Natameme na naman siya. Bagay na mas lalong nagpainis sa akin. Ayan na naman siya, hindi na naman makaimik. Kung ipapaliwanag lang niya sa akin ang lahat baka sakaling maintindihan ko. Hindi iyong ganito na para siyang walang dila. Hindi niya ba alam na lalong umiinit ang ulo ko? “Hilary, naroon ako sa coffee shop na iyon hindi para makipagbalikan—”Tumaas na agad ang presyon ko. Aba at gusto niya pang gawin na tama siya kahit na mali. “Huwag mo akong gawing bulag! Kitang-kita ko kung paano kayo magtawanan. Ganun ba ang hindi makikipagbalikan? Tapos noong hinawakan ka niya sa braso ni hindi ka tumutol man lang! Ano iyon? Lovers to friends? Walang ganun, Chaeus!”Naiiyak na naman ako dahil feeling ko ay na-take for granted lang ako. Ipinapaalala na naman niya ang nangyari sa amin na pilit kong kinakalimutan.“You know what? Ako dapat ang naglalabas ng sama ng loob sa'yo at hindi ikaw. Bakit parang sa akin mo isinisisi ang lahat? Sa ating dalawa, ako dapat ang nagwawala sa galit at hi
Humihikbing isinubsob ko na ang mukha sa table. Patuloy na umiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya ako sobrang emotional ngayon o dahil sa naipon na iyon sa dibdib ko at ngayon ko lang nagawang mailabas. Alam kong katawa-tawa na ang hitsura ko pero wala na akong pakialam. Mga kaibigan ko naman ang kaharap ko at hindi ibang tao. Marami na akong pinagdaanan sa buhay na alam nila at hindi ko na rin iyon ikinakahiya. Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob na hindi ko na kayang itago pa. Sila rin naman, transparent sila. “Hayaan mo na Shanael, si Hilary iyan. Parang di mo naman kilala. Hindi ka niyan papakinggan.” hawi ni Josefa dito na itinuloy lang ang tagay.Nagpatuloy pa akong maglabas ng sama ng loob kahit na parang hindi naman sila interesado at nakikinig sa mga pinagsasabi ko. Lasing na nga yata ako, ang iba kasi doon ay halos paulit-ulit na. “Oo nga, saka na lang natin kausapin kapag siya ay nasa tamang wisyo na. Mahirap makipagtalo sa lasing. Tayo lang ang mapupuno. Tayo
Napayakap ako sa sarili nang paglabas ko ng lobby ng building ay salubungin ako ng malamig na simoy ng hangin. Simula na ng ber months aya simula na rin iyon ng taglamig sa gabi. Mula iyon sa Hilaga. Pinagkiskis ko ang dalawang palad at ikinuskos ko iyon sa aking nakalantad na braso. Hindi nagawang bawasan ng ginawa kong pagyakap ang panunuot ng halik ng lamig sa kailaliman ng aking mga kasu-kasuan. Idagdag pa na manipis lang ang suot kong damit dahil nga sa naka-ready akong pumunta ng club kahapon. Ang siste, dito lang pala kami sa condo ni Glyzel hahantong. Laban na laban pa naman ang outfit ko na bagong bili, mini skirt iyon na hanggang kalahati lang ng aking bilugang mga hita. Kami lang naman pala ang magkakaharap-harap. “Nasaan na kaya siya? Wala man lang pasabi? Nagbago na talaga. Sobrang laki ng pagbabago.”Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala ni isang tao doon na pakalat-pakalat maliban sa isang guard na nagro-ronda sa paligid. Hindi ko na pinili pang mas lumabas dahil mas m
Dere-deretso pang nahulog ang aking mga luha habang magkahinang ang mga mata namin. Hindi ko na inabala ang sarili na punasan iyon. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ako nasasaktan ngayon nang dahil sa ginagawa niya. Hindi ako nagpapaawa o ano pa man. Gusto ko lang na makita niya kung ano ang hitsura ko sa tuwing nasasaktan niya ako. Baka sakali kasing makonsensiya siya at magising sa katotohanan. Sa mga sandaling iyon ay basag na basag ang damdamin ko. Gusto ko na lang tumakbo palabas ng cafe para doon ituloy at malakas na umiyak. Gusto ko ditong ilabas ang lahat. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. Sobrang titig na titig pa rin.Am I a joke to him?Suminok ako dahilan para mabilis siyang tumayo, binuhat ang baso ng tubig upang ibigay sa akin.“Tubig, Baby. Uminom ka muna—”Marahas na tinabig ko ang baso na inaabot niya, mabuti na lang at mahigpit ang hawak niya doon kaya hindi rin iyon natapon sa aming lamesa. “Alam mong hindi iyan ang kailangan ko, Chaeus!” may diin na sago
ZACCHAEUS PARKENSON POVParang kinakapos ang hingang napasabunot na ako sa ulo habang tinatanaw ang pag-alis ng taxi kung saan nakalulan si Hilary. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko dapat iyon ginawa. Bilang pakunswelo, sana man lang ay inihatid ko siya. Sobrang nafru-frustrate ako kaya napagbalingan ko na ang sasakyan. Ilang beses kong tinadyakan ang gulong noon. Galit na galit ako sa sarili. “You are the fucking asshole, Chaeus!”Nang mawala sa paningin ko ang taxi ay madali akong pumasok ng kotse. Ilang beses na sinapak ang manibela nito dahil ayaw sa aking makisama. Ayaw nitong umandar kung kailan nagmamadali ako ay saka pa. Doon ko na ibinaling ang lahat. “What's wrong with you? Come on, umandar ka!” bulalas kong ubos na ang natitirang pasensiya. Ilang beses ko pa iyong sinubukan. Muli kong ginulo ang buhok hanggang napasabunot ako. “Simpleng hiling lang iyon, wala kang magawa. Hindi mo maibigay! Isa at kalahati kang tanga! Napaka-ungas mo! Wala kang silbing tao!”Muli ko
Matabang ang titig at iiling-iling na lumabas ako ng silid. Wala ako sa wisyo para makipagtalo sa kanya. Para na akong mababaliw kung ano at alin ang dapat na unahining isipin. Sobrang guilty na nga ako sa mga nagawa ko tapos dadagdagan niya pa? Gusto niya bang mawala ako sa tamang katinuan? Hindi ba siya nag-iisip ng mangyayari?“Saan ka pupunta? Ayaw mo rin akong kausapin?Diyan ka magaling, ang talikuran ako! Bumalik ka dito! Isa, kinakausap pa kita Zacchaeus!”Padabog na isinara ko ang pintuan. Mula sa labas ay dinig na dinig ko pa ang boses niya sa loob. Inilabas ko ang cellphone sa bulsa habang ilang ulit na ginulo ang buhok. Tinawagan na si Vaughn. Kailangan ko ng makakausap pero hindi si Lailani. “Ano, Chaeus? Ginawa iyon sa'yo ni Lailani?” halos mapaangat pa ang puwet niya sa upuan habang nakikinig sa aking sinasabi. “Pambihira naman!”“Yes, Dude. Ang buong akala ko ay ayos na kami. Maayos naman kaming naghiwalay. Okay ang lahat sa amin. Tinapos namin ang relasyon sa maayos
HILARY EL FUENTE POVMalalaki ang mga hakbang na lumabas ako ng pintuan. Kamuntik-muntikan pa akong madapa nang biglang matisod ng dahil sa kakalingon ko upang tingnan kung malapit na sa akin si Chaeus. Mabuti na lang at agad nakahawak ako sa gilid ng aming pintuan. Kung hindi, mababangasan ako. Kasi naman ang Tukmol na iyon, lakas-loob na sabihin ba namang ihahatid niya ako. Ayoko ngang magpahatid. At saka, ikakasal na siya. Panindigan na lang niya ang comeback nila. Tigilan niya na lang ako tutal ay tapos na kami. Saka bakit niya ako ihahatid? Bati na ba kami? Imposible iyon. Imposibleng magkabati pa kami. Walang lovers na naging magkaibigan after ng break up. Kaya kahit ako ay hindi na umaasa. Malakas na akong napairit ng bigla niyang haklitin ang isa kong braso. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayang nakalapit na. OA ko siyang nilingon. Pinandilatan na ng aking mga mata. "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" hila ko ng braso ngunit mas lalo niya lang iyong hinigpitan."Ihahatid na kit
Hindi ako mapakali nang gabing iyon lalo na nang malamang wala rin sa bahay sina Daddy at Azalea. Panay ang silip ko sa labas ng bintana matapos kumain ng dinner. Tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan na walang kapaguran. Mas lumalim ang pag-aalala ko. Kung anu-anong negative thoughts ang bumabalot sa aking isipan. Ipinilig ko ang ulo. Pilit na ibinaling ang atensyon sa ibang bagay pero bumabalik pa rin talaga sa matinding pag-aalala kung nasaan na si Chaeus. "Nakakainis na naman siya. Saan pa ba kasi siya pumunta? Pagabi na. Kay Lailani ba?" Sumama na ang panlasa ko nang maisip na baka nga nasa piling na ito ngayon ni Lailani. And only God knows kung ano ang ginagawa ng dalawa. Isabay pa na sobrang lamig ng panahon. "Sana man lang ay nagsabi siya para alam ko di ba? Hindi iyong pinapag-alala niya ako. Teka nga, bakit ko ba siya inaalala? Matanda na iyon."Badtrip na kinamot ko ang ulo. Bumabangon na ang matinding inis ko. Dapat ay hindi ako nag-alala and I am minding my own business!