Share

Chapter 76: Breakdown

Natameme na naman siya. Bagay na mas lalong nagpainis sa akin. Ayan na naman siya, hindi na naman makaimik. Kung ipapaliwanag lang niya sa akin ang lahat baka sakaling maintindihan ko. Hindi iyong ganito na para siyang walang dila. Hindi niya ba alam na lalong umiinit ang ulo ko?

“Hilary, naroon ako sa coffee shop na iyon hindi para makipagbalikan—”

Tumaas na agad ang presyon ko. Aba at gusto niya pang gawin na tama siya kahit na mali.

“Huwag mo akong gawing bulag! Kitang-kita ko kung paano kayo magtawanan. Ganun ba ang hindi makikipagbalikan? Tapos noong hinawakan ka niya sa braso ni hindi ka tumutol man lang! Ano iyon? Lovers to friends? Walang ganun, Chaeus!”

Naiiyak na naman ako dahil feeling ko ay na-take for granted lang ako. Ipinapaalala na naman niya ang nangyari sa amin na pilit kong kinakalimutan.

“You know what? Ako dapat ang naglalabas ng sama ng loob sa'yo at hindi ikaw. Bakit parang sa akin mo isinisisi ang lahat? Sa ating dalawa, ako dapat ang nagwawala sa galit at hi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
LavenderPen
Updated na po. Happy reading!
goodnovel comment avatar
Marivic Sancha
more updates please author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status