Sabay silang napahiga sa sofa. Hinihingal na napatingin si Leo kay Ellie "Take a shower, for sure you feel so sticky" pabirong hinampas siya ng dalaga kaya naman natawa siya, tumayo na ito at tuluyan na siyang iniwang mag-isa sa sala. Nang mawala na sa paningin niya si Ellie ay mabilis niyang kinuha ang cellphone at nag dial ng number "Tell dad that I will come tomorrow to discuss the wedding" matapos niyang makipag usap ay nagtungo na siya papunta sa banyo na para sana sa mga guest, naisip niya na baka matagalan pa si Ellie sa pagligo kaya mas mabuti kung hindi na siya maghihintay pa. Nang matapos siya sa pagligo ay agad siyang dumeretso sa loob ng kwarto. Naabutan niya si Ellie na nakahiga at mahimbing na natutulog, napangiti siya sa isiping makakasama na niya ito sa araw-araw. Pagsapit ng umaga ay agad na naghanda si Leo- balak niya rin kasing puntahan si Niel para makipag-usap ng maayos, gusto na niyang taposin ang lahat at magsimula ng panibagong buhay na masaya. Mahimbing pa an
Ellie's POV Nang magising ako ay wala na si Leo sa buong bahay, naisip ko na baka may importante siyang gagawin kaya naman hindi na ako nag-abala pa na alamin kung nasaan siya. Nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naman nag pasya ako na umuwi muna sa bahay para makita sila mama, namimiss ko na rin kasi sila kaya naman magandang pagkakataon ito para makapag bonding sa kanila. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si mama na nagdidilig ng kanyang mga bulaklak. Mabilis akong nagpunta sa kinaroroonan niya at mahigpit siyang niyakap. Napaiktad siya sa gulat nang makita niya ako. "Hello po mama!" masiglang bati ko sa kanya "Hay naku kang bata ka! aatakihin ako sa sobrang gulat!" napatawa ako sa naging reaksyon niya, namimiss ko talaga siya. Ilang segundo lang ang lumipas at narinig namin ang tumatakbong sina Erine at Erie. "Ate!" sabay nilang sigaw, napahalakhak ako nang yumakap sila sakin, muntik pa kaming matumba dahil na out of balance ako. "Dahil nandito ang ate niyo, magluluto ako ng m
Napatingin ako sa direksyon ni Ellie when I heard her say na baka daw mag bago ang isip ko. At first I also think that way too, baka nabibigla lang ako sa mga nangyari- everything is new to me specially my feelings for her. Time passed so quickly and I noticed that I was falling for her deeply. Ayaw ko pang aminin nung una kasi takot ako sa katotoohanang nag babago na ang pagkatao ko pero pag mas lalo kong tinatanggi, mas lalo akong nababaliw kakaisip na baka ito talaga ang tunay na ako. "Ayos ka lang?" I was back to reality when I heard her voice "Y-yeah, I'm fine" I hold her hand and kissed it "I promise, I won't change my love for you" disidido na ako, I want to spend my time with her, I want to be happy and free. Nang matapos na kaming maglakad lakad ni Ellie ay hinatid ko na siya sa bahay nila.Pagkatapos ko siyang maihatid ay dumeretso agad ako sa condo ko, gusto ko na talagang magpahinga. Nasa kwarto na ako at naisipan kong tawagan muna si Ellie, mag didial na sana ako nang big
Hindi maipaliwanag ni Ellie ang kabang kanyang nararamdaman, may masama siyang kutob. Isinawalang bahala niya ang kanyang nararamdaman at nagtungo sa condo ni Leo, binigyan siya nito ng card key kaya naman pwede siyang magpunta ron kahit kailan niya gusto. Nang makarating siya sa condo ay nagtaka siya kung bakit bukas ito- hindi naman sinabi sa kanya ni Leo na nakauwi na ito. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib- dahan dahan niyang pinihit ang pinto at pumasok. Nang tuluyan na siyang makatapak sa loob ay bumaha ang takot sa kanyang mukha. Napaka gulo ng buong bahay, ang mas nagpawindang sa kanya ay ang mga litrato na nakadikit sa buong paligid. Mga larawan ito ni Leo at Niel na magkasama- may mga kuha na kung saan naghahalikan sila at magkahawak ang kamay.Parang sasabog ang puso ni Ellie sa mga emosyong kanyang nararamdaman ngayon- hindi niya lubos maisip na ito ang madadatnan niya. Isa-isang nagsilandasan ang kanyang mga luha, sumisikip ang dibdib niya sa kanyang mga nakikita. Gus
Parang isang apoy na basta nalang nagliyab ang balita tungkol sa pagkatao ni Leo- usap usapan ngayon ang mga kumakalat na larawan at video nila ni Niel- lahat nawindang sa balitang ito, may mga nandiri sa kanya at meron din namang inintindi ang pagkatao niya. Nakatulala siya habang nanunood ng balita, naging usapan din ang mga kuro-kuro patungkol sa kanila ni Ellie- hindi pa niya na sasapubliko ang tungkol sa kanila kaya naman masaya siya na hindi nadadawit ang pangalan ng dalaga. Muli niyang pinagmasdan ang kabuoan ng kanyang condo- naroon pa ang mga larawan na nagkalat sa paligid. Inabot niya ang isang bote ng alak- simula ng makauwi siya rito ay ito na ang kasama niya. Napalingon siya nang biglang tumunog ang kanyang phone- sinagot niya ito ng hindi man lang tumitingin sa caller. "Hello?" walang buhay na saad niya "Kailangan mong umuwi sa bahay, hinahanap ka ni papa" napangiti ng mapakla si Leo- oras na para ang pamilya naman niya ang kailangan niyang harapin. Walang tulog, amoy a
"Hindi yata ako hinahabol ng media ngayon?" bungad na tanong niya kay Travis nang makita niya ito. "Syempre, lilipas din naman yan. Hindi sayo umiikot ang mundo nila" saad naman ng kaibigan "Ang weird lang kasi, nung time na hindi pa ako nagpapakita, parati nilang gustong makuha ang statement ko, tapos ngayon bigla nalang silang nawalan ng interest" napatawa ang binata dahil sa sinabi niya "Hindi ba nga, nalaman na nila ang totoo? pakana ni Athena lahat kaya syempre sayo ang simpatya nila" napatango siya sa sinabi ng kaibigan, masaya siya na sa kabila ng mga pangbabatikos sa kanya noon ay natapos na rin ito ngayon. Muling nagbalik sa alaala ni Leo ang mga nangyari isang linggo na ang nakakaraan. Para sa kanya ay sariwa pa ang lahat ng mga nangyari at kailanman ay hindi niya ito malilimutan.FLASHBACKNag-iisip sila ng paraan kung paano mahuhuli ang ng bla-blackmail kay Leo, hindi kasi nila matunton ang kinaroroonan nito dahil sa palipat lipat ang address na naka register sa caller ID
"Nandito na tayo" saad ni Kion nang makarating na sila sa coffee shop ni Travis "Yey!" tuwang saad naman ni Ellie "Para kang sira, akala mo naman first time makapunta rito" natatawang turan naman ng binata "Namiss ko kasi ang lugar na to kaya wag kang epal!" pagkasabi nun ay agad nang pumasok si Ellie sa loob dahil takam na takam na siya sa kape at cheese cake "Ellieeeeee!!!!" nagulat sila nang may biglang sumigaw. Agad silang napatingin sa nagmamay-ari ng boses. Bigla nalang napatakbo si Ellie nang makita niya ang isa pa niyang matalik na kaibigan na si Avie "Aviieee!!!" nagtitili silang dalawa habang mahigpit na nakayakap sa isa't-isa, Naluluha siya nang humarap siya sa kaibigan- hindi niya maitago ang pagkamiss niya para rito. "Kumusta ka na?" nakangiti nitong tanong nang magkalas sila sa yakap "mabuti naman" saad niya.Gusto pa sana nilang mag kwentuhan pero kailangan nang umalis ni Avie- night shift siya at nakapag overtime dahil sa nagka emergency ang kasamahan nila na dapat ay
Isang linggo na naman ang lumipas ngunit wala paring kahit na anong balita si Ellie kay Leo. Nagsisimula na siyang maniwala na talagang wala na siyang halaga sa binata. Mabilis na napa duwal si Ellie nang makaramdam siya ng pangangasim sa kanyang sikmura. Patakbo siyang nagtungo sa kanyang banyo, dalawang araw na niya itong nararanasan kaya naman nakaramdam na siya ng kaba- may malala ba akong sakit? nananakit na ang kanyang lalamunan dahil kahit anong pilit niya ay wala naman siyang nailalabas. Nang mawala na ang pangangasim na kanyang nararamdaman ay nag mumog siya at lumabas ng kanyang kwarto. Pagkababa niya sa kanilang sala ay agad na pumasok sa kanyang ilong ang amoy ng niluluto ng kanyang ina- napangiwi siya, hindi niya gusto ang amoy nito."Ma? ano yang niluluto niyo?" tanong niya ng makarating siya sa kusina "Fried rice at tuyo, bakit anak?" muli siyang napangiwi nang marinig ito "Ayaw ko kasi ng amoy, parang ang baho" napatingin sa kanya ang kanyang ina na puno ng pagtataka "
Leo's POVSobrang saya ko talaga nang pumayag na ang mama ni Ellie, gagawin ko lahat para maging masaya kami, plano ko na talagang mag settle down, gusto kong maranasan ang magkaroon ng pamilya. Dati di ko inakala na mangyayari sakin to, iniisip ko, kung hindi ko ba nakilala si Ellie mararanasan kong maging masaya gaya nito? Pagkatapos naming maghapunan ay deretso na kaming nagtungo sa kwarto niya. Uuwi na sana ako pero di ako pinayagan ng mama ni Ellie- sa totoo lang, ayoko din naman umuwi kaya hindi na ako nag protesta pa. Nang makapasok kami sa kwarto niya ay agad na umakyat ang libog sa buong katawan ko. Lalo na nang maalala ko ang ginawa namin sa loob ng hospital.Mabilis akong lumapit sa direksyon niya at hinalik-halikan ko siya sa leeg, napapa-iktad siya dahil sa kiliti. Biglang pumasok sa isip ko ang isang pilyong ideya "samahan mo akong maligo" saad ko habang nakayakap sa kanya. Natigilan siya dahil sa sinabi ko, "tumigil ka nga! Baka mamaya mahuli tayo" ngumisi ako "Paano ta
Ellie's POVNagising ako dahil pakiramdam ko'y parang hinahalukay ang loob ng tiyan ko. Mabilis akong napabangon at agad na nagtungo sa banyo. Agad akong napaluhod at sumuka ng sumuka. Pagkatapos ko ay nagtungo ako sa kama para kunin ang cellphone ko, nang makita ko ang date ay agad akong nagtaka- lagpas na sa regular cycle ko, dapat ngayon ay dinatnan na ako. Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin, baka delay lang ako- nangyayari naman kasi yun sakin minsan. Hinanap ko ang number ni Leo at tinawagan ito. Dalawang ring palang ay sinagot na niya "Good morning love" rinig kong sabi niya "Asan ka na? Punta ka na ba dito?" narinig kong tumawa siya "Hindi pa, later na. Siguro mamayang alas tres". Napasimangot ako dahil sa sinabi niya "Bakit naman ang tagal?" Tampo kong tanong "I told you already, may aasikasuhin ako dito sa office. After this punta ako dyan sa inyo" I sigh- mukhang wala akong choice kundi ang maghintay. Natapos na kaming mag usap kaya lumabas na ako at nagtungo kina mama.
Leo's POVHindi ko alam kung anong sasabihin ko, pakiramdam koy umurong ang aking dila sa sobrang kaba na aking nararamdaman. "N-nandito ba si Ellie?" utal na tanong ko. Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang may nagsalita "Sino ba yan at nagpunta pa sa ganitong oras?" napalunok ako ng laway nang makita kong mama pala nila yung nagsalita. "M-magandang g-gabi po" sobra talaga ang kaba ko kaya hindi ko magawang magsalita ng maayos "Anong ginagawa mo sa bahay ko!?" galit na saad ni tita. "Pasensya na po sa abala, hindi naman po ako nagpunta dito para manggulo, gusto ko lang po talagang makausap si Ellie" paliwanag ko.Hindi agad siya nag salita kaya mas lalo akong kinabahan, "Wag ka ng lumapit sa anak ko" seryoso ang mukha niya nang sabihin niya ito "P-pero.." hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang magsalita na naman siya ulit "Maawa ka naman sa anak ko! Sobra na ang sakit na dinulot mo sa kanya kaya tigilan mo na siya!" nag iwas ako ng tingin nang marinig ko ang sinabi niya. Naii
Agad na nagsilaglagan ang mga luha ni Ellie nang magtaas ng boses si Leo, hindi naman niya intensyon na galitin ang binata, nag-aalala lang siya para dito kaya ang gusto niya ay deretso na itong makauwi sa bahay nito. Tuluyan na siyang napahikbi nang makita niyang lumabas ang binata sa silid, napaiktad pa siya dahil sa lakas ng pagkakasirado ng pintuan. Lumapit sa kanya si Travis at Kion na ngayon ay nag-aalala sa kalagayan niya "Pasensya ka na sa inasta ni Leo, masyado lang talaga siyang seloso" paghingi ng depensa ni Travis "Sumusobra na siya! anong gusto niya? siya palagi ang iniintindi!?" galit na turan ni Kion "H-hayaan niyo na" pinunasan ni Ellie ang mga luha niya, nakaramdam siya ng panghihina kaya napakapit siya kay Kion "Ayos ka lng El?" alalang tanong nito sa kanya "Okay lang ako, uwi na tayo" saad ng dalaga.Nagpaalam na sila kay Travis at ganun din ang binata. Habang nasa byahe sila ay panay ang pag-iyak ni Ellie "Tahan na, wag mo ng iyakan ang taong yun" pag papatahan sa
Leo's POVNang makaalis na ang nurse ay tinawag ko si Ellie, lumapit siya sakin kaya mabilis ko siyang niyakap. Hindi ko maiwasang maging masaya lalo na at nandito siya sa tabi ko. "Tabi tayong matulog" paglalambing ko sa kanya, 2:30 am na kasi at nakakaramdam na rin ako ng antok. "May dextrose ka sa kamay baka mamaya masagi ko yan at dumugo ulit" saad niya "Sige na love, sa kabila ka naman hihiga eh kaya di mo masasagi" pamimilit ko sa kanya. Napabuntong hininga siya "Oo na, ang kulit mo!" naiinis niyang sabi, mas lalo tuloy akong napangiti dahil sa inasta niya. Humiga na siya kaya humiga na rin ako, nakatalikod siya sakin kaya niyakap ko siya gamit ang kamay kong naka dextrose, isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang pag-iktad niya kaya mas lalo ko pang binaon ang mukha ko sa kanya."Anong ginagawa mo!?" naaasar niyang saad "Nagpapalambing, bakit? bawal ba?" saad ko habang nakasiksik parin ang mukha sa leeg niya. Hindi na siya nagsalita, kaya sa tingin ko tulog na
Ellie's POVNapahinto ako sa aking ginagawa nang maramdaman kong mas lalo pang nagiging mapusok ang halikan naming dalawa, inilayo ko ang sarili ko sa kanya- kailangan kong magpigil "What's wrong?" he asked- lust is written all over his face "We're in a freaking hospital for Pete sake!" I said, he just gave me a smirk "So? ano naman?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya "Are you serious? paano kung may makakita sa..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis na naman niya akong hinalikan sa labi. Kahit gusto ko siyang pigilan ay hindi ko magawa, nadadala ako sa bawat halik niya- para akong nalalasing sa tuwing nalalasahan ko ang matamis niyang labi. Huminto siya at nilipat ang mga halik niya sa leeg ko, nakiliti ako sa ginagawa niya kaya napaiktad ako, mas bumaba pa ang halik niya. Dahan-dahan niyang binababa ang suot kong damit.Nag-alangan ako ng akmang huhubarin na niya ito "T-teka lang" I said "What now?" irita niyang turan, halata sa kanyang bitin na bitin siya. Big
Ellie's POV Bagsak ang katawan na napaupo ako nang marinig ko ang mga sinabi ni Travis- agad na bumaha ang pag-aalala sa sistema ko ng sabihin niyang sinugod sa hospital si Leo "Ellie please, alam kong kinamumuhian mo si Leo sa mga oras na to pero sana kausapin mo siya. Hindi na siya nakikinig samin, kung ipagpapatuloy niya ang kahibangang ginagawa niya, paniguradong malalagay sa panganib ang buhay niya" mahaba nitong pakiusap sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, maging ako ay walang alam kung papano siya pakikiusapan "Please Ellie, he will listen to you" napabuntong hininga ako- gustuhin ko mang kalimutan at iwan na siya ay hindi ko kayang gawin, hindi ko kayang pabayaan ang taong mahal ko. "What's the name of the hospital?" he sigh in relief "Thanks El, I owe you a lot." Nang matanggap ko ang text ni Travis ay agad akong nagpunta sa nasabing hospital. Pagkarating ko ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Leo. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang mahimbing na natutulog- gusto
Leo's POVNapatingin ako sa salamin, nagmumukha na akong timang sa itsura ko ngayon. Napaisip tuloy ako, kung mamamatay ba ako magiging maayos ang lahat? Mawawala na ba lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon? "Hanggang kailan ka tutunganga dyan?" napalingon ako sa kinaroroonan ng tinig. Nakita kong nakatayo si Travis sa bukana ng pinto "Kelan ka pa naging kabote?" pabiro kong saad sa kanya. Tumawa lang siya sa sinabi ko. "Nagka-usap na kami ni Ellie" sambit ko "Talaga? kailan?" napatingin ako sa kanya "Kanina, bago ako nagtungo rito "Tapos? anong nangyari?" muli na namang nilukob ang puso ko ng sakit "Hindi maganda, hindi na niya ako mahal e" nagsisimula na namang manubig ang aking mga mata "Naniwala ka naman?" napangisi ako ng mapakla sa sinabi niya "Anong rason para hindi ako maniwala?" Natahimik siya saglit "Ano bang sinabi niya? may mahal na siyang iba?" tumango ako, hindi ko na kasi kayang sagotin ang tanong niya "Si Kion ba?" napatingin ako sa kanya "Paano mo nalaman?" nag-iw
Leo's POVTahimik lang kaming dalawa habang nakupo sa bench, hindi siya nagsasalita- gusto ko na siyang yakapin pero pinigilan ko ang aking sarili dahil alam kong hindi kami pareho nang gusto sa mga oras na ito. "Kumusta ka?" gusto kong malaman kung okay ba siya sa mga nagdaang mga araw "Hindi ko masasabing ayos ako pero kinakaya ko naman" turan niya "Galit ka ba sakin?" alam ko naman ang sagot sa tanong na yun pero gusto ko paring marinig sa kanya mismo "Oo, galit na galit ako sayo" parang dinurog ang puso ko nang marinig ko yun- kahit alam ko na, hindi parin pala ako handa "Hindi ko pipilitin na patawarin mo ko, deserve kong kamuhian mo" napansin kong napahigpit ang hawak niya sa kanyang panyo "Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Napayuko siya tsaka huminga ng malalim. "May sakit ako" saad niya sa akin.Para akong kinapos ng hininga pagka rinig ko sa sinabi niya "M-malala ba?" nauutal kong sabi "Hindi ko pa masabi" lumuhod ako sa harap niya para makita ko ang mukha niya- hindi naman