Leo's POVMaaga akong nagising dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Nang makabangon ako kay agad akong nagtungo sa kusina para magluto- sanay ako sa gawaing bahay kahit pa sabihing mayaman ako, halos buong buhay ko kasi ay mag-isa na ako kaya natuto ako sa sarili ko. Simpleng agahan lang naman ang lulutuin ko, nagsimula na akong mag gisa ng mga spices- una kong lulutuin ang fried rice. Pagkatapos ko sa kanin ay nagluto rin ako ng bacon at omelette. Napangiti ako nang matapos kong maihanda ang mesa- gigisingin ko na sana si Ellie pero natigil ako nang makita ko siyang patungo sa direksyon ko. Automatik na napangiti ako nang magtama ang mga mata naming dalawa. "Good morning" bati niya sakin "Morning" niyapos ko siya sabay halik sa labi niya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya natawa ako sa reaksyon niya "Bat gulat na gulat ka?" saad ko "Hindi lang naman yan ang ginawa natin, diba?" kitang- kita ko ang pagpula ng kanyang mga pisngi.Bigla siyang umatras kaya naman nagtaka ako sa kinilos
Ellie's POV Naalimpungatan ako dahil may kung anong kumikiliti sa ilong ko. Dahan dahan akong nagmulat ng mata at laking gulat ko nang bumungad sa harapan ko si Leo, agad ko siyang naitulak sa sobrang pagka bigla. "B-bakit ka nandito!?" pasigaw kong sabi- umupo siya sa kama at mataman akong tinitigan "Hindi ko alam kung bakit ako nandito" napahilamos ako sa sariling palad- ano bang tumatakbo sa isip ng lalaking to? "Hindi ka pwedeng basta nalang pumasok sa kwarto ko!" agad kong kinuha ang kumot at mabilis na itinakip ito sa katawan ko "Bakit hindi ko pwedeng gawin?" sira ulo rin pala ang taong to "Nabagok ka ba? napaka weird ng inaakto mo" tumayo siya at may kung anong kinuha sa bulsa niya- inabot niya to sakin, naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng mukha ko nang mapagtanto ko kung ano ang ibinigay niya sakin. Napaawang ang bibig ko, hindi ko alam kung paano ako magsasalita. Napatingin ako sa direksyon niya- agad siyang nagpakawala ng ngisi pagkatama ng mga mata naming dalawa "I gu
Alas otso na ng gabi nang makarating si Leo sa bar na pagmamay-ari ni Travis, alam niyang sa mga oras na ito ay naroon ang binata. Agad siyang pumasok at bumungad sa kanya ang iba't-ibang klase ng tao- hinanap ng mga mata niya si Travis, nang mamataan ay agad siyang nagtungo sa kinaroroonan nito. "Hey bud! nandito ka ba para maglasing ulit?" pang-aasar nito sa kanya "We need to talk, privately" nagtatakang napatingin ito sa kanya "Looks like we have a serious problem" saad nito. Sabay silang nagpunta sa opisina ni Travis, nang makapasok ay inilock nito ang pinto upang makasigurado na walang papasok na iba. "Tungkol saan?" agad na tanong nito nang makaupo sila sa sofa "About me and Ellie" hindi umimik ang kaibigan, naintindihan naman niya na gusto nitong ipagpatuloy niya ang kanyang sasabihin.Bumuntong hininga si Leo bago nagsalita "I plan to stop pretending and make it all real" pag amin niya. Napatayo si Travis nang marinig ang sinabi niya "Nababaliw ka ba!?" bulyaw ng kaibigan. Leo
Sabay silang napahiga sa sofa. Hinihingal na napatingin si Leo kay Ellie "Take a shower, for sure you feel so sticky" pabirong hinampas siya ng dalaga kaya naman natawa siya, tumayo na ito at tuluyan na siyang iniwang mag-isa sa sala. Nang mawala na sa paningin niya si Ellie ay mabilis niyang kinuha ang cellphone at nag dial ng number "Tell dad that I will come tomorrow to discuss the wedding" matapos niyang makipag usap ay nagtungo na siya papunta sa banyo na para sana sa mga guest, naisip niya na baka matagalan pa si Ellie sa pagligo kaya mas mabuti kung hindi na siya maghihintay pa. Nang matapos siya sa pagligo ay agad siyang dumeretso sa loob ng kwarto. Naabutan niya si Ellie na nakahiga at mahimbing na natutulog, napangiti siya sa isiping makakasama na niya ito sa araw-araw. Pagsapit ng umaga ay agad na naghanda si Leo- balak niya rin kasing puntahan si Niel para makipag-usap ng maayos, gusto na niyang taposin ang lahat at magsimula ng panibagong buhay na masaya. Mahimbing pa an
Ellie's POV Nang magising ako ay wala na si Leo sa buong bahay, naisip ko na baka may importante siyang gagawin kaya naman hindi na ako nag-abala pa na alamin kung nasaan siya. Nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naman nag pasya ako na umuwi muna sa bahay para makita sila mama, namimiss ko na rin kasi sila kaya naman magandang pagkakataon ito para makapag bonding sa kanila. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si mama na nagdidilig ng kanyang mga bulaklak. Mabilis akong nagpunta sa kinaroroonan niya at mahigpit siyang niyakap. Napaiktad siya sa gulat nang makita niya ako. "Hello po mama!" masiglang bati ko sa kanya "Hay naku kang bata ka! aatakihin ako sa sobrang gulat!" napatawa ako sa naging reaksyon niya, namimiss ko talaga siya. Ilang segundo lang ang lumipas at narinig namin ang tumatakbong sina Erine at Erie. "Ate!" sabay nilang sigaw, napahalakhak ako nang yumakap sila sakin, muntik pa kaming matumba dahil na out of balance ako. "Dahil nandito ang ate niyo, magluluto ako ng m
Napatingin ako sa direksyon ni Ellie when I heard her say na baka daw mag bago ang isip ko. At first I also think that way too, baka nabibigla lang ako sa mga nangyari- everything is new to me specially my feelings for her. Time passed so quickly and I noticed that I was falling for her deeply. Ayaw ko pang aminin nung una kasi takot ako sa katotoohanang nag babago na ang pagkatao ko pero pag mas lalo kong tinatanggi, mas lalo akong nababaliw kakaisip na baka ito talaga ang tunay na ako. "Ayos ka lang?" I was back to reality when I heard her voice "Y-yeah, I'm fine" I hold her hand and kissed it "I promise, I won't change my love for you" disidido na ako, I want to spend my time with her, I want to be happy and free. Nang matapos na kaming maglakad lakad ni Ellie ay hinatid ko na siya sa bahay nila.Pagkatapos ko siyang maihatid ay dumeretso agad ako sa condo ko, gusto ko na talagang magpahinga. Nasa kwarto na ako at naisipan kong tawagan muna si Ellie, mag didial na sana ako nang big
Hindi maipaliwanag ni Ellie ang kabang kanyang nararamdaman, may masama siyang kutob. Isinawalang bahala niya ang kanyang nararamdaman at nagtungo sa condo ni Leo, binigyan siya nito ng card key kaya naman pwede siyang magpunta ron kahit kailan niya gusto. Nang makarating siya sa condo ay nagtaka siya kung bakit bukas ito- hindi naman sinabi sa kanya ni Leo na nakauwi na ito. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib- dahan dahan niyang pinihit ang pinto at pumasok. Nang tuluyan na siyang makatapak sa loob ay bumaha ang takot sa kanyang mukha. Napaka gulo ng buong bahay, ang mas nagpawindang sa kanya ay ang mga litrato na nakadikit sa buong paligid. Mga larawan ito ni Leo at Niel na magkasama- may mga kuha na kung saan naghahalikan sila at magkahawak ang kamay.Parang sasabog ang puso ni Ellie sa mga emosyong kanyang nararamdaman ngayon- hindi niya lubos maisip na ito ang madadatnan niya. Isa-isang nagsilandasan ang kanyang mga luha, sumisikip ang dibdib niya sa kanyang mga nakikita. Gus
Parang isang apoy na basta nalang nagliyab ang balita tungkol sa pagkatao ni Leo- usap usapan ngayon ang mga kumakalat na larawan at video nila ni Niel- lahat nawindang sa balitang ito, may mga nandiri sa kanya at meron din namang inintindi ang pagkatao niya. Nakatulala siya habang nanunood ng balita, naging usapan din ang mga kuro-kuro patungkol sa kanila ni Ellie- hindi pa niya na sasapubliko ang tungkol sa kanila kaya naman masaya siya na hindi nadadawit ang pangalan ng dalaga. Muli niyang pinagmasdan ang kabuoan ng kanyang condo- naroon pa ang mga larawan na nagkalat sa paligid. Inabot niya ang isang bote ng alak- simula ng makauwi siya rito ay ito na ang kasama niya. Napalingon siya nang biglang tumunog ang kanyang phone- sinagot niya ito ng hindi man lang tumitingin sa caller. "Hello?" walang buhay na saad niya "Kailangan mong umuwi sa bahay, hinahanap ka ni papa" napangiti ng mapakla si Leo- oras na para ang pamilya naman niya ang kailangan niyang harapin. Walang tulog, amoy a