IT'S BEEN TWO WEEKS since I started working at Palma Real Estate Company. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa sobrang daming nag-apply ay ako ang nakuha! Ang Swerte ko naman talaga, oh.
Nang sabihin ni Mr. Jascha Palma na ako ang napili niya bilang secretary ay sobrang natuwa ako.
At kung tatanungin n'yo kung kumusta ang trabaho ko sa dalawang linggong pananatili ko rito ay wala na akong ibang masabi kundi WHAT THE HELL!
Oo, literal na impiyerno dahil sa sobrang daming utos ng boss ko. Ang dami na nga nitong pinapagawa ang sungit pa n'ya, siguro nasa menopausal stage na 'to?
Kung noong first day ay mabait siya sa akin ngayon ay super sungit na.
Tama nga ang kasabihan na "don't judge the book by its cover.
Example ng kasabihan na 'to ang boss ko. Sobrang amo ng mukha tila isang anghel na hindi makabasag pinggan pero kapag nakilala mo na, ha! Aakalain mong anak ng demonyo! Hindi ko siya maintindihan minsan.
Utos dito at utos doon, galit doon, galit diyan, nakaka-stress na s'ya! Bawat actions ko big deal sa kanya.
Sa two weeks ko na nagta-trabaho rito ay parang tumanda ako ng two years. Pero wala akong magagawa, secretary lang ako at s'ya ang boss.
Ito pa, may isang line na talagang tumatak sa isipan ko at hinding-hindi ko makalilimutan.
"DON'T BE SO STUPID OR ELSE I'LL FIRE YOU"
Iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi tuwing may nagagawa akong 'something stupid' or should I say, nagkamali ako sa mga inutos niya.
Kung ang company naman ang usapan, well for the past 2 weeks na nagtrabaho ako rito wala naman akong angal. Mababait ang empleyado at mga kavibes ko. Marami na 'agad akong kaibigan at s'yempre hindi mawawala ang mga plastikan sa trabaho.
Napatingin ako sa orasan, it's 8:30 AM at ito ako, late na naman ako ng 30 mins dahil sa traffic.
Mas binilisan ko pa ang aking takbo dahil sa late na ako sa aking trabaho. Bakit kasi ngayon pa ako inabutan ng traffic? Paniguradong patay na naman ako nito sa boss ko!
Aligagang pumasok ako sa elevator at hindi mapakaling napangatngat nalang sa aking kuko dahil sa sobrang kaba. Pagkatunog palang ng elevator ay mabilis na akong kumaripas ng takbo papunta sa kompanya.
Kinakabahan ako habang papasok ngayon sa Palma Real Estate Company, Dalawang linggo pa lang ang nakalilipas simula nang matanggap ako rito bilang sekretarya ng CEO.
Papasok na sana ako ng bigla akong harangan ng guard, mukhang hindi pa nito alam na ako ang bagong secretary.
"Hello po ma'am, may I'D ho ba kayo?" tanong nito at tila sinusuri ang pagkatao ko. Ano ang tingin nito sa akin? Hindi ba katiwa-tiwala ang itsura ko?
"Ah, wala pa po akong I.D bago pa lang po kasi ako rito. Ako po yung bagong sekretarya ng boss." Paliwanag ko na may kasama pang-kamot sa ulo.
Tinignan muna ako nito pataas hanggang baba bago tumango, "Sige po, ma'am, nandoon po ang front desk." Sabay turo nito sa babae na nakaupo sa front desk.
Nagpasalamat muna ako bago tuluyang lumapit sa front desk.
"Hello, miss? Ako 'yong bagong secretary," pag-aagaw pansin ko sa kan'ya. Nakita ko naman ang pagngiti nito bago sumagot.
"So, you're Miss Baltazar? buti naman at nandito ka na, kanina ka pa hinihintay ni Sir. Umakyat ka nalang at nasa top floor ang office niya, and Miss Baltazar? Gusto ko lang sabihin na ayaw ni boss na laging late kaya sana hindi na maulit ito," sambit nito.
At dahil sa sinabi nito ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa tono palang ng boses nito ay tila sobrang strikto nga ng CEO.
"S-sige, salamat una na ako ha?" paalam ko bago tuluyang naglakad papasok sa elevator.
Kabado at namamawis ang kamay ko habang nasa loob ako ng elevator. Late na ako, ano kaya ang sasabihin ni Mr. Palma sa akin? Baka wala pang ilang linggo ay masisante na 'agad ako! Nako naman, 'wag naman sana.
Pagkatunog ng elevator na hudyat na nakarating na ako sa aking destinasyon ay mabilis na akong lumabas. Patuloy pa rin sa pagpintig ang aking puso sa sobrang kaba. Lord help me!
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa harapan ng pinto kung saan may nakalagay na "chief executive officer" sa itaas. Para akong tanga rito na nakatitig lang sa pinto at hindi alam kung papasok ba o hindi.
Huminga muna ako ng malalim bago naglakas loob na kumatok.
"Come in," sabi ng isang baritonong boses mula sa doon.
Nako! Mukhang totoo nga ang sinabi ng babae sa front late!
Ano ba, Cassandra! Kaya mo 'yan, first two weeks mo pa lang kaya dapat magpakitang gilas ka sa boss mo.
Dahil sa aking isip ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Magaling ako mang-uto ng tao kaya marami akong friends kaya uutuin ko nalang siguro ito.
"You're 30 minutes late na naman, Miss Baltazar." Isang mababang boses kaagad ang narinig ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob. Kaagad naman akong napalunok ng sumalubong 'agad sa akin ang nagbabagang tingin ng aking boss. Hindi pa rin ako diretsong makatingin dahil sa kaba.
May mga naririnig akong chismis tungkol sa kan'ya na kesyo sobrang sungit daw nito at sa two weeks na pananatili ko rito sa kompanya ay mukhang totoo nga ang mga balitang 'yon.
"l'm s-sorry, Sir, h-hindi ko po sinasadya. T-traffic po kase, may naaksidente po sa daan, a-at hinarang po ako ng guard sa labas d-dahil wala pa po akong I-ID," nauutal na paliwanag ko sabay yuki.
Ewan ko ba kung bakit ako nauutal!
Dahan-dahan akong tumunghay upang makita ang mukha ng aking boss at halos matulala nalang ako ng masilayan ang kan'yang mukha. Grabe, bakit naman ang extra pogi niya today?
"Alright, I will forgive you just today. However, keep in mind, Ms. Baltazar, that I do not want this incident to happen again, understood?" seryoso sambit nito bago ako tinitigan ng mabuti. Mabilis naman akong napatango dahil sa kaba at pagkataranta.
Aba! Kailangan ko sumagot ng maayos, takot ko nalang sa kan'ya.
"Good, your table is outside. I will just call you when I need you," he explained.
"Okay po sir," tanging naitugon ko nalang. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sobrang gwapo–sungit nito.
"Then, do arrange this until today. I need this tomorrow morning." Utos nito sabay abot sa akin ng mga papel.
Kaagad naman na nanlaki ang aking mata dahil sa narinig! Nako naman, kararating ko lang, deadline 'agad!
Napasimangot nalang ako at mabilis na lumabas at umupo sa aking pwesto. Hindi ko napansin na mayroon palang lamesa rito sa labas, siguro dahil sa kaba kaya hindi ko na ito napansin kanina.
Maigi pa't simulan ko nalang itong inuutos n'ya para matapos ko 'agad. Kainis! Binabawi ko na ang sinabi ko hindi pala siya gwapo, pangit s'ya! Pangit ang ugali hindi ang mukh—"
Okay tama na, masyado na akong OA.
"Miss Baltazar, Come inside and do your work here. I need to monitor you today because para makita kung may progress ka ba or gano'n pa rin." Muntik na akong mapatalon sa gulat ng bigla nalang may nagsalita sa gilid ko.
Ang intercom pala, hindi ko napansin na mayroon pala rito.
Mabilis akong pumasok ay naupo sa itinuro nitong sofa, kaya mo 'yan, Cassandra! Para sa trabaho!
Pagkaupo ko ay mabilis ko ng sinimulan ang aking trabaho. Nakailang balik pa ako sa labas dahil nando'n ang computer na ginagamit ko. Pahirap!
Mabilis kong tinignan ang aking orasan at gano'n nalang ang gulat ko ng isang oras na pala ako rito pero hindi pa rin ako tapos.
Nakapapagod naman! Hindi kasi maayos ang mga schedule nito at ang dami pang naiwan na gawain ng dati niyang sekretarya. Kaya siguro nagmamadali ang mga ito na humanap ng bago.
Napamasahe nalang ako sa aking balikat dahil sa ngalay. Idagdag pa ang boss ko na kanina pa nakatitig sa'kin, hindi ako makapag-concentrate!
"By the way, Ms. Baltazar, make sure that you read our rules and regulations," biglang salita nito.
"Noted, sir!" ngiting-ngiting sagot ko kay Boss pogi, boss pogi nalang ang itatawag ko sa kan'ya tutal ang pogi-pogi naman niya.
I think, crush ko na ito.
"Good you can now take your break," he said.
Hmm, p'wede na raw ako mag-lunch pero ang dami ko pang kailangan tapusin. Baka hindi pa ito umabot, mamaya nalang ako kakain pagkatapos.
"Nako! Hindi na, Boss, marami pa po akong gagawin at baka hindi ko pa matapos kung kakain pa ako," Paliwanag ko rito at nagulat naman ako ng bigla niya akong irapan.
"Tsk," tugon nito at mabilis na ibinaling ang tingin sa kan'yang ginagawa.
Napailing-iling nalang ako at itinuloy na rin ang aking ginagawa.
At sa hindi malamang dahilan ay bigla akong napatitig sa gwapo nitong mukha. Sino ba naman ang hindi mapapatitig, e, Ang gwapo talaga nito? Ang tangos ng ilong at mukhang koreano!
"Done staring at me, Ms. Baltazar?" nagulat ako sa biglang sambit nito at hindi ko napansin na nakatingin na pala ito sa akin, masyado akong na-amaze sa perpektong mukha niya!
"I-i'm not, Boss," namumulang saad ko sabay iwas ng tingin.
Nakakahiya ka, Cassandra! Paniguradong iisipin na nito na may gusto ka sa kan'ya!
Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang pagngisi nito. OMG! Ang pogi! Baka wala pang isang buwan mas lalo akong ma-fall sa kanya.
Mabilis akong namula dahil sa hiya kaya naman napakagat ako sa aking labi. Mannerism ko na kasi na kapag nahihiya ay kinakagat ang aking labi.
Bigla akong napaigtad dahil sa biglaang pagsasalita ni boss. Medyo pasigaw kasi ito na ewan.
Napakamot nalang ako sa batok ko at ipinagpatuloy ang ginagawa at dahil nagugutom na ako kinagatkagat ko nalang ang labi ko para maibsan ang kagutuman.
"What the heck? Stop doing that!" singhal nito sa akin at halos malaglag ako sa upuan ko dahil doon. Ano ba ang problema nito? May nagawa ba ako?
"A-ah B-boss? Ano pong p-problema?" kinakabahang tanong ko.
"Stop. Doing. That," gigil na sabi niya na may diin ang bawat bigkas.
Stop doing what? Wala naman akong ginagawa na makakagalit sa kan'ya?
"Yung alin po, sir?" nagtatakhang tanong ko.
"Stop biting your f*cking lips! Nakakadistract!" sigaw na naman nito kaya mas napakagat ako sa aking labi dahil sa gulat.
Iyon na lamang ang tanging narinig ko bago ito mabilis na lumabas ng office. Anong nangyari sa kanya?
"AQUARIUS. Nakita din kita!" Excited kong tinitigan ang constellation na nakita ko mula sa telescope. Pagkagaling ko sa opisina ay binitbit ko agad ang astronomy gear ko at umakyat ng abandonadong building na malapit sa bahay namin.This is a usual Friday routine to de-stress. I badly need one.Pakiramdam ko ay mauubos ang lahat ng buhok ko kay Boss Pogi. Unreasonable demands, endless whining, complaints. Dinaig ko pa ang tanggapan ng Baranggay kung saluhan niya ng hinaing niya! To think that it was my first week.Napangiti ako nang makita ang Helix Nebula, I can talk the whole day on how beautiful the remnants of a the stars that died. Stars don't disappear, in fact, it turns into a beautiful mass of gas that still flows in the universe and they are called Helix Nebula. It as beautiful as the stars and the planets but for me, it is the most amazing phenomena in the galaxy.I randomly looked at the stars after enjoying the Aquarius constellation. Tinitigan ko pa ang ilang mga laman-ul
THE huge house in front of us shined in brightness. Endless cars parked outside and the soft music vibrates from the inside of the mansion. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang matigas na panga ng amo ko. His eyes went one tone darker now. Para na iyong gintong honey. Kumuyom ang mga kamao niya at parang nag-iisip mabuti kung tutuloy ba o hindi."Boss Pogi, may pagkain ba dito? Hindi pa kasi ako kumakain."Saka niya palang na-realize na may kasama siya. Tinapunan niya ako ng tingin at bahagyang kumalma na ang kanyang itsura."Have. But you cannot be a pig and eat your heart out. You are my date.""Hindi ako pig!" Protesta ko."You better be not. And please don't call me Boss Pogi, call me Jascha."Sabay kaming nag-lakad papasok. Sinalubong kami ng napakaraming tao na pare-parehas na elegante ang mga damit, mapababae man o mapalalaki. Huge buffet table was set up in front of the mansion, natakam agad ako pagkakita doon. Cocktail tables were spread around the fabulous garden where t
"DID you know that the biggest star is not the sun?"Kinagatan ko ang double cheesebuger ko at tumingin sa ibaba ng Metro Manila kung saan nagpapanggap ang mga bahay sa ibaba na parang stars dahil sa mapusyaw na liwanag nito. Nakakatuwang tingnan."l heard of that." Uminom si Boss Pogi sa kanyang softdrinks. Tiningnan niya pa ang baso ng fastfood at nagkibit balikat. Umalis kami sa party nang hindi man lang nakakain kaya nag-drive thru kami sa isang fastfood. Hindi niya pa nga iyon gusto pero sarado na ang karamihan sa establishments at sinabi kong mamamatay na talaga ako sa gutom kapag hindi pa kami kumain."The monster is named VY Canis Majoris. It is 1,800 times bigger than the sun.""Amazing." Umangat ang gilid ng labi niya at kinuha ang softdrinks ko mula sa kamay at ininuman din iyon."Hey! Akin yan!" Reklamo ko."TSS, you shouldn't eat much. This is bad for you. Do you know how many calories a double cheeseburger has?"Tinakpan ko ang tainga ko pero narinig ko pa din ang boses n
"I WANT to bring you to a movie." Pagkatapos naming ligpitin ang pinagkainan namin ay nakatunganga kaming dalawa sa sofa at pinapanood ang National Geographic about Antennae Galaxies."Anong movie?" Without leaving my eyes on the tube, I asked."Advance screening of a Hollywood film, Gwen was one of the writers, so---""So?" Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay."We have to see that." Sabi nya pagkatapos magbuga ng marahas na hangin.Pinanliitan ko siya ng mga mata, "We?""You are my girlfriend, right?""Ano ba ang goal mo? Ang mag-mukhang naka-move on para sa Business colleagues mo o ang mukhang naka-move on na para maistalk mo si Gwen anytime you want?""l am not stalking!" Depensa niya kasabay ng pag-ikot ng mata. Pabagsak siyang sumandal sa sofa at nakasimangot na humarap sa TV."Kung totoong girlfriend mo ako, masasaktan akong makita na natataranta ka pa din kapag merong mga event na mahalaga sa Ex mo." Pag-didiin ko."That's why I don't have a girlfriend and why I have you, rig
"SO you are off the market now?" Tanong ng babaeng reporter kay Jascha habang nanatili ako sa kanyang dibdib at nag-tatago.I found the best already, I am not in search for anyone, anymore." Pinal niyang sabi.Ang mga reporters ay umungol ng may panghihinayang."Come on, we also have Miss right there and even Vladimir Montello. They are still there, waiting to meet you.""Pero sa iyo ang pinaka'juicy' because of Gwen's recent engagement. When in fact, last year, you two were the hottest item when you proposed. That was the grandest and the sweetest proposal of the year, at nag-yes siya." Usisa muli ng bading na malaki ang tyan.Nag-angat ako ng tingin at sinilip si Jascha.Humalakhak siya na hindi umabot ang ngiti sa mga mata."Balato nyo na sa akin 'to okay? You are making my girlfriend uncomfortable. Please write about the movie instead of my lovelife." Yun lang at lumayo na kami.The cinema security were kind enough to allow us to enter the cinema kahit hindi pa iyon ang oras. Iniiw
I WOKE up midsleep. Ngumiti ako at muling pumikit pero nakarinig ako nang kaluskos sa paligid."Oh gising ka na pala." Bumungad si Calista sa kuwarto ko kaya napamulat ako, kumuha siya ng lotion sa dresset ko at inilagay sa mga braso."Paano ako nakauwi?" kunot noong tanong ko habang unti unti akong umupo sa gilid ng kama at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero bigo ako. Ang naalala ko ay ang paghilig ko sa bintana ng sasakyan ni Jascha, that's totally it."Buhat buhat ka ng boss mo." May umalpas na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi, "Ang gwapo ni Mr. Algin. Habang buhat ka nga niya kagabi nang dalhin sa kuwarto mo, naimagine ko na ang pagsusumpaan niyo sa harap ng altar! Bagay kayo!" Napakamot ako ng mukha, "Kami ni Jascha—""Wow, first name basis!""Sabi niya Jascha lang ang itawag ko!""Doon nagsisimula yan." Kumindat kindat pa ito. Binato ko ng unan ang kakambal ko."Broken hearted yung tao, 'wag ka ngang ganyan.""Broken hearted? E bakit nagtagal sa kuwarto mo kagabi? Ano
PINAGKAABALAHAN ko ang pag-titig sa mga display na litrato nila Jascha sa ibabaw ng grand piano nang iwanan niya ako sa living room. Most of the photos are black and white, some were sepia. Siguro ay ninuno pa ni Jascha. Everyone has the same aura, power and dominance."Ayan si Jascha ng maliit pa, at ang parents nya."Itinuro ni Manang Rose ang isang family picture doon. Probably a couple in their mid-twenties together with a little boy and girl. Napangiti ako habang tinitingnan ang batang si Jascha, he's smiling naughtily, sa tabi niya ay isang batang babae at magkahawak sila ng kamay."Kapatid niya?" I asked, pointing my finger on the beautiful little girl, although naalala ko na nag-iisanganak lang naman si Jascha."Ah, si Gwen yan, mga bata pa sila sa Davao. May plantation ang pamilya ni Jascha doon."I nodded. Bata palang sila ay magkakilala na sila. Nauunawaan ko kung bakit ganoon na lang ang attachment ni Jascha kay Gwen. May mga bagay na hindi madaling pakawalan. Investing ti
'l told Natalia that / cannot cheat on you and you made it clear that she can't go anywhere near me'Napatakip ako ng unan nang maalala ko ang eksenang iyon kanina sa mall, kung bakit? Hindi ko alam.I am beginning to have this feeling na nagkakagusto na sakin ang unggoy na yon. Tinitigan ko ang unggoy na nakuha ng amo ko kanina sa claw crane at malakas na inihampas iyon sa ulo ko."Ouch!" Reklamo ko doon sa unggoy at hinampas ko din siya ng kamay sa ulo para gumanti. Then the arrogant monkey get even by throwing himself to my face at parang sinakal noon ang ilong ko. Napangiwi ako."Fine, ilusyon ko lang yon. Wag ka na magalit! Wag ka din kasing feeling close." Tinusok ko ang ilong ng unggoy na parang kausap ko din si Jascha. I am actually beginning to think that this is a good idea. Lahat ng nararamdaman ko ay pupwede ko nang iparating sa pamamagitan ng stuffed toy na ito.However, the monkey has stares that do the talking. Parang may sariling buhay na bumubulong bulong ito in a cut
WE went to a restaurant that Jascha's mother booked.Mula sa glass walls ay nakita ko agad ang pamilya ni Jascha na tahimik na nakaupo sa mga lamesa. Some of his relatives were here and it seems like the whole restaurant were booked for us.The whole place went silent as we entered. I flashed a smile and everyone smiled awkwardly in return. 'Mga apo.." Granny called. Lumapit kami sa kanyang lamesa kung nasaan ang Mommy at Daddy ni Jascha."Kumusta ka?" Aleana asked me. "Okay lang po, Tita. Medyo hirap nang maglakad pero nakakapasok pa ako sa opisina."Meico and Tonio set up a small office. Sa Nemesis din naman iyon at binigyan kami ng maliit na space ni Jascha para sa sarili naming business."Oh, the perfume business." Granny smiled with acknowledgement. "Napakacute ng business mo, Cass. Bagay na bagay sa personality mo."Tumango ako, "Padadalhan ko po kayo ng samples kapag nailabas na ang first batch, Tita, Granny. Wala pa kaming scent na panlalaki kaya hindi pa kita mabibigyan Tito
BUMANGON ako sa kama at hindi na kami naghiwalay pa ni Jascha. Magkatalikuran kaming nagbihis at saka patakbong bumaba ng bahay dala lamang ang overnight bag. We played alternative music to keep us occupied while were on the road. Binaybay namin ang mahabang kalsada paakyat ng Antipolo at nagbakasakali kaming magbook sa isang Cafe na merong bed and breakfast."Magkasama kami ng room." Mabilis kong sinabj sa receptionist na hindi mapawi ang ngiti."Oo naman, Ma'am..""Sinisiguro ko tang, I don't really want to stay in a room, alone." Ulit ko.Napatingin ako kay Jascha nang may mapaglarong ngiti, lumapit ako sa kanya para bumulong, "Hm, mukhang tumaas ang confidence mo doon. I don't want to be eaten by the demon. That's it.""Ako din naman." Umakbay sa akin si Jascha. Umakyat kami ng isang palapag patungo sa hotel room na napili namin. The hotel room doesn't need to be so high to have a breathtaking view. Ang malaking bintana ay nakapaharap sa ibaba kung saan makikita ang metro. The roo
DIRE-DIRETSO ako papalabas kahit naririnig kong sumisigaw ang kakambal ko. Mabuti at nakakuha agad ako ng taxi at nagpahatid ako sa lugar kung nasaan daw dapat ako.Nasisilaw ako sa repleksyon ng araw sa wind chimes na display sa pintuan ng bahay. llang minuto na akong nakatayo doon nang walang ginagawa. Hindi ko matanawan si Sirius mula sa loob. Alanganin kong pinindot ang doorbell. Nakatatlong pindot ako nang bumukas ang pinto ni Jascha, napalunok ako."Cassandra." There's no warmth or any trace of smile on his face when he saw me."H-hi.." Umangat ang isang palad ko."Jascha!" Isang babae na nakasuot lang ng pantulog ang sumilip sa pinto at hinila ang kamay ni Jascha. Napasinghap ako.Kaya naman pala hindi na ako binalikan ng walanghiya! May ibinabahay na agad?!"Cassandra."Agad kong hinila ang malaking maleta na bitbit ko papalayo."Cass!" The wheels of my luggage made rough noises against the road. Mas marahas na paghila, mas nilalamon ang boses ni Cass sa ingay.Hindi ako lumin
THE DAYS may not always be happy and sunny, but for me, I was at peace. Nag-iintay ako ng delubyong babagsak muli sa harapan ko isang linggo na ang nakakaraan pero wala din namang nangyari. Sumubo ako ng pomelo na isinawsaw ko sa patis at sili, napangiwi si Meico at Tonio habang pinapanood ako."Ah! Ang baboy mol" Maarteng napapikit si Tonio.Napangiwi ako at ibinaba ang pomelo na hawak ko. Nalungkot ako sa pandidiri nila."Sorry.." I burped."Hoy!" Mula sa likuran ay binatukan ni Calista si Tonio, "Palibhasa wala kang matres! Ganyan talaga ang naglilihi. Sige lang Cassandra, kumain ka pa." Inilahad sa akin ni Calista ang karagdagang pomelo. I smiled and eat happily. At least my twin accepts me for who I am."Okay, fine! Pupwede na ba nating pag-usapan ang future?" Tanong ni Tonio."Babalik ako sa States.." Paalala ko."Babalik tayo sa States pero hindi muna ngayon, you have to limit your travel dahil ang ibang nagbubuntis nga ng kambal ay kailangan ng bedrest. Sorry pero bawal tayong
"PUMIKIT.."I did as I told."Tapos dumilat ka.""Pikit.. Tapos dilat. Pikit ulit tapos dilat.." Tumigil ako sa pagsunod."Ano ba? Sabi ko pikit! Ba't di ka pumikit!""Niloloko mo ba ako?""Hindi nga. Akala ko ba naniniwala ka sa'kin?""No. My wife believes you." Huminga ako ng malalim at saka pumikit. Sinunod ko si Dr. Lester Concepcion.Pagkagaling sa Ilocos, dumiretso agad ako dito. Tell me I am crazy. Malapit na talaga akong mabaliw dahil sa mga nangyayari sa akin. My life was not like this months ago nang hindi pa bumabalik si Cassandra, maayos na sana ako noon. Pakiramdam ko, okay lang untiuntiin ang muling pagbangon. The only thing that matters to me was to go back and handle my business, she was out of the picture and part of the memory that I have lost. She did not stay, so I did not bother knowing her.Pero nang dumating siya kasama na ang gulong ito, nauhaw ako sa katotohanan. Ramdam kong mahalaga siya. Ramdam kong kailangan niya ako. But having no idea who she really is in
UMUNGOL ako sa matinding pananakit ng ulo.Dark, it was so dark. Naririnig ko ang ugong ng aircon at ang mahinang tawanan mula sa labas.Napabalikwas ako. Nasaan ako?Pinakiramdaman ko ang aking sarili ko, wala akong nararamdamang pananakit ng katawan bukod sa pananakit ng ulo marahil dahil sa malalim na pagtulog.My hands traveled to my body and my eyes widened to find out that I am completely naked! Binuksan ko ang ilaw ng lampshade at nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong naroon pa din ako sa hotel room ko.I heard a groan, agad kong nilingon kung sino iyon at ganon na lang ang gulat ko nang makita ko doon si Geo sa tabi ko, kagaya ko ay wala din siyang malay."Geo..." Agad ko siyang kinalabit. "Hey, Geo." But to no avail, wala talaga siyang malay.The drink. That was the last thing I remember. Tumayo ako agad para hanapin ang mga damit ko. Nasa ganoong ayos nang bumukas ang pinto mula sa adjacent room ni Jascha. If I was horrified, Jascha was ten times more. Agad akong napal
"YOU HEARD, Stephanie. Include Cassandra's name in the list of contestants for Miss DVC." Buong awtoridad na sambit ni Jascha habang nagsusumiksik ako sa kanyang kili-kili dahil sa pagpahiya. Yung boss ko pa talaga ang nag-rehistro sa pangalan ko. Baka isipin nila na isa iyong emotional blackmail kahit deserve ko naman talaga ang titulo. Paano na lang kapag nanalo ako? lisipin nilang luto ang pageant kahit wala naman talagang papantay sa karakas ko sa mga nandirito."Okay Sir.." Nginitian ako ni Stephanie pero umiwas akong muli ng tingin dahil tiyak kong namumula pa ang mga mata ko dahil sa luha.Nang makaalis kami sa HR Department, nanatili ako sa likod ni Jascha habang naglalakad, nahihiya."Psst.. Cassandra.." Naririnig kong bulong ni Jax, tipid ko siyang nilingon pagkatapos ay bumalik sa pagkakayuko. Hanggang sa makarating kami sa opisina ni Mikel, nanatili akong ganon."Water?" Alok ni Jascha nang makaupo na ako sa aking puwesto at ipinatong ang bag sa lamesa.Umiling ako pero tu
"ANG HAROT HAROT kasi! Ayan ang napapala mol" Inginudngod ako ni Lexy sa kaharap kong mixture ng polvoron na ipapamahagi ko bukas para madami ang magchi-cheer sa akin sa Miss DVC. Akala ng Jascha na yan, magpapaawat ang kagandahan ko sa paghahanash niya!"Bakit? Ikaw ba ang pinahiya? Ako naman di ba? Akala ko ba tutulungan ako non? Gusto lang ata akong soplakin non para makaganti. Ano bang ginawa ko kay Jascha?" Sunod sunod na tanong ko. Natulala sa akin si Lexy at nakapamewang na napailing."l don't know. I wish I know. I tried to ask pero mukhang sa inyong dalawa lang ang dahilan ng break up niyo eh." Napakamot ng ulo si Lexy na halatang naguguluhan din."Sa daldal kong ito, nailihim ko pa sa iyo?""Maybe because it is too painful.. You changed a lot when you broke up." Nakuha ni Lexy ang atensyon ko dahil sa kanyang sinabi."Gaya ng?""Well, surprisingly, you became better, strong, independent woman. Hindi ko nga iniisip na mabubuhay kang wala si Jascha. But you made it, you are se
MAGBA-BRA o tatanggalin ang bra? Eh paano yun kapag natukso? Eh di kasalanan ko na naman. Mas lalo lang siyang magagalit sa akin!Eh paano naman kung magka-breast cancer ako dahil matutusok ako ng bra wire kapag natutulog?Ang tagal kong nag-iisip sa harap ng salamin habang nakaambang tatanggalin ang hook ng bra ko. Tsk, hindi ko na nga lang tatanggalin. Ako na lang ang magaadjust. Isang gabi lang naman ito. Tumalikod na ako at lalabas na sana ng banyo nang matigilan.Humarap akong muli sa salamin at pinagmasdan ang suot kong pajama, hindi naman ito revealing kaya dapat hindi manggigil si Jascha sa presensya ko. Walang wala naman ang pananamit ko kumpara sa damit ni Gwen. Nung highschool pa lang kami, pa-sexy na yon eh. Lagi nga niya akong binubully dahil magastos daw ako sa tela. Aktibista ata yun ng mga sinulid at silk worms kaya galit na galit sa mga matataba na nakakaconsumo ng maraming tela. Anong kayang adbokasiya niya? 'Kungangmga ahas nga kinakaibigan mo pa. Mga uuod pa kaya?