Share

Chapter Six

Ex-Wife Bad Revenge

Chapter Six

"Sean," bigkas ko sa kanyang pangalan at ramdam na ramdam ko ang mahigpit n'yang yakap sa akin kaya pahigpit ng pahigpit din ang mga yakap ko sa kanya.

Kahit na nawasak ang puso ko dahil sa kanya kaninang umaga ay bigla iyong naghilom dahil sa mga yakap n'ya sa akin ngayon. Ang mga yakap n'ya ay nagsasabing mahal n'ya ako at ganun din ako sa kanya. Mahal na mahal ko si Sean ng buong-buo sa puso ko.

"Laura," muli n'yang bigkas sa aking pangalan at sa pagkakataong ito ay may ligaya na akong naririnig sa kanyang tinig.

Kumalasa s'ya mula sa pagkakayakap n'ya sa akin. Tinignan n'ya ako sa mga mata ng napaka-seryoso habang ang lahat sa paligid ay pinagmamasdan lang kami.

Gumuhit ang mga ngiti sa kanyang mga labi na punong-puno ng saya.

"Magiging ama na ako, diba?" maligaya n'yang tanong sa akin at tumango-tango ako bilang tugon. Nasulyapan ko naman ang aking mga magulang na may saya sa kanilang mga mukha dahil sa kinikilos ni Sean ay wala itong balak na takbuhan ako o pabayaan.

"Yes!" Hiyaw n'ya na puno ng pagkagalak at napatalon pa s'ya sa sobrang tuwa.

"Narinig n'yo iyon? Magiging ama na ako! Sa wakas, magiging tatay na ako!" patuloy n'yang hiyaw habang inisa-isang tinignan ang mga tao sa paligid na tila ay nais n'yang ipahayag sa mga ito kung gaano s'ya kasaya ngayon. At ako naman ay hindi ko maitago ang saya sa aking mga labi, naka-ngiti ako habang pinagmamasdan ang kasiyahan ng taong mahal ko.

Ibinalik n'ya ang attention n'ya sa akin at hinawakan ako sa magkabila kong balikat.

"Magkakaroon na ako ng pamilya kasama ka. Labis mo akong pinaligaya mahal ko," Aniya sa akin sabay ginawaran n'ya ako ng isang madiin at mainit na halik sa aking mga labi ng biglang binasag kami ng Donya sa mala-tigre nitong boses.

"Hindi ka magkakaroon ng pamilya kasama ang babaeng iyan, Sean!" m*****a at mabagsik nitong bigkas sa amin na ikinabura ng kasiyahan sa aming mga sarili.

Sabay kaming napatingin ni Sean sa kanyang ina. Basi sa itsura nito ay ayaw na ayaw n'yang ako ang nobya ni Sean at higit sa lahat ay ang magkaka-anak ang anak n'ya sa babaeng pobreng tulad ko.

Napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa mainit na presensya ng Donya sa amin.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Sean sa aking kamay at pinaparamdam n'ya sa akin na nasa tabi ko lang s'ya.

Kahit papaano ay kumalma ako ng kaunti.

Sinuyod ako ng mga mapang-kutyang tingin ng Donya mula ulo hanggang paa.

Mas naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak ni Sean sa aking kamay.

"Ingrata ka!" Mabagsik n'yang sambit sa akin sabay lagapak ng kanan kong pisngi sa malakas na pagkakasampal n'ya sa akin.

"Hoi, Donya Gracia! Huwag na huwag mong masaktan ang anak ko!" galit na galit na wika ni ina at malaking hakbang na lumapit s'ya sa akin at nandidilat ang kanyang mga mata para sa Donya dahil galit.

"Wala kang karapatan na sampalin ang anak ko dahil hindi ko iyan pinalaki para padapuan lang ng kamay sa'yo!" galit na dugtong ni ina. Umismid naman ang Donya at sa mga titig n'ya ay hinahamak n'ya lang ang aking ina.

"Ang tapang mo ah! Baka nakakalimutan mo na nasapapamahay ko kayo! Pwedeng-pwede kong kasuhan ang asawa mo sa pangugulo n'ya dito sa pamamahay ko at may dala pa talaga s'yang itak, ha!" sagot nito at tinatakot pa n'ya si ina.

Dinuro-duro n'ya si ina gamit ang kanyang pamaypay.

"Hoi! Huwag mong kalimutan na palamunin kita dito sa hacienda ko! Wala kayong bahay kong hindi dahil sa lupain ko at wala kayong makakain kong hindi kayo sumasamba sa pag-aari ko! Isa kayong dukha! Hampas lupa at higit sa lahat isa kayong surot! Isa kayong pamilya ng mga surot na gustong magsumiksi dito sa pamamahay ko at sa ari-arian ko para makuha n'yo ang gusto ninyo!. Ang kapal ng pagmumukha n'yo dahil ginamit n'yo pa ang anak n'yo para landiin ang anak ko!" Panlalait n'ya sa amin at sa buong pagkatao ng pamilya ko kaya hindi ko maiwasan ang umiyak at umapila.

"D-donya Gracia," nauutal kong sambit at tinapunan n'ya ako ng masamang tingin subalit nagpatuloy ako sa nais kong sabihin baka sakaling mabago ko ang iniisip n'ya.

" Hindi ko po inakit ang anak ninyo. Mahal ko si Sean at alam kong mahal n'ya rin ako, nagmamahal po kaming dalawa Donya Gracia. Alam ko pong kalabisan itong hihingin ko pero sana ay payagan n'yo po ang aming mga puso na ibigin ang isat-isa," pakiusap ko sa kanya.

"Heh!" Singhal n'ya sa akin.

"Huwag mong pangarapin na matatanggap kita. Ambisyosa ka! Anong gusto mo, pera? Kung pera ay walang problema.

Babayaran kita ng malaki," pang-iinsulto n'ya sa akin.

"Lumayo ka sa heciendang ito kasama ang batang nasa sinapupunan mo dahil wala akong apo na galing sa babaeng dukha! Isama mo na rin ang pamilya mo at lumayas kayo dito mula sa ibabaw ng lupain ko! Mga magnanakaw kayo ng yaman. Iyan lang naman ang dahilan kung bakit mo inakit ang anak ko, dahil gusto mo ng yaman naming pamilya. Pwes! Nagkakamali dahil hindi ko hahayaang mangyari iyon!" Mariin n'yang sambit sa akin na puno ng pagkasuklam.

Ang kanyang mga mata ay tila parang pinagtataga na ako sa kung saang parti ng aking katawan. Ang sakit ng mga titig n'ya, ang sakit ng mga salita n'ya.

"Loring, ang cheki!" sigaw n'ya sa kanyang katulong na agad namang inabot nito sa kanya at nagsulat ng halaga.

"Ayan!" bigkas n'ya sabay abot sa akin subalit agad na itong kinuha ng ama ko mula sa kamay ng Donya. Napangiti naman ang Donya Gracia sa ginawa ni ama at tinignan ni ama ang halaga ng cheki.

"Sampung Milyon?" wika ni ama sabay titig sa Donya. Taas kilay namang sumagot ito.

"Nasisilaw ka diba? Kaya hala! Lumayo na ka…," hindi naipagpatuloy ng Donya ang nais n'yang sabihin at muli itong nainis at lubos na nagalit ng punitin ni ama ang cheki sa mismong harapan n'ya.

"Bastos!" mabagsik n'yang singhal sa ama ko at halos pumutok na ang kanyang botse dahil sa nag uumapaw na galit sabay tapon naman ni ama ng mga pirasong papel sa pagmumukha ng Donya.

"Walang mudo!" dugtong ng Donya.

"Kung makatawag ka sa amin na hampas lupa, palamunin, dukha at kung ano-ano pa ay akala mo kung sino kang babae!" may diin na bigkas ni ama.

"Baka nakakalimutan mo Donya Gracia kung ano ka at kung sino kang babae dati? Diba isa ka lang namang hamak na magsasaka gaya namin? Isa kang tagalinis ng mga ipot ng kabayo sa kwadra noon hanggang sa inakit mo si Don Rafael na s'yang nobyo ng kapatid mo hanggang sa nabuntis ka!. Para ano? Para ikaw ang pakasalan ni Don Rafael kahit na hindi ikaw ang kanyang mahal? Huwag kami ang paratangan mo ng kasakiman, Gracia. Dahil sarili mo lang ang pinandidirihan mo," mariing dugtong ni ama habang si Donya Gracia naman ay namula sa galit habang iginagala n'ya ang kanyang paningin sa paligid. Halos matunaw s'ya sa hiya at halos pumutok na rin s'ya sa galit dahil sa ginawang pag lantad ni ama sa kanyang nakaraan.

"Nakikita mo, Sean! Ganitong mga tao ba ang gusto mong makasama? Sinisiraan nila ako sa harap ng maraming tao! Sabihin mo! Sila ba ang gusto mo?" kumbinsi n'ya sa kanyang anak at humihingi ng simpatya at kampi mula sa anak.

"Ma, stop this. Sumosobra ka na. Hindi na tama ang ginagawa mong panghahamak sa ibang tao! Maling-mali ka ma. At nais kong ipaalam sa'yo na mahal ko si Laura, kahit anong gawin mo ay hindi ko s'ya iiwanan. Magiging ama ako sa magiging anak namin at handa akong maging kabiyak niya sa ayaw man o sa gusto n'yo," wika ni Sean na kinagalak ng aking puso dahil sa nagawa niyang ipaglaban ang dukhang kagaya ko.

"So, anong gusto mong sabihin ngayon? Na iiwan mo ako dahil sa malanding babaeng iyan?! Tandaan mo ito, Sean, simula sa araw na ito ay itinatakwil na kita bilang anak ko!" pananakot at pagtataboy n'ya sa sarili n'yang anak.

"Tinatanggap ko, mama," buong determinasyong tugon ni Sean na ikinabagsak ng mga luha ng Donya at lumapit ito sa anak.

"Sean, why are you doing this to me? I'm your mother! I Am the one who gave birth to you. I'm the one who gave life to you at ngayon, iiwan mo ako ng ganito kadali dahil sa babaeng iyan?!"

Kahit konti pa lang ang readers ko dito sa GN ay lubos po akong nagpapasalamat sa mga nagbabasa po ng Ex-wife Bad Revenge. Hope you will enjoy this story po.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status