Share

Kabanata 03

Author: Lunallilly
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Nakalimutan mo yata ang sinabi ko”

Inis kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking braso at nagmadaling lumabas. Nandidilim ang mga mata ko habang tinatanaw ang pagmamadali ng dalawang ahas sa malayo. 

Kumuyumos ang mga kamay ko. Buong lakas akong sumigaw dahilan para kumaripas sila ng takbo. Hindi naman ako nagpahuli at hinabol sila. Naabutan ko sila kaya nahila ko ang  mahabang buhok ng kasama ni Marky. 

“Rui!” awat ni Marky pero hindi ko siya pinakinggan at kinaladkad pa ang babae. Naririnig ko na rin ang pagsigaw ng mga kasamahan ko sa trabaho. Habol ko na ang hininga. Nakakarindi ang tili ng babaeng ito na pinipilit makawala sa kamay ko. 

Napasigaw at halos maluha ako sa sobrang sakit nang mahila niya rin ang buhok ko. 

“Rui, tama na ‘yan ano ba!” 

“Ano bang meron ‘to, bakit pinagpalit mo ‘ko sa higad na ‘to, Marky ha?!” 

“Pera Rui! Pera! Omg ayan na!” boses ni boss Amay ang sumagot.

Tumilapon ako sa lupa nang buong pwersa akong naitulak ng babaeng ito palayo. Nakita ko kung paano siya mabilis na nilapitan ni Marky. Kung tutuusin ay mas malala pa nga akong napuruhan. Gusto kong hindi paniwalaan ang nakikita ko ngayon. Paano siya mabilis na nakahanap ng iba? Sa bakla pa?

Pera rin ba ang habol niya sa akin noon pa? Ngayon na wala akong maibigay sa kanya maghahanap siya ng iba?

Tumayo ako sa sariling mga paa at naluluha silang pinanood. Bago ko pa sila masugod ay may humarang na sa daraanan ko. 

“Hayaan mo na” si Yohann Min na naman. Inilingan ko siya at itinulak palayo pero hindi siya nagpatinag sa harapan ko. 

“Give way —

“No”

“I said—

“No—

“Ano ba!”

Sinubukan ko siyang itulak ulit pero hinawakan niya ang mga braso ko. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi para lang hindi ko siya mamura sa pangingialam niya. Sa huli ay idinaan ko na lang sa tawa ang magkahalong inis at galit sa mga taong ito. 

“Go! Hinarangan na ako oh? Umalis na kayo mga putangina niyo!” buong lakas na sigaw ko. Hinarap ko ulit si Yohann Min nang suwayin niya ang pagmumura ko. 

Alam kong maraming tao ang nanonood ngayon sa eskandalong sinimulan ko. 

“May bago ka na rin naman ah”

Napalingon ulit ako kay Marky dahil sa sinabi niya. Pinasadahan niya si Yohann Min mula ulo hanggang paa bago ako ningisihan. “Mayaman ah?”

Binitawan ng lalaking ito ang mga braso ko. Kinabahan ako bigla nang harapin niya si Marky. Nakita ko kung paano unti-unting nawala ang kanyang nakakalokong ngisi kay Yohann Min.

“How do you met him, huh? Rui? Woah. Sasakyan mo ‘yong itim na Toyota Fortuner?”

Napasinghap ako ng hangin at tumingala sa langit. Na para bang pinaparatangan niya akong magkatulad lang kami. Na pera lang din ang habol ko sa lalaking ito. 

Susugurin ko ulit sana siya sa sobrang pagkainis nang mahuli na naman ni Yohann Min ang braso ko. Bumaba ang kanyang kamay patungo sa aking palad at pinagsiklop ang aming mga daliri sa mismong harapan ni Marky. Sa gulat ay napatingala ako sa kanya. Nasa kay Marky naman siya seryosong nakatingin. Nagpapalit-palit ako ng tingin sa dalawa. 

“Don’t worry, I never touches her. We never even had sex. Sa’yo na ‘yan. Take her for me” nakakalokong ngisi ulit ni Marky sa kanya, bago nagbaba ng tingin sa akin. Halos maghabol ako ng hininga sa matinding pagpipigil. Ang kapal ng mukha niyang magsalita ng ganito habang pinapanood kami ng maraming tao.

Gustung-gusto ko siyang sampalin. Gustung-gusto kong makaganti. Kung may lakas lang sana ako ng loob para gawin ito. Sa buong relasyon namin ay wala akong ibang ginusto kung hindi ang maging masaya siya, mabigay ang luho niya. Lahat ibinigay ko maliban sa pagkababae ko dahil gusto kong ibigay iyon sa taong papakasalan ako. Mukhang masyado ata akong nakampante na siya na iyon. Akala ko ay ayos lang sa kanyang maghintay. Kaya ba pinagpalit niya ako?

Hinayaan ko si Marky at ang kasama niyang talikuran ako. Doon na tuluyang nagsipaghulugan ang mga luha ko. 

“Yan yung iniyakan mo, Miss? Seriously?”

Napapikit ako. Gamit ang malayang braso, inis kong pinunasan ang aking mga luha bago tinanggal ang kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko. Nagmamadaling bumalik ako sa loob ng pizza parlor. Narinig ko ang pagsigaw at paghabol sa akin ng mga katrabaho ko. 

“Rui naman, nagmumukha kang desperada!” sigaw ni boss Greggy. “Sa gandang mong ‘yan, naghahabol ka sa galunggong!”

Nanghihinang naupo ako sa pinakagilid na pwesto at napatago sa mga palad. Mariin kong pinikit ang mga mata. 

“Uy, hi sir! Oorder ba ulit kayo ng pizza?”

Napadilat ako at inis na nilingon ang pinto. Nakita kong nakatayo sa bukana si Yohann Min, pinapanood ako. Noong una ay narinig niya akong magmakaawa, ngayon naman ay nakita niya akong mag-eskandalo, umiyak, at maging desperada. 

“Kukunin ko lang yung mga pizza ko” 

“Let me help you, sir!”

“Thanks”

Yumuko ako sa mesa at doon tahimik na umiyak. Sana heto na ang huling iyak mo, Rui. 

“Thank you for ordering, sir! Come again!”

Para akong lantang gulay nang maupo sa ibabaw ng sariling motor. Walang gana kong isinuot ang helmet bago matamlay na nilingon sila boss Greggy at Amay na paalis na rin. Ang totoo niyan, mga matatalik ko silang kaibigan kahit pa malayo ang mga agwat namin. Nagkakilala kaming tatlo sa mga raket, hanggang sa nakapagdesisyon silang magtayo ng sariling pizza business. Iisang branch lang ang meron sila pero malaki ang pangarap ng dalawang bakla. Balak atang pantayan ang mga sikat na pizza sa bansa.

Bukod kina Amay at Greggy ay may isa pa akong matalik na kaibigan, si Jalen Park. Kahit pure-blooded Korean ang pareho niyang mga magulang ay dito siya sa Pilipinas pinalaki at pinag-aral ng mga ito. Mula pa noong highschool ay magkakilala na ang pareho naming mga magulang.

“Ingat sa pagmamaneho, Rui!”

Kinawayan ko sila Amay at Greggy bago tuluyang pinaandar ang motor. Imbes na dumiretso ng uwi ay lumihis ako sa ibang daan para makapagpahangin. 

Ipinara ko ang motor sa ilalim ng malaking puno. Totoo nga ang sabi nila Amay. Tahimik at kaunti lang ang dumaraang tao dito. Kailangan ko raw ng ganito kalaking space para makapag-isip ng tama, tsk.

Nasalubong ko kaagad ang malamig na ihip ng hangin nang hubarin ko ang aking helmet. Tinanggal ko sa pagkakatali ang maikli kong buhok at hinayaang liparin ito ng hangin. Huminga ako ng malalim bago tumingala sa langit. Masyadong maganda ang panahon para umiyak na naman. 

“Mag move-on ka na, Rui.” bulong ko sa sarili.

Matagal ko na ring hindi nabibigyan ng ganitong pahinga ang sarili dahil sa pagiging abala sa trabaho. Hindi pa sapat ang naipon kong pera para makabili ng ticket papuntang Paris. Syempre may mga expenses din na kailangan kong paghandaan. 

Kung hindi siguro ako naging baliw sa lalaking iyon, mas malaki na nga siguro ang naipon ko.  

Pera at virginity lang pala ang habol niya. Bakit pa nga ba ako nagpakagaga? 

Naagaw ng mga palaboy na bata ang atensyon ko. Abot tenga ang mga ngiti nila habang may mga hawak na isang slice ng pizza sa kamay. Pinanood ko sila habang dumaraan sa harapan ko. 

Saan naman kaya sila nakakuha ng pizza? May malapit ba na pizza parlor dito? Oh baka naman...

”Psst! Bata. Saan mo nakuha ‘yan?” 

Huminto sa mismong harapan ko ang isang batang lalaking mga nasa edad pitong taong gulang. Marungis ang kanyang mukha, wala sa ayos ang suot na damit pang-itaas at pang-ibaba. Iisang tsinelas lang din ang suot nito sa paa. Inosente niya akong tiningala habang ngumunguya. May bahid pa ng ketchup ang pisngi niya.

“Yung pizza” ininguso ko ang hawak niya. Awtomatiko niyang tinago ito. Gusto ko tuloy matawa. Tumayo ako at lumuhod sa kanyang harapan. “Sinong nagbigay?”

Itinuro niya ang isang daan bago niya ulit ako hinarap. “May namimigay po ng pizza roon. Gusto niyo po?”

“Ha?” napanganga ako. Hindi na ako nakatanggi pa nang hawakan niya bigla ang kamay ko at hinila. Nagpatianod ako sa kanya. Mas dumami pa ang mga nakasalubong kong mga batang kasing-edad niya. 

Mukhang may nagpapakain sa mga bata. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa matanaw ko sa malayo ang isang kulay itim na sasakyan. Awtomatiko akong napahinto matapos mapamilyaran ang sasakyan at ang tao sa loob nito. 

“Yohann Min?” wala sa sarili kong naiusal. Nagbaba ako ng tingin sa bata nang hilahin niya ang kamay kong hawak niya.

“Ayun po yung namimigay!” walang kasing saya niyang dinuro ito. 

Napalunok ako. Ganoon na lang kasaya ang mga batang ito habang kumakain ng pizza. Halos lahat sa kanila ay marungis at payat. May isang batang karga-karga pa ang kanyang nakababatang kapatid habang kumakain sa tabi. Abot langit ang mga ngiti nito. Parang piniga ang puso ko habang pinapanood sila.

Itinuon ko sa lalaking namimigay ng pizza ang paningin. Hindi katulad sa nauna naming pagkikita ay masyadong iba ang awra niya ngayon. Masyadong mabait ang kanyang mukha sa harapan ng mga musmos na bata. Maliwanag at maganda ang pagkakangiti. Side feature lang ng kanyang mukha ang nakikita ko, pero sapat na ‘yon para malamang totoo ang pinapakita niya. 

Wala sa sarili akong napaatras nang buksan niya ang pinto ng sasakyan at lumabas. He folded his white sleeves hanggang sa siko bago binuksan ang panibagong box ng pizza sa harapan ng mga batang tuwang-tuwa. Nakumpirma kong sa amin nga galing ang pizza dahil sa nakita kong logo sa puting kahon. 

Nagbaba ako ng tingin sa bata nang hilahin na naman niya ang kamay ko. “Dali, kain tayo ate. Tara! Kuya, may gustong humingi ng pizza!”

Pinigilan ko ang pag-abante namin. Aalis na sana ako nang mapalingon na si Yohann Min sa kinatatayuan namin. Kinagulatan namin ang presensiya ng isa’t-isa. Nakita ko kung paano unti-unting nawala ang kaninang magandang ngiti niya.

Related chapters

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 04

    “Kuya,maygustonghumingingpizza!” “Di ah!” sigaw ko sa bata. Nataranta ako bigla nang magsimulang humikbi ang bata hanggang sa ito ay tuluyang umiyak. Patakbo siyang lumapit kay Yohann Min at nagtago sa kanyang likuran napara bang nagsusumbong siya sa ama. Ipinagkrus ko ang mga braso habang pinapanood siyang lumuhod sa lupa para patahanin ito. Sumama ang tingin sa akin ni Yohann Min dahilan para tumaas kaagad ang kanang kilay ko. “Hindi ko inaway ‘yan” “Perosinigawanmo” “Malaykobangsensitive‘yan” “Bata‘to” “Eh ano naman?” pagtataas ko ng noo. He stares me na para bang siya na ang pinakadakilang magtatanggol sa mga naaapi. Hindi ko naman talaga inaway ang bata eh, napataas lang talaga ang boses ko, tsk. “Mag-sorryka” “What?” “Sabata” “Eh hindi ko nga inaway ‘yan” inis ko. Napapikit ako. “Pasensya na, bata”

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 05

    “Gwaenchana?”“Gwen...ano?”utalko.Muntikannaakongmatumbanangbitawanniyamulasamahigpitnapagkakahawakangmgabalikatko.Nandidirikonamangpinunasanangpartengnahawakanniyasadamitko.“Before, wrong number and now wrong unit? tss” sabay iling pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin at pahagis na ibinigay sa kanya ang hawak kong paper bag. Iniharang niya bigla ang kanyang buong katawan sa pinto nang subukan kong lumabas.“Uwinaako”“No”“Tumabikanga!”“No”“Isaid—“No”“Bakitba?!”“Youdidn’tthankmeyet”natigilanakosas

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 06

    Bumaba ang seryoso niyang mga mata sa labi ko kaya napalunok ako. “You want me to kiss you?” usal niya bago muling naglakad nang nakapamulsa. Napakurap ako bago siya mabilis na sinundan. “K-Kantalang‘yon”utalko.“Feelingmonaman” “Pa’nongaulit‘yon?Ah,forgetfulRui...” Sumamaangmukhakodahilsasamarinngbosesniya.“Lucy‘yon!” “Lushi?” “Anonglushi?Lucy!” “Lushinga” “Lucy!” “Lushingasabiko”aniyakayanapangangaako.“Youwantmetospellit?” “’Wagna!KatungogparinngshiangletterCmo” “El,yu,shi...”nilingonniyaako.“Way” “Oh‘diba?Kungmakalait

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 07

    “Jalen?” hindi makapaniwalang usal ko. Lumawak ang kanyang ngiti. Halatang lasing na ang mga mata. Nagbaba ulit ako ng tingin sa mesa niya bago siya nagtatakang pinasadahan ng tingin. “Anong meron?” Nakangusoniyanghinawakanangdibdib.“Brokenheartedako” “Ikaw? Brokenhearted?” mabilis na nangunot ang noo ko. Pinagkrus ko ang mga braso nang hindi siya sumagot, panay nguso. “Bago ‘yan ah?” Ngayon lang ata siya nagkaganito dahil sa isang babae. “Eh ‘di sa wakas nakahanap ka na rin ng katapat mo?” “Ruinaman” Natatawang umiling ako. Kaya ba kinukulit niya ako kanina na samahan siya? Kasi heto brokenhearted kunu siya? “Uminom ka na lang diyan, balik na ‘ko dun” tatalikuran ko na sana siya nang tawagin niya ako. “Oh?” “So,waitresskadito?” "O-Oh, ngayon lang” napapahiyang nakamot ko ang sentido. ”Wag mong sasabihin ‘to kay mama, ah?” “Tsktskokay.Kailan&nbs

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 08

    YOHANN MIN's POV All seem blurry as I tried to open my eyes. I could hear unfamiliar voices na sigurado akong nasa malapit lang. Sinubukan kong gumalaw sa kinahihigaan para makita ang mga taong nandito pero kaagad din akong napaatras nang makitang halos lahat ng mga mata nila ay nakapako sa akin. Napaimpit ako sa sakit nang tumama ang ulo ko sa malamig na metal bar ng...kulungan? Naguguluhan akong napaharap ulit sa kanila nang biglang kumirot ang ulo ko. Sumakit bigla ang panga ko nang subukan ko namang magsalita. What happened? Mabilis akong napatayo at napahawak sa metal bar nang tawagin ng papalapit na pulis ang aking pangalan. “Bakitakonandito?” “Maynag-reportsa’yokagabi” “Who?” “Babae” Doon lang siya nag-angat ng tingin sa’kin nang mabuksan na niya ang pinto. Naguguluhan pa rin akong napatitig sa kanya at sa buong paligid. “May nakapagpiyansa sa iyo.” ngiwi niya. “Kapag mayayaman nga naman

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 09

    Nilingon ko ang buong pamilya namin na ngayon ay may mga ngiti na sa labi. Magsasalita na sana ako nang tumayo si Jalen hawak pa rin ang kanang kamay ko. Aligaga akong tumayo at sumunod sa kanya sa labas matapos makapagpaalam ni Jalen sa lahat. Ramdam ko ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ko habang nagmamadali kaming lumabas. Habol naming pareho ang hininga nang tuluyan na kaming makalayo-layo sa bahay. Inis ko siyang pinanood habang siya ay nakatingala nang sumandal sa sementadong pader. “Anongmagpapakasal?Jalen,mayalamkabasaplanonila?” “Kailangankongsabihin‘yonparatumigilnasila.I’msorry” “Alammonaman— “I know, Rui, I know. I don’t like the idea either, tsk. We’re getting married? Seriously?" Naaasar ko siyang hinampas sa braso. “Pwede naman nating sabihin ‘yong totoo na malayo sa iniisip nila ang relasyon nat

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 10

    YOHANN MIN's POV (September,2009) Nawala ako bigla sa tono matapos mapindot ang maling key ng piano dahil sa malakas na pagbagsak ng kung anumang bagay dito sa madilim na music room. Awtomatiko akong napatayo sa kinauupuan para hanapin ang may pakana ng ingay. Kinabahan ako nang maaninagan ang nakatayong tao sa pinakamadilim na parte ng kwarto. “S-Sorry,natakotbakita?” Lumayo kaagad ako sa piano. Ensaktong binuksan niya ang ilaw at tumambad sa akin ang isang babae. Hawak ng kanang kamay niya ang tuhod habang nasa ulo naman ang kaliwang kamay. Bahagyang nakapikit ang kaliwa niyang mata habang nakatingin sa akin. Napansin ko ang pamumula ng kanyang tuhod at ang nagkalat na mga kagamitan sa mismong kinatatayuan niya. Hindi malabong natamaan siya dahil sa pagkakahulog ng mga ito. Tinalikuran ko siya at tinakpan muli ng puting tela ang piano. Isinabit ko ang dalang bag sa balikat at lalabas n

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 11

    Nakangiti akong pinagbuksan ng guard at tinulungan sa dalawang maletang dala. Puno ng paghanga kong pinalibutan ng tingin ang bawat parteng madapuan ng aking mga mata. Iginiya kaagad nila ako sa 6th floor papunta sa condo unit na aking titirhan. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanilang lahat pagkatapos. Sa huli ay naiwan akong mag-isang nakatayo dito sa malaking sala. “Home sweet home, Rui” nakangiting usal ko habang pinapasadahan ng tingin ang lugar. Tatlong kulay ang meron; puti, kulay-abo, at kulay kahoy. Lamang ang kulay puti sa dingding, kulay-abo naman ang mga couch at ilang kagamitan, at kulay kahoy ang sahig. May mga minimalist painting namang nakadikit sa iilang dingding. Hawak ang dalawang maleta sa magkabilang kamay, dumiretso ako sa kwarto. Hindi ko na naman mapigilang mapanganga at humanga. Mas maganda at malaki ito kumpara sa dati kong kwarto. Malinis at wala masyadong dekorasyon. Kulay puti ang buong bedsheet at mga unan. May maliit namang

Latest chapter

  • Forgotten Scars of Love   Epilogue

    Lumuhod ako sa harapan ng kanyang puntod para itabi ang purong kulay puting mga rosas. Nagsindi ako ng kandila at mataimtim na nagdasal sa isip. Hinayaan ko ang sariling lamunin ng katahimikan habang tinititigan ang pagsayaw ng apoy dahil sa hangin. Paalis na ako ng sementeryo kung saan nakalibing si Jarenice nang matanaw ko sa malayo ang isang pamilyar na lalaki. Nakatayo siya sa harapan ng isang puntod. Awtomatiko akong napahinto sa gulat. Si Trystan. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Naramdaman niya agad ang presensya ko nang maglakad ako palapit sa kanya. Ngumiti kami sa isa’t-isa bago namin sabay na hinarap ang puntod ni Jin. Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng lungkot. Dito na ako galing kanina. “How are you doing lately, Rui?” Nilingon ko siya. “Maayos naman. Kumusta ka?” “Hmm. I’m doing well. Kakauwi ko lang galing Australia.” Nasa kay Jin siya nakatingin. Bagamat nakangiti ay kakikitaan ito ng lungkot. “I’m curious what he’s reaction back then. Akala ko bibisi

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 51

    a/n: Ito na po ang panghuling kabanata ng FSOL. Epilogue na ang kasunod. Maraming salamat at umabot ka dito^^ RUI's POV Nag-uunahan sa pagkalabog ang puso ko habang tinatahak namin ang daan papasok sa korte. Napapapikit ako sa mga flash ng camera. Panay ang sunod nila sa amin hanggang sa pigilan sila ng mga pulis. Bumaba ang tingin ko sa sahig dahil sa matinding kahihiyan. Nasa tabi ko si Trystan na siyang naging abogado ko magmula nang mamatay si Jin. Kahit anong pampalubag-loob ang sabihin nila, pakiramdam ko kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit namatay siya. May iilang pulis na nakabuntot sa amin. Isa na doon si Jalen na bigo ang mga matang nakamasid. May mga pulis din sa bawat sulok. Ganitong-ganito ang mga eksena katulad sa mga pelikula. Kaya lang, sa pagkakataong ito hindi ako ang bida. “RUI,ANAK!” Hinanap ko agad sa dagat ng tao ang boses na iyon at tumig

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 50

    TRYSTAN's POV “BeforeJindied,heaskedmetogiveyouthis.” Hindi ako makapaniwalang iyon na ang naabutan ko sa hospital. Halos lagutan na ako ng hininga makatakbo lang papunta dito. Nanginginig kong kinuha ang briefcase na palaging ginagamit ni Jin sa trabaho bago nalilitong tinitigan ang lalaking kaharap ko ngayon. Kasi baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig? Jin died? No. No. “I’m his brother. Younger. He...He wants you to handle his last case. You’re the Delatejera, am I right? I...I called you using my brother’s phone. Gusto ka niyang hintayin b-but...s-shit! This is so wrong. This is so fvcking wrong.” nasapo niya ang noo at umikot bago pantay ang kilay na tinuro ang hawak ko. “It’s odd to say this pero I think may koneksyon ang kasong iyan sa pagkamatay niya.” “Patay. Na. Si Jin?” umawang ang bibig ko. Napaatras ako at umiling. Magkasama pa kami kahapon. Kausap ko pa siya k

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 49

    Warning: Contains sensual scenes some readers will find disturbing. Mula sa marahan at mababaw na ha-lik ay lumalim ito. Nangatog ang aking mga paa at napakapit sa kanyang braso. Napadaing ako nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat at ipinatong sa kanyang kandungan. Ipinulupot ko ang aking dalawang braso sa kanyang leeg at naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga kamay sa aking bewang. Mariin kong ipinikit ang mga mata dahil sa kiliti at kakaibang sensasyon. Nakakabingi ang kalabog ng puso ko. Kinikilabutan ako at nalalasing lalo pa nang magsimulang mas lumalim at naging mapusok ang kanyang mga ha-lik. Wala sa sarili kong nasambunutan ang kanyang buhok nang bumaba ang kanyang ha-lik sa aking leeg. Napatingala ako at naghabol ng hininga. Nakagat ko ang labi para pigilan ang pagda-ing. May sariling mundo ang labi at mga kamay niya. Nang malapit na akong bumigay ay huminto siya. Gulat at nanghihina

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 48

    Nakokonsensyaako...Isinandal ko ang likod sa upuan at pumikit. Ngayon ko lang tuluyang naramdaman ang pagod. Pero kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito siya. Dahil nakikita ko siya.NaramdamankoangpaghawakniYohannsakamayko.Nilingonkoagadsiya.“We’rehere.”Nanlumo ako nang matanaw ang bahay naming may ilaw. Ibig-sabihin no’n gising sila. “Mapapagalitan ka.” Sigurado ako. Pero umiling siya at siya pa mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Nauna siyang lumabas at mabilis na umikot para pagbuksan ako. Nabulabog kami nang agresibong bumukas ang gate at sumugod si mama. Gusto kong salubungin ang galit niya pero inilagay agad ako ni Yohann sa kanyang likuran. Natakpan ko ang bibig sa malakas na sampal ni mama sa kanya.“Walangya ka talaga! Kikidnapin mo pa anak ko!” Halos magwala siya na hinawakan agad ni papa.&nbs

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 47

    Bigo akong bumalik sa loob ng hospital. Walang Yohann Min ang nagpakita. Wala siya. Sinubukan kong hagilapin hanggang sa hindi na makayanan ng paghinga ko. Sumisikip ito at natatakot akong baka magkatotoo nga ang sinabi ni Amay na ma-eextend ako rito.Kapagnakalabasakomag-uusaptayo,Yohann.Naiinisnaakoalammobaiyon?Tumingala ako at suminghap. Tuyo na rin ang mga luhang iniyak ko kanina. Para akong nakalutang sa ere habang naglalakad sa mahabang hallway hanggang sa matigilan dahil sa lalaking naka-wheelchair sa aking harapan.May suot siyang arm sling sa kaliwang braso. Nakabandage ang ulo at may mga pasa sa mukha. Seryoso ang paninitig niya sa akin kaya naningkit ang aking mata hanggang sa mapamilyaran ang mukha niya.Naghintay akong magsalita siya pero walang nangyari. Baka siguro nakaharang lang ako sa daraanan niya kaya siya tumigil at nagalit. Napalunok ako

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 46

    RUI's POV Ilaw... Sa una ay malabo pero nang subukan kong ikurap ang mga mata ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na ilaw mula sa kisame. Sinubukan kong gumalaw pero pakiramdam ko lahat ng parte ng aking katawan ay paralisa. Doon ko lang namalayang hindi ko kwarto ang lugar na ito. Isang matining na ingay ng makina ang sumasakop sa buong paligid. May parang pumapatak na tubig kung saan. Isang lugar lang ang naiisip ko. Hospital. “R-Rui...” Dahan-dahan kong itinagilid ang ulo kung saan ko narinig ang nauutal niyang boses. Kahit lumabo ulit ang paningin ko, kilala ko na agad. “Jalen.” namaos ang aking boses. Napatayo siya at parang nataranta. Lumuhod siya sa sahig at hinawakan ang isang kamay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang nakatusok sa kamay ko. Ilang beses ko siyang narinig na mahinang nagmura pero nandoon ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata habang tinititigan ako. “Shit. I didn’t see this coming.”

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 45

    YOHANN's POV ‘N-Natatakotakosa’yo...’ Mabilis kong pinatay ang shower at hinihingal na napatukod. Naikuyumos ko ang mga kamay at napasuntok sa malamig na semento. If only I could, Rui. If only I could tell you everything, the details—everything! Pero, ayokong malaman mo ang lahat. Ayokong masaktan ka. Ayokong...mawasak ka. Kahit ako na lang. Anong oras silang matatapos? 10pm na, ah. Nag-eenjoy ba siya? Dinner lang naman ‘di ba? Bakit natagalan? Damn, I sound so desperate. Nabuhayan ako ng loob at napaayos sa pagkakasandal sa pinto ng condo niya. Tumatawag si Rui. Tumatawag siya. “H-Hello?” “YohannMin?SiYohannMin‘to,tamaba?” Napasinghapakonghangin.BakitnasaTrystannaitoangcellphoneniya?“Bakit?” “SiTrystan‘to.” “I know. Bakit na sa’yo ang cellphone niya?” Kum

  • Forgotten Scars of Love   Kabanata 44

    RUI's POV “H-Hello?”namamaoskongsagot. “Rui, may sakit ka?” Bakas sa boses ni Amay ang pag-aalala. Umiling ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. “Ba’t ganyan boses mo?” Napalunok ako ng laway. Yakap ko pa rin ng mahigpit ang unan. Parang babagsak ang mata ko sa sobrang bigat. “Kakagising ko lang.” “Ay, sorry nagising kita. ‘Di mo kasi sinasagot kanina pa.” Humina ang boses niya at natahimik. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko pero ongoing pa rin iyong tawag. “H-Hello, Amay?” “Yung totoo, Rui. Anong problema?” Ipinikit ko ang mata. “Nag-away ba kayo ni Yohann? Tinatawagan ko, ‘di na rin sumasagot. Ang sabi niya pupuntahan ka raw niya diyan. ‘Di ba kayo nagkita? O nandiyan siya?” “Wala.” iyon lang ang nasabi ko sa maraming tanong niya. Tumahimik ulit ang kabila. Para bang tinitimbang niya ang naging sagot ko o saan sa mga tanong niya ang sinagot ko. Hanggang sa narin

DMCA.com Protection Status