuyumos ko ang mga kamay nang mautal ako. Ni hindi man lang siya umimik at mas lumapit pa. Isang hakbang Yohann Min, susuntukin talaga kita. “Yohann Min, binabalaan—

Halos lumuwa ang aking mga mata nang walang pasabi niyang hinawakan ang magkabilang panga ko at sinakop ang mismong labi ko.

Related chapters

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 08

    YOHANN MIN's POV All seem blurry as I tried to open my eyes. I could hear unfamiliar voices na sigurado akong nasa malapit lang. Sinubukan kong gumalaw sa kinahihigaan para makita ang mga taong nandito pero kaagad din akong napaatras nang makitang halos lahat ng mga mata nila ay nakapako sa akin. Napaimpit ako sa sakit nang tumama ang ulo ko sa malamig na metal bar ng...kulungan? Naguguluhan akong napaharap ulit sa kanila nang biglang kumirot ang ulo ko. Sumakit bigla ang panga ko nang subukan ko namang magsalita. What happened? Mabilis akong napatayo at napahawak sa metal bar nang tawagin ng papalapit na pulis ang aking pangalan. “Bakitakonandito?” “Maynag-reportsa’yokagabi” “Who?” “Babae” Doon lang siya nag-angat ng tingin sa’kin nang mabuksan na niya ang pinto. Naguguluhan pa rin akong napatitig sa kanya at sa buong paligid. “May nakapagpiyansa sa iyo.” ngiwi niya. “Kapag mayayaman nga naman

    Last Updated : 2021-09-05
  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 09

    Nilingon ko ang buong pamilya namin na ngayon ay may mga ngiti na sa labi. Magsasalita na sana ako nang tumayo si Jalen hawak pa rin ang kanang kamay ko. Aligaga akong tumayo at sumunod sa kanya sa labas matapos makapagpaalam ni Jalen sa lahat. Ramdam ko ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ko habang nagmamadali kaming lumabas. Habol naming pareho ang hininga nang tuluyan na kaming makalayo-layo sa bahay. Inis ko siyang pinanood habang siya ay nakatingala nang sumandal sa sementadong pader. “Anongmagpapakasal?Jalen,mayalamkabasaplanonila?” “Kailangankongsabihin‘yonparatumigilnasila.I’msorry” “Alammonaman— “I know, Rui, I know. I don’t like the idea either, tsk. We’re getting married? Seriously?" Naaasar ko siyang hinampas sa braso. “Pwede naman nating sabihin ‘yong totoo na malayo sa iniisip nila ang relasyon nat

    Last Updated : 2021-09-09
  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 10

    YOHANN MIN's POV (September,2009) Nawala ako bigla sa tono matapos mapindot ang maling key ng piano dahil sa malakas na pagbagsak ng kung anumang bagay dito sa madilim na music room. Awtomatiko akong napatayo sa kinauupuan para hanapin ang may pakana ng ingay. Kinabahan ako nang maaninagan ang nakatayong tao sa pinakamadilim na parte ng kwarto. “S-Sorry,natakotbakita?” Lumayo kaagad ako sa piano. Ensaktong binuksan niya ang ilaw at tumambad sa akin ang isang babae. Hawak ng kanang kamay niya ang tuhod habang nasa ulo naman ang kaliwang kamay. Bahagyang nakapikit ang kaliwa niyang mata habang nakatingin sa akin. Napansin ko ang pamumula ng kanyang tuhod at ang nagkalat na mga kagamitan sa mismong kinatatayuan niya. Hindi malabong natamaan siya dahil sa pagkakahulog ng mga ito. Tinalikuran ko siya at tinakpan muli ng puting tela ang piano. Isinabit ko ang dalang bag sa balikat at lalabas n

    Last Updated : 2021-09-14
  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 11

    Nakangiti akong pinagbuksan ng guard at tinulungan sa dalawang maletang dala. Puno ng paghanga kong pinalibutan ng tingin ang bawat parteng madapuan ng aking mga mata. Iginiya kaagad nila ako sa 6th floor papunta sa condo unit na aking titirhan. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanilang lahat pagkatapos. Sa huli ay naiwan akong mag-isang nakatayo dito sa malaking sala. “Home sweet home, Rui” nakangiting usal ko habang pinapasadahan ng tingin ang lugar. Tatlong kulay ang meron; puti, kulay-abo, at kulay kahoy. Lamang ang kulay puti sa dingding, kulay-abo naman ang mga couch at ilang kagamitan, at kulay kahoy ang sahig. May mga minimalist painting namang nakadikit sa iilang dingding. Hawak ang dalawang maleta sa magkabilang kamay, dumiretso ako sa kwarto. Hindi ko na naman mapigilang mapanganga at humanga. Mas maganda at malaki ito kumpara sa dati kong kwarto. Malinis at wala masyadong dekorasyon. Kulay puti ang buong bedsheet at mga unan. May maliit namang

    Last Updated : 2021-09-18
  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 12

    Hinila ko siya palabas para makausap siya ng maayos. Nakakunot ang noo habang magkasiklop ang dalawang braso ko siyang tinitigan ng masama. Ayokong pati rito sa trabaho ay makikita ko ang pagmumukha niya. Wala man lang akong mabasang emosyon sa kanyang mukha. Nakatingin lang siya ng diretso sa akin na para bang sinasaulo niya pati ang kulubot ko sa mukha. “Sayamanmong‘yan,magtatrabahokasaganitongpizzaparlor?” “Magkapitbahay na tayo, bakit nandito ka pa rin?” I paused. Ilang segundo bago ko nakuha ang pinupunto niya. “Tsk, syempre nagtatrabaho ako para mabayaran ko ‘yong condo” “Exactly” “Anongexactlly?” “I’mworkingforthatsamereason” Napamaang ako. Sa yaman niya, magtiyatiyaga pa talaga siya sa ganitong klaseng trabaho? Kung wala na siyang pera eh ‘di sana ibenta na lang niya itong kotse niya. “Tsk, hindi ako naniniwala sa rason

    Last Updated : 2021-09-21
  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 13

    YOHANN MIN's POV I can’t help myself but to stare the dazzling moon above us. Bigla akong may naalala. It happened around October, year 2009. “Themoonisbeautifulisn’tit?” Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses at nagulat nang makitang nakatayo si Laine sa gilid ko. I didn’t see her dahil na rin sa dilim sa parteng ito ng school building. Nag-angat ulit ako sa buwan na kanina ko pa pinapanood. Parang nagbago ito sa paningin ko dahil sa sinabi niya. I sighed matapos mapansin ang paninitig niya sa akin. “Bakitkanandito?” “Pinapapunta na kasi lahat ng students sa gym” napapahiyang sagot niya. “Sira kasi ang mic sa sound booth, baka hindi mo narinig ang announcement” “Maunakana” “S-Sabaynatayo?” “Asanangmgakaibiganmo?” “Nasagymnasilanglahat” “Where’sHosiah

    Last Updated : 2021-09-23
  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 14

    Agaran kong nailayo ang kamay sa kaliwang pisngi ni Yohann Min nang mapaaray siya sa ginawa kong paglinis sa sugat niya. Kumuha ulit ako ng panibagong bulak para linisin naman ang natuyong dugo sa gilid ng labi nito. Hindi ko na lang pinansin ang paninitig niya sa ginagawa ko. “Bakitmopakasiginawa‘yon?” “Angalin?” Sinalubong ko ang mga mata niya bago nagsalita. “Yung ginawa mo. You’re crossing the line, Yohann Min. Hindi mo naman kailangang gawin ‘yon” pagpapaintindi ko bago sinadyang idiin ang hawak na bulak sa gilid ng labi niya. Napaiwas siya dahil sa ginawa ko. “Tignan mo ‘tong nangyari ngayon sa mukha mo, tsk” “Hahayaanmolangnabastusinka?” “Hindi naman sa ganun” Nagbaba ako ng tingin sa first aid kit na hiniram ko rito sa opisina nila Amay at Greggy. “Hinayaan mo na lang sana. Wala naman akong pakialam sa sinasabi ng lalaking ‘yon” tawa ko. “You’re still

    Last Updated : 2021-09-25
  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 15

    YOHANN MIN's POV“Bro,whereareyou?Iamwaitingforyouhereattheairport”“Idecidedtostayhere”“What?”“I’llstay”“Waitwaitwoo...w-what?Tamabanarinigko?”Ipinaradakosapinakagilidngkalsadaangsasakyan.“Dad needs you. Mas may tiwala pa nga ‘yon sa’yo kesa sa’kin. Why? What...What’s with that sudden change of mind, Yohann?”“I’mstayingformymom”“Isthatreallyyourreason?Orareyoutryingtoreachouttoheragain?”“Thisisnotabouther”mariinkongtugon.

    Last Updated : 2021-09-28

Latest chapter

  • Forgotten Scars of Love   Epilogue

    Lumuhod ako sa harapan ng kanyang puntod para itabi ang purong kulay puting mga rosas. Nagsindi ako ng kandila at mataimtim na nagdasal sa isip. Hinayaan ko ang sariling lamunin ng katahimikan habang tinititigan ang pagsayaw ng apoy dahil sa hangin. Paalis na ako ng sementeryo kung saan nakalibing si Jarenice nang matanaw ko sa malayo ang isang pamilyar na lalaki. Nakatayo siya sa harapan ng isang puntod. Awtomatiko akong napahinto sa gulat. Si Trystan. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Naramdaman niya agad ang presensya ko nang maglakad ako palapit sa kanya. Ngumiti kami sa isa’t-isa bago namin sabay na hinarap ang puntod ni Jin. Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng lungkot. Dito na ako galing kanina. “How are you doing lately, Rui?” Nilingon ko siya. “Maayos naman. Kumusta ka?” “Hmm. I’m doing well. Kakauwi ko lang galing Australia.” Nasa kay Jin siya nakatingin. Bagamat nakangiti ay kakikitaan ito ng lungkot. “I’m curious what he’s reaction back then. Akala ko bibisi

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 51

    a/n: Ito na po ang panghuling kabanata ng FSOL. Epilogue na ang kasunod. Maraming salamat at umabot ka dito^^ RUI's POV Nag-uunahan sa pagkalabog ang puso ko habang tinatahak namin ang daan papasok sa korte. Napapapikit ako sa mga flash ng camera. Panay ang sunod nila sa amin hanggang sa pigilan sila ng mga pulis. Bumaba ang tingin ko sa sahig dahil sa matinding kahihiyan. Nasa tabi ko si Trystan na siyang naging abogado ko magmula nang mamatay si Jin. Kahit anong pampalubag-loob ang sabihin nila, pakiramdam ko kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit namatay siya. May iilang pulis na nakabuntot sa amin. Isa na doon si Jalen na bigo ang mga matang nakamasid. May mga pulis din sa bawat sulok. Ganitong-ganito ang mga eksena katulad sa mga pelikula. Kaya lang, sa pagkakataong ito hindi ako ang bida. “RUI,ANAK!” Hinanap ko agad sa dagat ng tao ang boses na iyon at tumig

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 50

    TRYSTAN's POV “BeforeJindied,heaskedmetogiveyouthis.” Hindi ako makapaniwalang iyon na ang naabutan ko sa hospital. Halos lagutan na ako ng hininga makatakbo lang papunta dito. Nanginginig kong kinuha ang briefcase na palaging ginagamit ni Jin sa trabaho bago nalilitong tinitigan ang lalaking kaharap ko ngayon. Kasi baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig? Jin died? No. No. “I’m his brother. Younger. He...He wants you to handle his last case. You’re the Delatejera, am I right? I...I called you using my brother’s phone. Gusto ka niyang hintayin b-but...s-shit! This is so wrong. This is so fvcking wrong.” nasapo niya ang noo at umikot bago pantay ang kilay na tinuro ang hawak ko. “It’s odd to say this pero I think may koneksyon ang kasong iyan sa pagkamatay niya.” “Patay. Na. Si Jin?” umawang ang bibig ko. Napaatras ako at umiling. Magkasama pa kami kahapon. Kausap ko pa siya k

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 49

    Warning: Contains sensual scenes some readers will find disturbing. Mula sa marahan at mababaw na ha-lik ay lumalim ito. Nangatog ang aking mga paa at napakapit sa kanyang braso. Napadaing ako nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat at ipinatong sa kanyang kandungan. Ipinulupot ko ang aking dalawang braso sa kanyang leeg at naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga kamay sa aking bewang. Mariin kong ipinikit ang mga mata dahil sa kiliti at kakaibang sensasyon. Nakakabingi ang kalabog ng puso ko. Kinikilabutan ako at nalalasing lalo pa nang magsimulang mas lumalim at naging mapusok ang kanyang mga ha-lik. Wala sa sarili kong nasambunutan ang kanyang buhok nang bumaba ang kanyang ha-lik sa aking leeg. Napatingala ako at naghabol ng hininga. Nakagat ko ang labi para pigilan ang pagda-ing. May sariling mundo ang labi at mga kamay niya. Nang malapit na akong bumigay ay huminto siya. Gulat at nanghihina

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 48

    Nakokonsensyaako...Isinandal ko ang likod sa upuan at pumikit. Ngayon ko lang tuluyang naramdaman ang pagod. Pero kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito siya. Dahil nakikita ko siya.NaramdamankoangpaghawakniYohannsakamayko.Nilingonkoagadsiya.“We’rehere.”Nanlumo ako nang matanaw ang bahay naming may ilaw. Ibig-sabihin no’n gising sila. “Mapapagalitan ka.” Sigurado ako. Pero umiling siya at siya pa mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Nauna siyang lumabas at mabilis na umikot para pagbuksan ako. Nabulabog kami nang agresibong bumukas ang gate at sumugod si mama. Gusto kong salubungin ang galit niya pero inilagay agad ako ni Yohann sa kanyang likuran. Natakpan ko ang bibig sa malakas na sampal ni mama sa kanya.“Walangya ka talaga! Kikidnapin mo pa anak ko!” Halos magwala siya na hinawakan agad ni papa.&nbs

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 47

    Bigo akong bumalik sa loob ng hospital. Walang Yohann Min ang nagpakita. Wala siya. Sinubukan kong hagilapin hanggang sa hindi na makayanan ng paghinga ko. Sumisikip ito at natatakot akong baka magkatotoo nga ang sinabi ni Amay na ma-eextend ako rito.Kapagnakalabasakomag-uusaptayo,Yohann.Naiinisnaakoalammobaiyon?Tumingala ako at suminghap. Tuyo na rin ang mga luhang iniyak ko kanina. Para akong nakalutang sa ere habang naglalakad sa mahabang hallway hanggang sa matigilan dahil sa lalaking naka-wheelchair sa aking harapan.May suot siyang arm sling sa kaliwang braso. Nakabandage ang ulo at may mga pasa sa mukha. Seryoso ang paninitig niya sa akin kaya naningkit ang aking mata hanggang sa mapamilyaran ang mukha niya.Naghintay akong magsalita siya pero walang nangyari. Baka siguro nakaharang lang ako sa daraanan niya kaya siya tumigil at nagalit. Napalunok ako

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 46

    RUI's POV Ilaw... Sa una ay malabo pero nang subukan kong ikurap ang mga mata ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na ilaw mula sa kisame. Sinubukan kong gumalaw pero pakiramdam ko lahat ng parte ng aking katawan ay paralisa. Doon ko lang namalayang hindi ko kwarto ang lugar na ito. Isang matining na ingay ng makina ang sumasakop sa buong paligid. May parang pumapatak na tubig kung saan. Isang lugar lang ang naiisip ko. Hospital. “R-Rui...” Dahan-dahan kong itinagilid ang ulo kung saan ko narinig ang nauutal niyang boses. Kahit lumabo ulit ang paningin ko, kilala ko na agad. “Jalen.” namaos ang aking boses. Napatayo siya at parang nataranta. Lumuhod siya sa sahig at hinawakan ang isang kamay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang nakatusok sa kamay ko. Ilang beses ko siyang narinig na mahinang nagmura pero nandoon ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata habang tinititigan ako. “Shit. I didn’t see this coming.”

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 45

    YOHANN's POV ‘N-Natatakotakosa’yo...’ Mabilis kong pinatay ang shower at hinihingal na napatukod. Naikuyumos ko ang mga kamay at napasuntok sa malamig na semento. If only I could, Rui. If only I could tell you everything, the details—everything! Pero, ayokong malaman mo ang lahat. Ayokong masaktan ka. Ayokong...mawasak ka. Kahit ako na lang. Anong oras silang matatapos? 10pm na, ah. Nag-eenjoy ba siya? Dinner lang naman ‘di ba? Bakit natagalan? Damn, I sound so desperate. Nabuhayan ako ng loob at napaayos sa pagkakasandal sa pinto ng condo niya. Tumatawag si Rui. Tumatawag siya. “H-Hello?” “YohannMin?SiYohannMin‘to,tamaba?” Napasinghapakonghangin.BakitnasaTrystannaitoangcellphoneniya?“Bakit?” “SiTrystan‘to.” “I know. Bakit na sa’yo ang cellphone niya?” Kum

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 44

    RUI's POV “H-Hello?”namamaoskongsagot. “Rui, may sakit ka?” Bakas sa boses ni Amay ang pag-aalala. Umiling ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. “Ba’t ganyan boses mo?” Napalunok ako ng laway. Yakap ko pa rin ng mahigpit ang unan. Parang babagsak ang mata ko sa sobrang bigat. “Kakagising ko lang.” “Ay, sorry nagising kita. ‘Di mo kasi sinasagot kanina pa.” Humina ang boses niya at natahimik. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko pero ongoing pa rin iyong tawag. “H-Hello, Amay?” “Yung totoo, Rui. Anong problema?” Ipinikit ko ang mata. “Nag-away ba kayo ni Yohann? Tinatawagan ko, ‘di na rin sumasagot. Ang sabi niya pupuntahan ka raw niya diyan. ‘Di ba kayo nagkita? O nandiyan siya?” “Wala.” iyon lang ang nasabi ko sa maraming tanong niya. Tumahimik ulit ang kabila. Para bang tinitimbang niya ang naging sagot ko o saan sa mga tanong niya ang sinagot ko. Hanggang sa narin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status