"I WANT to bring you to a movie." Pagkatapos naming ligpitin ang pinagkainan namin ay nakatunganga kaming dalawa sa sofa at pinapanood ang National Geographic about Antennae Galaxies.
"Anong movie?" Without leaving my eyes on the tube, I asked.
"Advance screening of a Hollywood film, Gwen was one of the writers, so---"
"So?" Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.
"We have to see that." Sabi nya pagkatapos magbuga ng marahas na hangin.
Pinanliitan ko siya ng mga mata, "We?"
"You are my girlfriend, right?"
"Ano ba ang goal mo? Ang mag-mukhang naka-move on para sa Business colleagues mo o ang mukhang naka-move on na para maistalk mo si Gwen anytime you want?"
"l am not stalking!" Depensa niya kasabay ng pag-ikot ng mata. Pabagsak siyang sumandal sa sofa at nakasimangot na humarap sa TV.
"Kung totoong girlfriend mo ako, masasaktan akong makita na natataranta ka pa din kapag merong mga event na mahalaga sa Ex mo." Pag-didiin ko.
"That's why I don't have a girlfriend and why I have you, right? Because I am not ready. I told you that already. Sinabi mo din na ayos lang masaktan."
"Ayos lang na masaktan pero hindi mo dapat kusang sinasaktan ang sarili mo. You can see her all that you want pero hindi na siya babalik sayo."
Malungkot niya akong tiningnan. He sighed. "l guess you are right."
Tila nawalan siya ng gana sa pinanonood at nagbago agad ang kanyang mood.
Hindi din naman ako mapakali na makita siyang malungkot dahil ang first impression ko sa kanya ay isang lalaking masungit at makapangyarihan. Hindi ko alam kung may karapatan akong pumasok sa bahagi ng kanyang pagkatao pero kapag naiisip ko na hindi naman niya ako kakailanganin kung hindi talaga mahalaga sa kanya ang image niya, gusto kong tulungan siya.
Pero bakit ako?
Siguro sa sama ng ugali niya, all these years wala siyang naging kaibigan at kung meron man, niloko pa siya kaya ako ang nakikita niya ngayon.
"You know what? Fine. Let's show the world that you are okay."
Nilingon ako ni Jascha at unti-unting lumabas ang magaganda niyang ngiti. His smile could melt anyone's heart. His eyes went smaller like a smiling puppy, his teeth are pearly white. How can you say 'No' to this ball of cuteness?
"l brought you a dress, it is in the car."
I rolled my eyes heavenwards, "Pinlano mo to!" "l am just confident that you will say Yes."
Now, I feel like a push over. Hindi man lang siya nahirapan na kumbinsehin ako at napatunayan niyang no one can get away with his charm.
Mabilis lang akong naghanda. Tinulungan ako ni Calista sa pagpapatuyo ng buhok ko at sa manipis na makeup.
Isang pleated sunny yellow skater skirt paired with lacey taupe off shoulder long sleeves ang bitbit ni Jascha para sa akin. Gold ballet flats naman para sa mga paa.
"You look classy." Inayos ni Calista ang buhok ko at tinulungan ako sa pagkakabit ng swarovski stud earrings na kasama din doon sa damit.
"Do I look trashy to you?"
Tumawa ang kakambal ko, "Ikaw lang naman eh. Ayaw mong mag-ayos. Kahit naman noon na meron tayong pambili ng mga ganito, hindi ka magsusuot nito. I am wondering what did Jascha do to you?"
Malisyosa niya akong tiningnan. Nagpamaywang ako at sinamaan siya ng tingin.
"Wala. Tinutulungan ko lang yung tao."
Inabot ko ang cream colored sling pouch na ipinahiram ni Calista at isinukbit iyon sa balikat ko. "Bye, Calista!" Bago pa siya makasagot ay sinarhan ko na ang pinto.
Naabutan kong matiyagang nag-iintay si Jascga doon sa sofa. Nakapangalumbaba siya sa TV at nanunuod pa din ng National Geographic.
Nag-angat siya ng tingin sa akin, kumunot ang kanyang noo at saka mabagal na tumayo sa upuan.
"You really do have a way to surprise me. You look pretty."
"l know." Para itago ang pamumula ng mukha ay sinakyan ko na lang siya.
"A pretty boy." Dugtong niya. Napawi ang ngiti ko. I threw my hands over my chest and raised a brow at him.
"Masyado kang kumportable na pikunin ako."
He blunt a sexy laugh, "Nagkaboyfriend ka na ba?" His jawline moved to supress laughter.
"Hindi pa."
"How about a girlfriend?" Malakas siyang natawa pagkatapos non. Kumunot na ang noo ko ng husto.
"Kung ipagpapatuloy mo yan, hindi na kita sasamahan." Matabang kong sabi.
Naiwan na lang ang masayang ngiti niya sa labi at mabagal na nag-lakad papalapit sa akin. Humawak siya sa magkabilang Siko ko. My arms looks small in his hands. His caramel eyes gently gazed at me.
"Wala ka bang salamin kanina?"
"Kung punchline ulit yan, Boss Pogi—"
"Maganda ka nga, totoo."
For a split second, naiwan lang akong nakatunganga sa mukha niyang nakangiti din ang mga mata. It is eas) to see, maliit ang mga mata niya. Kaunting pagkilos lang ay hindi maitatago non ang bawat nararamdamar niya. Ang puso ko ay biglang bumilis ang pag-tibok, bumangon pati ang maliit na paru-paro sa tiyan.
Wala sa sariling sinampal ko ang mukha ko at napalakas iyon.
"Aray.."
"Hey." Inabot ni Jascha ang pinsgi ko at marahan iyonf hinaplos. "Bakit mo sinampal ang sarili mo?"
"Para akong mahihimatay." Pag-sasabi ko ng totoo. Tumawa muli si Jascha, "Kinikilig ang tawag diyan." Sumimangot ako. "Hindi ka pupwedeng pa-fall."
"Hindi naman ah."
"Wag kang lalapit. Do not underestimate your charm.
Bawal pa-yummy."
"Alright, alright. Noted."
Sa isang eleganteng mall kami nag-punta. Wala masyado pa din kaming maaga para sa 3'o clock screening ay inaya ako ni Jascha na mananghalian muna.
He opted for an Italian cuisine. The soft music and the lavender walls made the restaurant look dainty and romantic. Nag-tungo kami sa pinakasulok at natatakpan ng wall divison na gawa sa kahoy na nakalilok. Dahil siguro napansin niyang maraming mata ang napunta sa kanya nang dumating kami kaya bahagya siyang nailang. Kahit ako ay mapapatingin sa kanya kahit hindi ko kilala. He's obviously tall and lean, he's a magnet of attention even he's not asking for it. Idagdag pa na laman siya ng mga Business magazines na siya ang cover, nakita ko iyon sa Nemesis.
"Good afternoon, Sir and Ma'am, may I take your orders?"
Tumingin sa akin ang waitress na masiglang nakangiti at hindi na ako nag-paligoy ligoy pa, "Four cheese pizza and meatballs with spaghetti."
Pinanliitan ako ni Jascha ng mata, "Don't eat too much."
"Aww, nakakalungkot, tinitipid ako ng boyfriend ko." Lumabi ako, natawa ang waitress sa akin. "Do you know the calories—"
Tinakpan ko ang tainga ko, "Not interested." "And yet I watched your astronomy sh*ts."
Pinanliitan ko siya ng mga mata, "Sige makikinig ako kung ilan ang calories ng lahat ng kinakain ko pero hindi ibig sabihin non hindi ko kakainin. It is still up to me."
"Ang cute niyo naman PO." Di napigilan ng waitress na magkomento sa amin, "Ang saya niyo pong tingnan."
Nag-paste ako ng ngiti, "Ikaw pa lang ang nagsasabi niyan."
Napapailing si Jascha na ibinaba ang menu, "I'll have Chicken Kiev with Apples and walnuts salad. Thank you." "Ako pa pala, strawberry gelatto din."
"Cssandra."
"Pero gusto ko ng ice cream." Sumimangot ako.
"Fine, she'll have an ice cream." Napabuntong hininga siya doon sa waitress na matamis na ngumiti.
Nang dumating na ang mga pagkain namin, sinimulan ko ang pagkain ng gelatto.
"Did you know that desserts should come last?"
"Narinig ko nga. Pero kapag inuna ko ang ibang mga pagkain, mabubusog na ako at hindi na ako kakain nito. Hindi ko matitikman."
"Weird." Sumubo siya ng pagkain niya.
"May mga artista ba don sa screening?" Kinikilig na tanong ko.
"l warned you about not doing anything funny."
"Magpapapicture lang naman ako kay Papa P. Idol ko kasi yun!"
"Cassandra, I am warning you.." Lumiit ang mga mata niya. Napahagikgik ako sa paraan ng pagkapikon niya.
"Fine, ilang taon ka na lang?"
"29. You?"
"22. Ang tanda mo na pala 'no?"
"Mukha ka lang palang matanda 'no?" He retorted. I wrinkled my nose and he chuckled.
"May mga kapatid ka?" I asked while chomping on fresh stawberries on my gelatto.
"Wala. Only son of Don Mallari the third and Aleana but I grew up with my Abuela, Dona Serafina a. You?"
"Isa lang ang kapatid ko, si Calista."
"Parents?" Ginulo ni Calista ang salad sa kanyang Plato.
"Dead."
Natigilan siya at nag-angat ng tingin. "l am sorry."
Umiling ako, "Don't be. Matagal na yon. Bus Accident papuntang Mountain Province. Simula non kaming dalawa na lang ng kakambal ko."
"You must been missing them badly."
Tumango ako, "Sabi ni Mama, kapag namamatay daw ang mga tao, ginagawa silang stars ni God kaya lang sa dami ng bituin sa langit, hindi ko alam kung saan sila ni Papa." Malungkot akong ngumiti, "Hindi ko pa nga nakikita ang lahat ng constellations."
Nakatitig lang sa akin si Jascha. I realized that I look stupid. "Mukhang tanga 'no. Of course they will be Angels, not stars." Pinagtawanan ko ang sarili pero walang kangiti ngiti si Jascha na nakatitig sa akin.
"You can believe whatever you want to believe, Cassandra.
No one has came back from death after all."
Tumango ako. Kahit naman masungit si Jascha ay madami talagang puntos ang sinasabi niya. He's also sensitive enough to acknowledge my beliefs, ilang beses na ba akong pinagtawanan dahil naniniwala akong naging bituin sila Mama, kahit si Calista ay pinagtatawanan lang ako.
Pagkatapos naming kumain at mag-discuss ng basic personal information ay nag-lakad na kami patungo sa cinema. Naramdaman ko ang pag-hawak ni Jascha sa kamay ko, hindi na ako tumutol doon.
Pumasok kami sa madilim na bahagi ng mall, natanawan ko na ang isang parte doon kung saan merong naka-set up na red carpet at mga maliliwanag na ilaw. Formal guys in suits and women in dresses walked around small cocktail tables set up in front. Marami ding foreigner doon.
Napalingon kami sa tumawag kay Jascha na mula doon sa bahagi ng mga lamesa. A tall, gorgeous man with a pair of deep-set faded brown eyes walked beaming at us. He's wearing a dark blue polo and jeans. Ang kanyang mga braso ay halos mag-siksikan doon sa manggas ng suot niyang shirt. His skin tone is a washed out tan. Dios Mio Marimar He's the telenovela hero type!
"Ashton!" Ngumiti ang katabi ko. They high-fived and pulled each other to a man's hug and now, there's Jascha, the supporting lead of the Telenovela. "l haven't seen you in Cyrus' engagement party."
"That is why I am here. Yesterday was my cousin's wedding, remember Joaquin?" Ngumiti si Ashton at nabuo ang paniniwala kong mas nababagay siya sa Hollywood kaysa dito sa local cinema. Baka sakaling meron nang sumunod sa yapak ni Cesar Montano na Pilipinong nag-bida sa isang Hollywood Film. Si Jascha naman ay papasa bilang side-kick niya, yung tatamaan ng bala imbes na ang bida.
"Yeah, tied the knot already, huh? By the way," hinila ako ni Jascha papalapit sa kanya, "This is my girlfriend, Cassandra. And Cassandra, this is Ashton, he's a good friend and a business partner."
My eyes went dreamy until I felt a nudge on my ribcage. Ngumiti akong mabuti at inilahad ang kamay kay Ashton.
"Hi, nice to meet you!" Pinigilan ko ang sobra sobrang
pag-hanga. Para akong mauubusan ng oxygen nang maglapat ang aming kamay. Mabait na ngumiti sa akin ang lalaki. And that's it, I am smitten.
"Love?" Malambing na tawag sa akin ni Jascha, nagangat ako ng tingin sa kanya at pinanliitan ako ng mga mata. "Umayos ka." He mouthed on my forehead.
Nagkaroon ng maliit na ingay. Napalingon kami doon sa mock up stage na katabi ng entrada ng cinema, nagflash doon ang mga camera ng mga palagay ko ay mula sa media nang may dumating na mga foreign looking na cast ng pelikula. May mga katanungang ibinuhos na magiliw na isinagot ng mga artista. Nang umalis ang mga foreigners doon ay napalitan iyon ng pamilyar na babae. Ang dahilan kung bakit kami narito ngayon.
Mabibigat ang tingin ni Jascha na dumako doon. Hindi pa din maitatanggi ang pag-hanga sa paraan ng kanyang pag-lunok. She's rocking a small red tube dress and her signature red lipstick. Masaya siyang nakikipag-usap sa press habang magkakabit ang mga braso nila ni Cyrus. Napatingin ako kay Jascha at kitang kita ko ang lungkot niya.
'Uy, si Jascha yan, hindi ba?'
Napalingon ako doon sa nag-salita. Isang malaki ang tyan na lalaki ang lumapit sa aming direksyon, nakasunod sa kanya ang isang cameraman.
"Jascha, we don't expect you to be here! What do you feel about the success of your ex-girlfriend?"
Tanong sa kanya ng lalaki. Napaatras si Jascha pero marahan kong pinisil ang kamay niya. Tumingin siya sa akin at tumango ako.
"1m happy for her. She's always been a friend." Ngumiti ng tipid si Jasscha at hinila ang kamay ko. Humakbang kami ng isa pero muli kaming hinarang ng reporter na merong lapel microphone sa kamay. Mas itinutok niya pa iyon ka Jascha.
"But you were the bridge of her success right? Because of her local exposure, napansin siya sa Hollywood scene."
"You know what, Gwen is really a talented lady, so wherever she is right now, it's all because of her hardwork. Thank you." Mas naging malalaki ang hakbang ni Jascha na hinihila ako papalayo pero parang gagamba sa bilis ang reporter nang maharang kaming muli sa ikatlong pagkakataon.
"And who is she?" Nakataas pa ang kilay ng chismosong reporter na nakatitig sa magkahawak naming mga kamay.
Humugot muna ng malalim na hinga si Jascha bago sumagot, "My girlfriend."
Nalaglag ang panga at nakapormang "O" ang bibig nang reporter sa narinig na kumpirmasyon galing kay Jascha.
"MAY GIRLFRIEND NA Sl JASCHA?" Sigaw niya na siya namang nakatawag ng pansin ng mga reporters, tumakbo sila papalapit sa amin at wala na halos natira sa pwesto ni Gwen at Cyrus. Sunod sunod ang pagclick sa aming dalawa kaya yumuko ako at nagtago sa likod ni Jascha.
"Wah—Wait, she is a very private person and we are not here to talk about my lovelife, right? So just let her be. I am not a celebrity too." Tatawa tawang harang ni Jascha sa mga reporters. It seems nothing, he's so natural and happy, samantalang ako ay binalot ng hiya sa katawan.
"What's so special about her?" Tanong ng isang babae mula sa lupon ng mga press.
"Special?" Inakbayan ako ni Jascha pagkatapos ay ikinulong sa mahigpit na yakap, itinago ang mukha ko sa kanyang dibdib.
"Everything. This girl is a mix of everything."
"SO you are off the market now?" Tanong ng babaeng reporter kay Jascha habang nanatili ako sa kanyang dibdib at nag-tatago.I found the best already, I am not in search for anyone, anymore." Pinal niyang sabi.Ang mga reporters ay umungol ng may panghihinayang."Come on, we also have Miss right there and even Vladimir Montello. They are still there, waiting to meet you.""Pero sa iyo ang pinaka'juicy' because of Gwen's recent engagement. When in fact, last year, you two were the hottest item when you proposed. That was the grandest and the sweetest proposal of the year, at nag-yes siya." Usisa muli ng bading na malaki ang tyan.Nag-angat ako ng tingin at sinilip si Jascha.Humalakhak siya na hindi umabot ang ngiti sa mga mata."Balato nyo na sa akin 'to okay? You are making my girlfriend uncomfortable. Please write about the movie instead of my lovelife." Yun lang at lumayo na kami.The cinema security were kind enough to allow us to enter the cinema kahit hindi pa iyon ang oras. Iniiw
I WOKE up midsleep. Ngumiti ako at muling pumikit pero nakarinig ako nang kaluskos sa paligid."Oh gising ka na pala." Bumungad si Calista sa kuwarto ko kaya napamulat ako, kumuha siya ng lotion sa dresset ko at inilagay sa mga braso."Paano ako nakauwi?" kunot noong tanong ko habang unti unti akong umupo sa gilid ng kama at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero bigo ako. Ang naalala ko ay ang paghilig ko sa bintana ng sasakyan ni Jascha, that's totally it."Buhat buhat ka ng boss mo." May umalpas na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi, "Ang gwapo ni Mr. Algin. Habang buhat ka nga niya kagabi nang dalhin sa kuwarto mo, naimagine ko na ang pagsusumpaan niyo sa harap ng altar! Bagay kayo!" Napakamot ako ng mukha, "Kami ni Jascha—""Wow, first name basis!""Sabi niya Jascha lang ang itawag ko!""Doon nagsisimula yan." Kumindat kindat pa ito. Binato ko ng unan ang kakambal ko."Broken hearted yung tao, 'wag ka ngang ganyan.""Broken hearted? E bakit nagtagal sa kuwarto mo kagabi? Ano
PINAGKAABALAHAN ko ang pag-titig sa mga display na litrato nila Jascha sa ibabaw ng grand piano nang iwanan niya ako sa living room. Most of the photos are black and white, some were sepia. Siguro ay ninuno pa ni Jascha. Everyone has the same aura, power and dominance."Ayan si Jascha ng maliit pa, at ang parents nya."Itinuro ni Manang Rose ang isang family picture doon. Probably a couple in their mid-twenties together with a little boy and girl. Napangiti ako habang tinitingnan ang batang si Jascha, he's smiling naughtily, sa tabi niya ay isang batang babae at magkahawak sila ng kamay."Kapatid niya?" I asked, pointing my finger on the beautiful little girl, although naalala ko na nag-iisanganak lang naman si Jascha."Ah, si Gwen yan, mga bata pa sila sa Davao. May plantation ang pamilya ni Jascha doon."I nodded. Bata palang sila ay magkakilala na sila. Nauunawaan ko kung bakit ganoon na lang ang attachment ni Jascha kay Gwen. May mga bagay na hindi madaling pakawalan. Investing ti
'l told Natalia that / cannot cheat on you and you made it clear that she can't go anywhere near me'Napatakip ako ng unan nang maalala ko ang eksenang iyon kanina sa mall, kung bakit? Hindi ko alam.I am beginning to have this feeling na nagkakagusto na sakin ang unggoy na yon. Tinitigan ko ang unggoy na nakuha ng amo ko kanina sa claw crane at malakas na inihampas iyon sa ulo ko."Ouch!" Reklamo ko doon sa unggoy at hinampas ko din siya ng kamay sa ulo para gumanti. Then the arrogant monkey get even by throwing himself to my face at parang sinakal noon ang ilong ko. Napangiwi ako."Fine, ilusyon ko lang yon. Wag ka na magalit! Wag ka din kasing feeling close." Tinusok ko ang ilong ng unggoy na parang kausap ko din si Jascha. I am actually beginning to think that this is a good idea. Lahat ng nararamdaman ko ay pupwede ko nang iparating sa pamamagitan ng stuffed toy na ito.However, the monkey has stares that do the talking. Parang may sariling buhay na bumubulong bulong ito in a cut
TATLUMPUNG minuto akong nakatulala sa lamesa ni Jascha. Wala siya doon. Sinundan ang Lola niyang Queen Amidala ng Starwars, Senioredition.The fierce look kahit pa hirap nang lumakad. Tsk, tiyak na ang buhok lang sa kili-kili ni Jascha ang walang latay ngayon. Mukhang galit pa naman ito sa paraan ng pagtawag kay 'Jascha'. Wala man lang lambing ito.Tumingin ako sa orasan at nagpangalumbaba. Talaga bang hindi na siya babalik para mag-trabaho? Malapit na ang uwian pero wala pa din siya. Hindi kaya siya sinakal ng Lola niya gamit ang tungkod nito?Napahawak ako sa labi ko at muting natulala.Hinalikan ako ni Jascha.Hinalikan niya ako ng walang paalam!Inis kong ginulo ang buhok ko. Kinuha niya ang first kiss ko nang walang paalam! Hindi ko na nga siya siningil sa pagpapagamit ko ng relationship status ko pagkatapos ay nanakawan niya pa ako ng halik?Pambihira! Naisahan na naman ako ng unggoy na iyonInis kong sinikop ang gamit ko nang hindi pa din siya bumabalik nang oras nang umuwi. Na
"GRANNY.." pukaw ko sa atensyon nya habang umiinom sya ng hot chocolate na syang inihanda ko sa kanya. I bit my lower lip. Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Jascha pero cannot be reached naman siya. Nagangat ng tingin si Granny sa akin na nanliliit ang mga mata."Itong bahay nyo, masyadong maliit." Sabi nya sabay tayo sa upuan, pinasadahan niya ng tingin ang mga picture frames na nakadisplay sa wooden shelves doon sa malapit sa pinto."Ikaw ba to?" Tanong nya habang inangat ang isang picture frame na kulay pink."Kakambal ko po yan, si Calista." Magiliw na wika ko. Marahan siyang tumango."These were your parents?" Tukoy niya sa wedding picture ni Mama at Papa. "Tell me, how are they as parents?"Bumuga ako ng hangin para pakawalan ang bigat sa dibdib. "Mabait. Hindi sila mahigpit. Malaya kaming pumili ng kapatid ko kung ano ang gusto namin. Sayang nga at maaga silang kinuha."Mahigpit na hinawakan ni Granny ang kamay ko. Akala ko ay papalipitin niya pero nakakaunawa siyang tumango
MGA five minutes na din ang nakakalipas na nakatanga ako at nakaluhod sa may paanan ni Granny. Five minutes na din ang nakakalipas ng nawala sa paningin namin si Jascha at pinaharurot ang sasakyan nya papalayo sa amin. Nag-walk out ang lolo niyo.Tiningnan ko si Granny na parang wala lang nangyari dahil mukhang naglalaro pa nga ito ng kung ano sa cellphone nya. Candy crush pa nga ata yun."Granny." Mahinang tawag ko."Ito naman eh opinyon ko lang, Granny. Kasi friends tayo di ba? Pero kung ayaw ninyo pong pagbigyan ang hinihiling ni Jascha, sabihin nyo na lang po na ayaw nyo, kasi po alam naman nating lahat na peke po ako na girlfriend kaya hindi mangyayari ang sinasabi nyong kasal." Hindi ko alam kung saang kaban ako kumuha ng hinahon habang sinasambit ang mga salita, pero iniiwasan kong magalit si Granny kaya hindi ako maghi-hysterical dito."Malay mo." Kibit balikat nyang tugon."Malay ko? Malay ko na ano?""Malay mo pakasalan ka nga ni Jascha. You can never can tell.." matalinhaga
KAPAG natapos ng Earth ang pag-rotate niya sa axis niya, isang buong araw na naman ito.Yun ang rason kung bakit pumapatak ang bawat segundo, ang bawat minuto, ang bawat oras.Pero kapag umandar na ang oras pero alam mong hindi nag-bago ang paligid mo, siguro nasa ibang mundo ka na. Where am I then? Venus? It feels my whole day just stucked on 243 days."Cassandra, para kang timang diyan. Papalayasin na tayo ng banko." Malakas na inalog ni Calista ang braso ko.Nakikita ko pa din ang mukhang iyon. Kung paano niya niyakap ang katawang iyon. How she seems small in his strong, sturdy arms. How she was carefully held like nothing really matters and everything will be fine because he said so. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Hindi naman ako inggitera."Caassandra to earth, over!" My sister made an effort to get my attention but it feels my body is not really on earth right now."C-calista...""Hay naku! Di bale na nga. Mataas din naman ang maintenance ng bahay na ito para sa da
WE went to a restaurant that Jascha's mother booked.Mula sa glass walls ay nakita ko agad ang pamilya ni Jascha na tahimik na nakaupo sa mga lamesa. Some of his relatives were here and it seems like the whole restaurant were booked for us.The whole place went silent as we entered. I flashed a smile and everyone smiled awkwardly in return. 'Mga apo.." Granny called. Lumapit kami sa kanyang lamesa kung nasaan ang Mommy at Daddy ni Jascha."Kumusta ka?" Aleana asked me. "Okay lang po, Tita. Medyo hirap nang maglakad pero nakakapasok pa ako sa opisina."Meico and Tonio set up a small office. Sa Nemesis din naman iyon at binigyan kami ng maliit na space ni Jascha para sa sarili naming business."Oh, the perfume business." Granny smiled with acknowledgement. "Napakacute ng business mo, Cass. Bagay na bagay sa personality mo."Tumango ako, "Padadalhan ko po kayo ng samples kapag nailabas na ang first batch, Tita, Granny. Wala pa kaming scent na panlalaki kaya hindi pa kita mabibigyan Tito
BUMANGON ako sa kama at hindi na kami naghiwalay pa ni Jascha. Magkatalikuran kaming nagbihis at saka patakbong bumaba ng bahay dala lamang ang overnight bag. We played alternative music to keep us occupied while were on the road. Binaybay namin ang mahabang kalsada paakyat ng Antipolo at nagbakasakali kaming magbook sa isang Cafe na merong bed and breakfast."Magkasama kami ng room." Mabilis kong sinabj sa receptionist na hindi mapawi ang ngiti."Oo naman, Ma'am..""Sinisiguro ko tang, I don't really want to stay in a room, alone." Ulit ko.Napatingin ako kay Jascha nang may mapaglarong ngiti, lumapit ako sa kanya para bumulong, "Hm, mukhang tumaas ang confidence mo doon. I don't want to be eaten by the demon. That's it.""Ako din naman." Umakbay sa akin si Jascha. Umakyat kami ng isang palapag patungo sa hotel room na napili namin. The hotel room doesn't need to be so high to have a breathtaking view. Ang malaking bintana ay nakapaharap sa ibaba kung saan makikita ang metro. The roo
DIRE-DIRETSO ako papalabas kahit naririnig kong sumisigaw ang kakambal ko. Mabuti at nakakuha agad ako ng taxi at nagpahatid ako sa lugar kung nasaan daw dapat ako.Nasisilaw ako sa repleksyon ng araw sa wind chimes na display sa pintuan ng bahay. llang minuto na akong nakatayo doon nang walang ginagawa. Hindi ko matanawan si Sirius mula sa loob. Alanganin kong pinindot ang doorbell. Nakatatlong pindot ako nang bumukas ang pinto ni Jascha, napalunok ako."Cassandra." There's no warmth or any trace of smile on his face when he saw me."H-hi.." Umangat ang isang palad ko."Jascha!" Isang babae na nakasuot lang ng pantulog ang sumilip sa pinto at hinila ang kamay ni Jascha. Napasinghap ako.Kaya naman pala hindi na ako binalikan ng walanghiya! May ibinabahay na agad?!"Cassandra."Agad kong hinila ang malaking maleta na bitbit ko papalayo."Cass!" The wheels of my luggage made rough noises against the road. Mas marahas na paghila, mas nilalamon ang boses ni Cass sa ingay.Hindi ako lumin
THE DAYS may not always be happy and sunny, but for me, I was at peace. Nag-iintay ako ng delubyong babagsak muli sa harapan ko isang linggo na ang nakakaraan pero wala din namang nangyari. Sumubo ako ng pomelo na isinawsaw ko sa patis at sili, napangiwi si Meico at Tonio habang pinapanood ako."Ah! Ang baboy mol" Maarteng napapikit si Tonio.Napangiwi ako at ibinaba ang pomelo na hawak ko. Nalungkot ako sa pandidiri nila."Sorry.." I burped."Hoy!" Mula sa likuran ay binatukan ni Calista si Tonio, "Palibhasa wala kang matres! Ganyan talaga ang naglilihi. Sige lang Cassandra, kumain ka pa." Inilahad sa akin ni Calista ang karagdagang pomelo. I smiled and eat happily. At least my twin accepts me for who I am."Okay, fine! Pupwede na ba nating pag-usapan ang future?" Tanong ni Tonio."Babalik ako sa States.." Paalala ko."Babalik tayo sa States pero hindi muna ngayon, you have to limit your travel dahil ang ibang nagbubuntis nga ng kambal ay kailangan ng bedrest. Sorry pero bawal tayong
"PUMIKIT.."I did as I told."Tapos dumilat ka.""Pikit.. Tapos dilat. Pikit ulit tapos dilat.." Tumigil ako sa pagsunod."Ano ba? Sabi ko pikit! Ba't di ka pumikit!""Niloloko mo ba ako?""Hindi nga. Akala ko ba naniniwala ka sa'kin?""No. My wife believes you." Huminga ako ng malalim at saka pumikit. Sinunod ko si Dr. Lester Concepcion.Pagkagaling sa Ilocos, dumiretso agad ako dito. Tell me I am crazy. Malapit na talaga akong mabaliw dahil sa mga nangyayari sa akin. My life was not like this months ago nang hindi pa bumabalik si Cassandra, maayos na sana ako noon. Pakiramdam ko, okay lang untiuntiin ang muling pagbangon. The only thing that matters to me was to go back and handle my business, she was out of the picture and part of the memory that I have lost. She did not stay, so I did not bother knowing her.Pero nang dumating siya kasama na ang gulong ito, nauhaw ako sa katotohanan. Ramdam kong mahalaga siya. Ramdam kong kailangan niya ako. But having no idea who she really is in
UMUNGOL ako sa matinding pananakit ng ulo.Dark, it was so dark. Naririnig ko ang ugong ng aircon at ang mahinang tawanan mula sa labas.Napabalikwas ako. Nasaan ako?Pinakiramdaman ko ang aking sarili ko, wala akong nararamdamang pananakit ng katawan bukod sa pananakit ng ulo marahil dahil sa malalim na pagtulog.My hands traveled to my body and my eyes widened to find out that I am completely naked! Binuksan ko ang ilaw ng lampshade at nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong naroon pa din ako sa hotel room ko.I heard a groan, agad kong nilingon kung sino iyon at ganon na lang ang gulat ko nang makita ko doon si Geo sa tabi ko, kagaya ko ay wala din siyang malay."Geo..." Agad ko siyang kinalabit. "Hey, Geo." But to no avail, wala talaga siyang malay.The drink. That was the last thing I remember. Tumayo ako agad para hanapin ang mga damit ko. Nasa ganoong ayos nang bumukas ang pinto mula sa adjacent room ni Jascha. If I was horrified, Jascha was ten times more. Agad akong napal
"YOU HEARD, Stephanie. Include Cassandra's name in the list of contestants for Miss DVC." Buong awtoridad na sambit ni Jascha habang nagsusumiksik ako sa kanyang kili-kili dahil sa pagpahiya. Yung boss ko pa talaga ang nag-rehistro sa pangalan ko. Baka isipin nila na isa iyong emotional blackmail kahit deserve ko naman talaga ang titulo. Paano na lang kapag nanalo ako? lisipin nilang luto ang pageant kahit wala naman talagang papantay sa karakas ko sa mga nandirito."Okay Sir.." Nginitian ako ni Stephanie pero umiwas akong muli ng tingin dahil tiyak kong namumula pa ang mga mata ko dahil sa luha.Nang makaalis kami sa HR Department, nanatili ako sa likod ni Jascha habang naglalakad, nahihiya."Psst.. Cassandra.." Naririnig kong bulong ni Jax, tipid ko siyang nilingon pagkatapos ay bumalik sa pagkakayuko. Hanggang sa makarating kami sa opisina ni Mikel, nanatili akong ganon."Water?" Alok ni Jascha nang makaupo na ako sa aking puwesto at ipinatong ang bag sa lamesa.Umiling ako pero tu
"ANG HAROT HAROT kasi! Ayan ang napapala mol" Inginudngod ako ni Lexy sa kaharap kong mixture ng polvoron na ipapamahagi ko bukas para madami ang magchi-cheer sa akin sa Miss DVC. Akala ng Jascha na yan, magpapaawat ang kagandahan ko sa paghahanash niya!"Bakit? Ikaw ba ang pinahiya? Ako naman di ba? Akala ko ba tutulungan ako non? Gusto lang ata akong soplakin non para makaganti. Ano bang ginawa ko kay Jascha?" Sunod sunod na tanong ko. Natulala sa akin si Lexy at nakapamewang na napailing."l don't know. I wish I know. I tried to ask pero mukhang sa inyong dalawa lang ang dahilan ng break up niyo eh." Napakamot ng ulo si Lexy na halatang naguguluhan din."Sa daldal kong ito, nailihim ko pa sa iyo?""Maybe because it is too painful.. You changed a lot when you broke up." Nakuha ni Lexy ang atensyon ko dahil sa kanyang sinabi."Gaya ng?""Well, surprisingly, you became better, strong, independent woman. Hindi ko nga iniisip na mabubuhay kang wala si Jascha. But you made it, you are se
MAGBA-BRA o tatanggalin ang bra? Eh paano yun kapag natukso? Eh di kasalanan ko na naman. Mas lalo lang siyang magagalit sa akin!Eh paano naman kung magka-breast cancer ako dahil matutusok ako ng bra wire kapag natutulog?Ang tagal kong nag-iisip sa harap ng salamin habang nakaambang tatanggalin ang hook ng bra ko. Tsk, hindi ko na nga lang tatanggalin. Ako na lang ang magaadjust. Isang gabi lang naman ito. Tumalikod na ako at lalabas na sana ng banyo nang matigilan.Humarap akong muli sa salamin at pinagmasdan ang suot kong pajama, hindi naman ito revealing kaya dapat hindi manggigil si Jascha sa presensya ko. Walang wala naman ang pananamit ko kumpara sa damit ni Gwen. Nung highschool pa lang kami, pa-sexy na yon eh. Lagi nga niya akong binubully dahil magastos daw ako sa tela. Aktibista ata yun ng mga sinulid at silk worms kaya galit na galit sa mga matataba na nakakaconsumo ng maraming tela. Anong kayang adbokasiya niya? 'Kungangmga ahas nga kinakaibigan mo pa. Mga uuod pa kaya?