"KURYENTE, tubig, internet... Argh!" Pinalipad ko sa hangin ang lahat ng bills namin ni Calista. Pinulot naman iyon ng kakambal ko isa-isa.
We have the same facial structure. Both our eyes turns gray when kissed by the light, a pair of a thick lashes, a small and straight symmetrical nose, and a natural pink lips.
Pero hindi ko siya kamukha.
Siguro dahil mas mahaba ang itim na buhok niya at lumagpas na iyon sa kanyang mga balikat. Ang akin naman ay pixie-cut. No regrets. Mas magaan ang ganito.
"Mababayaran din natin yan." Pag-papalakas ni Calista sa loob ko. "Baka naman sana hindi ka na lang nag-resign?"
Umasim ang mukha ko, andito na naman kami. Ipinaliwanag ko naman na sa kanya kung bakit kinailangan kong mag-resign doon sa huli kong amo.
Letse naman kasi iyong boss ko, isa akong secretary hindi sexetary. Ang nakakasuka, may asawa pa ang boss niyang iyon at may-edad na.
Kaya heto ako ngayon, walang tumatanggap na kompanya sa akin dahil hindi maganda ang feedback na ibinigay ng dati kong boss.
"Hindi na naging healthy ang employee-employer relationship namin, Calista." I said in a monotone.
"Nanganganib na tayo, baka palayasin na tayo here."
"l know, Calista. Gagawa naman ako ng paraan. 'Wag ka nang mag-alala ako na ang bahala."
"Ito na lang ang naiwan sa atin ni Mama at Papa." Bulong ni Calista, umupo siya sa lumang sofa.
"Papasok na muna ako trabaho, Calista." Ngumiti siya, tumango, at tinalikuran ko siya.
It was an easy life for us 5 years ago. Kung hindi lang nadisgrasya ang mga magulang namin sa Mountain Province noong unang taon namin sa kolehiyo, siguro naging mas madali ang lahat.
Continue to breathe is easy, but moving on is hard.
Naalala ko pa din ang masasayang tawanan sa bawat sulok ng bahay. Namimiss ko ang pag-kumpuni ni Papa ng bisikleta ko tuwing nasisira iyon. Nakakamiss ang ngiti ni Mama tuwing nag-uuwi ako ng medal mula sa Sports fest. That was family.
Until the bus accident...
Naiwan kami ng mga magulang namin. We lived day by day through the financial assistance of the bus company that killed our parents. Tinulungan kami ng gobyerno sa scholarship pero hindi iyon naging sapat, kinailangan naming isangla ang bahay para magpatuloy pa sa pag-aaral. Ang kagandahan lang ay nakatapos kami ng sabay. Calista majored in Human Resource, samantalang ako ay Business Management. Wala nga lang business na pu-pwedeng imanage.
Sinunod ko ang passion ko. Doon ako namasukan sa may
kinalaman sa kinahihiligan ko, Outdoor Gear and Equipment store iyon. Hilig ko na ang sports simula pagkabata. I love adrenaline rush.
Humakbang ako sa medyo maputik na daanan namin. Tuwing umuulan kasi ay nagiging maputi ito. Kanina ay umulan kaya ganito ang daanan ngayon. Kitang kita ko ang bawat putik na dumidikit sa lumang sapatos ko. Lalabhan ko ito sa oras na makakakita na ako ng matutuluyan. Sa ngayon, pagkakasyahin ko muna ang isang libo ko sa paghahanap ng trabaho at matutuluyan.
Sumakay ako ng dyip para magtungo sa iilang mapagaaplyan ko ng trabaho. Nakita ko sa dyaryo iyong mga tindahang nangangailangan ng iba't-ibang trabaho.
Kumatok ako sa isang opisina. Ayon sa dyaryong nabasa ko, kailangan daw nila ng sekretarya. Ang pagiging sekretarya o kahit saleslady sa isang ticketing office ay okay na sa akin iyon.
Pinasadahan ako ng tingin ng security guard. Tinitigan niya ang maputik kong sapatos at ang damit kong inaayos ko agad ang mga gusot.
"Anong kailangan mo, miss?" Ngumisi siya sa akin.
Ibinalandra ko sa harap niya ang dyaryo. "Nakita ko po sa dyaryo na ito na kailangan niyo raw ng saleslady-"
Pinutol na ako ng babaeng naka-mini skirt at may I.D sa ticketing office na iyon. "Walang hiring dito, miss. Doon ka na lang kaya sa club? Mukha kang p****k, eh."
"Ah? Pero sabi kasi dito sa-"
"Miss, ang sabi ko, wala nga. Kahapon nakakuha na kami ng isa kaya don ka na sa club! Sige na at madudumihan lang ang tiles namin dito! Lumayas ka dito!"
Padabog na sinarado ng babae ang pintuan ng ticketing office. Bumuntong hininga ako at tumingin sa aking sarili. Siguro ay huhugasan ko na lang muna itong sapatos ko at magpapalit lang ng mas pormal na damit.
Naghanap ako ng pampublikong CR. Tiniis ko ang baho sa loob. para lang maging maayos ang aking sarili. Tinanggal ko ang aking t-shirt at nagpalit ako ng blouse na hindi kumportable ngunit pormal. Pinalitan ko rin ang pantalon ko ng mas maayos at iyong walang putik.
Umiling ako at inisip na may isang libong piso ako.
Nagpatuloy ako sa paghahanap ng trabaho. Sinubukan ko ang mga fast food chain na panay ang direkta sa akin sa isang malaking kumpanya. Pangatlong Jollibee ko na ito sa araw na ito. Manager ang palaging kumakausap sa akin habang tinuturo ang malaking building sa malayo.
"Miss, wala po kaming hiring dito sa oras ngayon. Ang mabuti pa, doon ka mag apply sa Palma Group of Companies dahil mass hiring doon ngayon. May job fair pa nga!" Anang Manager.
Napangiwi ako sa sinabi ng babae na manager. Hindi ko alam kong totoo ba iyon o binobola niya lang ako para makaalis na ako sa kanila. Ganunpaman ay tumango na lang ako. Wala na akong choice.
Tinitigan ko ang rooftop ng napakalaking gusaling iyon sa malayo. Matayog iyon at pakiramdam ko ay hindi ako matatanggap doon.
"Maraming salamat po." Sabi ko at napatingin ako sa mga kumakain ng malulutong na fried chicken.
Napalunok ako at napagtanto kong ala una na nga pala at wala pa akong almusal at tanghalian.
Tumingala ako sa menu ng fast food chain na iyon para tingnan kung magkano iyong mga kinakain ng mga tao rito.
Sa huli ay nagdesisyon na lang akong umalis doon.
Bumili ako ng skyflakes sa nagtitinda sa labas at nagsimulang maglakad sa building na sinasabi pa kanina ng mga Manager na nadadaanan ko.
Habang naglalakad ay kumakain ako. At kahit kumakain ako ay kumakalam parin ang sikmura ko. Kaya 'to, Cassandra! Mamaya, kapag nagkaroon na ako ng trabaho ay kakain ako ng marami! lyon ang pangako ko sa aking sarili.
Hindi pa nakakaabot sa building na iyon ay natoon na agad ang pansin ko sa isa pang fast food chain na nangangailangan ng daw ng crew. Kinuha ko ang pape na nakapaskil sa kanilang pintuan at dumiretso na sa loob. Humalimuyak ang amoy ng burger sa jollibee. Mas lalong kumalam ang sikmura ko. Pinilit kong huwag sumilip sa mga plato ng mga kumakain doon at dumiretso na sa loob.
"Nandito po ba ang Manager niyo?" Tanong ko sa mukhang iritadong crew.
"Nasa loob siya, teh." Aniya sabay turo sa isang pintuan na may nakalagay: Authorized Person Only.
Pumasok ako sa loob ng pintuang iyon at inilahad ko kaagad ang aking resume. Pinapanood ko ang Manager na nasa cellphone.
"O... Okay. Got it!" Anang lalaking manager.
Sumulyap siya sa akin ng dalawang beses at para siyang nakakita ng multo. Binaba niya agad ang kanyang cellphone.
"Anong maipaglilingkod ko sa'yo, miss?" Tanong niya.
Ibinalandra ko ang papel na nakapaskil kanina sa pintuan nila. "Nakita ko po ito sa labas."
Kinuha niya ang resume ko.
"Walang hiring dito." Aniya pagkatapos pasadahan ng tingin ang aking resume.
"Po? E, nakapaskil 'to sa labas?"
Hinablot niya ang papel na dala dala ko at pinunit iyon sa harapan ko. "Wala dito. Sa Palma lang!" Aniya.
Tumango ako. "Okay po. Salamat!"
Tumalikod ako ngunit hindi ko napigilang umirap. Kitang kita na kailangan nila ng crew. Bigla na lang walang hiring? Ang malas ko naman talaga ngayong araw na ito! Alas dos na at ipinangako ko pa naman sa sarili ko na pag tungtong ng alas tres ay maghahanap na ako ng matutuluyan. Last shot na itong Palma na ito.
Maglalakad na sana ako nang mag-ring ang cellphone ko. Tumalikod muna ako para silipin iyon at nawalan ako ng gana nang makita ang pangalan ng kakambal ko. Tiyak na madidismaya siya kapag nalaman niyang wala pa akong nahahanap na trabaho nangangako pa naman ako na seseryosohin ko na ang lahat ngayong araw.
"Asan ka?" Bungad ni Calista sa kabilang linya.
"Dito sa Quiapo."
"Tamang tama, punta ka ngayon sa opisina ko, may ibibigay ako sa'yo." Nahimigan ko ang excitement sa kanyang tono.
"N-ngayon na na? Naghahanap pa ako ng trabaho." Sabi ko para mukhang busy.
"Ayun na nga, bibigyan kita ng endorsement letter, meron kasing naghahanap ng secretary na CEO ng isang kumpanya, gusto nya lang ng taga-type ng sasabihin nya maghapon, taga-linis ng opisina at taga-timpla ng kape. Alam mo ba kung magkano ang sahod? P 30,000! Mas malaki pa yun sa sahod kol At alam mo ba kung anong oras ang pasok? 8AM to 3PM lang!" naririnig ko ang pabulong ngunit nakatawa niyang sabi.
Nanlaki naman ang mata ko. "T—t—thirty thousand?" naimagine ko ang pagtango ni Calista sa kabilang linya dahil hindi na siya muling nag-salita.
Mabilis kong nilisan ang Quiapo pagkatapos ng tawag.
Kung naniniwala si Calista na maganda itong oportunidad, kailangan ko ring maniwala. Saka na lang ako mag-hahanap ng trabahong gusto ko.
Sinalubong ako ng kakambal ko sa ibaba ng opisina niya, isang employment agency iyon. Her jet black hair swayed with her hips as she walk in her tall stilettos paired to her A-line dress dark blue uniform. Halos ihampas niya sa mukha ko ang envelop na hawak at hindi man lang ako kinumusta.
"College graduate na hindi tanga. That is what the President of Palma Real Estate is exactly looking. Ngayon ko pa lang naipost iyan sa Job-online. I am sure, tomorrow, applicants will swarm at our doorstep. I made sure na ikaw ang una kong ipadala doon sa kompanya."
"Hindi ba bawal ang ginawa mo?"
Ngumuso siya, ang kanyang buhok ay marahas niyang hinawi patungo sa likuran.
"Alam kong bawal, pero uunahin ko pa ba ang rules? Kung mabubuking ako edi tanggalin." Kinuha ng kakambal ko ang kamay ko at tiningnan ko ang mga matang kagaya ng akin, mapusyaw talaga ang pagiging gray noon kapag nasisikatan ng araw "Kaya kailangan mong seryosohin ito, Cassandra. Please. Isasakripisyo ko ang pangalan ko para sa'yo, makuha mo lang ang trabahong to. Sige na, pumunta ka na doon at hanapin mo ang contact na ibinigay ko sa'yo for interview. I am rooting for you. Para sa nakasanglang bahay!"
"Para sa bahay!" Masigla ko pang itinaas ang kamao ko kahit na ang internal organs ko ay sumasakit sa pressure na makuha ang trabaho. Hindi pupwedeng madisappoint si Calista!
I got this!
HUMUGOT ako ng malalim na hininga habang nakaharap sa salamin ng restroom.You're gonna be okay. Kailangan mo ang trabahong 'to kundi sa kalsada kayo pupulutin ng kapatid mo, pagkausap ko sa sarili ko na kinakabahan pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili.Kailangan kong kumalma bago pa matawag ang pangalan ko sa interview. Ang mismong presidente ng Palma Real Estate ang mag-i-interview sa akin kaya kailangan kong kumalma.I needed this job badly. Nasa isanlibo na lang ang pera ko, kulang pa para sa pangkain namin bukas ni Calista. Hindi naman kami puwedeng umuwi ng probinsya dahil mahirap lang din ang buhay doon.Nasa mga dalawampu kaming nag-a-apply ngayon sa posisyon na sekretarya ng big boss ng Palma Real Estate. Malaki ang sahod at kilala sa Asya ang kompanya. Maganda talaga ang magtrabaho rito.Ang tanong, tatanggapin kaya ako?Bakit ba ako umaasa na magiging iba ang kalalabasan ng interview kong ito? Nasisiguro naman akong tatawag ito sa dati kong pinagtatrabahuhan at sigu
IT'S BEEN TWO WEEKS since I started working at Palma Real Estate Company. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa sobrang daming nag-apply ay ako ang nakuha! Ang Swerte ko naman talaga, oh.Nang sabihin ni Mr. Jascha Palma na ako ang napili niya bilang secretary ay sobrang natuwa ako.At kung tatanungin n'yo kung kumusta ang trabaho ko sa dalawang linggong pananatili ko rito ay wala na akong ibang masabi kundi WHAT THE HELL!Oo, literal na impiyerno dahil sa sobrang daming utos ng boss ko. Ang dami na nga nitong pinapagawa ang sungit pa n'ya, siguro nasa menopausal stage na 'to? Kung noong first day ay mabait siya sa akin ngayon ay super sungit na.Tama nga ang kasabihan na "don't judge the book by its cover.Example ng kasabihan na 'to ang boss ko. Sobrang amo ng mukha tila isang anghel na hindi makabasag pinggan pero kapag nakilala mo na, ha! Aakalain mong anak ng demonyo! Hindi ko siya maintindihan minsan.Utos dito at utos doon, galit doon, galit diyan, nakaka-stre
"AQUARIUS. Nakita din kita!" Excited kong tinitigan ang constellation na nakita ko mula sa telescope. Pagkagaling ko sa opisina ay binitbit ko agad ang astronomy gear ko at umakyat ng abandonadong building na malapit sa bahay namin.This is a usual Friday routine to de-stress. I badly need one.Pakiramdam ko ay mauubos ang lahat ng buhok ko kay Boss Pogi. Unreasonable demands, endless whining, complaints. Dinaig ko pa ang tanggapan ng Baranggay kung saluhan niya ng hinaing niya! To think that it was my first week.Napangiti ako nang makita ang Helix Nebula, I can talk the whole day on how beautiful the remnants of a the stars that died. Stars don't disappear, in fact, it turns into a beautiful mass of gas that still flows in the universe and they are called Helix Nebula. It as beautiful as the stars and the planets but for me, it is the most amazing phenomena in the galaxy.I randomly looked at the stars after enjoying the Aquarius constellation. Tinitigan ko pa ang ilang mga laman-ul
THE huge house in front of us shined in brightness. Endless cars parked outside and the soft music vibrates from the inside of the mansion. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang matigas na panga ng amo ko. His eyes went one tone darker now. Para na iyong gintong honey. Kumuyom ang mga kamao niya at parang nag-iisip mabuti kung tutuloy ba o hindi."Boss Pogi, may pagkain ba dito? Hindi pa kasi ako kumakain."Saka niya palang na-realize na may kasama siya. Tinapunan niya ako ng tingin at bahagyang kumalma na ang kanyang itsura."Have. But you cannot be a pig and eat your heart out. You are my date.""Hindi ako pig!" Protesta ko."You better be not. And please don't call me Boss Pogi, call me Jascha."Sabay kaming nag-lakad papasok. Sinalubong kami ng napakaraming tao na pare-parehas na elegante ang mga damit, mapababae man o mapalalaki. Huge buffet table was set up in front of the mansion, natakam agad ako pagkakita doon. Cocktail tables were spread around the fabulous garden where t
"DID you know that the biggest star is not the sun?"Kinagatan ko ang double cheesebuger ko at tumingin sa ibaba ng Metro Manila kung saan nagpapanggap ang mga bahay sa ibaba na parang stars dahil sa mapusyaw na liwanag nito. Nakakatuwang tingnan."l heard of that." Uminom si Boss Pogi sa kanyang softdrinks. Tiningnan niya pa ang baso ng fastfood at nagkibit balikat. Umalis kami sa party nang hindi man lang nakakain kaya nag-drive thru kami sa isang fastfood. Hindi niya pa nga iyon gusto pero sarado na ang karamihan sa establishments at sinabi kong mamamatay na talaga ako sa gutom kapag hindi pa kami kumain."The monster is named VY Canis Majoris. It is 1,800 times bigger than the sun.""Amazing." Umangat ang gilid ng labi niya at kinuha ang softdrinks ko mula sa kamay at ininuman din iyon."Hey! Akin yan!" Reklamo ko."TSS, you shouldn't eat much. This is bad for you. Do you know how many calories a double cheeseburger has?"Tinakpan ko ang tainga ko pero narinig ko pa din ang boses n
"I WANT to bring you to a movie." Pagkatapos naming ligpitin ang pinagkainan namin ay nakatunganga kaming dalawa sa sofa at pinapanood ang National Geographic about Antennae Galaxies."Anong movie?" Without leaving my eyes on the tube, I asked."Advance screening of a Hollywood film, Gwen was one of the writers, so---""So?" Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay."We have to see that." Sabi nya pagkatapos magbuga ng marahas na hangin.Pinanliitan ko siya ng mga mata, "We?""You are my girlfriend, right?""Ano ba ang goal mo? Ang mag-mukhang naka-move on para sa Business colleagues mo o ang mukhang naka-move on na para maistalk mo si Gwen anytime you want?""l am not stalking!" Depensa niya kasabay ng pag-ikot ng mata. Pabagsak siyang sumandal sa sofa at nakasimangot na humarap sa TV."Kung totoong girlfriend mo ako, masasaktan akong makita na natataranta ka pa din kapag merong mga event na mahalaga sa Ex mo." Pag-didiin ko."That's why I don't have a girlfriend and why I have you, rig
"SO you are off the market now?" Tanong ng babaeng reporter kay Jascha habang nanatili ako sa kanyang dibdib at nag-tatago.I found the best already, I am not in search for anyone, anymore." Pinal niyang sabi.Ang mga reporters ay umungol ng may panghihinayang."Come on, we also have Miss right there and even Vladimir Montello. They are still there, waiting to meet you.""Pero sa iyo ang pinaka'juicy' because of Gwen's recent engagement. When in fact, last year, you two were the hottest item when you proposed. That was the grandest and the sweetest proposal of the year, at nag-yes siya." Usisa muli ng bading na malaki ang tyan.Nag-angat ako ng tingin at sinilip si Jascha.Humalakhak siya na hindi umabot ang ngiti sa mga mata."Balato nyo na sa akin 'to okay? You are making my girlfriend uncomfortable. Please write about the movie instead of my lovelife." Yun lang at lumayo na kami.The cinema security were kind enough to allow us to enter the cinema kahit hindi pa iyon ang oras. Iniiw
I WOKE up midsleep. Ngumiti ako at muling pumikit pero nakarinig ako nang kaluskos sa paligid."Oh gising ka na pala." Bumungad si Calista sa kuwarto ko kaya napamulat ako, kumuha siya ng lotion sa dresset ko at inilagay sa mga braso."Paano ako nakauwi?" kunot noong tanong ko habang unti unti akong umupo sa gilid ng kama at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero bigo ako. Ang naalala ko ay ang paghilig ko sa bintana ng sasakyan ni Jascha, that's totally it."Buhat buhat ka ng boss mo." May umalpas na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi, "Ang gwapo ni Mr. Algin. Habang buhat ka nga niya kagabi nang dalhin sa kuwarto mo, naimagine ko na ang pagsusumpaan niyo sa harap ng altar! Bagay kayo!" Napakamot ako ng mukha, "Kami ni Jascha—""Wow, first name basis!""Sabi niya Jascha lang ang itawag ko!""Doon nagsisimula yan." Kumindat kindat pa ito. Binato ko ng unan ang kakambal ko."Broken hearted yung tao, 'wag ka ngang ganyan.""Broken hearted? E bakit nagtagal sa kuwarto mo kagabi? Ano