Hindi ko pinansin ang chat niya. Galit na galit na ako. Nararamdaman ko na ang pag-usok ng bunbunan ko. Ang isipin pa lang na magkasama silang nakaupo sa iisang table ay sobra na ang gigil na nararamdaman ko rito. Naikuyom ko na ang kamao. Ilang beses ko ng pinapatay sa isipan si Lailani. Humanda talaga siya sa akin. Ayusin niya ang sagot niya mamaya. Subukan lang niya akong kantiin at baka hindi ko mapigilang saktan siya. Ano naman kung mas matanda rin siya sa akin? Hindi iyon ang basehan. Ang tanong sino ang tama sa amin at kung sino ang mas may karapatan. Pagkababa ng taxi ay malalaki na ang mga hakbang na pinuntahan ko ang coffee shop. Habang papalapit ay nanlalamig na ang buong katawan ko. Sumidhi pa ang bumabalot na galit. Kilala ko ang sarili ko. Oras na hindi ko mapigilan ay sasabog talaga ako at magwawala. Pagtulak pa lang sa pintuan papasok ay ang mukha na agad ni Glyzel ang bumungad sa akin. Namumutla ito, nag-aalala habang pinagmamasdan kung ano ang hilatsa ng hitsura ko
Uminit pa lalo ang ulo ko ng naang-aasar ang mukhang tanggalin ni Lailani ang hawak niya sa braso ni Chaeus. Humalukipkip pa ito na lalo pang nagpakulo ng dugo ko. Ako pa talaga ang gusto niyang hamunin at tarayan ngayon? Sino ba siya sa akala niya? Ex-fiancee na lang naman siya! “Hoy Hilary, ayusin mo nga ang paraan ng pakikipag-usap mo kay—”“Hindi ikaw na babae ka ang kausap ko kaya pwede bang manahimik ka?!” malakas na sigaw kong dinuro siya, umalingawngaw ito sa paligid. Napapitlag si Lailani sa ginawa ko. Halatang hindi niya nagustuhan iyon. Ma-dramang napahawak pa ito sa dibdib na para bang inaatake ang gaga. Nilingon niya ang Tukmol na wala pa ‘ring reaction sa mukha kung hindi ang labis na pagkagulat. Dapat lang na kabahan sila dahil ‘pag ako ang hindi nakapagpigil ay panigurado at hindi ako mangingiming saktan ang babaeng ito kahit sa harapan pa ni Chaeus iyon. Hindi ako titigil hangga't hindi nauubos ang buhok niya! “Just wow! Mukhang mas lumala pa ang pagiging bratinel
Nang gabing iyon ay halos hindi ako makatulog. Sino ba namang makakatulog kung ang dami kong iniisip? Patong-patong iyon. Idagdag pa na walang patid ang pagbagsak ng aking mga luha. Kahit anong chat ang gawin ko kay Chaeus to explain my side ay hindi niya ako pinapansin. Hindi niya sini-seen kahit na online naman siya. Wala na yata siyang planong kausapin ako. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Deadma. “Sana man lang ay kausapin niya ako. Nasaktan din naman ako. Hindi lang ang babaeng iyon. Isa pa, siya ang saksi kung bakit ako nagalit sobra.”Kung tutuusin siya ang may kasalanan ng lahat. Hindi ko lang siya masisi at baka mas magalit. Ilang beses kong binalikan ang mga nangyari. Wala talaga akong mali. Silang dalawa ang may kasalanan kung bakit na ako sumabog sa galit. “Mahal niya ba talaga ako o kunwari lang lahat?”Tanghali na kinabukasan ng umuwi ako sa bahay. Wala pa rin dito sina Daddy at Azalea na hindi ko alam kung umuwi ba galing ng hospital o hindi. Nang tanungin k
Natameme na naman siya. Bagay na mas lalong nagpainis sa akin. Ayan na naman siya, hindi na naman makaimik. Kung ipapaliwanag lang niya sa akin ang lahat baka sakaling maintindihan ko. Hindi iyong ganito na para siyang walang dila. Hindi niya ba alam na lalong umiinit ang ulo ko? “Hilary, naroon ako sa coffee shop na iyon hindi para makipagbalikan—”Tumaas na agad ang presyon ko. Aba at gusto niya pang gawin na tama siya kahit na mali. “Huwag mo akong gawing bulag! Kitang-kita ko kung paano kayo magtawanan. Ganun ba ang hindi makikipagbalikan? Tapos noong hinawakan ka niya sa braso ni hindi ka tumutol man lang! Ano iyon? Lovers to friends? Walang ganun, Chaeus!”Naiiyak na naman ako dahil feeling ko ay na-take for granted lang ako. Ipinapaalala na naman niya ang nangyari sa amin na pilit kong kinakalimutan.“You know what? Ako dapat ang naglalabas ng sama ng loob sa'yo at hindi ikaw. Bakit parang sa akin mo isinisisi ang lahat? Sa ating dalawa, ako dapat ang nagwawala sa galit at hi
Humihikbing isinubsob ko na ang mukha sa table. Patuloy na umiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya ako sobrang emotional ngayon o dahil sa naipon na iyon sa dibdib ko at ngayon ko lang nagawang mailabas. Alam kong katawa-tawa na ang hitsura ko pero wala na akong pakialam. Mga kaibigan ko naman ang kaharap ko at hindi ibang tao. Marami na akong pinagdaanan sa buhay na alam nila at hindi ko na rin iyon ikinakahiya. Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob na hindi ko na kayang itago pa. Sila rin naman, transparent sila. “Hayaan mo na Shanael, si Hilary iyan. Parang di mo naman kilala. Hindi ka niyan papakinggan.” hawi ni Josefa dito na itinuloy lang ang tagay.Nagpatuloy pa akong maglabas ng sama ng loob kahit na parang hindi naman sila interesado at nakikinig sa mga pinagsasabi ko. Lasing na nga yata ako, ang iba kasi doon ay halos paulit-ulit na. “Oo nga, saka na lang natin kausapin kapag siya ay nasa tamang wisyo na. Mahirap makipagtalo sa lasing. Tayo lang ang mapupuno. Tayo
Napayakap ako sa sarili nang paglabas ko ng lobby ng building ay salubungin ako ng malamig na simoy ng hangin. Simula na ng ber months aya simula na rin iyon ng taglamig sa gabi. Mula iyon sa Hilaga. Pinagkiskis ko ang dalawang palad at ikinuskos ko iyon sa aking nakalantad na braso. Hindi nagawang bawasan ng ginawa kong pagyakap ang panunuot ng halik ng lamig sa kailaliman ng aking mga kasu-kasuan. Idagdag pa na manipis lang ang suot kong damit dahil nga sa naka-ready akong pumunta ng club kahapon. Ang siste, dito lang pala kami sa condo ni Glyzel hahantong. Laban na laban pa naman ang outfit ko na bagong bili, mini skirt iyon na hanggang kalahati lang ng aking bilugang mga hita. Kami lang naman pala ang magkakaharap-harap. “Nasaan na kaya siya? Wala man lang pasabi? Nagbago na talaga. Sobrang laki ng pagbabago.”Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala ni isang tao doon na pakalat-pakalat maliban sa isang guard na nagro-ronda sa paligid. Hindi ko na pinili pang mas lumabas dahil mas m
Dere-deretso pang nahulog ang aking mga luha habang magkahinang ang mga mata namin. Hindi ko na inabala ang sarili na punasan iyon. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ako nasasaktan ngayon nang dahil sa ginagawa niya. Hindi ako nagpapaawa o ano pa man. Gusto ko lang na makita niya kung ano ang hitsura ko sa tuwing nasasaktan niya ako. Baka sakali kasing makonsensiya siya at magising sa katotohanan. Sa mga sandaling iyon ay basag na basag ang damdamin ko. Gusto ko na lang tumakbo palabas ng cafe para doon ituloy at malakas na umiyak. Gusto ko ditong ilabas ang lahat. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. Sobrang titig na titig pa rin.Am I a joke to him?Suminok ako dahilan para mabilis siyang tumayo, binuhat ang baso ng tubig upang ibigay sa akin.“Tubig, Baby. Uminom ka muna—”Marahas na tinabig ko ang baso na inaabot niya, mabuti na lang at mahigpit ang hawak niya doon kaya hindi rin iyon natapon sa aming lamesa. “Alam mong hindi iyan ang kailangan ko, Chaeus!” may diin na sago
ZACCHAEUS PARKENSON POVParang kinakapos ang hingang napasabunot na ako sa ulo habang tinatanaw ang pag-alis ng taxi kung saan nakalulan si Hilary. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko dapat iyon ginawa. Bilang pakunswelo, sana man lang ay inihatid ko siya. Sobrang nafru-frustrate ako kaya napagbalingan ko na ang sasakyan. Ilang beses kong tinadyakan ang gulong noon. Galit na galit ako sa sarili. “You are the fucking asshole, Chaeus!”Nang mawala sa paningin ko ang taxi ay madali akong pumasok ng kotse. Ilang beses na sinapak ang manibela nito dahil ayaw sa aking makisama. Ayaw nitong umandar kung kailan nagmamadali ako ay saka pa. Doon ko na ibinaling ang lahat. “What's wrong with you? Come on, umandar ka!” bulalas kong ubos na ang natitirang pasensiya. Ilang beses ko pa iyong sinubukan. Muli kong ginulo ang buhok hanggang napasabunot ako. “Simpleng hiling lang iyon, wala kang magawa. Hindi mo maibigay! Isa at kalahati kang tanga! Napaka-ungas mo! Wala kang silbing tao!”Muli ko