Share

Chapter Five

Chapter Five

Ex-Wife Bad Revenge

Kasalukuyang nasa loob ng pamamahay ang mag-inang Sean at Gracia at hindi magkaintindihan ang mga ito sa kanilang pinagtatalunan.

"At bakit ayaw mong makasal kay Cloudia, ha, Sean?" dikit kilay na tanong ng Donya sa anak. Napa-hilamos ng sariling mukha si Sean gamit ang kanyang dalawang palad at hindi n'ya alam paano sabihin ang lahat sa ina. Tumaas naman ang isang manipis na kilay ng Donya.

"Ano bang problema mo, Sean? Maganda naman si Cloudia, balingkinitan, maputi, matangkad na s'yang mga tipo mo sa mga babae. Higit sa lahat, mayaman. Galing s'ya sa mayamang pamilya na s'yang nababagay sa'yo. Hindi ko maintindihan, bakit ayaw mo sa kanya," wika ng Donya sa hindi nasisiyahang tinig.

"Mama, hindi ako magiging masaya kapag si Cloudia ang pinakasalan ko," Aniya sa kanyang Ina at handa na s'yang sabihin dito ang lahat ng biglang nagsalita ang kanyang ina para tumbukin ang nilalalman ng kanyang isipan.

"At kanino ka magiging masaya?" Pagalit na sambit ng Donya at matalim na tinitigan ang anak. Halos hindi naman makatingin si Sean sa Ina.

"Kanino ha, Sean? Kanino ka magiging masaya? Doon ba?! Sa anak ng hampas lupang trabahador lang natin dito sa hacienda?!" dugtong nito sa nangagalaiting tinig.

"Si Luara ba ang dahilan kung bakit ayaw mo sa babaeng nararapat sa'yo?!"

"Ma, mahal ko si Laura,"

"D'yos meyo santisima, Sean!" sagot ng Donya at halos atakihin na ito sa puso sa sobrang galit.

"Ayaw kong masalinan ng isang mahirap ang pamilya natin! Walang lugar sa buhay ko, maging sa buhay mo at pamamahay ko, ang isang taong anak mahirap! Uubusin lang nila ang yaman natin, Sean! Sa ayaw at sa gusto mo, si Cloudia ang pakakasalan mo!" Galit na galit nitong wika tsaka tinalikuran ang anak. Madaling hinabol naman ni Sean ang Ina at hinarangan ito dahilan upang mapatigil ito sa paglalakad.

"Ma! Si Laura ang mahal ko. At sa pagkakataong ito ay hindi ako susunod sa kagustuhan mo!' Paninindigan n'ya sa harapan ng kanyang Ina na s'yang hindi nito nagustuhan.

Akmang magsasalita pa sana ang Donya nang biglang kumakaripas ang isang kasambahay patungo sa kanila.

"Donya Gracia! Donya Gracia!" sigaw ng kasambahay habang takot na takot ang mukha nito.

"Cecil?" patanong na sambit ng Donya.

"Donya Gracia si Mang Ador po! Nasa labas!" Ulat nito at halos himatayin na sa nerbyos ang mag-edad na kasambahay.

"Nasa labas?!"

"Opo, nagwawala po s'ya sa labas at may dala pa po s'yang itak. Sinisigaw n'ya po ang pangalan ni Sir Sean," dugtong nito.

"At ang kapal naman ng hudas na iyan para mangulo dito mismong sa harap pamamahay ko!" high blood na sambit ng Donya habang si Sean naman ay kumaripas na nang takbo palabas. Sumunod na rin ang Donya kasama ang kasambahay.

Kitang-kita ko ang aking nobyo na lumabas mula sa pamamahay n'ya kasunod ang kanyang Ina at isang kasambahay.

At may iilang kasambahay na rin ang nagsisimula ng makiusisa sa gulong nilikha naming pamilya.

"Hulyo! Bakit hindi mo pa binabaril ang mapangahas na taong iyan?" dinig kong wika ng Donya sa guard sa naiiritang tinig.

Batid kong mabagsik ang Donya kaya hindi ko maiwasang matakot para sa aking sarili lalong-lalo na sa aking mga magulang.

"Madam, ayaw po makinig kahit anong pilit kong itaboy," sagot nito.

"Kaya nga! Sana p*natay mo na!" mabagsik nitong tugon.

Nagsisimula na ring mangalaita ulit si Ama matapos n'yang Makita si Sean kaya agad kong hinawakan si ama sa balikat.

"Ama, pakiusap. Umuwi na tayo, ayaw ko ng gulo," pagmamakaawang kumbinsi ko sa kanya.

"Walang uuwi hangat hindi ko nakukuha ang nais ko para sa'yo, anak." Mariin n'yang wika sa akin tsaka sumigaw.

"Sean! Hayop ka ! Siraulo ka! Panagutan mo itong anak ko!" Sigaw ni ama habang nasa labas kami ng gate habang hawak-hawak pa rin n'ya ang matalim n'yang itak.

"Panagutan?" Pag uulitin ni Sean sa narinig at tumama ang kanyang mga mata sa nanlulumo at naluluha kong mga mata.

Gusto kong sabihin sa kanya na magkaka-anak na kaming dalawa subalit hindi pwede. Hindi kami pwede kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Laura? Anong ibig -sabihin ni Mang Ador?" nagugulumihanan n'yang tanong sa akin pero nag bingi -bingihan ako. Para saan pa ang sagot ko kung ikakasal na s'ya sa iba?

"Luara! Luara!" muli n'yang sigaw sa pangalan ko at sa tinig n'ya ay gustong-gusto n'ya ng kasagutan.

Akmang bubuksan n'ya ang gate upang lapitan ako ngunit agad na nagsalita ang Donya Gracia.

"Hep!" Hudyat niya sa guard. "Hulyo! Anong ginagawa mo?! Pigilan mo si Sean! Huwag mo s'yang palabasin dahil ayaw kong madungisan ang anak ko ng mga dugong putik!"

kumando ng Donya na s'yang sinusud ng guard.

Dinoble naman ni Mang Hulyo ang luck ng gate at hinila palayo si Sean palayo sa gate. K

"Laura?! Sagutin mo ako! Laura! Mang Ador, anong ibig mong sabihin?" sigaw ni Sean habang malakas na nagpupumiglas sa guard. "Ano ba! Bitawan mo ako! Amo mo ako kaya bitawan mo ako! Ano ba! Bitawan mo ako sabi!" Sambit ni Sean.

"Buntis ang anak ko Sean! Kaya kailangan panagutan mo s'ya dahil Ikaw ang ama ng dinadala n'ya," Sigaw na Sagot ni Ama na mas iki-naluha ko at maging ang aking Ina na nanlulumo rin sa kalagayan ko.

Napamulagat naman ang mata ni Donya Gracia sa gulat at maging ang mga kasambahay. Halos hindi makapaniwala ang mga ito sa narinig mula sa bibig ng aking ama.

"Buntis ka?" mahinang tanong ni Sean habang tinitignan n'ya ako mula sa distansyang pagitan naming dalawa. Kitang-kita naman ni Sean ang hindi ko maitagong mga luha mula sa aking mga mata. Ang mga titig n'ya ay naaawa sa akin.

Ngunit ano ngayon kung buntis ako? Gayong wala akong lugar sa puso at buhay n'ya dahil ikakasal na s'ya sa iba. Sobrang sakit ng katotohanan na iyon sa akin subalit sa puntong ito ay wala akong magagawa.

"Ano ba! Sinabing bitawan mo ako!" Singhal ni Sean at malakas na binawi ang kanyang sarili mula sa gwardya nila at nagmamadaling tinungo ang gate.

"Sean! Sean!" Pigil sigaw ni Donya Gracia subalit hindi nagpatinag si Sean. Binuksan n'ya ang gate at maagap n'yang niyakap ako.

Sa pagyakap ni Sean ay ramdam ko ang pagmamahal n'ya sa akin kaya kusang naglandas ang mga kamay ko para yakapin s'ya.

"Luara," nahahabag n'yang bigkas sa pangalan ko sabay bagsak ng mga luha sa aking mga mata.

"Sean,"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status