“MA’AM? Okay ka lang ba, Ma’am?” untag ni Leon sa nakatulalang si Elvira. Bigla na lang
kasing napatulala ang babae habang kausap niya ito. At aaminin niya, matinding will power ang
ginamit niya para hindi ito yakapin at ikulong sa mga bisig niya habang nakatulala ang babae.
Matagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon na muli silang magkita kaya ngayong magkaharap silang dalawa ay ngali-ngali nang sumambulat ang pangungulila niya sa babae.
Ilang taon na ba ang lumipas mula nang huli silang magkita? Tatlo? Apat? Lima? Ah, hindi na
mahalaga. Basta ang alam niya, sobrang saya niya niya ngayon na magkaharap na ulit silang
dalawa. Humakbang siya palapit kay Elvira pero pinigilan siya nito.
“D-Diyan ka lang, Mr. Roa. Huwag kang lalapit sa ‘kin,” nagkakandabulol na sabi nito. Ramdam na ramdam niya ang tensiyon sa tinig nito.
Kung mayrooon mang isang tao sa buong mundo na higit na nakakakilala sa kanya at nakakaalam kung gaano siya kakulit ay si Elvira ‘yon. At gusto niyang patunayan sa babae na kahit na ilang taon na ang lumipas ay ito pa rin ang nag-iisang babaeng palagi niyang gustonglapitan at kulitin. Na hindi lahat ng bagay ay nababago ng panahon, katulad na lang ng anyo nito.
Napatitig siya kay Elvira sa puntong iyon. Sa nakalipas na mga taon ay ang daming babaeng nagdaan sa buhay niya pero wala pa ring papantay kay Ma’am Elvira. Taglay pa rin nito ang uring kagandahang hindi madaling kalimutan. Ang mukha kasi ni Ma’am Elvira ay parang abstract painting na lalong gumaganda habang pinagmamasdan. Sa sobrang ganda nito sa kanyang mga mata ay matinding pagpipigil ang ginawa niya upang hindi haplusin ang maliit nitong mukha. Ma’am Elvie’s eyes were the most perfect set of eyes he could ever see. Iyon pa rin ang mga matang tila isang libong lihim ang itinatago at nagagawang arukin hanggang sa pinakasulok ng kanyang pagkatao. Likas pa ring mapupula ang makikipot nitong mga labi na sa tuwina ay tila palaging handang ngumiti at bigyan ng liwanag ang kanyang mundo. Mga ngiting hindi lang yata isandaang beses niyang ipinagdasal na sana ay palagi niyang masilayan at makita. Matangos ang ilong ni Ma’am Elvie na bagay na bagay sa maliit nitong mukha. Maikli ang buhok nito ngayon. Malayong-malayo iyon sa mahaba at tuwid na tuwid nitong buhok noon. But she looks sexier with that haircut at hindi hadlang ang ilang wrinkles na nagsisimula nang lumabas sa paligid ng mga mata ni Ma’am Elvie para hindi mabuhay ang isang damdaming matagal na niyang itinatago sa kanyang puso. Isang uri ng damdamin na kay Ma’am Elvie niya lang naramdaman. Isang damdamin na ilang beses niyang ginustong ipaglaban at patunayan pero pinili nitong hindi tanggapin sa hindi niya malamang dahilan.
“’Di ba sabi ko huwag kang lalapit?” nakatingalang tanong nito sa kanya nang huminto siya isang hakbang mula rito. Kaunting-kaunti na lang at hindi niya mapipigilang hawakan kahit ang dulo lang ng buhok nito. He missed Ma’am Elvie so much. Umihip ang hangin at nagulo ang buhok ni ma’am Elvie. Ilang hibla niyon ang tumabing sa magandang mukha nito at walang karapatan ang hangin para itago at ipagdamot ang kagandahang iyon na ilang taon rin niyang kinasabikang masilayan. Bago pa niya mapigilan ang sarili ay natagpuan na niya ang sariling mga kamay na hinahawi ang buhok ni Elvira and that simple gestures bring him to life. Muli na namang humangin at sa pagkakataong iyon ay nasamyo niya ang mabining amoy ng babae and God! Handa niyang ipagpalit ang buong mundo kapalit ng natural na natural na amoy nito.
“What do you think are you doing, Mr. Del Franco? T-talaga bang hindi ka marunong makinig sa nakakatanda sa’yo? Hindi ba sabi ko ay huwag kang lalapit sa akin?” halata ang pilit na inis sa tinig nito.
He smiled at her. Simula pa noon ay kaydali siyang napapasaya ng simpleng mga irap nito. Hanggang ngayon ay matindi pa rin ang epekto sa kanya ng pagsimangot ni Ma’am Elvie at wala pa ring kupas ang katarayan nito sa pagpapakabog ng dibdib niya. “Alam mo kung gaano ako kakulit, Ma’am, ‘di ba? Kaya bakit ka nag-eexpect na susundin kita? At masama bang hawakan ka at iparamdam sa’yo na namiss kita nang sobra?”
Kitang-kita niya kung paanong napalunok ang babae kasabay ng pamumula ng magkabila nitong pisngi. And again, mukhang mabibigo na naman siyang huwag damahin ang mga pisngi nito dahil sa reaksiyon nitong ‘yon. “T-tigilan mo nga akong bata ka,” tinabig nito ang kanyang kamay at humakbang palayo sa kanya. He felt so lost the moment she stepped away from him. But when Elvie looked straight at his eyes, it’s seems that his world stopped fromrevolving. Pakiramdam niya ay binitbit siya ng tingin nitong iyon patungo sa isang napakagandang lugar kung saan silang dalawa lang ang tao. Bigla ay nawalan siya ng pakiala sa paligid dahil habang nakatingin ito sa kanyang mga mata, pakiramdam niya ang buong mundo ay nawalan ng halaga. “Look, Mr. Del Franco, hindi ka na bata, okay? Graduate ka na and I’m sure that you’ve turned your dreams into reality now kaya dapat ay kumilos ka na nang naaayon sa iyong edad.”
“You’re wrong, Ma’am. Hindi ko pa po natutupad ang pangarap ko. Ang hirap po kasing abutin n’on, eh. Masyadong mataas,” aniya na hindi iniiwaan ng tinig ang mukha nito. Kasing ganda ng isang napakaperpektong panaginip si Ma’am Elvira at ayaw niyang pumikit o iwanan man lang ito ng tingin kahit sandali dahil natatakot siyang baka kapag ginawa niya iyon ay bigla na lang itong mawala sa kanyang paningin. “At alam mo ba, Ma’am I have travelled the world. And as a pilot, I’ve been to different places pero pakiramdam ko kulang pa rin ako. Alam mo kung bakit? Kasi hindi kita kasama, and I realized that I was a fool to think that I was able to reached my dreams, because the truth is, hindi ko pa naabot ang pangarap ko at iyon ay ang makuha ang matamis mong ‘oo’,” seryoso niyang sabi.
Tila aatakihin si Ma’am Elvie sa mga narinig mula sa kanya. Hayun at hindi na maipinta ang pagmumukha nito. “Tse! Tumahimik ka. Hanggang ngayon para ka pa ring baliw kung magsasalita.”
“Baliw nga po ako, Ma’am,” aniya. Inisang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa. Kaagad niyang kinuha ang kamay ni Ma’am Elvie nang akma na naman itong uurong at bago pa ito makapiglas ay ginawa na niya ang kanina pa ipinaguutos ng kanyang puso. Kinabig niya si Ma’am Elvie at ikinulong sa kanyang mga bisig. Wala siyang pakialam kung maramdaman man nito na halos kumawala na ang puso niya mula sa kanyang ribcage dahil sa sobrang kaba at saya. Basta ang alam niya, kailangan niya itong yakapin dahil iyon lamang ang paraang naiisip niya para ibsan ang pangungulila niya rito. At hindi siya nagkamali. Kaagad na nawala ang pangungulila niya nang maramdaman niya ang mainit nitong katawan. At sa mga bisig ni Ma’am Elvie, parang natagpuan niya ang tamang lugar niya sa mundo at iyon ay ang tumayo sa malapit rito at yakapin ito. “Baliw na baliw ako sa inyo, Ma’am,” bulong niya sa bumbunan nito. Naramdaman niyang nanigas si Elivira sa kinatatayuan nito. And that was the time when his mind decided to reminisce the past. Ibinalik siya ng yakap ni Elvie sa bahagi ng buhay niya kung saan ito ang nagsisilbing lihim na tagapagpasaya niya…
MALAYO pa lang ay natatanaw na ni Leon ang pag-indayog ng mga balakang ni Ma’am Elvira habang naglalakad ito. Its funny how that hips looked so naturally beautiful while moving. Pakiwari niya ay isang malaking dancefloor ang schoolground sa tuwing nakikita niya si Ma’am Elvie na naglalakad nang ganoon. And that hips never failed to drive him crazy, pakiramdam niya ay sumasabay ang bilis ng tibok ng puso niya sa bawat hakbang na ginagawa nito. Dahil lumulutang ang isip habang nagdadrive ng kanyang Ducatti ay hindi niya namalayan ang isang malaking bato na nakaharang sa daraanan niya. Huli na nang mapansin niya iyon kaya nabuwal siya. Dinig na dinig niya ang malakas na tilian ng mga babaeng nakakita sa eksenang iyon.
Mabilis siyang kumilos at itinayo ang nagasgasang mutor. Nakaramdam siya ng matinding
panghihinayang matapos niyang maitayo ang sasakyan, pero hindi siya nanghihinayang habang
nakikita niya ang maraming gasgas sa kanyang mamahaling mutor. Dahil ang totoo, mas
pinanghihinayangan niya na hindi niya nakikita si Ma’am Elvie ngayon dahil pinagkaguluhan na
siya ng napakaraming babae.
Bilang isang Del Franco –na kilala bilang isa sa pinakamayamang angkan sa buong bansa –ay
sanay na sanay na siya na nakukuha ang atensiyon ng marami, lalo na ang atensiyon ng mga
kababaihan sa loob at labas ng kanilang paaralan. Hindi sa pagyayabang pero habulin siya ng
mga babae at kahit pa tumayo lang siya sa isang lugar ay hindi puwedeng hindi siya makakuha
ng atensiyon mula sa mga ito. Pero hindi niya gusto na makuha ang atensiyon ng lahat ng
babae sa kanilang paaralan dahil isang babae lang ang gusto niyang pumapansin sa kanya –si
Ma’am Elvie.
“Are you alright, Leon?” tanong ng isang babae sa kanya.
Tiningnan niya ang mukha ng babae. Maganda ito kung hindi lang sa napakakapal na
make-up na nakapahid sa mukha nito. Nakita niya na nag-aalala ito sa kanya pero hindi niya
alam kung pure ang concern na nakabalatay sa mukha nito o gusto lang nitong magpapansin sa
kanya. Karamihan kasi sa mga babaeng lumalapit sa kanya ay hindi maikakailang gusto lang na
maki-ride on sa kasikatang bitbit ng pagiging Del Franco niya kaya madalas ay hindi niya alam kung sino sa mga babaeng nakapaligid sa kanya ang talagang concern sa kanya at hindi lang basta ang pagiging Del Franco ang habol sa kanya.
He smiled. Kahit mahapdi ang kanyang braso dahil sa mga gasgas na tinamo ay ngumiti pa rin siya. Hindi ang isang simpleng aksidente ang makakapanakit sa kanya dahil manhid na siya sa sakit. Buong buhay niya nang kinayang hindi masaktan dahil sa pambabaleala sa kanya ng sarili niyang ama kaya tiwala siyang hindi na siya masasaktan sa mga simpleng aksidente lang.
And yes, may lihim siyang sama ng loob sa ama. Kung iniisip ng buong mundo na masarap maging Del Franco ay nagkakamali ito dahil hindi masayang maging siya. Lumaki siyang kapos sa pagmamahal ng mga magulang niya dahil sa halip na siya ang asikasuhin ay mas inuuna ng mga ito ang kanya-kanyang mga negosyo.. Ang kanyang ama ang kasalukuyang president ng telecommunication company na bahagi ng Del Franco Corporation, sa halip na kumustahin siya ay nakasanayan na nitong harapin ang trabaho nito. Never niya itong nakusap nang matagal dahil palagi itong nagmamadali. At sa totoo lang, lumaki siyang inggit na inggit sa mga kaklase niyang nakakasama ang ama sa mga field trip, sa loob ng mall at sa family day noong elementary siya. Ang dami-dami niyang kuwento sa ama pero isa man sa mga iyon ay hindi nito napakinggan dahil nga wala itong oras sa kanya. Ang kanyang ina naman ay palaging may gustong patunayan. Palibhasa ay hindi madaling maging asawa ng isang del Franco kaya ganoon. Buong buhay nito ay ginuguol nito sa pag-iisip ng paraan kung paano itong magiging karapat-dapat sa ama niya at nang hindi ito magtagumpay sa ilang negosyo na itinayo nito ay sumuko ito. Sinukuan nito ang pagiging isang Del Franco ang masakit lang, kasama siya sa mga bagay na isinuko nito. Iniwanan siya nito sa kanyang ama at nagpunta sa Amerika pagkatapos malugi ang isang negosyo na itinatag nito. Simula noon ay ang Yaya Melda na niya ang nag-alaga sa kanya at pakiramdam niya noon ay iniwanan na siya ng buong mundo.
Hindi isang beses lamang siyang umuwi nang umiiyak dahil inggit na inggit siya sa mga kaklase niyang buo ang pamilya. Kakatwang pinagkakaguluhan siya ng mga babae pero ang sarili niyang mga magulang ay walang interes na kumustahin man lang siya. Itanong kung okay siya, kung ano na ang mga nangyayari sa kanya at kung ano ang mga pangarap niya. Dahil dito, lumaki siyang walang direksiyon ang buhay. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang abutin o pangarapin dahil natatakot siyang magkamali. Natatakot siyang pumasok sa isang bagay tapos ay mabigo na katulad ng kanyang ina. Pero natatakot rin siyang magtagumpay at mawalan ng panahon sa maraming bagay katulad ng kanyang ama. Kaya heto siya ngayon, kumuha ng kursong pagpipiloto. Naisip niya kasi na baka kapag lumilipad na siya sakay ng eroplano at makita siya ng ama na nagbibiyahe sa himpapawid ay maisipan nitong ipagmalaki siya dahil mataas ang narating niya. O kaya naman, baka isang araw ay maging pasahero niya ang kanyang ina at marealize nito na mali palang iniwanan siya nito. Na dapat ay nanatili ito sa tabi niya kahit gaano iyon kahirap gawin.
“Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?” tanong naman ng isa pang babae. Natauhan si Leon dahil sa tanong na iyon. Mabilis siyang nagpagpag ng sarili at nakangiting hinarap ang babaeng nagtanong. “No. I’m really fine,” aniya. Kahit wala siyang magulang ay marunong naman siyang makipag-usap nang maayos dahil iyon ang turo sa kanya ni Lola Maristella –ang ina ng kanyang ama at ang babae sa likod ng tagumpay ng kanilang korporasyon. Malapit siya sa abuela dahil buhat nang magretiro ito sa pagnenegosyo ay palagi siyang inaasikaso nito. Hindi katulad ng kanyang ama ay palagi itong naglalan ng panahon sa kanya at dahil doon ay minahal niya ito ng sobra-sobra.
He was about to ride on his motorcycle when he heared a familiar voice. “Anong kaguluhan na naman ba itong ginawa mo, Mr. Del Franco?” tanong ng nasabing tinig. Base sa inis na may kalakip na pag-aalala sa timbre ng tinig na iyon ay alam na niya kung sino ang babaeng nagsalita.
Bigla siyang nagpanggap na nasasaktan nang makita niya ang paglapit ni Ma’am Elvira sa kanya. Kilala itong terror teacher pero dahil madalas niya itong nakikita na kumakain kasama ng ilang batang paslit sa tapat ng paaralan ay alam niyang mabuti itong tao. Isa pa, si Ma’am Elvira ang tanging teacher na kilala niyang sobrang dedicated sa trabaho nito. Matiyaga itong magturo at hindi napapagod na maglaan ng extra time para turuan ang mga estudyanteng nahuhuli sa klase nito. Ito rin ang tanging teacher na kilala niya na handang kalimutan ang sarili para sa kapakanan ng mga mag-aaral nito. At ang mga katangian nitong iyon ni ma’am Elvie ang dahilan kung bakit siya madalas nagpapapansin rito. Bukod kasi sa maganda ito ay ito lang ang tanging tao na palaging nagpapakita ng concern sa kanya kahit pa madalas ay naiinis ito sa kanya. Kay Ma’am Elvie niya palaging nakukuha ang atensiyon na hindi niya kailanman nakuha sa sarili niyang mga magulang.
“Ouch! Ouch!” d***g niya. Mabilis siyang lumuhod sa lupa at kunwaring apektadong-apektado sa mga gasgas niya. Ibig niyang matawa nang makita ang reaksiyon ng mga babae sa paligid, Halata kasing nagulat ang mga ito sa iginawi niya. Kanina lang kasi ay okay na okay siya tapos ay heto siya ngayon at parang nabalian ng buto kung makad***g dahil lang dumating si Ma’am Elvie. “Nabuwal po kasi ako sa mutor, ma’am at nagasgasan ako. Feeling ko po ay napilayan rin ako,” pinagbuti niya ang pag-arte sa kabila ng pagtataka ng mga taong naroon.
Inirapan siya ni Ma’am Elivie at para siyang tumama sa lotto ng hawiin nito ang mga tao sa paligid. “Tabi, tabi, tabi. Huwag kayong magpanic at bigyan n’yo ng space si Leon. Hindi makakatulong kung papanoorin n’yo lang siya at ang mabuti pa ay magsipasok na kayo sa mga klase n’yo,” pagtataboy nito sa mga estudyanteng naroon.
Pigil na pigil niya ang mapangiti. Pakiramdam niya kasi ay gusto siyang masolo nito nang mga sandaling iyon. “Anong nginingiti-ngiti mo diyan, Mr. Del Franco? Talaga bang nasasaktan ka? Bakit mukha kang nakaperfect sa exam kung makangiti ka diyan?” narinig niyang tanong nito.
Pasimple niyang ipinilig ang ulo. Wala kasi siyang kamalay-malay na na napangiti at napatulala na pala siya nang lumuhod si Ma’am Elvira sa harapan niya. “M-masakit po talaga ang braso ko,” d***g niya nang magsialis ang mga estudyante sa paligid nila.
Kaagad na kinuha ni Ma’am Elvira ang braso niyang may gasgas. Kakatwang sa halip na hapdi ay tila mahinang boltahe ng kuryente ang naramdaman niya nang hawakan siya nito. “Hindi ka kasi nag-iingat, eh. Tingnan mo, nagasgasan ka tuloy,” sabi nito habang sinusuri ang braso niya. Totoong-totoo ang concern na nakabalatay sa pagmumukha nito. Malayong-malayo ang anyo nito ngayon sa hitsura nito tuwing iinisin niya ito sa loob ng classroom.
Oo. Madalas niyang iniinis si ma’am Elvira pero hindi niya iyon ginagawa para busitin itodahil ang totoo, ginagawa lang niya iyon para magpapansin dito. Ewan ba niya, pero pagdating kay Ma’am Elvie ay nagmimistula siya isang batang palaging kulang sa pansin. Isa pa, pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi siya pinapansin nito kahit pa madalas ay nakaangil lang naman ito sa kanya.
“Kaya mo bang tumayo? Alin ba ang napilay sa’yo?” tanong nito nang bumaling sa kanya. Huling-huli siya nito sa ginagawang pagtitig dito. Tinaasan siya nito ng kilay nang magpanic siya. “Ahh…ehhh, ‘y-yong kanan ko pong paa, Ma’am,” lumilipad ang isip na sabi niya. At ang paglipad ng isip niyang iyon ay kasalanan ng kakaibang ganda nito.
Pansamantala nitong biniiwan ang braso niya upang dukutin ang panyo nito sa bulsa. Walang pag-aalinlangang itatapal nito ang puting-puting panyo nito sa duguan niyang braso nang pigilan niya ito. “N-no, Ma’am. H-huwag po,” aniya.
“Bakit?” nagtatakang tanong nito. “Don’t tell me takot ka sa sakit?”
“Hindi po. Ayaw ko lang pong magkamantsa ang panyo n’yo, Ma’am,” aniya.
Tuluyan na nitong itinapal ang panyo sa sugat niya. “Mas mahalaga ang kaligtasan mo kaisa sa panyo, Mr. Del Franco. At kahit pa araw-araw mo lang akong iniinis sa klase ko ay responsibilidad ko na tulungan ka,” inalalayan siya nito sa pagtayo. Isinampay nito ang braso niya sa balikat nito at inakay siya patungo sa clinic.
Habang naglalakad sila ay laman pa rin ng isip niya ang sinabi nito na mahalaga siya. At sa kauna-unahang pagkakataon, pakiramdam niya ay may halaga talaga siya. At masarap pala sa pakiramdam na pinahahalagahan ng iba. Habang naglalakad ay halos hindi siya humihinga.
Paano ba naman kasi, sobrang lapit ng mukha nila ni Ma’am Elvie sa isa’t isa at walang duda, mas maganda ito sa malapitan. Hindi niya alam kung dahil ba sa bagay na iyon kung bakit siya parang nakalutang sa alapaap o talagang nababaliw na siya. Hayun kasi siya at nagpapanggap na may pilay para lang mapansin ng isang babae. And never in his wildest dream niyang naisip na darating siya sa puntong magpapapansin siya ng ganoon sa isang babae.
“Huwag mo nga akong titigan diyan,” sabi ni Ma’am Elvie bago bumaling sa kanya. At dahil sobrang lapit nang mukha nila sa isa’t isa ay halos mahalikan na niya ito ngayon. Nagrigodon ang puso niya sa kaba at bago pa siya tumimbuwang dahil sa panlalambot ng mga tuhod niya habang nakahain sa harapan niya ang mapupulang mga labi nito ay bumaling na siya sa ibang direksiyon.
Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan si Ma’am? Tanong ng isang bahagi ng isip niya. Hanggang sa makarating sila sa clinic ay ang tanong na iyon ang gumugulo sa inaagiw na yata niyang isipan. Bakit ba ganoon ang takbo ng isip niya? Bakit sa dinami-rami ng babaeng puwede niyang pagnasahan ay ang teacher pa niya ang napili niya?
“LEON?!”Natauhan si Elvira nang marinig niya ang tinig ng babaeng iyon na tumawag kay Leon. Kaagad niyang itinulak palayo ang lalaki at pilit na iwinaksi ang nakakabaliw na sensasyong idinulot sa kanya ng yakap nito. And yes, Leon’s embrace was addictive. Laksa-laksang kapanatagan ang naramdaman niya nang yakapin siya nito. She felt so calm and safe inside his arms but embracing this man is like jumping on a cliff. Kakatwang nakaramdam siya nang kaligtasan sa mga bisig nito sa kabila ng katotohanang isa na yata iyon sa pinakanakakatakot na bagay na puwede niyang gawin sa tanang buhay niya.Ibinaling niya ang kanyang paningin sa babaeng nakatayo sa likuran niya. Minasdan niya ang magandang mukha ng babaeng hamak na mas bata kaisa sa kanya. Maganda ito, sopistikada, halatang mayaman at nagtataglay ng mga katangiang tiyak na hinahabol ng mga anak ni Adan. Sa totoo lang ay mukhang mabait naman ang babae kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit siya biglang nakaramdam ng inis sa lal
Maristella Del Franco’s POVSIYEMPRE, present ang lahat ng apo ni Maristella sa San Ignacio Medical Hospital. Pati kanyang mga anak ay naroon rin nang mga sandaling iyon. Mababakas ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito. Ang akala siguro ay sasama na siya kay San Pedro patungong langit. Pero hindi siya puwedeng sumama kay San Pedro. Hindi pa ito ang tamang panahon para makipag-reunion siya sa kanyang asawa na nauna nang umakyat sa langit some years ago. Kailangan niyang iayos ang buhay ng mga apo niya bago siya mamatay. “Mamita! Mabuti naman at nagising ka na,” bungad sa kanya ng apong si Daisuke. Sa lahat ng kanyang mga apo, ito ang pinaka-palikero. Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit siya isinugod sa hospital. Isang babae ang nagtungo sa kanilang bahay claiming that Daisuke had raped her.“Stay away from, Mamita, Daisuke. Baka mamaya ay atakihin pa siya sa puso dahil sa ginawa mo,” sabi ni Noah –ang pinakamabait naman sa lahat ng kanyang mga apo. Sa sobrang bait nit
Minsan, may isang babaeng virgin ang sinubok ng kapalaran.Paalala: Hindi ito kuwento ng isang transferee student na na-inlove sa famous campus heartthrob na tinitilian ng mga kababaihan."YOU have a polycystic ovary, Mrs. Singson," seryosong sabi ni Dra. Alvarez kay Elvira. Matapos ang mahigit tatlong linggo ng extended na pagkakaroon ng monthly period ay napagpasyahan na ni Elvira na komunsulta sa isang Ob.Gyne. And here she is, stunned while looking at the doctor's pretty face.Iniisip niya kung ano ang press powder na gamit ng doktora. Sobrang kinis kasi ng mukha nito at mukhang hindi uso ang pores nang ipanganak ang babae. Wala man lang bakas ng kahit na katiting na mantsa ang mukha nito, unlike her face. Sa edad na treinta'y otso ay nagsisimula nang maglabasan ang mga wrinkles niya na excited yatang ipamalita sa buong mundo na pitong taon nang lagpas sa kalendaryo ang kanyang edad. Hindi lang iyon, nakakaramdam na rin siya ng pananakit ng kanyang mga kasu-kasuan, sa kaunting pag
Ngayon pagkatapos isuko ang kanyang Bataan, ang babaeng virgin ay tila naisahan…Tandaan: Ito ay kuwento ng isang campus hearththrob na na-inlove sa teacher niyang manang."ELVIRA! Hoy, Elvie, okay ka lang ba?"Napasinghap si Elvira nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa kanya ni Ma'am Cora, isa sa mga co-teachers niya sa St. Ignatius University. Naroon sila sa faculty room nang mga sandaling iyon at nagmemerienda. Mula sa tupperware na pinaglalagyan ng kinakain niyang sapin-sapin ay umangat ang tingin niya kay Ma'am Cora. "M-may sinasabi ka ba, ma'am?" tanong niya, halatang wala siya sa sarili.Eksaheradang bumuntong-hininga si Ma'am Cora. "Ano ba ang meron sa sapin-sapin at kanina ka pa nakatunganga diyan? Masahol ka pa sa mga estudyente natin kapag may recitation, eh. You're physically present but mentally absent. Ilang araw ka nang ganyan. Bigla ka na lang napapatulala," ang sabi ni Ma'am Cora.Sino ba naman ang hindi mapapatulala sa pinagdaraanan niya? Three weeks ago ay w
"MGA KAPATID, tinawag tayo ng Diyos upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng ating mga kapatid na sina Lucas Del Franco at Charissa Sanchez."Pakiramdam ni Elvie ay minumura siya ng pari sa harapan ng altar. Naroon siya ngayon sa loob ng San Sebastian Church at kasalukuyang sinasaksihan ang pag-iisang dibdib ni Charissa Sanchez at ni Lucas Del Franco aka Mr. Polka Dots. Ayaw man niyang pumunta roon ay napilitan siyang gawin ang bagay na iyon. Mula sa San Ignacio ay lumuwas siya sa Maynila kung saan naroon ang kasalan. Papatayin siya ng tatay niya kapag umuwi siyang bigo at nag-iisa. Sinabi niya kasi sa kanyang ama na ngayong araw ay ipapakilala niya ang ama ng batang dinadala niya. Nang maisip niya ang bagay na iyon ay biglang nanariwa sa kanyang isip ang huling pag-uusap nila ng kanyang mga magulang..."Iharap mo sa akin ang lalaking nakabuntis sa'yo, Elvie," matigas na sabi ng tatay ni Elvira sa kanya habang nakaupo siya sa harapan nito sa gitna ng kanilang sala. "Hindi kita pinalaki
FIVE YEARS AGO…“MR. DEL FRANCO! MR DEL FRANCO! Bakit ka natutulog sa klase ko?” inis na tanong ni Elvira sa estudyante niyang hayun at nakayukyok sa desk nito habang natutulog at naghihilik pa. Ano ang akala nito sa subject niya? Recess? Mukha ba siyang kama kaya sa tuwing papasok siya sa classroom na iyon ay tinutulugan siya nito? “Nakakababae ka na, ha! Ilang beses ka nang natutulog sa klase ko!”Patamad na umayos ng upo ang buwisit na estudyante. Ang buhok nito ay magulo –asin sobrang gulo. Mukhang pumasok ito sa paaralan nang hindi man lang nagsusuklay. Suot angpamatay na ngiti nito ay namumungay ang mga matang tiningnan siya nito habang nakasampayang dalawang braso sa ibabaw ng sandalan ng upuan nito at ang mga paa ay nakaunat saharapan nito. Kulang na lang ay mahiga ito at ipagpatuloy ang naunsiyaming pagtulog. “Hindi konaman po kailangang malaman ang lahat ng mathematical equations na itinuturo n’yo, Ma’am. Ican be a good businessman even without learning those mind bogg

“MA’AM? Okay ka lang ba, Ma’am?” untag ni Leon sa nakatulalang si Elvira. Bigla na langkasing napatulala ang babae habang kausap niya ito. At aaminin niya, matinding will power angginamit niya para hindi ito yakapin at ikulong sa mga bisig niya habang nakatulala ang babae.Matagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon na muli silang magkita kaya ngayong magkaharap silang dalawa ay ngali-ngali nang sumambulat ang pangungulila niya sa babae.Ilang taon na ba ang lumipas mula nang huli silang magkita? Tatlo? Apat? Lima? Ah, hindi namahalaga. Basta ang alam niya, sobrang saya niya niya ngayon na magkaharap na ulit silangdalawa. Humakbang siya palapit kay Elvira pero pinigilan siya nito.“D-Diyan ka lang, Mr. Roa. Huwag kang lalapit sa ‘kin,” nagkakandabulol na sabi nito. Ramdam na ramdam niya ang tensiyon sa tinig nito.Kung mayrooon mang isang tao sa buong mundo na higit na nakakakilala sa kanya at nakakaalam kung gaano siya kakulit ay si Elvira ‘yon. At gusto niyang patunayan sa bab