"DID you know that the biggest star is not the sun?"
Kinagatan ko ang double cheesebuger ko at tumingin sa ibaba ng Metro Manila kung saan nagpapanggap ang mga bahay sa ibaba na parang stars dahil sa mapusyaw na liwanag nito. Nakakatuwang tingnan.
"l heard of that." Uminom si Boss Pogi sa kanyang softdrinks. Tiningnan niya pa ang baso ng fastfood at nagkibit balikat. Umalis kami sa party nang hindi man lang nakakain kaya nag-drive thru kami sa isang fastfood. Hindi niya pa nga iyon gusto pero sarado na ang karamihan sa establishments at sinabi kong mamamatay na talaga ako sa gutom kapag hindi pa kami kumain.
"The monster is named VY Canis Majoris. It is 1,800 times bigger than the sun."
"Amazing." Umangat ang gilid ng labi niya at kinuha ang softdrinks ko mula sa kamay at ininuman din iyon.
"Hey! Akin yan!" Reklamo ko.
"TSS, you shouldn't eat much. This is bad for you. Do you know how many calories a double cheeseburger has?"
Tinakpan ko ang tainga ko pero narinig ko pa din ang boses niya.
"Six hundred fifty, and this Coke?" Wika niya.
I rolled my eyes. "Mas madami kang kinain na fries kaysa sa akin, inagawan mo pa ako ng Coke."
"l will workout tomorrow."
"At ako hindi?"
"You workout? Hindi halata huh."
"l do triathlon. Kung hindi mo pinasakit ang paa ko ngayon gabi, malamang tumakbo ako bukas."
"Sorry." He really looks apologetic.
"Okay lang, ito naman. Hindi bagay sayo ang magsorry. Sana mas gumaan ang loob mo na nasamahan kita."
"Yes, thanks to you. But we are still not friends." Huminga siya ng malalim at ngumiti.
"Ayoko din naman maging kaibigan ka. Paanong may nakatagal sayo ng pitong taon?"
"That's very nosy of you but to answer your question, Gwrn and I have so many things in common."
"Dominante din siya at mayabang?"
"Well, on our terms that is being focused and confident."
"Parang hindi naman."
Madami pa kaming napag-usapan. Matiyagang nakinig si Boss Pogi sa theories ko about space kahit unang beses niyang narinig ang dark energy at dark matter. Inamin niya na ang tanging darkness na alam niya ay ang gabi at pagpikit ng mata. Kahit papaano ay iginalang naman niya ang passion ko sa universe andstars. Hindi namin namalayan ang oras habang naguusap kaya madaling araw na nang maihatid niya ako sa bahay.
"Here's your payment." Nang pagbuksan ako ni Boss Pogi ng sasakyan ay iniabot niya sa akin ang isang sobra.
Ngumiti ako at itinulak iyon pabalik. "Hindi na, trabaho ko naman na i-assist ka. Isasaoli ko na rin lang ang lahat ng isinuot ko sa Lunes."
"No, Cassandra. This isn't part of your job. And this is what I promised."
"Kailangan mo ng kasama at kusa kitang sinamahan. Saka gusto ko naman iyong maalala mo ang kabutihan ko sa iyo para hindi naman puro kasamaan ang ibahagi mo sa akin."
Mahina siyang natawa. "Keep the dress then. I will be more comfortable that way."
"Pupwede ko bang ibenta?" Biro ko.
"l will be happy if you won't. Bagay sayo. You look great."
Nag-init ang pisngi ko. "Gustong-gusto ko iyang pambobola mo. Sige na, Boss Pogi. Umuwi ka na. Ingat sa pag-drive. See you on Monday."
He smiled and waved at me before hopping in his car.
NANAGINIP pa akong nasa gitna ng meteor shower at tinatakasan ang bumabagsak na meteor sa lupa nang mag-ring ang cellphone ko.
"Hello?"
"Ang tanghali mong gumising!"
Napatakip ako ng unan at nanatiling nakapikit.
"I've been calling you for ages."
"Boss Pogi naman, wala bang ibang spiel ang 'hello' mo? Ano yon?" Bumangon ako at dumiretso sa banyo for my morning routine. I flushed the toilet and I forgot being on the phone. "Oops." I smiled.
"Ah! That's gross." Iritado niyang sabi.
"Arte! Mas kadiri yun kung hindi ako nagflush."
Lumabas ako ng kuwarto at nakita doon si Calista, nakahiga sa sofa at palipat lipat ng channel sa TV. Weekends, finally! Sobrang stressful ang buong Linggo ko kay Boss Pogi, imagine acting as his date last night? It made everything worse.
"Pero hindi mo kailangang iparinig sakin di ba? What are you?"
"Tao." Kumuha ako ng mug at nagsalin ng mainit na tubig doon pagkatapos ay powdered chocolate naman. "Chill! Ang aga aga puro ka reklamo.
Nagsimula sa tanghali ako gumising, nagflush ako ng toilet, ayoko na magsalita kasi for sure yung susunod na lalabas sa bibig ko, ikakairita mo ulit." Umirap ako at sumimsim ng hot chocolate.
"Ang pilosopo mol"
"Sinasabi ko na nga ba. Good morning, Boss Pogi!" Malambing kong wika baka sakaling mawala ang init ng ulo.
"Just Jascha, okay."
"Okay Jascha, what is it?" mahinahon kong tanong.
"Andito ako sa labas ng bahay nyo." Halos pabulong nyang sabi.
Napaso ako sa iniinom at di napigilan ang pag-samid. "Anong ginagawa mo diyan? I should review my contract to check kung kasama ba ang weekends sa trabaho ko."
"You are not going to work. Come on, pagbuksan mo na ako."
Lumapit muna ako sa bintana para tiyakin na hindi ako pinag-ti-tripan ng amo ko. Hinawi ko ang pink naming kurtina para kumpirmahin. And there he is! His 6-foot tall GQ ready body in a casual attire, jeans and white polo shirt but still mouthwatering, nakahalukipkip doon sa dark blue niyang BMW.
Nagtama ang mga mata namin, tumaas ang kanyang kilay. Wala sa sariling kinapa ang mukha para sa ano mang bakas ng pagkakahimbing o bakat ng unan. Nang madamang wala naman, binuksan ko ang pinto at hinarap siya.
"Nallgo ka na ba?"
I smelled my armpits, "Hindi pa, naamoy mo ako?"
He chuckled. "From here? Yeah.", his sexy Asian orbs looked at me. Napailing siya.
Huminto ako sa pag-hakbang. "Hindi pa din ako nagsesepilyo, Boss—"
"Jascha, can you just practice calling me just Jascha? Not sir, not Sir Jascha, not Bossing.."
"Okay PO, Boss Pogi.."
"Even that." Tinuro nya ang bibig ko.
"Ano naman ang nakain mo? Ayaw mo nang nirerespeto ka?"
"l have a proposal to make. Can I come in?"
"Mabaho ako." Mas lalo kong naramdaman iyon dahil ang amoy niya ay halos umabot sa kinatatayuan ko kahit mahigit isang dipa pa ang pagitan. The familiar fresh from the shower scent, earthy with a muted mint and everything Jascha filled my nosetrils.
"l guess I need to deal with it." Lumapit siya sa maliit na gate at saka inabot ang metal lever doon para iunlock, pinapasok na niya ang kanyang sarili.
Nagpatiuna ako sa pag-pasok ng bahay. Doon kami sa kusina nag-tungo at umupo siya sa aisle ng lamesa at ako naman ay sa kaliwang gilid niya. "Choco drink? Pandesal?" I asked.
Kahit hindi pa siya sumasagot ay ipinaghanda ko siya, tinanggap niya iyon at nakatitig pa siya sa akin nang inumin iyon. Inintay ko lang na matapos ang pag-inom niya at ang pag-baba ng tasa.
"Anong proposal?"
"l was never opened with my life." "It figures."
"But you know my secret already."
"Ano yun?" Sumubo akong muli ng tinapay at ganoon din siya.
"l haven't moved on!"
"Well..." Nagkibit balikat ako.
"l need you."
"Ay teka, teka." Pinagpag ko ang kalat mula sa pandesal sa aking kamay at saka uminom ng hot chocolate. "Alam ko yan. Naku ayoko."
"What do you know?" He asked
"You want me to be your rebound girlfriend." Maarte kong pinaikot ang mga mata ko, "Like, I know. I am beautiful and I meet your standards and all but no. Ayokong masaktan kasi baka ma-fall lang ako sa huli tapos hindi mo ako seseryosohin." Seryoso pa ako sa pag-lilitanya nang tumawa nang malakas si Jascha.
Tears almost fell on his eyes. Napanguso ako.
"Goodness! I am not asking you to be my girlfriend for real."
"Hindi?" Natigilan ako.
"No. A faux girlfriend."
"Faux? Magsisinungaling tayong dalawa?"
"It is with pay."
"Binibili mo ako?"
"This is a job I am offering, although I must admit, a very odd one." Uminom muli siya sa kanyang tasa.
"This is like a poorly written script, Jascha. Isa pa, isang linggo pa lang tayo magkakilala. Hindi mo man lang ba tatanungin kung anong relationship status
"In a girl relationship?"
I rolled my eyes, "Alam mo, kakambal ko yung nakita mo noon."
He smiled, "l know. You both have gray eyes, she has long hair but everything's almost the same. Except for the way your eyes flickered in annoyance and you wrinkle your nose when you are fuming mad. That's cute, actually."
"Kung binobola mo ako para pumayag ako, itigil mo na kasi umeepekto." Sumimangot ako.
"Hear me out first, okay. It's been a year since Margaux and I broke up, I've been sleeping around, dating random girls and I realized, it didn't look good."
"Hindi ka pa nagkakasakit?"
"l am clean." Kumagat siya ng kanyang pandesal at ganon din ang ginawa ko, magkadikit na halos ang mga tuhod namin dahil sa pagkakalapit ng upuan, "The thing is, I look like a loser and I don't want that. I need to show the world that I am okay and you know what, the first time that I felt okay after our break up was with you beside me."
Malapad akong ngumisi, "Aww. I am flattered."
"Don't be. I know, it would worked the same with somebody else pero eto ka na. Half of my business ties were at the party last night and they saw you. I did not introduce you as a date but as my girl. If I will introduce somebody else after you, they will think that we only had a casual hook up."
"l am not the hook up type!"
"Alam ko, kaya nga I am offering you this job to act as my serious girlfriend to bring back my intergrity inside my social circle."
Saglit akong nag-isip at sinipat ang pagmumukha ni Jascha. He looks nice, actually. Masungit lang talaga kapag may topak siya which is everyday but I can deal with that. Wala naman siyang tendency na manakal o mambato ng gamit. He even looked vulnerable last night. Nakakaawa din siya nang ibulong niya sa akin na nasasaktan siya. Tumaas ang kilay ko. He made puppy
eyes and everything looked better with that gaze!
"Papayag ako, pero.."
Tumango si Jascha, inintay ang susunod kong sasabihin.
"Hindi ako tatanggap ng bayad dahil ayoko ng pakiramdam. Let me do this as Mother Theresa would do as her love for the poor. Madadagdagan lang ang guilt ko kapag may perang involve. I will date you in public, use my name as much as you want but that is limited to my body. Don't you dare touch my body parts except for my hands, shoulders and waist.
Kissing, sa cheeks at forehead lang. Wag kang aabuso, alam kong mapusok ka dahil nakikita ko sa mga mata mo pero wag na wag kang magtatangka."
Sinubukan niyang pigilan ang masigabong tawa pero kusa na namang lumabas iyon.
His laugh sounded like a masonry drill, it echoed to the whole house. "l won't. You are pretty but not my type, you know." Minuwestra niya ang kamay niya at gumawa ng parang bilog doon, bumagsak ang tingin ko sa aking dibdib at nanliit ang mga mata.
"Bastos!" I squealed He snickered again. Mas nainsulto ako sa paraan ng kanyang tawa. Naubos ang mga mata niya at tumaas baba ang dibdib niya.
So this is Mister, unguarded and raw.
"Thanks, Love." Wika niya pagkatapos ng mahabang pag-tawa. Umiwas ako ng tingin ng maramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko.
"Welcome, Love." I said softly.
"I WANT to bring you to a movie." Pagkatapos naming ligpitin ang pinagkainan namin ay nakatunganga kaming dalawa sa sofa at pinapanood ang National Geographic about Antennae Galaxies."Anong movie?" Without leaving my eyes on the tube, I asked."Advance screening of a Hollywood film, Gwen was one of the writers, so---""So?" Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay."We have to see that." Sabi nya pagkatapos magbuga ng marahas na hangin.Pinanliitan ko siya ng mga mata, "We?""You are my girlfriend, right?""Ano ba ang goal mo? Ang mag-mukhang naka-move on para sa Business colleagues mo o ang mukhang naka-move on na para maistalk mo si Gwen anytime you want?""l am not stalking!" Depensa niya kasabay ng pag-ikot ng mata. Pabagsak siyang sumandal sa sofa at nakasimangot na humarap sa TV."Kung totoong girlfriend mo ako, masasaktan akong makita na natataranta ka pa din kapag merong mga event na mahalaga sa Ex mo." Pag-didiin ko."That's why I don't have a girlfriend and why I have you, rig
"SO you are off the market now?" Tanong ng babaeng reporter kay Jascha habang nanatili ako sa kanyang dibdib at nag-tatago.I found the best already, I am not in search for anyone, anymore." Pinal niyang sabi.Ang mga reporters ay umungol ng may panghihinayang."Come on, we also have Miss right there and even Vladimir Montello. They are still there, waiting to meet you.""Pero sa iyo ang pinaka'juicy' because of Gwen's recent engagement. When in fact, last year, you two were the hottest item when you proposed. That was the grandest and the sweetest proposal of the year, at nag-yes siya." Usisa muli ng bading na malaki ang tyan.Nag-angat ako ng tingin at sinilip si Jascha.Humalakhak siya na hindi umabot ang ngiti sa mga mata."Balato nyo na sa akin 'to okay? You are making my girlfriend uncomfortable. Please write about the movie instead of my lovelife." Yun lang at lumayo na kami.The cinema security were kind enough to allow us to enter the cinema kahit hindi pa iyon ang oras. Iniiw
I WOKE up midsleep. Ngumiti ako at muling pumikit pero nakarinig ako nang kaluskos sa paligid."Oh gising ka na pala." Bumungad si Calista sa kuwarto ko kaya napamulat ako, kumuha siya ng lotion sa dresset ko at inilagay sa mga braso."Paano ako nakauwi?" kunot noong tanong ko habang unti unti akong umupo sa gilid ng kama at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero bigo ako. Ang naalala ko ay ang paghilig ko sa bintana ng sasakyan ni Jascha, that's totally it."Buhat buhat ka ng boss mo." May umalpas na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi, "Ang gwapo ni Mr. Algin. Habang buhat ka nga niya kagabi nang dalhin sa kuwarto mo, naimagine ko na ang pagsusumpaan niyo sa harap ng altar! Bagay kayo!" Napakamot ako ng mukha, "Kami ni Jascha—""Wow, first name basis!""Sabi niya Jascha lang ang itawag ko!""Doon nagsisimula yan." Kumindat kindat pa ito. Binato ko ng unan ang kakambal ko."Broken hearted yung tao, 'wag ka ngang ganyan.""Broken hearted? E bakit nagtagal sa kuwarto mo kagabi? Ano
PINAGKAABALAHAN ko ang pag-titig sa mga display na litrato nila Jascha sa ibabaw ng grand piano nang iwanan niya ako sa living room. Most of the photos are black and white, some were sepia. Siguro ay ninuno pa ni Jascha. Everyone has the same aura, power and dominance."Ayan si Jascha ng maliit pa, at ang parents nya."Itinuro ni Manang Rose ang isang family picture doon. Probably a couple in their mid-twenties together with a little boy and girl. Napangiti ako habang tinitingnan ang batang si Jascha, he's smiling naughtily, sa tabi niya ay isang batang babae at magkahawak sila ng kamay."Kapatid niya?" I asked, pointing my finger on the beautiful little girl, although naalala ko na nag-iisanganak lang naman si Jascha."Ah, si Gwen yan, mga bata pa sila sa Davao. May plantation ang pamilya ni Jascha doon."I nodded. Bata palang sila ay magkakilala na sila. Nauunawaan ko kung bakit ganoon na lang ang attachment ni Jascha kay Gwen. May mga bagay na hindi madaling pakawalan. Investing ti
'l told Natalia that / cannot cheat on you and you made it clear that she can't go anywhere near me'Napatakip ako ng unan nang maalala ko ang eksenang iyon kanina sa mall, kung bakit? Hindi ko alam.I am beginning to have this feeling na nagkakagusto na sakin ang unggoy na yon. Tinitigan ko ang unggoy na nakuha ng amo ko kanina sa claw crane at malakas na inihampas iyon sa ulo ko."Ouch!" Reklamo ko doon sa unggoy at hinampas ko din siya ng kamay sa ulo para gumanti. Then the arrogant monkey get even by throwing himself to my face at parang sinakal noon ang ilong ko. Napangiwi ako."Fine, ilusyon ko lang yon. Wag ka na magalit! Wag ka din kasing feeling close." Tinusok ko ang ilong ng unggoy na parang kausap ko din si Jascha. I am actually beginning to think that this is a good idea. Lahat ng nararamdaman ko ay pupwede ko nang iparating sa pamamagitan ng stuffed toy na ito.However, the monkey has stares that do the talking. Parang may sariling buhay na bumubulong bulong ito in a cut
TATLUMPUNG minuto akong nakatulala sa lamesa ni Jascha. Wala siya doon. Sinundan ang Lola niyang Queen Amidala ng Starwars, Senioredition.The fierce look kahit pa hirap nang lumakad. Tsk, tiyak na ang buhok lang sa kili-kili ni Jascha ang walang latay ngayon. Mukhang galit pa naman ito sa paraan ng pagtawag kay 'Jascha'. Wala man lang lambing ito.Tumingin ako sa orasan at nagpangalumbaba. Talaga bang hindi na siya babalik para mag-trabaho? Malapit na ang uwian pero wala pa din siya. Hindi kaya siya sinakal ng Lola niya gamit ang tungkod nito?Napahawak ako sa labi ko at muting natulala.Hinalikan ako ni Jascha.Hinalikan niya ako ng walang paalam!Inis kong ginulo ang buhok ko. Kinuha niya ang first kiss ko nang walang paalam! Hindi ko na nga siya siningil sa pagpapagamit ko ng relationship status ko pagkatapos ay nanakawan niya pa ako ng halik?Pambihira! Naisahan na naman ako ng unggoy na iyonInis kong sinikop ang gamit ko nang hindi pa din siya bumabalik nang oras nang umuwi. Na
"GRANNY.." pukaw ko sa atensyon nya habang umiinom sya ng hot chocolate na syang inihanda ko sa kanya. I bit my lower lip. Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Jascha pero cannot be reached naman siya. Nagangat ng tingin si Granny sa akin na nanliliit ang mga mata."Itong bahay nyo, masyadong maliit." Sabi nya sabay tayo sa upuan, pinasadahan niya ng tingin ang mga picture frames na nakadisplay sa wooden shelves doon sa malapit sa pinto."Ikaw ba to?" Tanong nya habang inangat ang isang picture frame na kulay pink."Kakambal ko po yan, si Calista." Magiliw na wika ko. Marahan siyang tumango."These were your parents?" Tukoy niya sa wedding picture ni Mama at Papa. "Tell me, how are they as parents?"Bumuga ako ng hangin para pakawalan ang bigat sa dibdib. "Mabait. Hindi sila mahigpit. Malaya kaming pumili ng kapatid ko kung ano ang gusto namin. Sayang nga at maaga silang kinuha."Mahigpit na hinawakan ni Granny ang kamay ko. Akala ko ay papalipitin niya pero nakakaunawa siyang tumango
MGA five minutes na din ang nakakalipas na nakatanga ako at nakaluhod sa may paanan ni Granny. Five minutes na din ang nakakalipas ng nawala sa paningin namin si Jascha at pinaharurot ang sasakyan nya papalayo sa amin. Nag-walk out ang lolo niyo.Tiningnan ko si Granny na parang wala lang nangyari dahil mukhang naglalaro pa nga ito ng kung ano sa cellphone nya. Candy crush pa nga ata yun."Granny." Mahinang tawag ko."Ito naman eh opinyon ko lang, Granny. Kasi friends tayo di ba? Pero kung ayaw ninyo pong pagbigyan ang hinihiling ni Jascha, sabihin nyo na lang po na ayaw nyo, kasi po alam naman nating lahat na peke po ako na girlfriend kaya hindi mangyayari ang sinasabi nyong kasal." Hindi ko alam kung saang kaban ako kumuha ng hinahon habang sinasambit ang mga salita, pero iniiwasan kong magalit si Granny kaya hindi ako maghi-hysterical dito."Malay mo." Kibit balikat nyang tugon."Malay ko? Malay ko na ano?""Malay mo pakasalan ka nga ni Jascha. You can never can tell.." matalinhaga