Ngayon pagkatapos isuko ang kanyang Bataan, ang babaeng virgin ay tila naisahan…
Tandaan: Ito ay kuwento ng isang campus hearththrob na na-inlove sa teacher niyang manang.
"ELVIRA! Hoy, Elvie, okay ka lang ba?"
Napasinghap si Elvira nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa kanya ni Ma'am Cora, isa sa mga co-teachers niya sa St. Ignatius University. Naroon sila sa faculty room nang mga sandaling iyon at nagmemerienda. Mula sa tupperware na pinaglalagyan ng kinakain niyang sapin-sapin ay umangat ang tingin niya kay Ma'am Cora. "M-may sinasabi ka ba, ma'am?" tanong niya, halatang wala siya sa sarili.
Eksaheradang bumuntong-hininga si Ma'am Cora. "Ano ba ang meron sa sapin-sapin at kanina ka pa nakatunganga diyan? Masahol ka pa sa mga estudyente natin kapag may recitation, eh. You're physically present but mentally absent. Ilang araw ka nang ganyan. Bigla ka na lang napapatulala," ang sabi ni Ma'am Cora.
Sino ba naman ang hindi mapapatulala sa pinagdaraanan niya? Three weeks ago ay walang kahirap-hirap na isinuko niya ang Bataan sa isang lalaki na may polka dots na underwear. Siya na yata ang pinakatangang teacher sa buong universe. Imagine? She lost her virginity –na p-in-reserve niya nang thirty-eight years sa isang lalaki na ni hindi man lang niya alam kahit ang pangalan. Naturingan siyang teacher pero ilang baso lang pala ng martini ang katapat niya. "I'm okay, Ma'am Cora. May gumugulo lang sa isip ko," sagot niya.
Kahit isa sa kanyang mga kasamahan at malapit na kaibigan ay walang nakakaalam sa kanyang mga pinagdaraanan. Pinili niya kasing ilihim ang katangahang kanyang ginawa dahil ayaw niyang mabansagan bilang pinakadesperda at pinakatangang nilalang sa mundo. Isa pa, likas na malihim na tao si Elvira. Nasanay na siyang sinosolo ang lahat ng kanyang mga problema. Ang kanyang katuwiran, problema niya iyon. Siya ang nagpakatanga. At walang magagawa ang sino man tungkol sa kanyang problema kung sasabihin man niya iyon sa mga ito.
"Kung hindi lang kita matalik na kaibigan at hindi ko alam na ikaw yata ang sumapo ng lahat ng kahinhinan ni Maria Clara ay iisipin ko na na nakipag-one night stand ka kagabi," ang sabi ni Ma'am Cora.
Naibuga niya ang nginunguya niyang sapin-sapin. Natumbok ni Ma'am Cora ang kanyang pinagdaraanan. "B-bakit mo naman nasabi ang bagay na 'yan?" tanong niya. Pinilit niyang ngumiti kahit ang totoo ay mas gusto niyang ngumiwi. Nang mga sandaling iyon, narealize niyang hindi pala madaling isuko ang Bataan. Bigla ay nagmistula siya isang teenager na takot na takot mahuli ng mga magulang sa ginawang kasalanan. Ngayon niya higit na nauunawaan kung bakit may mga kabataang nagbibigti matapos makipag-sex sa boyfriend ng mga ito sa kabila ng murang edad ng mga ito. Lahat kasi ng posibleng maramdaman ng mga teenager na nakipagsex ay nararamdaman niya ngayon. Ang pagkakaiba lang, hindi siya teenager at mas lalong hindi niya boyfriend ang nagpabagsak sa Bataan!
"Ganyang-ganyan kasi ang mga hitsura ng mga kabataang kilala ko na nabuntis matapos makipag-one night stand sa boyfriend nila. You look so anxious at hindi lang iyon, madalas ay nahuhuli kita na malalim ang iniisip," lumapit sa kanya si Ma'am Cora at bumulong. "Bigla ko tuloy naalala noong gabi na naisuko ko ang virginity ko," pilyang sabi nito.
Nanlalaki ang kanyang mga mata. Hindi makapanilwang napatingin siya kay Ma'am Cora. Minasdan niyang mabuti ang mukha nito. Iniisip niya kasing ginu-good time lang siya nito. Katulad niya ay matandang dalaga rin si Ma'am Cora. "S-seryoso?" tanong niya.
Tumango si Ma'am Cora, "yup," tila walang ano mang sagot nito. Kung makapagsalita si Ma'am Cora, parang hindi sex at virginity ang usapan nila. Ang tono kasi ng pananalita nito ay parang normal na tono ng isang taong tinanong kung kumain na ang kausap nito...kaswal.
"B-bak..a-ang.. eh-... A-ang sabi mo sa akin ay 'never been kissed, never been touched ka," hindi iyon isang tanong kung hindi isang statement. Madalas kasi ay sinasabi ni Ma'am Cora na katulad niya ay NBSB rin ito at wala pang experience sa kahit na anong bagay na ginagawa ng mga magsiyota.
"Yeah, you're right. I’ve never been kissed and never been touched but I was totally exploited," bulong nito, parang proud pa.
"E-exploited?! What do you mean? Virginity ang usapan natin dito, Ma'am at hindi ang scarborough shoul," tanong niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Matagal na niyang kilala si Ma'am Cora. Kasabay niya itong natanggap bilang guro sa paaralang iyon kaya ito rin ang itinuturing niyang pinakamalapit na kaibigan sa paaralan. Alam niyang safe ang mga secrets niya rito dahil mapagkakatiwalaan ito. Malihim kasi itong tao, sa sobrang lihim, hayun nga at ngayon lang nito nabanggit sa kanya na matagal na nitong isinuko ang Bataan nito. "Naisuko mo na rin ang Bataan?" tanong niya.
Tumango si Ma'am Cora. Muli, napaka-casual ng hitsura nito. Paano nitong nagagawang makipag-usap sa kanya nang hindi man lang nagmumukhang worried kahit kaunti? Kung papakinggan si Ma'am Cora ay mukhang hindi virginity ang naiwala nito kung hindi isang pekeng alahas lang. Pakiramdam niya ay nauhaw siya sa mga sinasabi nito kaya kinuha niya ang kanyang tubig at uminom.
"Yeah. Pati Zambales at Bulacan," si Ma'am Cora.
Naibuga niya ang tubig sa tupperware na nasa kanyang harapan. Ang kaninang sapin-sapin ay mukha na ngayong kalamay dahil nagkaroon iyon ng sabaw. "What? Paanong naisuko mo yata ang buong region three nang hindi ko man lang nalalaman?" tanong niya.
"Ano ka ba? Masyado kang nagugulat diyan," sabi nito. "Sa panahon ngayon na mas uso na ang pagtambay sa mga waiting shed kaisa sa Luneta ay hindi na nakapagtatakang sumuko ang lahat ng teretoryo ng mga babaeng may siyota," sabi nito. Mabuti na lamang at sila lang ang tao sa loob ng faculty room dahil kung hindi ay baka kanina pa sila na-report sa opisina ng university director dahil sa makamundong takbo ng kanilang usapan. "Ang sex ngayon ay parang paglalaro na lang ng DOTA, attack lang ng attack. Saka ano bang palagay mo sa akin? Bato? Tinatamaan rin naman ako ng pana ni Kupido, 'no? At iyon ang dahilan kung bakit ko isinuko ang Bataan. Akala ko kapag ginawa ko iyon ay makakapag-asawa na ako. Pero ang damuhong lalaki na pinag-alayan ko ng Corregidor, hayun at piniling maghanap ng iba pang mas malawak at maluwang na teretoryo."
"Anong ibig mong sabihin?" nakaka-relate siya kay Ma'am Cora. Mukhang sa katauhan nito ay makakakita siya ng taong puwede niyang pagsabihan ng kanyang mga pinagdaraanan.
"Iniwan niya ako after niyang makuha ang lahat-lahat sa akin," sabi nito. Halatang naka-move on na si Ma'am Cora sa pangyayaring iyon. Wala man lang kasing ni katiting na lungkot sa mga mata nito. "Hindi ko na rin hinabol kasi wala sa lahi namin ang magpakatanga. Isa pa, maganda ako dati at maraming suitors kaya hindi siya kawalan. Ang kaso, sa sobrang ganda ko at sa sobrang tiwala ko sa sarili ko naging mailap sa akin ang OTGA ko."
"OTGA? Anong OTGA?"
"One That Got Away," sabi nito. "Isa pa, matapos kong isuko ang Bataan ay ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako magpapakatanga ulit. Ayaw ko nang mag-invest ng malaki just to meet the man of my dreams. Nalaman ko kasi na sa pakikipagrelasyon pala, hindi naman mahalaga kng gaano kalaki ang investments mo o ang mga bagay na kaya mong ibigay. Kasi kahit pa ano ang gawin mo, ibigay mo man ang buong mundo kung hindi ka niya mahal at hindi siya para sa'yo, hindi siya magiging sa'yo. Kaya hayun, simula noon FFL at MOMOL na lang ang peg ko," sabi ni Ma'am Cora. Sa totoo lang ay nakakamangha ang mga kuwentong sinasabi nito. Wala kasi sa hitsura nito ang may ganoong karanasan. Sa edad na forty-four ay mas mukha itong madre kaisa ang babaeng ikinukuwento nito.
"Ano naman iyong FFL at MOMOL?"
"Fling-Fling lang at saka Make-out, Make-out lang," sagot nito.
"Pero hindi ba nakakasawa ang ganoon?"
"Nakakasawa," sabi nito. Bigla ay naging malungkot ang bukas ng mukha nito. "Makinig ka, Elvie. Huwag mo akong gayahin. Tingnan mo, sa edad na forty-four ay single ako at nag-iisa sa buhay. At hindi masaya ang pinagdaraanan ko, girl. Hindi masaya na kapag inaatake ako ng arthritis ay wala man lang mag-abot ng gamot ko. Hindi rin masaya ang pakiramdam na nakikita ko ang mga kaibigan at mga kapatid ko na masasaya sa buhay nila bilang may-asawa. Bata ka pa, hindi pa huli ang lahat para sa isang babaeng nasa treinta'y otso pa lang ang edad. You have so many chances ahead of you. At kung dumating man iyong tao na gugustuhin kang mahalin at seryosohin? Go for it. Huwag mo akong gayahin. Huwag mong hayaang makatakas ang lalaking pagsusukuan mo ng Bataan and take note,isuko mo ang Bataan sa lalaking makakasama mo habang buhay," sabi nito.
Bigla ay nakaramdam siya nang kagustuhan na sabihin dito ang kanyang mga problema. Iniisip niya kasi na baka matulungan siya nito kahit paano. Isa pa, napapagod na rin siyang intindihing mag-isa ang problema niyang iyon. "Paano kung naisuko ko na ang Bataan?" tanong niya.
Mukhang hindi nagulat si Ma'am Cora. Malamang ay inaasahan na nito namarinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. "Edi ibangon mo ulit. Kung hindi mo kayag ibangon ng buo puwes, bawiin mo man lang kahit ang dambana ng kagitingan. Huwag kang pumayag na ganoon lang iyon. Huwag kang maki-uso sa MOMOL. Huwag mong hayaang walang mangyari sa pagbagsak ng Bataan, ikaw din, baka mamaya niyan matagpuan mo na lang ang sarili mo na single pa rin habang tinatanggap ang pension mo," sabi nito.
Mukhang madali lang gawin ang sinasabi nito. It sounds as easy as ABC, but it seems that her problem is like reciting the ABC starting from letter Z down to letter A. Magulo. Nakakalito at hindi niya alam kung saan siya magsisimula. "Paano kong babawiin ang Bataan kung hindi ko kilala ang lalaking nakasakop niyon?" tanong niya.
Kumunot ang noon i Ma'am Cora. "What do you mean?"
Bumuntong-hininga siya bago isinalaysay dito ang lahat ng mga nangyari sa kanila ni Mr. Polka Dots. Wala siyang itinago kahit ano. At kakatwang kahit paano ay gumaan ang kanyang loob nang mailabas niya iyon at maikuwento kay Ma'am Cora. "Ni hindi ko naitanong ang pangalan niya," pagtatapos niya sa kanyang kuwento.
"Ay, ang tanga mo," sabi ni Ma'am Cora. "Mukha ka lang palang matalino pero ang totoo magkatulad rin tayo. Pagdating sa mga lalaki, pareho tayong row four at nakaupo sa tabi ng basurahan. Bakit hindi mo itinanong ang pangalan niya? Sana hiningi mo ang number niya para kapag nagkagipitan alam mo kung saan siya pupuntahan."
"Eh, paano ko nga iyon gagawin kung lasing ako? Saka noong gabi na'yon ang dami kong iniisip. Nariyan iyong sinabi ng Ob. Gyne sa akin, iyong takot ko na hindi magkaanak at saka iyong kalasingan ko, anong magagawa ko? Feeling ko palay na ang lumapit sa manok kaya bakit tatanggi pa ako?" katuwiran niya.
"Oh, eh ano ngayon ang plano mo?" tanong ni Ma'am Cora.
Nagkibit siya ng balikat. "Ewan," alanganin niyang sagot. "Gusto ko man siyang hanapin pero hindi ko alam kung paano. Ilang beses na kasi akong nagpabalik-balik sa bar kung saan kami nagkita pero hindi na siya bumalik doon. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko, eh," aniya. Humarap siya sa t.v. sa kanilang harapan. Balak niya sanang hinaan ang volume niyon nang matigilan siya. May nakita kasi siyang pamilyar na mukha sa screen ng t.v. "Psshh," pigil niya kay Ma'am Cora nang akmang magsasalita ito.
"Welcome back mga ka-talk," bati ng babaeng host nang talk show na kanilang napapanood ngayon. "Kasama po natin ngayon ang soon-to-be- couple na sina Charissa Sanchez at Lucas Del Franco. Narito sila para sagutin ang kumakalat na tsismis na secretly engaged na silang dalawa at nakatakdang magpakasal sa darating na linggo."
Kumabog ang dibdib ni Elvira nang sa screen ng t.v. ay makita niya ang pamilyar na lalaki. Hindi siya puwedeng magkamali. Ang lalaking nakikita niya ngayon na katabi sa upuan ng artistang si Charissa Sanchez ay si..."Mr. Polka Dots?" nausal niya.
"Nasaan?" tanong ni Ma'am Cora. Nanlaki ang mga mata nito nang tahimik niyang ituro ang screen ng t.v. Kasabay nang unti-unti nitong pagbaling roon ay ang pagsagot ni Charissa Sanchez sa tila one-million peso question na iyon ng host.
"So is it true that you guys are secretly engaged and that you're getting married this weekend?"
"Yeah, it's true," masayang sagot ni Charissa Sanchez.
Naramdaman ni Elvira na nahulog sa kanya ang buong kalawakan. Ngayong hindi na siya lasing at wala nang espirito ng alak sa kanyang sistema ay narealize niya ang consequence ng malaking katangahan na kanyang nagawa. Well, naisuko niya lang naman sa isang lalaki na ubod ng guwapo, ubod ng yaman at malapit nang ikasal ang hindi niya dapat isinuko. At ngayong wala na siyang hang-over ng kalasingan ay naisip niyang napakalaki nga pala talaga ng nagawa niyang pagkakamali.
"Sigurado ka bang si Mr. Polka Dots, yan?" tanong ni Ma'am Cora. "Kung hindi ako nagkakamali ay anak si Lucas Del Franco ng kilalang business tycoon na si Ramil Del Franco. Shet! Elvie, mayaman ka na! Puwede ka nang mag-retiro pag napangasawa mo siya!"
Napabaling siya kay Ma'am Cora. "Girl, sa tingin mo maniniwala ang buong mundo sa katangahan kong ito? Tingnan mo si Lucas, guwapo, mayaman at perpekto. Tingnan mo ako, matanda, malapit nang ma-expire ang matris at higit sa lahat hindi maganda. Ano'ng laban ko kay, Charissa Sanchez? Kahit sabihin pang pare-pareho tayong taga-rito sa San Ignacio ay hindi naman maikakaila na langit at lupa ang pagitan naming ng Lucas na ‘yan.”
Gustuhin man niyang isipin na may pag-asa siyang panagutan ni Lucas Del Franco ay hindi niya magawa. Langit at lupa ang pagitan nilang dalawa. Million miles away ang angkop na theme song nila. At kahit kailan ang langit ay hindi hahalik sa lupa. Hindi rin mangayayari na panagutan siya ni Lucas Del Franco.
"Eh, anong gagawin mo?" tanong ni Ma'am Cora.
Nagkibit siya ng balikat. "Ano pa ba? Edi move-on. Parang leron-leron sinta, humanap ng iba," sabi niya.
Muli niyang ibinaling sa telebisyon ang paningin. Kung mayroon man siyang natutunan sa kanyang nagawang kamalian. Iyon ay ang katotohanang lahat nga yata ng nagmamadali ay nadudulas at nadadapa. Parang siya, sa kagustuhan na magkaanak, isang gabi ay nagpakalasing siya at nakipag-one night stand sa isang estranghero. Kaya heto siya ngayon, para siyang sasakyang tumatakbo nang paikot-ikot sa isang lugar.
"Sigurado ka na ba diyan? Talagang hindi ka maghahabol kay Lucas?" tanong ni Ma'am Cora.
"Hindi!" mabilis pa sa alas-kuwatrong sagot niya. "Saka ano bang hahabulin ko? Ako itong nagpakatanga. Ako itong gaga na nagpaakit sa kanya. At ayaw ko nang dagdagan pa ang katangahan ko," sabi niya. Tumayo siya bitbit ang tupperware, pero nang makatayo na siya ay bigla siyang nahilo. Nabigla yata siya sa pagkakatayo kaya natagpuan na lamang niya ang sariling nakadukdok sa ibabaw ng mesa habang umiikot ang paningin at tila hinahalukay ang sikmura...
PAKIRAMDAM ni Elvira ay pasan niya ang daigdig habang nakatitig siya sa sariling repleksiyon sa salamin sa kanyang harapan. May hawak siyang tatlong pregnancy kit. Dalawa sa mga iyon ay negative ang resulta. Habang ang isa ay may dalawang nagsusumigaw na dalawang pulang linya. Dapat ay masaya siya kasi mukhang matutupad na ang pangarap niyang maging ina. Buntis yata siya.
Pero hindi niya magawang magsaya.
Ano ang sasabihin niya sa mga magulang niya? Sino ang ihaharap niyang ama ng batang dinadala niya? Anak naman ng tinapa! Kung kailan hindi siya handa ay saka naman yata nagdesisyon ang kapalaran na tuparin ang matagal na niyang hinihiling. Ano ang gagawin niya sakali mang buntis nga siya. Hindi siya handa. At mas lalong hindi niya kayang maghabol sa isang lalaking ikakasal na sa iba.
"Elvie, matagal ka pa ba? Kanina ka pa diyan sa loob, ah," anang tinig ng kanyang ina sa labas ng pintuan ng kanilang banyo. "Baka naman ma-late ka na sa school. Bawal kang ma-late 'di ba?"
Tama ang nanay niya. Bawal siyang ma-late dahil mahigpit ang paaralaang pinagtatrabahuhan niya. Bawal rin sa school na iyon ang dalagang ina. At patay siyang bata siya! Kung toto mang buntis siya ay mukhang kailangan na niyang magba-bye sa trabaho niya.
Pakiramdam niya ay mas lalong bumigat ang kanyang pakiramdam dahil sa bagay na iyon. Ano ang gagawin niya sakaling magkabistuhan na? Hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho dahil siya lang ang inaasahan ng mga amgulang niya.
"Hoy, Elvie. Lumabas ka na riyan. Kanina pa ako tinatawag ni mother earth," sabi ng nanay niya.
Mabilis niyang dinampot ang mga pregnancy kit. Ibinalot niya iyon sa hawak niyang tuwalya at nagmamadaling lumabas ng banyo. Nang buksan niya ang pintuan niyon ay sinalubong siya ng kanyang ina na sapo ang puwet. Mukha ngang kanina pa ito kinukulit ng kalikasan. Sa kamamadali nilang dalawa ay nagkabungguan sila. At dahil tulala siya at magulo ang isip ay hindi sinasadyang nahulog ang tuwalyang hawak niya. Sumambulat ang mga pregnancy kit. Magkasabay silang napatingin ng kanyang ina sa mga iyon.
Kung nagulat si Elvie ay mukhang mas nagulat ang nanay niya. Nakanganga ito habang nakatingin sa pregnancy kit na may dalawang linya. Kumabog ang dibdib niya nang pukulin siya nito ng nagtatakang tingin. Nang mga sandaling iyon, naidalangin niyang sana ay mabiyak ang lupa at lamunin siya niyon.
"May kailangan ka bang sabihin sa amin, Elvie?" tanong ng nanay niya. "Sino ang ama ng bata?"
Awtomatikong tumulo ang kanyang mga luha. "Sorry p-po," umiiyak na niyakap niya ang ina.
Naramdaman niyang nanigas ang kanyang ina habang yakap niya. "Sino ang ama niyan?"
Hikbi.
"Sino ang ama!" halatang nauubos na ang pasensiya ng nanay niya.
"Si Mr. Polka Dots po," sa kalituhan ay sabi niya...
"MGA KAPATID, tinawag tayo ng Diyos upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng ating mga kapatid na sina Lucas Del Franco at Charissa Sanchez."Pakiramdam ni Elvie ay minumura siya ng pari sa harapan ng altar. Naroon siya ngayon sa loob ng San Sebastian Church at kasalukuyang sinasaksihan ang pag-iisang dibdib ni Charissa Sanchez at ni Lucas Del Franco aka Mr. Polka Dots. Ayaw man niyang pumunta roon ay napilitan siyang gawin ang bagay na iyon. Mula sa San Ignacio ay lumuwas siya sa Maynila kung saan naroon ang kasalan. Papatayin siya ng tatay niya kapag umuwi siyang bigo at nag-iisa. Sinabi niya kasi sa kanyang ama na ngayong araw ay ipapakilala niya ang ama ng batang dinadala niya. Nang maisip niya ang bagay na iyon ay biglang nanariwa sa kanyang isip ang huling pag-uusap nila ng kanyang mga magulang..."Iharap mo sa akin ang lalaking nakabuntis sa'yo, Elvie," matigas na sabi ng tatay ni Elvira sa kanya habang nakaupo siya sa harapan nito sa gitna ng kanilang sala. "Hindi kita pinalaki
FIVE YEARS AGO…“MR. DEL FRANCO! MR DEL FRANCO! Bakit ka natutulog sa klase ko?” inis na tanong ni Elvira sa estudyante niyang hayun at nakayukyok sa desk nito habang natutulog at naghihilik pa. Ano ang akala nito sa subject niya? Recess? Mukha ba siyang kama kaya sa tuwing papasok siya sa classroom na iyon ay tinutulugan siya nito? “Nakakababae ka na, ha! Ilang beses ka nang natutulog sa klase ko!”Patamad na umayos ng upo ang buwisit na estudyante. Ang buhok nito ay magulo –asin sobrang gulo. Mukhang pumasok ito sa paaralan nang hindi man lang nagsusuklay. Suot angpamatay na ngiti nito ay namumungay ang mga matang tiningnan siya nito habang nakasampayang dalawang braso sa ibabaw ng sandalan ng upuan nito at ang mga paa ay nakaunat saharapan nito. Kulang na lang ay mahiga ito at ipagpatuloy ang naunsiyaming pagtulog. “Hindi konaman po kailangang malaman ang lahat ng mathematical equations na itinuturo n’yo, Ma’am. Ican be a good businessman even without learning those mind bogg
“MA’AM? Okay ka lang ba, Ma’am?” untag ni Leon sa nakatulalang si Elvira. Bigla na langkasing napatulala ang babae habang kausap niya ito. At aaminin niya, matinding will power angginamit niya para hindi ito yakapin at ikulong sa mga bisig niya habang nakatulala ang babae.Matagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon na muli silang magkita kaya ngayong magkaharap silang dalawa ay ngali-ngali nang sumambulat ang pangungulila niya sa babae.Ilang taon na ba ang lumipas mula nang huli silang magkita? Tatlo? Apat? Lima? Ah, hindi namahalaga. Basta ang alam niya, sobrang saya niya niya ngayon na magkaharap na ulit silangdalawa. Humakbang siya palapit kay Elvira pero pinigilan siya nito.“D-Diyan ka lang, Mr. Roa. Huwag kang lalapit sa ‘kin,” nagkakandabulol na sabi nito. Ramdam na ramdam niya ang tensiyon sa tinig nito.Kung mayrooon mang isang tao sa buong mundo na higit na nakakakilala sa kanya at nakakaalam kung gaano siya kakulit ay si Elvira ‘yon. At gusto niyang patunayan sa bab
“LEON?!”Natauhan si Elvira nang marinig niya ang tinig ng babaeng iyon na tumawag kay Leon. Kaagad niyang itinulak palayo ang lalaki at pilit na iwinaksi ang nakakabaliw na sensasyong idinulot sa kanya ng yakap nito. And yes, Leon’s embrace was addictive. Laksa-laksang kapanatagan ang naramdaman niya nang yakapin siya nito. She felt so calm and safe inside his arms but embracing this man is like jumping on a cliff. Kakatwang nakaramdam siya nang kaligtasan sa mga bisig nito sa kabila ng katotohanang isa na yata iyon sa pinakanakakatakot na bagay na puwede niyang gawin sa tanang buhay niya.Ibinaling niya ang kanyang paningin sa babaeng nakatayo sa likuran niya. Minasdan niya ang magandang mukha ng babaeng hamak na mas bata kaisa sa kanya. Maganda ito, sopistikada, halatang mayaman at nagtataglay ng mga katangiang tiyak na hinahabol ng mga anak ni Adan. Sa totoo lang ay mukhang mabait naman ang babae kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit siya biglang nakaramdam ng inis sa lal
Maristella Del Franco’s POVSIYEMPRE, present ang lahat ng apo ni Maristella sa San Ignacio Medical Hospital. Pati kanyang mga anak ay naroon rin nang mga sandaling iyon. Mababakas ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito. Ang akala siguro ay sasama na siya kay San Pedro patungong langit. Pero hindi siya puwedeng sumama kay San Pedro. Hindi pa ito ang tamang panahon para makipag-reunion siya sa kanyang asawa na nauna nang umakyat sa langit some years ago. Kailangan niyang iayos ang buhay ng mga apo niya bago siya mamatay. “Mamita! Mabuti naman at nagising ka na,” bungad sa kanya ng apong si Daisuke. Sa lahat ng kanyang mga apo, ito ang pinaka-palikero. Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit siya isinugod sa hospital. Isang babae ang nagtungo sa kanilang bahay claiming that Daisuke had raped her.“Stay away from, Mamita, Daisuke. Baka mamaya ay atakihin pa siya sa puso dahil sa ginawa mo,” sabi ni Noah –ang pinakamabait naman sa lahat ng kanyang mga apo. Sa sobrang bait nit
Minsan, may isang babaeng virgin ang sinubok ng kapalaran.Paalala: Hindi ito kuwento ng isang transferee student na na-inlove sa famous campus heartthrob na tinitilian ng mga kababaihan."YOU have a polycystic ovary, Mrs. Singson," seryosong sabi ni Dra. Alvarez kay Elvira. Matapos ang mahigit tatlong linggo ng extended na pagkakaroon ng monthly period ay napagpasyahan na ni Elvira na komunsulta sa isang Ob.Gyne. And here she is, stunned while looking at the doctor's pretty face.Iniisip niya kung ano ang press powder na gamit ng doktora. Sobrang kinis kasi ng mukha nito at mukhang hindi uso ang pores nang ipanganak ang babae. Wala man lang bakas ng kahit na katiting na mantsa ang mukha nito, unlike her face. Sa edad na treinta'y otso ay nagsisimula nang maglabasan ang mga wrinkles niya na excited yatang ipamalita sa buong mundo na pitong taon nang lagpas sa kalendaryo ang kanyang edad. Hindi lang iyon, nakakaramdam na rin siya ng pananakit ng kanyang mga kasu-kasuan, sa kaunting pag

Ngayon pagkatapos isuko ang kanyang Bataan, ang babaeng virgin ay tila naisahan…Tandaan: Ito ay kuwento ng isang campus hearththrob na na-inlove sa teacher niyang manang."ELVIRA! Hoy, Elvie, okay ka lang ba?"Napasinghap si Elvira nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa kanya ni Ma'am Cora, isa sa mga co-teachers niya sa St. Ignatius University. Naroon sila sa faculty room nang mga sandaling iyon at nagmemerienda. Mula sa tupperware na pinaglalagyan ng kinakain niyang sapin-sapin ay umangat ang tingin niya kay Ma'am Cora. "M-may sinasabi ka ba, ma'am?" tanong niya, halatang wala siya sa sarili.Eksaheradang bumuntong-hininga si Ma'am Cora. "Ano ba ang meron sa sapin-sapin at kanina ka pa nakatunganga diyan? Masahol ka pa sa mga estudyente natin kapag may recitation, eh. You're physically present but mentally absent. Ilang araw ka nang ganyan. Bigla ka na lang napapatulala," ang sabi ni Ma'am Cora.Sino ba naman ang hindi mapapatulala sa pinagdaraanan niya? Three weeks ago ay w