Ellie's POV Nang magising ako ay wala na si Leo sa buong bahay, naisip ko na baka may importante siyang gagawin kaya naman hindi na ako nag-abala pa na alamin kung nasaan siya. Nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naman nag pasya ako na umuwi muna sa bahay para makita sila mama, namimiss ko na rin kasi sila kaya naman magandang pagkakataon ito para makapag bonding sa kanila. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si mama na nagdidilig ng kanyang mga bulaklak. Mabilis akong nagpunta sa kinaroroonan niya at mahigpit siyang niyakap. Napaiktad siya sa gulat nang makita niya ako. "Hello po mama!" masiglang bati ko sa kanya "Hay naku kang bata ka! aatakihin ako sa sobrang gulat!" napatawa ako sa naging reaksyon niya, namimiss ko talaga siya. Ilang segundo lang ang lumipas at narinig namin ang tumatakbong sina Erine at Erie. "Ate!" sabay nilang sigaw, napahalakhak ako nang yumakap sila sakin, muntik pa kaming matumba dahil na out of balance ako. "Dahil nandito ang ate niyo, magluluto ako ng m
Napatingin ako sa direksyon ni Ellie when I heard her say na baka daw mag bago ang isip ko. At first I also think that way too, baka nabibigla lang ako sa mga nangyari- everything is new to me specially my feelings for her. Time passed so quickly and I noticed that I was falling for her deeply. Ayaw ko pang aminin nung una kasi takot ako sa katotoohanang nag babago na ang pagkatao ko pero pag mas lalo kong tinatanggi, mas lalo akong nababaliw kakaisip na baka ito talaga ang tunay na ako. "Ayos ka lang?" I was back to reality when I heard her voice "Y-yeah, I'm fine" I hold her hand and kissed it "I promise, I won't change my love for you" disidido na ako, I want to spend my time with her, I want to be happy and free. Nang matapos na kaming maglakad lakad ni Ellie ay hinatid ko na siya sa bahay nila.Pagkatapos ko siyang maihatid ay dumeretso agad ako sa condo ko, gusto ko na talagang magpahinga. Nasa kwarto na ako at naisipan kong tawagan muna si Ellie, mag didial na sana ako nang big
Hindi maipaliwanag ni Ellie ang kabang kanyang nararamdaman, may masama siyang kutob. Isinawalang bahala niya ang kanyang nararamdaman at nagtungo sa condo ni Leo, binigyan siya nito ng card key kaya naman pwede siyang magpunta ron kahit kailan niya gusto. Nang makarating siya sa condo ay nagtaka siya kung bakit bukas ito- hindi naman sinabi sa kanya ni Leo na nakauwi na ito. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib- dahan dahan niyang pinihit ang pinto at pumasok. Nang tuluyan na siyang makatapak sa loob ay bumaha ang takot sa kanyang mukha. Napaka gulo ng buong bahay, ang mas nagpawindang sa kanya ay ang mga litrato na nakadikit sa buong paligid. Mga larawan ito ni Leo at Niel na magkasama- may mga kuha na kung saan naghahalikan sila at magkahawak ang kamay.Parang sasabog ang puso ni Ellie sa mga emosyong kanyang nararamdaman ngayon- hindi niya lubos maisip na ito ang madadatnan niya. Isa-isang nagsilandasan ang kanyang mga luha, sumisikip ang dibdib niya sa kanyang mga nakikita. Gus
Parang isang apoy na basta nalang nagliyab ang balita tungkol sa pagkatao ni Leo- usap usapan ngayon ang mga kumakalat na larawan at video nila ni Niel- lahat nawindang sa balitang ito, may mga nandiri sa kanya at meron din namang inintindi ang pagkatao niya. Nakatulala siya habang nanunood ng balita, naging usapan din ang mga kuro-kuro patungkol sa kanila ni Ellie- hindi pa niya na sasapubliko ang tungkol sa kanila kaya naman masaya siya na hindi nadadawit ang pangalan ng dalaga. Muli niyang pinagmasdan ang kabuoan ng kanyang condo- naroon pa ang mga larawan na nagkalat sa paligid. Inabot niya ang isang bote ng alak- simula ng makauwi siya rito ay ito na ang kasama niya. Napalingon siya nang biglang tumunog ang kanyang phone- sinagot niya ito ng hindi man lang tumitingin sa caller. "Hello?" walang buhay na saad niya "Kailangan mong umuwi sa bahay, hinahanap ka ni papa" napangiti ng mapakla si Leo- oras na para ang pamilya naman niya ang kailangan niyang harapin. Walang tulog, amoy a
"Hindi yata ako hinahabol ng media ngayon?" bungad na tanong niya kay Travis nang makita niya ito. "Syempre, lilipas din naman yan. Hindi sayo umiikot ang mundo nila" saad naman ng kaibigan "Ang weird lang kasi, nung time na hindi pa ako nagpapakita, parati nilang gustong makuha ang statement ko, tapos ngayon bigla nalang silang nawalan ng interest" napatawa ang binata dahil sa sinabi niya "Hindi ba nga, nalaman na nila ang totoo? pakana ni Athena lahat kaya syempre sayo ang simpatya nila" napatango siya sa sinabi ng kaibigan, masaya siya na sa kabila ng mga pangbabatikos sa kanya noon ay natapos na rin ito ngayon. Muling nagbalik sa alaala ni Leo ang mga nangyari isang linggo na ang nakakaraan. Para sa kanya ay sariwa pa ang lahat ng mga nangyari at kailanman ay hindi niya ito malilimutan.FLASHBACKNag-iisip sila ng paraan kung paano mahuhuli ang ng bla-blackmail kay Leo, hindi kasi nila matunton ang kinaroroonan nito dahil sa palipat lipat ang address na naka register sa caller ID
"Nandito na tayo" saad ni Kion nang makarating na sila sa coffee shop ni Travis "Yey!" tuwang saad naman ni Ellie "Para kang sira, akala mo naman first time makapunta rito" natatawang turan naman ng binata "Namiss ko kasi ang lugar na to kaya wag kang epal!" pagkasabi nun ay agad nang pumasok si Ellie sa loob dahil takam na takam na siya sa kape at cheese cake "Ellieeeeee!!!!" nagulat sila nang may biglang sumigaw. Agad silang napatingin sa nagmamay-ari ng boses. Bigla nalang napatakbo si Ellie nang makita niya ang isa pa niyang matalik na kaibigan na si Avie "Aviieee!!!" nagtitili silang dalawa habang mahigpit na nakayakap sa isa't-isa, Naluluha siya nang humarap siya sa kaibigan- hindi niya maitago ang pagkamiss niya para rito. "Kumusta ka na?" nakangiti nitong tanong nang magkalas sila sa yakap "mabuti naman" saad niya.Gusto pa sana nilang mag kwentuhan pero kailangan nang umalis ni Avie- night shift siya at nakapag overtime dahil sa nagka emergency ang kasamahan nila na dapat ay
Isang linggo na naman ang lumipas ngunit wala paring kahit na anong balita si Ellie kay Leo. Nagsisimula na siyang maniwala na talagang wala na siyang halaga sa binata. Mabilis na napa duwal si Ellie nang makaramdam siya ng pangangasim sa kanyang sikmura. Patakbo siyang nagtungo sa kanyang banyo, dalawang araw na niya itong nararanasan kaya naman nakaramdam na siya ng kaba- may malala ba akong sakit? nananakit na ang kanyang lalamunan dahil kahit anong pilit niya ay wala naman siyang nailalabas. Nang mawala na ang pangangasim na kanyang nararamdaman ay nag mumog siya at lumabas ng kanyang kwarto. Pagkababa niya sa kanilang sala ay agad na pumasok sa kanyang ilong ang amoy ng niluluto ng kanyang ina- napangiwi siya, hindi niya gusto ang amoy nito."Ma? ano yang niluluto niyo?" tanong niya ng makarating siya sa kusina "Fried rice at tuyo, bakit anak?" muli siyang napangiwi nang marinig ito "Ayaw ko kasi ng amoy, parang ang baho" napatingin sa kanya ang kanyang ina na puno ng pagtataka "
Leo's POVTahimik lang kaming dalawa habang nakupo sa bench, hindi siya nagsasalita- gusto ko na siyang yakapin pero pinigilan ko ang aking sarili dahil alam kong hindi kami pareho nang gusto sa mga oras na ito. "Kumusta ka?" gusto kong malaman kung okay ba siya sa mga nagdaang mga araw "Hindi ko masasabing ayos ako pero kinakaya ko naman" turan niya "Galit ka ba sakin?" alam ko naman ang sagot sa tanong na yun pero gusto ko paring marinig sa kanya mismo "Oo, galit na galit ako sayo" parang dinurog ang puso ko nang marinig ko yun- kahit alam ko na, hindi parin pala ako handa "Hindi ko pipilitin na patawarin mo ko, deserve kong kamuhian mo" napansin kong napahigpit ang hawak niya sa kanyang panyo "Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Napayuko siya tsaka huminga ng malalim. "May sakit ako" saad niya sa akin.Para akong kinapos ng hininga pagka rinig ko sa sinabi niya "M-malala ba?" nauutal kong sabi "Hindi ko pa masabi" lumuhod ako sa harap niya para makita ko ang mukha niya- hindi naman