Ex-wife Bad RevengeChapter NinePagsisimula Ng Kalbaryo ni LauraPasalampak at eretabling umupo ang Donya Gracia sa malambot n'yang sofa."Kung hindi ko lang talaga kailangang mabawi ang anak ko ay hindi ko na gagawin ang nakakadiring bagay na ito!" pabagsak n'yang sambit sa sarili."Loring! Prepare mo nga ang shower room ko dali!" sigaw n'ya sa kasambahay na animo'y nagmamadaling makaligo upang matanggal ang dumi nito sa katawan."Masusunod po Donya Gracia," sagot nito sa amo. "Laura, do you think you can own my son? No! I won't let that happen. Maaaring ikakasal ka sa anak ko pero hindi ka pwedeng makasama n'ya sa habang buhay! Hindi ikaw ang nababagay sa anak ko! Just wait, Laura. Mawawala ka rin sa landas ng anak ko pati 'yang batang dinadala mo!" mala-demonyong wika ng Donya sa kanyang sarili na punong-puno ng pagka-poot at galit. Ang Donya Gracia na siguro ang taong pinaka-ganid sa lahat. Handa nitong gawin ang lahat ng bahay makuha n'ya lamang ang mga bagay na gusto n'ya. K
Ex-wife Bad Revenge Chapter 10Lahat ng naging pasakit ng Donya sa akin ay tiniis ko. Nilihim ko rin ito sa asawa ko at sa pamilya ko dahil ayaw ko na ako ang maging dahilan ng gulo kaya tiniis ko ang lahat sa abot ng aking makakaya. Habang buntis ako kailangan kong magtiis ng mag -isa dahil palaging wala si Sean sa bahay. Araw-araw s'yang nasa farm para mag asikaso sa lahat ng kailangan trabahuin sa farm. Kasalukuyang nasa taas ako ng hagdan ngayon nagpipintura ako sa kupas na pintura. Hindi ko ito trabaho subalit ako na ang gumawa nito ayon na rin sa utos ng Donya. Napahinga ako ng malalim matapos kong tignan ang layo ko mula sa lupa. Nanginginig ang dalawa kong tuhod dahil sa sobrang akot, baka bigla lang akong malaglag. Buntis ako kaya kailangan kong maging maingat lalo na sa anak ko. Bumuga ako ng maraming hangin upang damayang ikalma ang aking sarili para hindi ako makadama ng takot. "D'yos ko, sana mabilis akong matapos dito," bigkas ko sa aking sarili at muli kong Ibina
Higante Ng Isang Api"Anak, sabihin mo nga sa akin. May iniirog ka na ba?" usisang tanong ng aking ina sa akin habang nakaupo ako sa upuang kahoy at naka-ngiting nakatanaw sa malinaw na buwan. "N-nay, naman. Kita mo namang ang bata-bata ko pa. Dese otso pa lang ako nay, oh," tanggi ko sa aking ina sabay kurot n'ya ng malakas sa aking ilong."Aysos… anak ha! Dapat lang, dapat huwag ko muna mag jo-jowa. Malaki pa ang pangarap namin ng ama mo sayo. Kahit na trabahanti lang kami ng ama mo rito sa hacienda ng mga Sandro ay malaki ang pangarap namin para sa'yo. Iyan lang ang maibibigay namin sa'yo, anak. Kaya pangalagaan mo ang sarili mo para makamit mo ang mga pangarap mo. Hangat maaari ay sana, huwag ka muna mag jo-jowa," sabi sa akin ng ina. Nakonsensya naman ako dahil ang totoo ay may boyfriend na ako at lihim ko itong itinatago sa kanila. "O-opo nay, lagi ko iyang tatandaan," sagot ko na may malawak na konsensya para sa mga magulang ko. Pero batid ko na kapag nakilala na nila ang boy
Higanti Ng Isang Api-TwoPailing-iling na tumayo si Sean mula sa kanyang kinauupuan. Labag sa kanyang loob ang nais ng kanyang ina dahil ipagduduldulan na naman s'ya nito sa babae.Mayaman kasi ang pamilya ni Cloudia. Kapantay nito ang yaman nila. Kung magkakatuluyan sila ni Cloudia ay mas mapalalakas pa ang kanilang kumpanya na pagawaan ng alak. "Hoi, Sean! Ano na? Kumikilos ka na!" kumando ni Donya Gracia sa anak. "Yes mama, ito na," wika ng binata na halatang mabigat ang balikat sa pagsunod sa kanyang Ina."Ipasyal mo si Cloudia sa hacienda. Siguraduhin mong masisiyahan s'ya ah? Bumalik na lang kayo maya't-maya kapag tapos ko nang ipaluto ang paborito n'yong dalawa mga anak," anito at sumilay ang matamis na ngiti ni Cloudia sa mga labi ng tawagin sila ng Donya ng 'Mga anak' Habang si Sean naman ay hindi na ma-guhit ang mukha sa papel sa sama ng loob sa kanyang ina. Kung maka-anak kasi ito ay parang sa tuno nito na si Cloudia na talaga ang pakakasalan n'ya."Bakit hindi na lang k
Higanti Ng Isang Api: ThreeLingo na naman ngayon at maaga akong nagising. Nag unat ako ng aking katawan bago bumangon at nag unat ulit. subalit kaka-bangon ko lang ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. "Haaay, kulang siguro ang tulog ko," sabi ko sa aking sarili at hindi ko na pinansin ang pagkahilo ko. Agad na akong umalis sa kama at nagtungo sa mesa, pero sa paglabas ko ng aking silid ay nakita ko si Donya Gracia na nakaupo sa aming silya. Bigla akong kinabahan ng makita ko s'ya. Babalik sana ako sa loob ng aking kwarto ng agad na n'ya akong napansin kaya hindi ko na tinuloy ang nais ko."Magandang umaga po, Donya Gracia," magalang kong sabi sa kanya."Donya Gracia, saglit lang po. Paghahanda ko po kayo ng kape. Laura, ikaw na muna ang bahala kay Donya," bilin sa akin ng aking ina na tila ay tuwang-tuwa ito sa pagbisita ng aming amo sa aming tahanan."Sige po, nay," sagot ko.Akmang uupo pa sana ako sa isang silya ng agad nang nagsalita ang Donya kaya napatigil ako."Laura, wala
Ex-Wife Bad Revenge"Tinatanong kita, Laura. Buntis ka ba?!" wika ni ama na may diin sa tinig nito.Hindi ako nakasagot bagkus ay palipat-lipat lang ang aking tingin sa kanilang dalawa at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanilang dalawa. Maging ako man ay hindi ko alam kung buntis nga ba ako.Inihakbang ni ina ang kanyang mga paa palapit sa akin habang titig na titig sa aking mga mata. Gusto kong umiwas sa mga titig na iyon dahil alam kong isa akong makasalanang anak. "Nay," natatakot kong sambit. Hinawakan n'ya ang magkabilaan kong mga braso habang hindi inaalis ang kanyang mga tingin sa aking mga mata. Sa mga titig ni inay ay may kakaiba akong nadama. Para s'yang nagtatanong kung anong nangyari sa akin. Kung bakit ba ako nagkaganito. Kung saan ba s'ya nagkulang bakit ako nagkamali?. Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mga mata dahil ramdam na ramdam ko ang awa at pagmamahal ni ina sa akin sa pamamagitan lamang ng kanyang malumanay at may awa n'yang mga tingin
Chapter Five Ex-Wife Bad RevengeKasalukuyang nasa loob ng pamamahay ang mag-inang Sean at Gracia at hindi magkaintindihan ang mga ito sa kanilang pinagtatalunan."At bakit ayaw mong makasal kay Cloudia, ha, Sean?" dikit kilay na tanong ng Donya sa anak. Napa-hilamos ng sariling mukha si Sean gamit ang kanyang dalawang palad at hindi n'ya alam paano sabihin ang lahat sa ina. Tumaas naman ang isang manipis na kilay ng Donya. "Ano bang problema mo, Sean? Maganda naman si Cloudia, balingkinitan, maputi, matangkad na s'yang mga tipo mo sa mga babae. Higit sa lahat, mayaman. Galing s'ya sa mayamang pamilya na s'yang nababagay sa'yo. Hindi ko maintindihan, bakit ayaw mo sa kanya," wika ng Donya sa hindi nasisiyahang tinig. "Mama, hindi ako magiging masaya kapag si Cloudia ang pinakasalan ko," Aniya sa kanyang Ina at handa na s'yang sabihin dito ang lahat ng biglang nagsalita ang kanyang ina para tumbukin ang nilalalman ng kanyang isipan. "At kanino ka magiging masaya?" Pagalit na samb
Ex-Wife Bad Revenge Chapter Six"Sean," bigkas ko sa kanyang pangalan at ramdam na ramdam ko ang mahigpit n'yang yakap sa akin kaya pahigpit ng pahigpit din ang mga yakap ko sa kanya.Kahit na nawasak ang puso ko dahil sa kanya kaninang umaga ay bigla iyong naghilom dahil sa mga yakap n'ya sa akin ngayon. Ang mga yakap n'ya ay nagsasabing mahal n'ya ako at ganun din ako sa kanya. Mahal na mahal ko si Sean ng buong-buo sa puso ko. "Laura," muli n'yang bigkas sa aking pangalan at sa pagkakataong ito ay may ligaya na akong naririnig sa kanyang tinig. Kumalasa s'ya mula sa pagkakayakap n'ya sa akin. Tinignan n'ya ako sa mga mata ng napaka-seryoso habang ang lahat sa paligid ay pinagmamasdan lang kami. Gumuhit ang mga ngiti sa kanyang mga labi na punong-puno ng saya. "Magiging ama na ako, diba?" maligaya n'yang tanong sa akin at tumango-tango ako bilang tugon. Nasulyapan ko naman ang aking mga magulang na may saya sa kanilang mga mukha dahil sa kinikilos ni Sean ay wala itong balak n