Share

Chapter Four

Ex-Wife Bad Revenge

"Tinatanong kita, Laura. Buntis ka ba?!" wika ni ama na may diin sa tinig nito.

Hindi ako nakasagot bagkus ay palipat-lipat lang ang aking tingin sa kanilang dalawa at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanilang dalawa. Maging ako man ay hindi ko alam kung buntis nga ba ako.

Inihakbang ni ina ang kanyang mga paa palapit sa akin habang titig na titig sa aking mga mata. Gusto kong umiwas sa mga titig na iyon dahil alam kong isa akong makasalanang anak.

"Nay," natatakot kong sambit.

Hinawakan n'ya ang magkabilaan kong mga braso habang hindi inaalis ang kanyang mga tingin sa aking mga mata. Sa mga titig ni inay ay may kakaiba akong nadama. Para s'yang nagtatanong kung anong nangyari sa akin. Kung bakit ba ako nagkaganito. Kung saan ba s'ya nagkulang bakit ako nagkamali?. Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mga mata dahil ramdam na ramdam ko ang awa at pagmamahal ni ina sa akin sa pamamagitan lamang ng kanyang malumanay at may awa n'yang mga tingin sa akin.

"Anak, magsabi ka sa akin ng totoo," nahabag n'yang tanong sa akin sa garalgal na tinig. Nakita ko sa mga mata ni Ina ang mga nangingilid na mga luha sa kanyang mga mata dahilan upang tuluyang bumagsak ang mga butil ng luha mula sa aking mga mata.

"Inay," bigkas ko na punong-puno ng pagsisisi sa aking nagawang pagtataksil sa kanila sa kabila ng kanilang buong pagtitiwala sa akin.

"Uulitin ko, anak. Buntis ka ba?"

"N-nay, h-hindi ko po alam," sambit ko at nag uumpisa na akong humagulhol sa harapan ng aking ina habang ang ama ko naman ay sapo-sapo ang kanyang ulo at aburido ang utak nito.

"N-nay, h-hindi pa po ako dinadatnan," sabi ko.

"Nay, m-may nangyari sa amin," pag-amin ko at kitang-kita ko kung paano nasaktan si ina sa sinabi ko.

Napa-atras s'ya ng ilang hakbang habang nakatakip ang kanyang isang palad sa kanyang bibig habang umiiyak. Bagaban mahina at walang masyadong tinig ang nangmumula sa kanyang bibig ay ramdam ko, batid ko kung gaano ko sila nasaktan. Kung gaano kabigat ang aking naging kasalanan.

Nilapitan ko si ina at akmang hahawakan ko ang kanyang isang kamay nang mabilis n'yang tinapik ang kamay ko, kasabay nun ang pagbulusok ng mga luha mula sa aking mga mata.

"Saan ba ako nagkamali ng paggabay sa 'yo anak?!" sambit n'ya habang sinisisi ang kanyang sarili na may sumbat din sa akin.

"Nay, patawad po. Hindi ko sinasadya," hagulhol ko habang sinisikap kong haplusin ang mailap na mga kamay ni Ina sa akin.

"Halos isubsub ko ang katawan ko, pati kaluluwa ko sa lupa upang mabigyan ka lang magandang bukas!. Halos ibaon na namin ng ama mo ang mga sarili namin sa hukay sa pagsasakripisyo para sa'yo! Para mabigyan ka ng magandang kinabukasan pero anong ginawa mo?! Anak, anong ginawa mo bakit ka nagkaganyan?!. Sinayang mo ang paghihirap namin ng ama mo. Sinayang mo ang pangarap namin sa'yo at lalong-lalo na sinayang mo ang mga pangarap mo!. Anak, saan kami nagkulang? Saan kami nagkamali? Ginawa Naman namin ang lahat-lahat para sa'yo. Ginawa namin lahat, anak. Ginawa namin ang lahat-lahat," impit na pagtangis ni Ina na s'ya ring pagtangis ko.

"Ina, patawad po. Hindi po kayo nagkulang sa akin. Wala po kayong pagkukulang…,"

"Kung wala, anak. Bakit ka nagkaganyan?" masakit na tanong ni Ina sa akin. Tagos hanggang kaluluwa ang kanyang binigkas. Masakit din para sa akin na makitang lumuluha ang mahal kong ina dahil lang sa aking kapusukan at walang patutunguhan pagmamahal sa isang lalaking itinuring lang akong isang laruan na madaling pagsawaan.

"Bakit ka nagkaganyan anak ko? Anong nangyari sa mabait at matinong anak na pinalaki ko? Anong nangyari sayo, Laura?"

"Sino ang ama ng batang dinadala mo, Laura?" broskong tanong ni ama mula sa likuran ni ina na may matulis na tingin sa akin.

Hindi ako naka -sagot. Paano ko sasagutin ang tanong na iyon kung ang lalaking pinag-alayan ko ng puso't katawan ko ay lalaking hindi ako tunay na minahal at ang masaklap pa ay ikakasal ito sa iba. Babaeng ka-level nito na nagmula sa may mataas na antas na pamilya.

"Si Sean ba?" dugtong ni ama na s'yang ikinalaki ng mga mata ko ng matubok n'ya ang lalaki sa buhay ko.

"Hayop na lalaking iyon! Alam ba n'ya ang pananagutan n'ya sa 'yo?!" mabagsik na dugtong nito.

Yumoko ako at umiling-iling.

"Wala po s'yang alam ama. Isa pa, wala akong dapat na habulin sa kanya dahil ni minsan sa buhay n'ya ay hindi pala n'ya ako minahal. Ikakasal na s'ya kay Cloudia, ama. Ayoko na pong mangulo. Palalakihin ko ang anak ko ng mag-isa," sabi ko kay ama habang walang tigil sa pagbagsak ng mga luha mula sa aking mga mata.

"Hindi. Hindi pwede iyang nais mo, Laura. Dapat ay panagutan ka n'ya! Hindi ako papayag na maiwan kang ganyan!" mariing wika ni ama at nagmadali itong umakyat sa aming kwarto.

"Ama! Ama!' tawag ko sa kanya dahil hindi maganda ang nararamdaman kong mangyayari ngayon.

"Ama, anong ginagawa mo?" takot at pangamba kong bigkas ng makita kong isinuot n'ya ang itak sa kanyang bewang.

"Ilalaban ko ang karapatan mo, anak!" sabi n'ya sa akin at tinalikuran ako.

"Ama?!" sigaw ko habang nagmamadali akong sundan s'ya.

"Ador? Anong ginagawa mo? Bakit suot mo iyan?" natatakot na wika ni ina nang makita n'ya ang itak sa bewang ni ama.

"Pupunta ako sa mansion ng mga Sandro. Hindi ako papayag na iputan nila ang anak ko sa ulo! Kailangan panagutan ni Sean ang anak ko!" Matapang na wika ni ama at mabilis na inihakbang ang kanyang mga paa palayo sa aming bahay.

"Bumalik ka rito, Ador! Ador!. Mapanganib itong gagawin mo. Baka kung ano pa ang gawin sa atin ng Donya!" pigil ni Ina kay ama at hingal na hingal na ito ka-susunod at ka-pipigil kay ama habang ako naman ay ganun din ang aking ginawa.

"Ama, umuwi na po tayo," hikayat ko sa kanya pero nagmistulang bingi ang aking ama sa lahat ng sasabihin namin ni ina sa kanya.

Hindi nagtagal ay narating na namin ang mansyon ng mga Grego.

Malakas na kinalampag ni ama ang mala-higanting gate ng mga Sandro.

"Sean! Sean! Harapin mo kami! Sean!"

sigaw ni ama.

"Umuwi na tayo, Ador," hikayat ni ina.

"Ama, umalis na tayo rito," sambit ko. Pero hindi pa rin nakinig si ama at patuloy pa rin s'ya sa pagwawala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status