Higante Ng Isang Api"Anak, sabihin mo nga sa akin. May iniirog ka na ba?" usisang tanong ng aking ina sa akin habang nakaupo ako sa upuang kahoy at naka-ngiting nakatanaw sa malinaw na buwan. "N-nay, naman. Kita mo namang ang bata-bata ko pa. Dese otso pa lang ako nay, oh," tanggi ko sa aking ina sabay kurot n'ya ng malakas sa aking ilong."Aysos… anak ha! Dapat lang, dapat huwag ko muna mag jo-jowa. Malaki pa ang pangarap namin ng ama mo sayo. Kahit na trabahanti lang kami ng ama mo rito sa hacienda ng mga Sandro ay malaki ang pangarap namin para sa'yo. Iyan lang ang maibibigay namin sa'yo, anak. Kaya pangalagaan mo ang sarili mo para makamit mo ang mga pangarap mo. Hangat maaari ay sana, huwag ka muna mag jo-jowa," sabi sa akin ng ina. Nakonsensya naman ako dahil ang totoo ay may boyfriend na ako at lihim ko itong itinatago sa kanila. "O-opo nay, lagi ko iyang tatandaan," sagot ko na may malawak na konsensya para sa mga magulang ko. Pero batid ko na kapag nakilala na nila ang boy
Higanti Ng Isang Api-TwoPailing-iling na tumayo si Sean mula sa kanyang kinauupuan. Labag sa kanyang loob ang nais ng kanyang ina dahil ipagduduldulan na naman s'ya nito sa babae.Mayaman kasi ang pamilya ni Cloudia. Kapantay nito ang yaman nila. Kung magkakatuluyan sila ni Cloudia ay mas mapalalakas pa ang kanilang kumpanya na pagawaan ng alak. "Hoi, Sean! Ano na? Kumikilos ka na!" kumando ni Donya Gracia sa anak. "Yes mama, ito na," wika ng binata na halatang mabigat ang balikat sa pagsunod sa kanyang Ina."Ipasyal mo si Cloudia sa hacienda. Siguraduhin mong masisiyahan s'ya ah? Bumalik na lang kayo maya't-maya kapag tapos ko nang ipaluto ang paborito n'yong dalawa mga anak," anito at sumilay ang matamis na ngiti ni Cloudia sa mga labi ng tawagin sila ng Donya ng 'Mga anak' Habang si Sean naman ay hindi na ma-guhit ang mukha sa papel sa sama ng loob sa kanyang ina. Kung maka-anak kasi ito ay parang sa tuno nito na si Cloudia na talaga ang pakakasalan n'ya."Bakit hindi na lang k
Higanti Ng Isang Api: ThreeLingo na naman ngayon at maaga akong nagising. Nag unat ako ng aking katawan bago bumangon at nag unat ulit. subalit kaka-bangon ko lang ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. "Haaay, kulang siguro ang tulog ko," sabi ko sa aking sarili at hindi ko na pinansin ang pagkahilo ko. Agad na akong umalis sa kama at nagtungo sa mesa, pero sa paglabas ko ng aking silid ay nakita ko si Donya Gracia na nakaupo sa aming silya. Bigla akong kinabahan ng makita ko s'ya. Babalik sana ako sa loob ng aking kwarto ng agad na n'ya akong napansin kaya hindi ko na tinuloy ang nais ko."Magandang umaga po, Donya Gracia," magalang kong sabi sa kanya."Donya Gracia, saglit lang po. Paghahanda ko po kayo ng kape. Laura, ikaw na muna ang bahala kay Donya," bilin sa akin ng aking ina na tila ay tuwang-tuwa ito sa pagbisita ng aming amo sa aming tahanan."Sige po, nay," sagot ko.Akmang uupo pa sana ako sa isang silya ng agad nang nagsalita ang Donya kaya napatigil ako."Laura, wala
Ex-Wife Bad Revenge"Tinatanong kita, Laura. Buntis ka ba?!" wika ni ama na may diin sa tinig nito.Hindi ako nakasagot bagkus ay palipat-lipat lang ang aking tingin sa kanilang dalawa at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanilang dalawa. Maging ako man ay hindi ko alam kung buntis nga ba ako.Inihakbang ni ina ang kanyang mga paa palapit sa akin habang titig na titig sa aking mga mata. Gusto kong umiwas sa mga titig na iyon dahil alam kong isa akong makasalanang anak. "Nay," natatakot kong sambit. Hinawakan n'ya ang magkabilaan kong mga braso habang hindi inaalis ang kanyang mga tingin sa aking mga mata. Sa mga titig ni inay ay may kakaiba akong nadama. Para s'yang nagtatanong kung anong nangyari sa akin. Kung bakit ba ako nagkaganito. Kung saan ba s'ya nagkulang bakit ako nagkamali?. Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mga mata dahil ramdam na ramdam ko ang awa at pagmamahal ni ina sa akin sa pamamagitan lamang ng kanyang malumanay at may awa n'yang mga tingin
Chapter Five Ex-Wife Bad RevengeKasalukuyang nasa loob ng pamamahay ang mag-inang Sean at Gracia at hindi magkaintindihan ang mga ito sa kanilang pinagtatalunan."At bakit ayaw mong makasal kay Cloudia, ha, Sean?" dikit kilay na tanong ng Donya sa anak. Napa-hilamos ng sariling mukha si Sean gamit ang kanyang dalawang palad at hindi n'ya alam paano sabihin ang lahat sa ina. Tumaas naman ang isang manipis na kilay ng Donya. "Ano bang problema mo, Sean? Maganda naman si Cloudia, balingkinitan, maputi, matangkad na s'yang mga tipo mo sa mga babae. Higit sa lahat, mayaman. Galing s'ya sa mayamang pamilya na s'yang nababagay sa'yo. Hindi ko maintindihan, bakit ayaw mo sa kanya," wika ng Donya sa hindi nasisiyahang tinig. "Mama, hindi ako magiging masaya kapag si Cloudia ang pinakasalan ko," Aniya sa kanyang Ina at handa na s'yang sabihin dito ang lahat ng biglang nagsalita ang kanyang ina para tumbukin ang nilalalman ng kanyang isipan. "At kanino ka magiging masaya?" Pagalit na samb
Ex-Wife Bad Revenge Chapter Six"Sean," bigkas ko sa kanyang pangalan at ramdam na ramdam ko ang mahigpit n'yang yakap sa akin kaya pahigpit ng pahigpit din ang mga yakap ko sa kanya.Kahit na nawasak ang puso ko dahil sa kanya kaninang umaga ay bigla iyong naghilom dahil sa mga yakap n'ya sa akin ngayon. Ang mga yakap n'ya ay nagsasabing mahal n'ya ako at ganun din ako sa kanya. Mahal na mahal ko si Sean ng buong-buo sa puso ko. "Laura," muli n'yang bigkas sa aking pangalan at sa pagkakataong ito ay may ligaya na akong naririnig sa kanyang tinig. Kumalasa s'ya mula sa pagkakayakap n'ya sa akin. Tinignan n'ya ako sa mga mata ng napaka-seryoso habang ang lahat sa paligid ay pinagmamasdan lang kami. Gumuhit ang mga ngiti sa kanyang mga labi na punong-puno ng saya. "Magiging ama na ako, diba?" maligaya n'yang tanong sa akin at tumango-tango ako bilang tugon. Nasulyapan ko naman ang aking mga magulang na may saya sa kanilang mga mukha dahil sa kinikilos ni Sean ay wala itong balak n
Chapter Seven Ex-Wife Bad Revenge"Ma, mahal kita at ikaw nalang ang mayroon ako simula noong namatay si dad. Pero ma, magkaka-anak na ako kay Laura, magkaka-apo ka na. Are you not happy with that?" "Hindi! Hindi ako masaya, Sean! Dahil I want you to marry Cloudia. She's the one who is best for you. Kapag s'ya ang pinili mo ay maraming pwedeng mangyari sa'yo at dito sa farm natin. Matutupad na ang pangarap mo na maipalasap ang gawa mong wine sa ibang dako ng mundo," kumbinsi ng Donya sa kanyang anak na nasa tabi ko lang. Hinawakan n'ya ang mga kamay nito at tinitigan ito sa mga mata na punong-puno ng pagpapakiusap. "Son, please, I know this woman seduces you at wala kang pananagutan sa kalandian n'ya, hindi mo kailangan itali ang sàrili mo sa pagkakamaling iyan," dugtong n'ya at umiling-iling naman si Sean na hindi sumasang-ayon sa mga sinabi ng sarili n'yang Ina. "Ma, how many times I'm going to repeat this to you na hindi ako inakit ni Laura," "Oh come on son!" taas tunong wika
Chapter EightEx-Wife Bad RevengeNapa-higop ng juice si Cloudia dahil sa naituran ng matanda sa kanya at hinilot n'ya ang kanyang dalawang sintido at muling binalik ang kanyang attention sa Donya."T-tita, i- I think that plan is too much. K*lling a innocent child or unborn child is not my special tea," tutol n'ya sa nais ng Donya Gracia. "You don't have to do it, Cloudia. All you need to do is to hide this secret," muling napahigop ng juice ang dalaga bago muling nagsalita."Hide your secret? Okay. At wala akong kinalaman sa kahit anong gagawin mo, right? Malinis ang konsensya ko," paglilinaw n'ya."All you have to do is to marry my son and to make sure na tutulungan kami ng papa mo mapalago itong farm. That's all you need to do at ako na ang bahala sa mga dapat iligpit, Deal?" sambit n'ya at inilahad ang kanyang isang palad para sa dalaga at napatingin naman ito ng medyo matagal sa nakalahad na kamay ng Donya Gracia at nag isip."Is this right? Am I doing the right choice?" wika n