ESCANDALO DE SAN IGNACIO
SCANDAL...
BILLIONAIRES...
MARRIAGE...
Exactly seven years ago, ginulantang ng sabay-sabay na eskandalo ang bayan ng San Ignacio kung saan nadadawit ang pangalan ng mga magpipinsnag Del Franco -ang pinakamakapangyarihang angkan sa bayan ng San Ignacio.
Pagkatapos ng pitong taon, nagbabalik ang mga kababaihang dawit sa eskandalo para sa kani-kanilang mga dahilan.
Si Elvie, isang guro na may mababang tiyansa na magkaanak ang mauugnay kay Leon Del Franco na dati niyang estudyante. Isang gabi ng pagkakamali ang magbibigkis sa kanilang dalawa ngayon.
Si Miracle, alipin ng amnesia at madilim na nakaraan ang napilitang magpakasal kay Noah Del Franco -ang kakambal ng namayapa niyang kasintahan.
Si Elaine, isang babaeng nakatakdang magmadre ang nagpakasal kay Kristian Del Franco Lagman na kilalang kasintahan ng anak ng pangulo ng Pilipinas.
At si Misha, ang babaeng lumisan sa San Ignacio pagkatapos mawasak ang puso at buhay dahil kay Daisuke Del Franco.
Ano ang mangyayari ngayong nakatakda silang magkita ng mga lalaking may utang sa kanila? Mauulit ba ang pagkakamali ng kahapon o magtatagumpay silang baguhin ang kapalaran nila ngayon.
Ito ay kuwento ng apat na babae na nagpakasal sa apat na bilyunaryo. Ano nga ba ang mas makapangyarihan, pag-ibig o kayamanan? Sino ang magtatagumpay sa huli?
Read
Chapter: CHAPTER FIVE: FALSE ALARM“LEON?!”Natauhan si Elvira nang marinig niya ang tinig ng babaeng iyon na tumawag kay Leon. Kaagad niyang itinulak palayo ang lalaki at pilit na iwinaksi ang nakakabaliw na sensasyong idinulot sa kanya ng yakap nito. And yes, Leon’s embrace was addictive. Laksa-laksang kapanatagan ang naramdaman niya nang yakapin siya nito. She felt so calm and safe inside his arms but embracing this man is like jumping on a cliff. Kakatwang nakaramdam siya nang kaligtasan sa mga bisig nito sa kabila ng katotohanang isa na yata iyon sa pinakanakakatakot na bagay na puwede niyang gawin sa tanang buhay niya.Ibinaling niya ang kanyang paningin sa babaeng nakatayo sa likuran niya. Minasdan niya ang magandang mukha ng babaeng hamak na mas bata kaisa sa kanya. Maganda ito, sopistikada, halatang mayaman at nagtataglay ng mga katangiang tiyak na hinahabol ng mga anak ni Adan. Sa totoo lang ay mukhang mabait naman ang babae kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit siya biglang nakaramdam ng inis sa lal
Last Updated: 2024-02-26
Chapter: CHAPTER FOUR: First Love Never Die“MA’AM? Okay ka lang ba, Ma’am?” untag ni Leon sa nakatulalang si Elvira. Bigla na langkasing napatulala ang babae habang kausap niya ito. At aaminin niya, matinding will power angginamit niya para hindi ito yakapin at ikulong sa mga bisig niya habang nakatulala ang babae.Matagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon na muli silang magkita kaya ngayong magkaharap silang dalawa ay ngali-ngali nang sumambulat ang pangungulila niya sa babae.Ilang taon na ba ang lumipas mula nang huli silang magkita? Tatlo? Apat? Lima? Ah, hindi namahalaga. Basta ang alam niya, sobrang saya niya niya ngayon na magkaharap na ulit silangdalawa. Humakbang siya palapit kay Elvira pero pinigilan siya nito.“D-Diyan ka lang, Mr. Roa. Huwag kang lalapit sa ‘kin,” nagkakandabulol na sabi nito. Ramdam na ramdam niya ang tensiyon sa tinig nito.Kung mayrooon mang isang tao sa buong mundo na higit na nakakakilala sa kanya at nakakaalam kung gaano siya kakulit ay si Elvira ‘yon. At gusto niyang patunayan sa bab
Last Updated: 2024-02-21
Chapter: CHAPTER THREE: Elvie Meets LeonFIVE YEARS AGO…“MR. DEL FRANCO! MR DEL FRANCO! Bakit ka natutulog sa klase ko?” inis na tanong ni Elvira sa estudyante niyang hayun at nakayukyok sa desk nito habang natutulog at naghihilik pa. Ano ang akala nito sa subject niya? Recess? Mukha ba siyang kama kaya sa tuwing papasok siya sa classroom na iyon ay tinutulugan siya nito? “Nakakababae ka na, ha! Ilang beses ka nang natutulog sa klase ko!”Patamad na umayos ng upo ang buwisit na estudyante. Ang buhok nito ay magulo –asin sobrang gulo. Mukhang pumasok ito sa paaralan nang hindi man lang nagsusuklay. Suot angpamatay na ngiti nito ay namumungay ang mga matang tiningnan siya nito habang nakasampayang dalawang braso sa ibabaw ng sandalan ng upuan nito at ang mga paa ay nakaunat saharapan nito. Kulang na lang ay mahiga ito at ipagpatuloy ang naunsiyaming pagtulog. “Hindi konaman po kailangang malaman ang lahat ng mathematical equations na itinuturo n’yo, Ma’am. Ican be a good businessman even without learning those mind bogg
Last Updated: 2024-02-12
Chapter: CHAPTER TWO: Itigil Ang Kasal!"MGA KAPATID, tinawag tayo ng Diyos upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng ating mga kapatid na sina Lucas Del Franco at Charissa Sanchez."Pakiramdam ni Elvie ay minumura siya ng pari sa harapan ng altar. Naroon siya ngayon sa loob ng San Sebastian Church at kasalukuyang sinasaksihan ang pag-iisang dibdib ni Charissa Sanchez at ni Lucas Del Franco aka Mr. Polka Dots. Ayaw man niyang pumunta roon ay napilitan siyang gawin ang bagay na iyon. Mula sa San Ignacio ay lumuwas siya sa Maynila kung saan naroon ang kasalan. Papatayin siya ng tatay niya kapag umuwi siyang bigo at nag-iisa. Sinabi niya kasi sa kanyang ama na ngayong araw ay ipapakilala niya ang ama ng batang dinadala niya. Nang maisip niya ang bagay na iyon ay biglang nanariwa sa kanyang isip ang huling pag-uusap nila ng kanyang mga magulang..."Iharap mo sa akin ang lalaking nakabuntis sa'yo, Elvie," matigas na sabi ng tatay ni Elvira sa kanya habang nakaupo siya sa harapan nito sa gitna ng kanilang sala. "Hindi kita pinalaki
Last Updated: 2024-02-10
Chapter: CHAPTER ONE: Ang Pagbagsak ng BataanNgayon pagkatapos isuko ang kanyang Bataan, ang babaeng virgin ay tila naisahan…Tandaan: Ito ay kuwento ng isang campus hearththrob na na-inlove sa teacher niyang manang."ELVIRA! Hoy, Elvie, okay ka lang ba?"Napasinghap si Elvira nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa kanya ni Ma'am Cora, isa sa mga co-teachers niya sa St. Ignatius University. Naroon sila sa faculty room nang mga sandaling iyon at nagmemerienda. Mula sa tupperware na pinaglalagyan ng kinakain niyang sapin-sapin ay umangat ang tingin niya kay Ma'am Cora. "M-may sinasabi ka ba, ma'am?" tanong niya, halatang wala siya sa sarili.Eksaheradang bumuntong-hininga si Ma'am Cora. "Ano ba ang meron sa sapin-sapin at kanina ka pa nakatunganga diyan? Masahol ka pa sa mga estudyente natin kapag may recitation, eh. You're physically present but mentally absent. Ilang araw ka nang ganyan. Bigla ka na lang napapatulala," ang sabi ni Ma'am Cora.Sino ba naman ang hindi mapapatulala sa pinagdaraanan niya? Three weeks ago ay w
Last Updated: 2024-02-09
Chapter: PROLOGUE 2: Ang SimulaMinsan, may isang babaeng virgin ang sinubok ng kapalaran.Paalala: Hindi ito kuwento ng isang transferee student na na-inlove sa famous campus heartthrob na tinitilian ng mga kababaihan."YOU have a polycystic ovary, Mrs. Singson," seryosong sabi ni Dra. Alvarez kay Elvira. Matapos ang mahigit tatlong linggo ng extended na pagkakaroon ng monthly period ay napagpasyahan na ni Elvira na komunsulta sa isang Ob.Gyne. And here she is, stunned while looking at the doctor's pretty face.Iniisip niya kung ano ang press powder na gamit ng doktora. Sobrang kinis kasi ng mukha nito at mukhang hindi uso ang pores nang ipanganak ang babae. Wala man lang bakas ng kahit na katiting na mantsa ang mukha nito, unlike her face. Sa edad na treinta'y otso ay nagsisimula nang maglabasan ang mga wrinkles niya na excited yatang ipamalita sa buong mundo na pitong taon nang lagpas sa kalendaryo ang kanyang edad. Hindi lang iyon, nakakaramdam na rin siya ng pananakit ng kanyang mga kasu-kasuan, sa kaunting pag
Last Updated: 2024-02-09