Home / Romance / ESCANDALO DE SAN IGNACIO / CHAPTER TWO: Itigil Ang Kasal!

Share

CHAPTER TWO: Itigil Ang Kasal!

Author: Felicity
last update Last Updated: 2024-02-10 07:23:06

"MGA KAPATID, tinawag tayo ng Diyos upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng ating mga kapatid na sina Lucas Del Franco at Charissa Sanchez."

Pakiramdam ni Elvie ay minumura siya ng pari sa harapan ng altar. Naroon siya ngayon sa loob ng San Sebastian Church at kasalukuyang sinasaksihan ang pag-iisang dibdib ni Charissa Sanchez at ni Lucas Del Franco aka Mr. Polka Dots. Ayaw man niyang pumunta roon ay napilitan siyang gawin ang bagay na iyon. Mula sa San Ignacio ay lumuwas siya sa Maynila kung saan naroon ang kasalan. Papatayin siya ng tatay niya kapag umuwi siyang bigo at nag-iisa. Sinabi niya kasi sa kanyang ama na ngayong araw ay ipapakilala niya ang ama ng batang dinadala niya. Nang maisip niya ang bagay na iyon ay biglang nanariwa sa kanyang isip ang huling pag-uusap nila ng kanyang mga magulang...

"Iharap mo sa akin ang lalaking nakabuntis sa'yo, Elvie," matigas na sabi ng tatay ni Elvira sa kanya habang nakaupo siya sa harapan nito sa gitna ng kanilang sala. "Hindi kita pinalaki para lang hayaan mo ang sarili mo na mabuntis at takbuhan ng isang lalaki." ang sabi pa nito.

Magulo ang isip na tumingin siya rito. Litong-lito na siya. Paano ba niyang sasabihin rito na ikakasal na ang tatay ng magiging anak niya? At paano niya ring sasabihin sa mga ito na ang batang iyon ay bunga ng katangahan niya? "P-pero 'tay..."

"Wala nang pero-pero," putol nito sa litanya niya. "Iharap mo sa akin ang lalaking nakabuntis sa'yo," tigas na sabi nito.

Tumingin siya sa kanyang ina para humingi ng saklolo. Pero ang nanay niya, bumaling sa ibang direksiyon. Takot rin ito sa tatay niya kaya ganoon. At sa mga ganoong pagkakataon, alam ni Elvie na wala na siyang magagawa pa kung hindi ang sundin ang gusto nito.

Ni hindi niya puwedeng sabihin rito ang dahilan ng pagkabuntis niya. Alam niyang hindi siya maiintindihan ng mga ito. Isa pa, siya ang may kasalanan ng lahat ng iyon kaya alam niyang wala siyang karapatan na magreklamo. Ang tanong lang, paano niya ihaharap si Lucas Del Franco sa mga ito?...

Mabilis na pinahid ni Elvira ang mga luhang nagsisimula na palang umalpas sa kanyang mga mata. Minasdan niya ang sarili, nakasuot siya ng isang maternity dress at naglagay siya ng unan sa loob ng kanyang damit. Ngayong araw, isa siyang babaeng buntis na balak takbuhan ng lalaking nakabuntis sa kanya. Sa totoo lang ay nahirapan siyang makapasok sa loob ng simbahan. Guwadiyado kasi ang lugar na iyon ng napakaraming bantay. Kinailangan pa niyang magpanggap na isa sa mga president ng fans club ni Charissa para lamang makapasok doon.Kagabi ay nagresearch siya tungkol sa mga fans club ni Charissa Sanchez at gamit ang ilang impormasyon tungkol sa isa sa mga fans club nito ay nagtungo siya sa simbahang iyon. Mabuti na lang at bukas ang kasalan sa mga fans ni Charissa kaya madali siyang nakapasok.

Kailangan niyang mapilit si Lucas Del Franco na sumama sa kanya sa kanilang bahay at panagutan siya, kung hindi ay malamang na pugutan siya ng ulo ng tatay niya.

"Mayroon bang tutol sa kasalang ito? Kung mayroon, tumayo ka o kung hindi naman ay habang buhay ka nang mamuhay sa katahimikan," tanong ng pari.

Napatigil si Elvira sa pag-iisip. Tumingin siya sa harapan ng simbahan kung nasaan ngayon si Lucas Del Franco. Napakarangya ng kasalang iyon. Bongga ang ayos ng simbahan at halatang mayayaman ang mga bisita. Nakaupo siya sa gitnang bahagi ng simbahan kaya mula doon ay kitang-kita niya ang ilang bigating tao na naroon para saksihan ang kasalang iyon. Ang kasalang balak niyang tutulan. Kung sabagay, ano ba naman ang aasahan niya samantalang sila Lucas lang naman ang may ari ng buong San Ignacio.

May karapatan naman siya na tumutol sa kasalang iyon dahil dinadala niya ang anak ni Lucas Del Franco. At sa ayaw man niya o sa gusto, kailangan niyang ipaalam sa buong mundo na may isang siya na mas karapat-dapat na mapakasalan ni Lucas.

Taas noo siyang tumayo. Nanginginig ang kanyang mga tuhod, at mas lalo lamang iyong nanginig nang tumingin sa kanya ang napakaraming tao. Halatang nagulat ang mga ito pero hindi niya pinansin ang mga ito. Kailangan niyang galingan ang pagtutol dahil nakataya sa eksenang iyon ang kanyang pamilya, ang kanyang future at ang kanyang trabaho. Malamang na pagkatapos ng kasalang iyon at ng pagtutol na gagawin niya ay wala na siyang babalikang trabaho.

Deretso ang mga mata, tiningnan niya si Lucas. Halatang nagulat rin ito nang makita siya roon. She was about to speak when suddenly, ten more girls stood up. At ang mas matindi, isa sa mga babaeng iyon ay nasa gitna na ng simbahan at may kabuntot na kabaong. Nakasuot ito ng itim na bestida, itim na belo at may hawak na picture ni Lucas.

"Lucas Del Franco, you belong to hell... you bastard! Heartbreaker! Asshole!" malakas na sigaw ng babae na umalingawngaw sa loob ng simbahan. Narinig pa nila ang pagpagasgas ng mga pakpak ng mga ibon nang magsiliparan palabas ang mga iyon.

Nalunok niya ang linyang pinraktis niya kagabi. Sabay-sabay na napasinghap ang mga bisita. Maging siya ay nagulat at biglang naguluhan. Ano ang nangyayari? Bakit may ganoon? "N-no!" malakas niyang sigaw. "Ako ang may karapatan kay Lucas. Dinadala ko ang anak niya sa aking sinapupunan," hindi siya dapat magpahuli. Kailangan niyang i-uwi si Lucas at gagawin niya iyon, by hook or by crook!

Biglang nagkagulo ang iba pang mga babaeng nakatayo. Lahat ay tumututol. Ibig sabihin? Nanlaki ang mga mata ni Elvira sa tinatakbo ng isip. Ibig sabihin ay hindi lang siya ang nabiktima ni Lucas?! Oh, my! Maiihi yata siya sa katotohanang iyon.

Tumayo ang isang matanda sa bandang kanan. Kung hindi siya nagkakamali ay si Donya Maristella Del Franco ang matanda. Kilalang-kilala ito sa buong bayan nila.

"A-ano ang ibig sabihin nito, Lucas?" Humawak ang matanda sa dibdib.

"L-lola—"

Nagsigawan ang mga tao nang mabaliktad ang matanda. Nagsimula na ang kaguluhan sa simbahan. Tumakbo si Charissa Sanchez pababa ng altar, malamang na para lumabas dahil ikamamatay nito ang kahihiyan.

Gusto pa niyang maawa sa babae lalo na nang tapakan ng babaeng naka-itim ang suot nitong belo dahilan para madapa ito. Pero higit kanino man, mas gusto niyang maawa sa sarili. Paano ba niyang isinuko ang Bataan sa isang lalaking gusto yatang sakupin pati ang Papua New Guinea. Lintik na Lucas 'yan! Hindi pa nasiyahan sa kanyang Bataan at sa Dambana ng Kagitingan!

Iyon na yata ang pinakamagulong kasalang napuntahan ni Elvira sa tanang buhay niya. May isang groom na hinahabol ng labing-isang babae at may isang matanda ang bigla na lang pinagkaguluhan matapos himatayin. Biglang nagpanic si Elvira nang magsilapit sa kanya ang mga guwardiya.

"Sumama ka sa amin, Miss," ang sabi ng isa sa mga ito.

Pagkalito, inis, galit, tampo at kung ano-ano pang emosyon ang nabuhay sa kanyang sistema. Ano ba iyong napasok niya? At bakit ba nitong mga huling araw ay puro problema ang kinakaharap niya? Una, nalaman niyang kailangan na niyang magmadali sa pag-aasawa dahil hindi raw healthy ang matris niya at baka mahirapan pa siyang magkaanak. God! Gusto niyang maging ina, gusto niyang makaranas ng breastfeeding, ng ceasarian section at ng kung ano-ano pa. Pero ngayong buntis na yata siya ay saka naman niya malalaman na ang ama ng batang dinadala niya ay si Lucas. Si Lucas na ang dami palang nilokong babae. At heto siya ngayon, akmang bibitbitin ng mga guwardiya at malamang ay para itapon sa labas ng simbahan. Paglabas niya roon, alam niya, goodbye teaching na ang peg niya at kung mamalasin siya, baka itakwil pa siya ng kanyang pamilya.

"Bitawan n'yo ko. Nasasaktan ako!" sikmat niya. Kailangan niyang iuwi si Lucas Del Franco. "Kapag nalaglag ang baby ko kayo ang mananag..."

Hindi na niya naituloy pa ang kanyang linya dahil nahulog na ang unan sa loob ng damit niya. Nanlaki ang mga mata niya, ganoon din ang mga guwardiya. Ang mga taong nanonood sa kanila ay para bang binilangan ng tatlo at sabay-sabay na napasinghap.

"Oh, what a miscarriage!" halatang nagulat na sabi ng isang babae sa kanyang tabi.

Iyon na yata ang sukdulan ng kanyang kahihiyan. At kasalanan niya iyon. Dapat ay hindi na siya nagpunta roon. Pero siyempre may kasalanan rin si Lucas. Kung hindi nito sinamantala ang kalasingan niya ay hindi siya mabubuntis. Pero hindi niya sinisisi ang baby! Love na love niya si baby kaya ayaw niya itong ituring na kasalanan o pagkakamali.

Pulang-pula ang kanyang mukha sa kahihiyan. Kasalukuyan na siyang hinihila ng mga guwadiya palabas sa simbahan ng may isang tinig ang kanilang narinig mula sa kung saan.

"Let go of her," anang baritonong tinig.

Mabilis siyang binitiwan ng mga guwardiya. Parang hari ang nag-utos, dahil ang sinabi at inutos nito ay hindi nabali. She composed herself, kailangan niyang magpasalamat sa hari. Inilibot niya ang paningin upang hanapin ang nagsalita.

Nang mapabaling siya sa kanyang kaliwa ay nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa gitna ng karamihan. At nagkakamali pala siya sa pag-iisip na isa itong hari. Dahil nang mga sandaling iyon, ang lalaking kanyang nakikita ay mukhang prinsipe. Matangkad ito at kung hindi siya nagkakamali ay six feet beyond ang height nito. Maganda ang pangangatawan nito dahil hakab na hakab sa katawan nito ang suot na barong. Chinito ang lalaki, hindi niya gusto ang mga chinito pero nang mga sandaling iyon, habang nakatitig siya sa magagandang mga mata ng lalaki, hala! Bigla ay tila gusto na niya ang mga singkit. Matangos ang ilong lalaki na bagay na bagay sa maninipis nitong mga labi. Halatang likas na mapupula ang iyon na bumagay naman sa makinis at maputi nitong kulay. Maayos ang gupit ng lalaki, mukha itong mabango kahit pa pawisan ito dahil malamang sa kaguluhan. May pagkapangahan ang lalaki na siyang nagbibigay ng lalaking-lalaking anyo rito.

Wait. May kahawig ang lalaki. Sandali siyang nag-isip.

"Jeron Teng!" anas niya nang makalapit sa kanya ang lalaki. Seryoso ang anyo nito pero parang nagulat na nakikita siya roon ngayon. Teka. Hindi yata ito si Jeron Teng. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon, kung saan ay hindi niya alam. Pero nagkita na sila noon at sigurado siya sa bagay na iyon. Huminto ang lalaki sa kanyang harapan. Tumitig ito sa kanyang mukha at kamuntikan na niyang hawakan ang garter ng panty niya. Makalaglag-panty kasi ang kaguwapuhan ng lalaki.

She was about to say something when someone bump her on her back. At dahil namamangha siya sa lalaking nasa harapan ay hindi niya napigilan ang sarili. Natapilok siya at malakas na napatili nang masubsob siya sa dibdib ng lalaki. Napapikit siya nang masamyo niya ang mabangong amoy ng malapad at matatag na dibdib nito. Maling-mali pala siya noon nang isipin niyang si Lucas ang nagtataglay ng pinakamabangong dibdib na nasamyo niya sa tanang buhay niya. Dahil walang-wala ang dibdib ni Lucas kung ikukumpara iyon dibdib ng lalaking nasa kanyang harapan ngayon.

Noong gabi na nakilala niya si Lucas, hindi niya itatangging naramdaman niya iyong pakiramdam na madalas ay sa mga libro niya lang nababasa. Iyong tila may mga paro-parong naglalaro sa ibabaw ng sikmura niya. Pero ngayong halos magkayakap sila ng lalaking kahawig ni Jeron Teng? Hala! Pakiramdam niya ay hindi lang mga paro-paro ang naglalaro sa sikmura niya. Dahil nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ang isang buong zoo ay nakapatong sa sikmura niya. Pakiramdam niya kasi ay may mga naghahabulan roong lion, giraffe, elepante at kung ano-ano pa.

Iniangat niya ang kanyang paningin. At halos magtubig ang abnormal niyang matris nang salubungin siya ng guwapong mukha ng lalaki. Pakiramdam niya ay sobrang liit niya nang mga sandaling iyon. Nakayuko ang lalaki sa kanya at titig na titig sa kanyang mukha. Sa mga titig nito, pakiramdam niya ay wala siyang wrinkles na dala ng katanddan. Feeling niya ay ang ganda-ganda niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Seryoso at namamangha ang anyo ng lalaki pero sapat na iyon para magwala ang kanyang puso sa loob ng dibdib niya. Mistula siya sinapian ng isang teen ager na biglang niyakap ng ultimate crush nito nang mga sandaling iyon.

Then the man smiled! Her body trembled for an instance. Sa ganda ng ngiti ng lalaki, pakiramdam niya ay nagpatong ang kanyang puso at atay. Nagkabuhol-buhol yata ang mga lamang loob niya. "W-who are you?" nabubulol na tanong niya. Pakiramdam niya ay lumipat sa loob ng bibig niya ang kanyang esophagus habang minamasdan niya ang magandang ngiti nito.

"It's me, Ma'am. Leon Del Franco," sabi ng lalaki.

At dahil napakalapit nang mga mukha nila sa isa't isa ay nagkaroon siya ng pagkakataon na masamyo ang mabango at mainit nitong hininga. Anak ng tokwa! Iyon yata ang kahinaan niya. Halos maliyo kasi siya nang may napakatinding kilabot ang gumapang sa gulugod niya.

Kumunot ang kanyang noo. "L-Leon Del Franco?" kinakabahang pag-ulit niya sa pangalang sinabi nito. May nabubuo nang ideya sa kanyang isipan tungkol sa pagkatao ng lalaking ito. Minsan sa buhay niya ay may nakilala siyang isang Leon Del Franco, at kailanman ay hindi na niya gusto pang makita ang lalaking iyon dahil...dahil...secret.

Kumilos ang lalaki at buong pagsuyong hinimas ang noo niya. Hinaplos nito ang pagkakakunot niyon and sworn to God! Nabuhay yata ang bawat himaymay ng kanyang katawan.

"Ako iyong estudyante n'yong pasaway noon, Ma'am," sabi nito.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Nahulog ang kanyang mga panga at hindi siya makahuma. "No! This must be a joke!" tili ng isang bahagi ng isip niya.

Kasabay nang pagbaha ng mga ala-ala sa kanyang gunita ay ang sabay-sabay na pagsalimbayan ng halo-halong emosyon sa kanyang sistema, iyon ay matapos siyang biglang yakapin ni Leon nang sobrang higpit. Her heart skipped a beat when realization came to her system. May nagbago sa kanya! May binuhay na kakaiba at kakatwang emosyon ang lalaki sa kanyang sistema...

Itinulak niya ang lalaki. Mali iyon. Maling yakapin niya ito at mas lalong mali ang attraction nararamdaman niya rito. Alam niyang hindi siya dapat magpadala sa lahat ng damdaming binubuhay nito sa kanyang sistema dahil...dahil hindi siya cougar at mas lalong wala siyang balak na pumatol sa dati niyang estudyante!

"What's the matter, Ma'am?" kunot-noong tanong ni Leon. Disappointment was now written upon her face. Mukha itong batang ninakawan ng candy kung titingnan ang histura nito ngayon. "Mas guwapo na ako ngayon, successful at mas may kaya nang patunayan. Hindi ba iyon ang gusto mo noon? Ang magtapos ako ng pag-aaral at maging successful sa buhay? Ngayon ma'am, puwede na ba kitang ligawan?"

Nalaglag ang kanyang mga panga. At bago pa niya mapigilan ay natagpuan niya na lang ang sariling isip na bumabalik sa nakaraan...

Related chapters

  • ESCANDALO DE SAN IGNACIO   CHAPTER THREE: Elvie Meets Leon

    FIVE YEARS AGO…“MR. DEL FRANCO! MR DEL FRANCO! Bakit ka natutulog sa klase ko?” inis na tanong ni Elvira sa estudyante niyang hayun at nakayukyok sa desk nito habang natutulog at naghihilik pa. Ano ang akala nito sa subject niya? Recess? Mukha ba siyang kama kaya sa tuwing papasok siya sa classroom na iyon ay tinutulugan siya nito? “Nakakababae ka na, ha! Ilang beses ka nang natutulog sa klase ko!”Patamad na umayos ng upo ang buwisit na estudyante. Ang buhok nito ay magulo –asin sobrang gulo. Mukhang pumasok ito sa paaralan nang hindi man lang nagsusuklay. Suot angpamatay na ngiti nito ay namumungay ang mga matang tiningnan siya nito habang nakasampayang dalawang braso sa ibabaw ng sandalan ng upuan nito at ang mga paa ay nakaunat saharapan nito. Kulang na lang ay mahiga ito at ipagpatuloy ang naunsiyaming pagtulog. “Hindi konaman po kailangang malaman ang lahat ng mathematical equations na itinuturo n’yo, Ma’am. Ican be a good businessman even without learning those mind bogg

    Last Updated : 2024-02-12
  • ESCANDALO DE SAN IGNACIO   CHAPTER FOUR: First Love Never Die

    “MA’AM? Okay ka lang ba, Ma’am?” untag ni Leon sa nakatulalang si Elvira. Bigla na langkasing napatulala ang babae habang kausap niya ito. At aaminin niya, matinding will power angginamit niya para hindi ito yakapin at ikulong sa mga bisig niya habang nakatulala ang babae.Matagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon na muli silang magkita kaya ngayong magkaharap silang dalawa ay ngali-ngali nang sumambulat ang pangungulila niya sa babae.Ilang taon na ba ang lumipas mula nang huli silang magkita? Tatlo? Apat? Lima? Ah, hindi namahalaga. Basta ang alam niya, sobrang saya niya niya ngayon na magkaharap na ulit silangdalawa. Humakbang siya palapit kay Elvira pero pinigilan siya nito.“D-Diyan ka lang, Mr. Roa. Huwag kang lalapit sa ‘kin,” nagkakandabulol na sabi nito. Ramdam na ramdam niya ang tensiyon sa tinig nito.Kung mayrooon mang isang tao sa buong mundo na higit na nakakakilala sa kanya at nakakaalam kung gaano siya kakulit ay si Elvira ‘yon. At gusto niyang patunayan sa bab

    Last Updated : 2024-02-21
  • ESCANDALO DE SAN IGNACIO   CHAPTER FIVE: FALSE ALARM

    “LEON?!”Natauhan si Elvira nang marinig niya ang tinig ng babaeng iyon na tumawag kay Leon. Kaagad niyang itinulak palayo ang lalaki at pilit na iwinaksi ang nakakabaliw na sensasyong idinulot sa kanya ng yakap nito. And yes, Leon’s embrace was addictive. Laksa-laksang kapanatagan ang naramdaman niya nang yakapin siya nito. She felt so calm and safe inside his arms but embracing this man is like jumping on a cliff. Kakatwang nakaramdam siya nang kaligtasan sa mga bisig nito sa kabila ng katotohanang isa na yata iyon sa pinakanakakatakot na bagay na puwede niyang gawin sa tanang buhay niya.Ibinaling niya ang kanyang paningin sa babaeng nakatayo sa likuran niya. Minasdan niya ang magandang mukha ng babaeng hamak na mas bata kaisa sa kanya. Maganda ito, sopistikada, halatang mayaman at nagtataglay ng mga katangiang tiyak na hinahabol ng mga anak ni Adan. Sa totoo lang ay mukhang mabait naman ang babae kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit siya biglang nakaramdam ng inis sa lal

    Last Updated : 2024-02-26
  • ESCANDALO DE SAN IGNACIO   PROLOGUE 1: Scandal and Proviso

    Maristella Del Franco’s POVSIYEMPRE, present ang lahat ng apo ni Maristella sa San Ignacio Medical Hospital. Pati kanyang mga anak ay naroon rin nang mga sandaling iyon. Mababakas ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito. Ang akala siguro ay sasama na siya kay San Pedro patungong langit. Pero hindi siya puwedeng sumama kay San Pedro. Hindi pa ito ang tamang panahon para makipag-reunion siya sa kanyang asawa na nauna nang umakyat sa langit some years ago. Kailangan niyang iayos ang buhay ng mga apo niya bago siya mamatay. “Mamita! Mabuti naman at nagising ka na,” bungad sa kanya ng apong si Daisuke. Sa lahat ng kanyang mga apo, ito ang pinaka-palikero. Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit siya isinugod sa hospital. Isang babae ang nagtungo sa kanilang bahay claiming that Daisuke had raped her.“Stay away from, Mamita, Daisuke. Baka mamaya ay atakihin pa siya sa puso dahil sa ginawa mo,” sabi ni Noah –ang pinakamabait naman sa lahat ng kanyang mga apo. Sa sobrang bait nit

    Last Updated : 2024-02-09
  • ESCANDALO DE SAN IGNACIO   PROLOGUE 2: Ang Simula

    Minsan, may isang babaeng virgin ang sinubok ng kapalaran.Paalala: Hindi ito kuwento ng isang transferee student na na-inlove sa famous campus heartthrob na tinitilian ng mga kababaihan."YOU have a polycystic ovary, Mrs. Singson," seryosong sabi ni Dra. Alvarez kay Elvira. Matapos ang mahigit tatlong linggo ng extended na pagkakaroon ng monthly period ay napagpasyahan na ni Elvira na komunsulta sa isang Ob.Gyne. And here she is, stunned while looking at the doctor's pretty face.Iniisip niya kung ano ang press powder na gamit ng doktora. Sobrang kinis kasi ng mukha nito at mukhang hindi uso ang pores nang ipanganak ang babae. Wala man lang bakas ng kahit na katiting na mantsa ang mukha nito, unlike her face. Sa edad na treinta'y otso ay nagsisimula nang maglabasan ang mga wrinkles niya na excited yatang ipamalita sa buong mundo na pitong taon nang lagpas sa kalendaryo ang kanyang edad. Hindi lang iyon, nakakaramdam na rin siya ng pananakit ng kanyang mga kasu-kasuan, sa kaunting pag

    Last Updated : 2024-02-09
  • ESCANDALO DE SAN IGNACIO   CHAPTER ONE: Ang Pagbagsak ng Bataan

    Ngayon pagkatapos isuko ang kanyang Bataan, ang babaeng virgin ay tila naisahan…Tandaan: Ito ay kuwento ng isang campus hearththrob na na-inlove sa teacher niyang manang."ELVIRA! Hoy, Elvie, okay ka lang ba?"Napasinghap si Elvira nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa kanya ni Ma'am Cora, isa sa mga co-teachers niya sa St. Ignatius University. Naroon sila sa faculty room nang mga sandaling iyon at nagmemerienda. Mula sa tupperware na pinaglalagyan ng kinakain niyang sapin-sapin ay umangat ang tingin niya kay Ma'am Cora. "M-may sinasabi ka ba, ma'am?" tanong niya, halatang wala siya sa sarili.Eksaheradang bumuntong-hininga si Ma'am Cora. "Ano ba ang meron sa sapin-sapin at kanina ka pa nakatunganga diyan? Masahol ka pa sa mga estudyente natin kapag may recitation, eh. You're physically present but mentally absent. Ilang araw ka nang ganyan. Bigla ka na lang napapatulala," ang sabi ni Ma'am Cora.Sino ba naman ang hindi mapapatulala sa pinagdaraanan niya? Three weeks ago ay w

    Last Updated : 2024-02-09

Latest chapter

  • ESCANDALO DE SAN IGNACIO   CHAPTER TWO: Itigil Ang Kasal!

    "MGA KAPATID, tinawag tayo ng Diyos upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng ating mga kapatid na sina Lucas Del Franco at Charissa Sanchez."Pakiramdam ni Elvie ay minumura siya ng pari sa harapan ng altar. Naroon siya ngayon sa loob ng San Sebastian Church at kasalukuyang sinasaksihan ang pag-iisang dibdib ni Charissa Sanchez at ni Lucas Del Franco aka Mr. Polka Dots. Ayaw man niyang pumunta roon ay napilitan siyang gawin ang bagay na iyon. Mula sa San Ignacio ay lumuwas siya sa Maynila kung saan naroon ang kasalan. Papatayin siya ng tatay niya kapag umuwi siyang bigo at nag-iisa. Sinabi niya kasi sa kanyang ama na ngayong araw ay ipapakilala niya ang ama ng batang dinadala niya. Nang maisip niya ang bagay na iyon ay biglang nanariwa sa kanyang isip ang huling pag-uusap nila ng kanyang mga magulang..."Iharap mo sa akin ang lalaking nakabuntis sa'yo, Elvie," matigas na sabi ng tatay ni Elvira sa kanya habang nakaupo siya sa harapan nito sa gitna ng kanilang sala. "Hindi kita pinalaki

  • ESCANDALO DE SAN IGNACIO   CHAPTER ONE: Ang Pagbagsak ng Bataan

    Ngayon pagkatapos isuko ang kanyang Bataan, ang babaeng virgin ay tila naisahan…Tandaan: Ito ay kuwento ng isang campus hearththrob na na-inlove sa teacher niyang manang."ELVIRA! Hoy, Elvie, okay ka lang ba?"Napasinghap si Elvira nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa kanya ni Ma'am Cora, isa sa mga co-teachers niya sa St. Ignatius University. Naroon sila sa faculty room nang mga sandaling iyon at nagmemerienda. Mula sa tupperware na pinaglalagyan ng kinakain niyang sapin-sapin ay umangat ang tingin niya kay Ma'am Cora. "M-may sinasabi ka ba, ma'am?" tanong niya, halatang wala siya sa sarili.Eksaheradang bumuntong-hininga si Ma'am Cora. "Ano ba ang meron sa sapin-sapin at kanina ka pa nakatunganga diyan? Masahol ka pa sa mga estudyente natin kapag may recitation, eh. You're physically present but mentally absent. Ilang araw ka nang ganyan. Bigla ka na lang napapatulala," ang sabi ni Ma'am Cora.Sino ba naman ang hindi mapapatulala sa pinagdaraanan niya? Three weeks ago ay w

  • ESCANDALO DE SAN IGNACIO   PROLOGUE 2: Ang Simula

    Minsan, may isang babaeng virgin ang sinubok ng kapalaran.Paalala: Hindi ito kuwento ng isang transferee student na na-inlove sa famous campus heartthrob na tinitilian ng mga kababaihan."YOU have a polycystic ovary, Mrs. Singson," seryosong sabi ni Dra. Alvarez kay Elvira. Matapos ang mahigit tatlong linggo ng extended na pagkakaroon ng monthly period ay napagpasyahan na ni Elvira na komunsulta sa isang Ob.Gyne. And here she is, stunned while looking at the doctor's pretty face.Iniisip niya kung ano ang press powder na gamit ng doktora. Sobrang kinis kasi ng mukha nito at mukhang hindi uso ang pores nang ipanganak ang babae. Wala man lang bakas ng kahit na katiting na mantsa ang mukha nito, unlike her face. Sa edad na treinta'y otso ay nagsisimula nang maglabasan ang mga wrinkles niya na excited yatang ipamalita sa buong mundo na pitong taon nang lagpas sa kalendaryo ang kanyang edad. Hindi lang iyon, nakakaramdam na rin siya ng pananakit ng kanyang mga kasu-kasuan, sa kaunting pag

  • ESCANDALO DE SAN IGNACIO   PROLOGUE 1: Scandal and Proviso

    Maristella Del Franco’s POVSIYEMPRE, present ang lahat ng apo ni Maristella sa San Ignacio Medical Hospital. Pati kanyang mga anak ay naroon rin nang mga sandaling iyon. Mababakas ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito. Ang akala siguro ay sasama na siya kay San Pedro patungong langit. Pero hindi siya puwedeng sumama kay San Pedro. Hindi pa ito ang tamang panahon para makipag-reunion siya sa kanyang asawa na nauna nang umakyat sa langit some years ago. Kailangan niyang iayos ang buhay ng mga apo niya bago siya mamatay. “Mamita! Mabuti naman at nagising ka na,” bungad sa kanya ng apong si Daisuke. Sa lahat ng kanyang mga apo, ito ang pinaka-palikero. Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit siya isinugod sa hospital. Isang babae ang nagtungo sa kanilang bahay claiming that Daisuke had raped her.“Stay away from, Mamita, Daisuke. Baka mamaya ay atakihin pa siya sa puso dahil sa ginawa mo,” sabi ni Noah –ang pinakamabait naman sa lahat ng kanyang mga apo. Sa sobrang bait nit

DMCA.com Protection Status