Share

Chapter Three

Higanti Ng Isang Api: Three

Lingo na naman ngayon at maaga akong nagising. Nag unat ako ng aking katawan bago bumangon at nag unat ulit. subalit kaka-bangon ko lang ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.

"Haaay, kulang siguro ang tulog ko," sabi ko sa aking sarili at hindi ko na pinansin ang pagkahilo ko. Agad na akong umalis sa kama at nagtungo sa mesa, pero sa paglabas ko ng aking silid ay nakita ko si Donya Gracia na nakaupo sa aming silya. Bigla akong kinabahan ng makita ko s'ya. Babalik sana ako sa loob ng aking kwarto ng agad na n'ya akong napansin kaya hindi ko na tinuloy ang nais ko.

"Magandang umaga po, Donya Gracia," magalang kong sabi sa kanya.

"Donya Gracia, saglit lang po. Paghahanda ko po kayo ng kape. Laura, ikaw na muna ang bahala kay Donya," bilin sa akin ng aking ina na tila ay tuwang-tuwa ito sa pagbisita ng aming amo sa aming tahanan.

"Sige po, nay," sagot ko.

Akmang uupo pa sana ako sa isang silya ng agad nang nagsalita ang Donya kaya napatigil ako.

"Laura, wala akong pakay sa maliit n'yong tahanan, ang pinunta ko dito ay ikaw," taas kilay n'yang sabi sa akin. Napalunok ako ng sunod-sunod ng sarili kong laway at labis na kaba ang aking nararamdaman. Kakaibang presensya ang makaharap si Donya Gracia, kakaiba ang mga tingin n'ya sa akin, hindi kaaya-aya.

Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako ng yelo sa sobrang kaba sa pagitan naming dalawa.

"May relasyon ba kayo ng aking anak?" derekta n'yang sabi sa akin habang nanunulis ang kanyang mga mata sa akin.

Hindi ako naka-sagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil ang relasyon namin ni Sean ay lihim ko rin sa aking mga magulang.

"W-wala po, isa lang po akong trabahanti ninyo," sagot ko.

"Mainam! Dahil isang kahibangan kung ikaw ang magiging manugang ko!" aniya sa akin habang hinihintay ng masama n'yang tingin ang aking kasuotan.

"Hindi ang kagaya mo ang gusto ko para sa anak ko! Kung nililigawan ka ng anak ko, huwag mo na s'yang pansinin dahil t'yak kong isa ka lang sa mga babaeng pinaglalaruan n'ya. Alam mo, mahilig makipag pustahan si Sean pagdating sa mga babae kaya huwag ka na ring mangarap, babagsak ka lang," aniya sa akin at tila parang sampal ang lahat ng iyon sa aking mukha. Hindi pa nga n'ya alam na girlfriend ako ng anak n'ya ay ganito na n'ya ako kung tratuhin. At masakit din sa aking puso't isipan na ngayon pa lang ay sinasabi na sa akin ng ina ng kasintahan ko na ayaw n'ya sa akin.

"O-opo," tangi kong tugon habang nakayuko at pinipigilan kong tumulo ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa aking mga mata anumang oras.

"Mabuti!" anito sa akin at sakto namang dumating ang aking ina na may dalang kape.

"Ito na po ang kape, Donya," nagagalak pa ring wika ni ina.

"Anong kape iyan?"

"Barako po,"

"Hindi ako umiinom n'yan. Sige, maiwan ko na kayo rito. Total, tapos na ako sa pakay ko," anito sa aking ina habang masamang nakatingin sa akin at agad na umalis.

Pagtalikod ng Donya ay nagtatakang lumapit sa akin si ina.

"Laura, anong nangyari sa pagitan mo at ng Donya Gracia?"

"I-ina, a-alis po muna ako. May pupuntahan lang ako," paalam ko kay ina at nagmamadali na akong umalis. Pinili kong huwag ng sagutin ang mga tanong n'ya dahil baka doon pa ako umiyak sa harapan n'ya.

"Laura! Laura!" sigaw ni ina subalit hindi ko na iyon pinansin.

Nagtungo ako sa ilalim ng nara kung saan kami naglalagi ni Sean at doon ako umiyak ng umiyak. Lahat ng sakit at sama ng loob ay iniyak ko na. Subalit napatigil ang pag iyak ko matapos may matanaw akong dalawang tao na tila ay nagtatalo. At hindi lang iyon basta-basta dalawang tao lamang dahil kilala ko kung sino ang mga iyon, kahit na malayo ay kilalang-kilala ko ang tindig ni Sean at ang kasama nitong babae.

Palihim akong lumapit malapit sa kinaroroonan nilang dalawa sa ilalim ng mayabong na puno at palihim na nakinig.

"Ano bang gusto mong malaman, Cloudia?!" mariing sambit ni Sean at dinig na dinig ng dalawa kong tainga ang mga katagang iyon. Galit si Sean, pero nagtataka ako kung bakit sila nagtatalo, anong meron?

"Alam ko na ang totoo, Sean! Sa halagang tig-sampung libo ay nakipag-pustahan ka sa mga kaibigan mo upang makuha si Laura!" tila sumikip ang dibdib ko sa aking naririnig, pakiramdam ko ay unti-unti akong nabibingi sa lakas ng rebelasyong aking nalaman. Ang sakit at ang mga katanungan sa akin ay naghalo-halo. Sa bawat pag pintig ng puso ko ay parang sasabog na ito, parang mabibiyak at maging pino-pino.

"At ano naman kung totoo?! Wala ka ng pakialam doon, Laura!" bigkas ni Sean. Mas lalong nanlumo ang puso ko dahil nakikiusap ako sa maykapal na sana ay itangi ni Sean ang lahat. Na niligawan n'ya ako dahil gusto n'ya ako at hindi dahil sa hayop na pustahan lang. Magkasabay na pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata, dahil ang sinabi ng Donya sa akin kanina ay siya palang tunay.

"May pakialam ako, dahil ako ang magiging asawa mo, Sean!" Isa namang masakit na rebelasyon ang aking narinig.

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang sakit at sikip ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay hihimatayin na ako dahil sa buong katotohanang aking naririnig. Halos Wala na rin akong maaninag na kahit ano dahil sa mga luhang naka-harang sa aking mga mata.

"Ano bang gusto mo, Cloudia?! Ito ba? Ito ba?" nangigil na wika ng kasintahan ko sa babae sabay hinalikan n'ya ang mga labi nito. Parang pinukpok ng martilyo ang puso ko, para akong nahuhulog sa ilang malalim na bangin ng mag-isa. Hindi ko na mapigilan ang aking malala's na paghikbi na s'ya namang agad na narinig nilang dalawa dahilan upang mapatingin sila sa isang puno kung saan ako naroroon.

"Laura?!" gulantang na bigkas ni Sean ng makita n'ya ako at nagmamadaling lapitan ako.

"Lau…," akmang bibigkasin pa n'ya ang pangalan ko ng makalapit s'ya sa akin ng mabilis ko s'yang binigyan ng napaka-lutong na sampal. Lahat ng galit at pagtataksil na ginawa n'ya sa akin ay ibinuhos ko na doon.

"Lau..," muli n'yang tangka at muli ko na naman s'yang sinampal ng kaliwat kanang sunod-sunod.

"Hayop ka! Hayop ka, Sean! Hayop ka!" galit na galit kong hagulhol sa kanyang harapan habang salitan ang bawat sampal ko na ginagawa sa mukha n'ya.

"Laura, magpapaliwanag ako," aniya sa akin at sinisikap na yakapin ako.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Huwag mo akong yakapin! Huwag kang lumapit sa akin!" mariin kong sabi sa kanya habang humahagulgol.

"Laura, hayaan mo akong magpaliwanag," kumbinsi n'ya sa akin.

"Wala kang dapat ipaliwanag sa akin, Sean. Dahil alam ko na ang lahat! Alam ko na ang lahat! Alam ko na ang lahat-lahat , Sean! Alam ko na!" humahagolhol kong sambit sa kanya habang nanlulumo ako sa harap n'ya.

"Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita! Ibinigay ko sa'yo ang puso ko! Pati ang sarili ko! Pati ang katawan ko, Sean! Lahat binigay ko sa'yo dahil mahal kita! Dahil mahal kita!" sigaw ko sa kanya habang hindi maputol-putol ang mga luha ko sa mga mata.

"Laura, Laura, pakinggan mo ako, hayaan mo akong magpaliwanag, hindi mo naiintindihan ang lahat," aniya sa akin.

"Laura, mahal kita!" dugtong n'ya at isang malutong na sampal na naman ang binigay ko sa pagmumukha n'ya.

"Mahal?! Alam mo ba kung anong ibig-sabihin ng pagmamahal, Sean?! Ang pagmamahal ay hindi iyang pagmamahal mo! Alam ko na ang lahat, Sean! At hanggang ngayon ba ay nais mo pa rin akong lokohin!? Huwag kang mag-alala. Tatapusin ko na ang lahat sa atin at mag-sama kayo ng magiging asawa mo!" sabi ko sa kanya sabay talikod.

Ang desisyon na ito ay malakas kong sinabi sa iniibig ko pero habang binibigkas ko ang mga katagang iyon ay para akong unti-unting namamatay.

Hinabol n'ya ako at pilit na ginagap ang aking kamay, pero hindi ko na s'ya hinayaang gawin n'ya ang mga iyon.

Kalaunan, ay sumuko na rin s'ya ka-susunod sa akin.

Hindi ako umuwi ng bahay namin hanggang sa maghapon. Panay lang ako sa palipat-lipat sa puno ng kahoy at doon paulit-ulit na umiiyak ng umiyak. Pero kahit anong iyak ko ay hindi na ibsan ang sakit na nararamdaman ko dulot ng kabiguan. Hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na ang lalaking mahal ko, ay pinaglalaruan lang pala ako.

Palubog na ang araw bago ako bumalik sa amin, ta naka-abang na pala ang aking ina para sa pagdating ko.

"Saan ka galing?" pabagsak na tanong ni ama sa akin na kasalukuyang nasa likod ni ina.

Subalit sa bigat ng aking nararamdaman ay hindi ko na sinagot si ama, bagkus ay dinaanan ko lang s'ya.

Malakas na hinablot ni ama ang isa kong braso sabay hila sa akin pabalik.

"Tinatanong kita, saan ka galing?!" dumadagundong na sambit ng aking ama.

Akmang sasagot na ako ng bigla akong nakaramdam ng pagduduwal.

"Laura?! Laura?" nag aalalang tanong ni ina. Agad naman akong binitawan ni ama at mabilis kong tinungo ang aming labado at doon ako nagsuka ng nagsuka.

"Buntis ka?" dumudugong na sambit ni ama. Pinahid ko naman ang aking mga labi gamit ang tubig tsaka napa-isip. Agad na bumalik sa aking alaala ang nangyayari sa aming dalawa ni Sean. At napagtanto ko rin na hindi pala ako dinatnan ng aking regla.

"Maaari kaya?" lumulutang kong tanong sa aking isipan.

"Anak, buntis ka ba?" segundang tanong sa akin ng aking ina na kinakabahan sa maaari kong sagot.

"Maaari nga ba?" lutang ko pa ring sambit sa aking isipan habang nakatitig sa aking mga magulang.

Kapag buntis s'ya, ano nalang ang mangyayari sa kanya? Gayong ikakasal na sa iba ang ama ng kanyang magiging anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status